Chapter 1
Naglalakad ako kasama ang room mate kong si Nicolas ng mabungo ko ang isang lalaki at natumba ako ng bahagya.
"aray hindi ka ba tumitingin sa daan?"
Tumingin ako sa nabungo kong tao, nagulat ako sakanya muka syang nakakatakot na villain sa isang palabas ng mga heroes.
Ang laki nya, mga nasa 5'9 siguro yung height nya at ang taba nya pa muka syang damulag ako naman ay isang nobita sakanya.
"sorry hindi ko sinasadya" sabi ko habang inaayos ko ang pagtayo ko.
"next time titingin ka sa dinadaanan mo ha!" tapos tinulak nya yung balikat ko..
Nakabow yung head ko ng sinabi nya sakin yan ayoko kasi magkagulo o maupakan ng isang to dahil ang laki ng katawan nya
alam kong wala akong panama sakanya, tsk! Kahit kelan talaga napakaduwag ko.
He left me standing here na wala na akong nasabi naglakad nalang uli ako at nagsalita si Nicolas..
"sorry dude kung hindi kita natulungan sakanya ha kilala kasing siga yan dito eh maraming natatakot dun sa damulag na yun"
"ok lang yun" sabi ko naman habang humahawak ako sa strap ng bag ko.
Nakarating na rin kami sa aming silid aralan at pumasok na kami duon, tabi kami dahil sya pa lang ang kakilala ko sa mga
classmates ko dito. Isang linggo palang naman kasi ang klase kaya hindi ko pa kilala ang iba sya palang, na katabi at
kasama sa isang dorm na malapit lang dito sa school.
Nagstrat na ang unang subject namin na pinangunahan ng guro namin na si Ma'am Donabell Kalangitan, pangalan nya palang
may langit na pero kung magturo sya masyadong maka-impyerno. Lahat kami tahimik at boses lang nya ang yung maririnig.
Sya ang guro namin sa history, english speaking pa sya kung magturo kahit na tagalog naman yung nababasa sa libro.
Lakas din ng nahithit nito eh dapat nag-english nalang sya ng subject oops baka marinig nya ko tahimik nalang mahirap
na mapatayo sa labas.
Natapos na ang oras nya at ang sumunod na guro na namin ay si Ma'am Heidi Cosenero, titser naman sya sa English sya din
yung adviser namin sa room, 4th year na pala kami ngayon at bago lang din ako sa school na ito. Nagtransfer kasi ako
eh sa dahilang uhm ayoko muna sabihin ayoko pagtawanan nyo yung rason ko eh..
Sabihin nating loser ako :[
Dumating ang recess at kaya nagsipunta na kami sa canteen, para bumili ng snacks nagsabay na kami ni Nicolas..
"halika dud recess na tayo"
"sige"
Pagpunta namin duon ay kumuha na kami ng mga snacks at pumila sa counter para bayaran yung nakuha namin nakakuha ako
ng cupcake, isang juice drink tsaka 2 malalaking chichiria nasa unahan kong pila ay si Nicolas kasunod nya ako nabayaran
nya na yung kanya nung ako na yung magbabayad kinapa ko na yung wallet ko sa aking bulsa at...
DAMN!
Wala akong makapa na wallet o kung ano mang lagayan ng pera sa bulsa ng pantalon, binuklat ko talaga ang lahat ng bulsa
ko para makita yung wallet kaso hanggang sa huli ay wala akong nakitang mahiwagang wallet..
"hala nasaan na yung wallet ko?" mahinang bigkas ko sa may cashier.
"may problema ba?" sabi nung babaeng kahera.
"ah wala ho sandali lang po"
Kinalabit ko si Nicolas ng papa-alis na sya dun sa may harapan.
"Nicolas may pera ka pa ba dyan? Nawawala kasi yung wallet ko sa bulsa ko eh"
"wala na dude eh naibayad ko na yung pera ko eh teka may sampu pa ko dito nasa dorm kasi natin yung atm ko eh"
inabot nya sakin yung 10 pesos pero kulang yun.
Nag-iisip naman ako kung saan napunta yung pera ko dahil wala sa bulsa ko, na-alala ko nalang yung pangyayari kaninang
umaga pagpasok ng may mabungo akong isang lalaki, hmmm hindi kaya nahulog ko yung pera ko kanina nung nabungo ko sya o di
naman kaya....biglang nagsalita si Nicolas.
"dude mukang nabiktima ka nung bumanga sayo kanina ah"
"what do you mean?"
"balita ko kasi last year nung may nakabanga yun nawalan din ng pera eh"
Tsk nakakainis wala na kong pera malaki laki din naman kasi ang laman ng wallet ko eh ait's napakamalas ko :(
"may nag-aantay pa dito oh matagal pa ba yan?" sabi ng nasa likod kong babae at humarap ako sakanya, nakita ko na classmate
ko din sya.
"sige mauna ka na" sabi ko naman
"o bakit di mo pa ba babayaran yan?"
"uhm ibabalik ko nalang nawala kasi yung wallet ko eh"
"magkanu ba lahat yan?" tanong nya sakin habang nakahawak ako sa mga snacks na babayaran ko sana kaso wala na akong
pangbayad pa. Tinignan ko naman yung mga hawak ko at sa pagkakwenta ko eh..
"forty" yan yung nasabi ko base sa pagkakabilang ko nun.
"akin na" sabi nya at kinuha nya sakin yung mga snacks ko ng hindi man lang ako nakakapagsalita sakanya.
Tinignan ko lang sya sa ginawa nya at ang sumunod nyang ginawa ay pinatong duon sa may counter table at tsaka nya binayaran
yung mga snacks na yun tapos nilagay nya na din yung sakanya sa table at pinacount at binayaran nakatingin lang ako sakanya.
"oh sayo na to" inabot nya yung mga kinuha ko, at inabot ko naman yun
"binayaran mo?" tanong ko sakanya..
"nakita mo naman diba?" ay oo nga naman bakit ko pa tinanung nakita ko naman basag ako dun ah.
Nag nod nalang ako ng sabihin nya yun tapos naglakad na sya papunta sa uupuan nya.. pero pagkatapos nya maglakad ng mga
2 steps habang sinasabi ko na yung salitang..
"thank y-- - --"
Humarap sya sakin bigla at tumingin ng masama hawak nya ang isang papel na hindi ko alam kung ano yun.
"wag kang magthank you babayaran mo yan nu pag nabayaran muna tsaka ko ibibigay sayo tong resibo" tapos tumalikod na ulit
sya sakin at umupo na sa may upuan at kumain na sya dun wala yata syang kasama ng mga time na yun. Di ko alam pero maganda
sya pero bakit wala yata syang kasama dun..
"dude halika na upo na tayo"
"ah sige" sabi ko naman..
"wag ka masyado dun nagdidikit kay Bridgette dude masama ugali nun" so Bridgette yung name nya, bakit nya naman kaya nasabi
na masama ang ugali nya hmp. Hindi ko nalang sakanya tinanung kung bakit nya yun nasabi at kumain nalang kami sa may table
na nandun kaming dalawa ang magkasama.
Habang kumakain ako napapatingin ako dun sa babae kanina na nagbayad nitong kinakain ko na Bridgette daw ang pangalan at
naalala ko nalang ang pangyayari nung nakaraang linggo nung unang pasok ko, bigla kasing pumasok sa isip ko ang sinabi ni
Nicolas na masama daw ang ugali nya..
*1st day of school*
Naghahanap ako sa room ng mga 4th year nung mga time na yun nakita ko kasi sa may bulletin board sa harap ng gate yung
name ko na sa section 2 ng 4thyear ako naka-asign na room. kaya hinahanap ko na ngayon yung room ng mga 4th year section 2
sa paglalakad ko mga 30minutes na ko sa paglalakad huminto muna ako napagod na kasi ako kakaikot hindi pa kasi ako pamilyar
sa school na ito kasi bago palang ako.
Pinasya ko ng lakasan ang loob at mag-umpisa na magtanong kung nasaan yung room ng mga 4th year, at may dumaang nakasuot
ng white t-shirt nakasulat sa likod nya ang salitang 'student counsil' kaya naman sa pagkakita ko na yun alam kong sya na
ang makakatulong sakin.
Mahaba yung buhok nya na naka-ponytail nung nakita ko sya, yung likod palang kasi yung nakikita ko.
"sandali miss student counsil pwede pong magtanong?"
Tumalikod naman sya para harapin ako at pagkatalikod nya para makita nya ako nakakita ako ng isang mukang mala-anghel ang
itsura ang ganda nya at para nalang bumilis ang tibok ng puso ko ng mga oras na yun. Kinabahan yata ako kasi nahihiya ako
magtanong talaga tapos magtatanong pa ako sa isa pang magandang babae masyado akong parang naispeechless nung humarap sya.
"bakit ano yun?"
"ah-kasi ano po - alam- - nyo po- -kung nasa-an yu-ng ro-om ng mga 4th year?"
Tumingin sya sakin ng parang nagtataka.
"bago ka lang ba dito?"
"opo eh"
"ang galang mo naman ano ka ba bata pa ko" nung sinabi nya yan parang namula yata yung muka ko amp. Nakakahiya naman oh tsk! ><
"ayan na yung room ng mga 4th year sa harap mo lang oh" tapos tinuro nya yung rooms na nasa harap ko, napakamot nalang ako
sa batok ko ng makita ko nga na may 4th year na nakasulat duon sa may pader na may pinturang puti.
Badtrip nasa harap ko lang pala aits.
"ah dyan lang pala salamat po"
"walang anu man sige ha" tapos tinaas nya yung kaliwang kamay na parang slight bye bye bahagya lang nya yun inangat at
umalis na sya.
Nakatingin lang ako sakanya habang naglalakad sya papalayo sakin habang tinitignan ko yung likod nya.
"sayang hindi ko nalaman ang pangalan mo miss student counsil" yan nalang naibulong ng labi ko sa hangin, inumpisahan ko ng
maglakad papunta duon sa room ng mga 4th year na nasa harap ko lang naman, ng makarating ako duon tinignan ko naman kung
nasaan yung section 2 at tinignan ko yung nakalagay na section sa bawat room na madaanan ko then finnaly sa wakas natagpuan
ko na din ang room ko.
Na may nakasulat na IV-2 ADVISER: ms.Cosenero, tinignan ko pa yung mga list of names na nakasulat duon at nakita ko nga
yung pangalan ko sa hanay ng mga boys pang number 20 sa list.
At papasok na sana ako ng mapansin ko na nagsasalita yung Guro sa harapan hmm sya na kaya yung Adviser namin nakakahiya
pumasok parang kinakabahan na ako ayoko kasi mapagalitan baka mamaya terror sya at unang araw palang eh mapapagalitan na ko
balak ko na sanang umatras at umails sa kinatatayuan ko kaso huli na ang lahat.
"ma'am mukang may papasok pa yata" sigaw ng isang istudyante na ewan ko kung sino,
lumingon sakin yung guro medyo dalaga pa yung itsura nya. Lumapit sya sakin at nagtanong
"dito ka ba naka-asign?"
Nag nod nalang ako sakanaya hindi ko alam pero parang kinakabahan ako napaka-coward ko talaga kahit kelan nakakainis talaga
hindi ako makapagsalita.
"halika come-in" at pinuntahan nya ako sa labas at hinawakan sa braso ko at dinala ako sa harap ng klase nasa likod ko ang
blockboard.
This is awkward, shame on me ><
"class mukang may new students tayo" habang hawak nya pa din ako sa balikat at nakaharap naman ako sa buong klase hindi ko
alam parang nanigas yata ang buong tuhod ko at hindi na ako makatayo. Nanghihina na yata ako at parang bibigay o babagsak
sa sahig.
My heart is pounding: \
Humarap yung titser sakin "I'm ms.HeIdi ako ang inyong adviser ikaw anong pangalan mo magpakilala ka naman sakanila" tapos
nagsmile sya sakin at binitawan nya na yung pagkakahawak nya sakin.
Hindi ko alam ang sasabihin ko sa harap kahit alam ko naman talaga syempre uumpisahan ko yun sa pagpapakilala ng pangalan ko,
eh bakit ganito hindi yata makapag-salita yung bibig ko hindi ko maigalaw ang bibig para makapagsalita feeling ko yung tibok
na malakas ng puso ko lang ang naririnig ko sucks! Parang gusto ko ng mag-uwian na. Wala talaga akong self confidence T.T
Tumingin ako sa titser tumingin naman sya sakin na parang nagsasabing 'go' kaya yun paglipas yata ng 2 minuto na nandun ako
nakatayo bumuka na din ang bibig ko hay grabe ang bigat ng panga ko.
"I'm Reyjin Nuiwezt ah 16years old ah, hope will we be friends" tapos nag bow na ako agad tapos na ang pagpapakilala nahihiya
kasi ako sobra gusto ko ng maupo na.
"sige maupo ka na jiho dun sa may bandang likod banda kay mr.?"
Nagtaas yung lalaki at nagsalita "ma'am Perigrino po"
"ah ok kay mr.Perigrino ka tumabi mr.Nuiwezt"
Tapos naglakad na ako pinilit ko maglakad sa lahat ng lakas ko feeling ko kasi naistuck up ako dun sa kinatatayuan ko na
yun eh umupo naman na ako dun sa tinuro na upuan nakangiti naman sakin dun ang katabi kong lalaki, na kilala nyo sa pangalan
na Nicolas, Nicolas Perigrino kasi ang buo nyang pangalan.
Naging close naman kami ng katabi ko kahit papanu sya lang din ang kilala ko sa school kaya kinaibigan ko na din sya at
isa pa mabaet naman si Nicolas at palangiti naman sya.
At may di inaasahang pangyayari uwian na nung mga time na yun. Kinukuha ko na ang bag ko sa likod ng upuan ko na nakasabit
lang ng pagkaharap ko biglang.
Kaboom!!
Plak!!
Bagg!!
Nalaman ko nalang na tinamaan ako ng eraser sa muka at parang pulbos yun na kumalat saking muka, wow my snow na sa Pilipinas.
Pinunasan ko yung muka ko at ng aking panyo nagtawanan na ng malakas yung mga kaklase namin halos lahat ay tumawa sa
nangyari.
Ito na ang nakakahiya pangyayari!
Pagkapunas ko nun itinuro nila kung sino ang bumato at nakita ko ang isa naming classmate na babae nakasimangot sya at
bigla nalang nagwalk out palayo.
Tsk hindi man lang ba sya sakin magsosorry sa ginawa nya nakakainis naman habang pinapagpag ko yung mga tsok sa muka ko at
sa may polo ko dahil sa eraser. Habang naririnig ko silang nagsasalita.
"yari ka Evo ikaw kasi eh umilag ilag ka sya tuloy yung natamaan" sabi nung isa naming classmate na hindi ko naman kilala.
"huh eh malay ko ba umilag lang ako eh yung bumato ang dapat sisihin" sabi nung Evo
"naku ikaw talaga kahit kelan ka napakapasaway mo" sabi nung babae.
Hindi ko nalang sila pinansin kahit na sobrang nahihiya ako sa nangyari biruin mo ba naman sa unang araw ko sa room na to
yun pa ang nangyari sakin napagtawanan pa ko tsk.
Dakilang talunan talaga ako amp! T_T
*cut*
Sya pala yung Bridgette na yun hmm, bumawi lang ba sya sakin nung nakaraang linggo na pagbato ng eraser sa muka ko hmp.
Eh bakit pinababayaran nya pa sakin to haha nakakatawa lang ah, tinagu nya pa yung resibo hmp. Ano kaya yun bukas babayaran
ko nalang sya at pagkatapos namin kumain ay nagpunta na kami sa room namin.