webnovel

Coincidence

Chapter 3

^Reyjin's Part^

Dahil sa wala akong pera nagwithdraw na muna ako ng atm card ko wala na kasing wallet eh ewan ko na ba kung saan masamang

kamay na yun napunta haaaay. Napaka careless ko naman kasi eh yan tuloy nawala mga nasa 2k pa laman nun eh ay naku

nakakapanghinayang naman kalimutan nalang nga.

Ngayon pauwe na ko sa dorm ko na may dalang pagkain para sa hapunan nagtake-out kasi ako ng mc'do na binili ko pagkakuha

ng pera sa atm machine, and andito na ko sa dorm na malapit lang sa school namin na inuupahan ng mga istudyanteng malalayo

ang bahay sa school na to gaya ko. Hindi naman kasi ako taga dito sa lugar na to eh kung bakit nga ba ako napad-pad dito

aba'y wag nalang muna natin yung pag-usapan nagugutom na kasi ako eh.

"Nicolas para sayo oh" inabot ko sakanya yung plastic na may lamang mc'do

"oh salamat dude, teka akala ko wala ka ng pera? San ka nakakuha?"

"sa atm machine buti nalang nga yung atm ko andun lang sa may lagayan ko ng damit eh hindi nakalagay sa wallet kundi wala

na talaga ako pagkukuhanan ng pera kung nakasama yun sa wallet na nawala"

"ah ganun ba nasa mabuting kamay na siguro yun hehe"

Ay sana nga.

At nagstart na nga kaming kumain ni Nicolas, sa maliit na mesa namin sa dorm namin ayos nga at sya yung nakasama ko sa

dorm eh kasi magkaklase pa kami. Yun pala yung rason nya kaya sya nagtaas ng kamay para magkatabi ako sakanya, kasi nakilala

nya ako na kadorm nya ako hindi ko yun agad napuna eh, kasi masyado akong nawawala minsan sa katinuan ay mali sa sarili

pala oh ayan nagkamali pa ako sabi ko sainyo eh.

Gusto nyo ba marinig ang kwento ng buhay ko? Ay wag nalang basahin nyo nalang hindi naman mahaba eh sobrang ikli lang nito

at isang word lang ang magdidiscribe nun.

BORING. ;|

Kinabukasan martes ng umaga pumasok na kami at nagsabay kami ni Nicolas.

"dude pansin ko hindi ka masyadong palatawa?"

"huh?"

"wala naman kasi napansin ko lang na parang lagi malalim ang iniisip mo may problema ka ba?"

"ah wala ah ganito lang talaga ako eh masanay ka nalang" emo kasi ako eh kaya ganun, tsaka ano bang sinasabi nya na malalim

ang iniisip ko eh minsan nga wala ako sa kaisipan lumulutang ang isip kong wala namang laman, blankong parang papel na

walang sulat.

"sigurado ka ba kung may problema ka pwede mo kong sabihan ha kahit di man kita matulungan" tapos umakbay sya sakin, wow ha

kaibigan ko na talaga tong isang to, sya yata ang emo magsalita eh hmmm.

"thanks Nicolas" nagnod ako sakanya.

"ano ka ba dude Nicolas ka pa dyan eh pwede naman dud nalang eh"

"ganun ba hindi kasi ako cool para magsalita ng dud hindi ako sanay kulas nalang kaya?"

"hahaha sira ang sagwa naman nun dude nalang duuuuuude" na parang tinuturuan nya ako magsalita ng dud.

"duuuude.."

"yan ok that's right high five" tinaas nya yung kanang kamay nya para makipag-apir sakin. Kaya ginawa ko din naman ang

ginawa nya at nag-apir kami kaso hindi nagkatamaan yung mga palad namin ang tinamaan kasi eh yung muka namin, ewan ko

kung sino yung duling samin ako yata hindi kasi ako cool. I'm so cold lang.

Nasa room na kami ngayon at nakita ko yung babaeng si Bridgette na nakaupo sa may ikalawang row sa may unahan, naisip ko

yung ginawa nya sakin kahapon at na-alala kong may utang ako sakanya… ako kasi ang tao na tumatanaw ng utang na loob, pero

sa tanang buhay ko ngayon lang ako nagka-utang sa isang tao at sa babae pa na nakatama sakin nung unang pasok ng pambura

hmmm niloob ba ng sanlibutan na burahin na ang muka ko, hindi na nga ako gwapo eh kapalaran nga naman talaga oh pero hindi

ko na yun naiisip pa para yun lang naman kasi eh. pinagtawanan lang naman ako eh sanay na akong pagtawanan hindi dahil sa

magaling akong komedyante. Sadyang habulin lang ako ng kamalasan.

Dumating na yung guro namin kaya tahimik na ang buong klase at yung guro namin sa unahan lang ang tanging nagsasalita,

pagkatapos ng discussion nya ay nagbigay ng quiz at sa pinalad-palad nga naman eh nakakuha kami ng 5 ni Nicolas panu ba

naman kasi parehas kami ng sagot nagkopyahan kasi kami. Pero syempre pasado naman yung 5 na score namin dahil hanggang 5

lang naman yun eh kaya ibig sabihin na perfect namin yung quiz namin. Ang galing ngayon ko lang napatunayan may posible

sa mga nagtutulungan.

Dumating yung second subject namin at after 10mins daw ay mag-punta kami sa gym ng school ewan ko kung bakit pero ang sabi

may sasabihin daw yata yung principal ng school namin. Kaya naman nag cr na muna ako sa may isang pasilyo na nasa likod ng

room namin sa madaling salita umikot pa ko dun, at ng bumalik na ko wala na akong nakita na kaklase ko sa room namin.

O_O hala?

Iniwan na nila ako ay ano ng gagawin ko nakalock na yung room namin at wala akong ka-alam alam sa gym ng school na to kung

saan nga ba yun ay naku naman oh.

Holy crap (><)

Kaya ang naisipan ko nalang gawin ay maupo nalang sa may hagdanan ng room namin ng may isang creature na dumaan na nakasuot

ng pang unipormeng babae. Kaya naman naisipan ko na tawagin yung babaeng nadaan sasabay nalang ako sakanya kasi baka sa gym

din sya pupunta eh. Lahat naman kasi ng studyante pinapapunta duon sa gym eh.

"ate sandali" sabi ko habang tumatayo na dun sa kinauupuan ko na hagdan

Lumingon sya sakin at ng paglingon nya nangulat ako sa nakita ko isang pugot na ulo ang nakita ko kinabahan ako.

Joke lang, yung muka nya pamilyar eh at bago ko pa maisip yun nagsalita na sya.

"ikaw na naman? Anong kailangan mo don't tell me may itatanong ka nu" ngumiti ang babaeng nasa harapan ko na nakahairband,

teka sya nga yung mala-angelic na nakita ko last time yung nakaponytail na babaeng may suot na nakalagay na student council.

"ms.ponytail student council?" sabi ko na nakaturo sakanya yung index finger ko.

"anong sabi mo?"

"ah eh wala po ikaw na naman po pala ate what a coincidence"

"oh bakit mo ako tinawag?"

"ahm itatanong ko lang sana kung nasaan yung gym" habang nakakamot yung kanang kamay ko sa may batok ko.

"haha naliligaw ka na naman ba dito? Haha tara I'll show you dun din kasi ako papunta eh"

"sige salamat"

Tapos sumunod na ko sa may likod nya na nakatingin lang sa likod nya hay grabe kung sinuswerte ka nga naman sya pa

napagtanungan ko hindi ko alam na mas ok palang naiwan ako mag-isa tapos makakasabay ko ang babaeng nasa harap ko.

Yes Lord!

Bakit nga ba ang saya ko yata hmp sino ba naman hindi kung yung nasa harap mo eh magandang babae, diba panu ko nga ba sya

idescribe sainyo? Basta maganda sya maputi straight na straight yung buhok nyang bagsak na bagsak, nakahairband sya ngayon

eh tapos may bangs. Laos na ang salitang masakit sa bangs dahil ang sarap nya sa bangs eh.

"nga pala dalawang beses na tayo nagkakatanungan at turuan ngayon, pero di naman tayo magkilala haha para hindi mo na akong

tawaging ate ako nga pala si Camillke Setesa" humarap sya at inabot nya sakin yung kamay nya para makipagshakehands sakin

tapos nakangiti sya, grabe yung itsura nya hindi cute kundi sweet.

[a/n: Camillke pronounce as 'Ca-mil']

"ako nga pala si Reyjin ms.mill"

"ms.mill? kailangan may miss pa talaga ah"

"ah kasi nasanay lang po ako mag miss sa isang babae lalo na po kung maganda"

Teka nasabi kong maganda sya tsk! Grabe kinaya ng kaluluwa kong magsalita nun grabe akala ko sa ate ko lang masasabi ko

yun amp!

"haha your funny, joker ka naman masyado" kung maging  joker ako siguradong sya lang yung natawa sakin pero sana nga

maging joker ako kalaban ni batman na-aawa na kasi ako kay batman panu sya lagi daw ang bahala eh, pag napatay ko si

batman wala ng bahala pa syang papasanin.

Ngumiti nalang ako sakanya panu ba naman kasi pagkatapos ko sabihin yun parang naipit na yung dila ko sa ngalangala ko eh.

"saan pala room mo anong section ka?"

"ako ahm section 2 ako ikaw anong year ka na?"

"4th year na din ako section 1 magkatabi lang yung room pala natin eh"

Wow talaga hindi ko alam na katabi lang pala ng room ko yung room nya sa section 1 ayos naman yang pagkakataon na yan.

Aabangan ko na sya kung madadaan sya sa hallway namin makakagawa na tuloy ako ng kasalanan nito yun ang pag nakaw…..

Pagnakaw ng sulyap sakanya sa tuwing mapapadaan sya ^_^

"oo nga galing naman nun" tapos nagsmile ako sakanya

"ilan taon ka na ba Reyjin?"

"16 na ako ikaw ba?"

"ahm parehas tayo 16 din ako eh magka-age lang pala tayo kaya wag na mag aate ha o kaya yung miss tangalin mo na hehe"

hay apaka sweet talaga ng mga ngiti nya na ang pula ng mga labi ang sarap nyang.... Wala ano ba!

Tapos namalayan ko nalang na nasa may gym na kami na parang dome yung pagkadesign ang laki din pala ng gym na to, tapos

natanaw ko pa habang pababa kami duon sa may hagdan para makababa kami sa may gym yung soccer field dun wow ang ganda

nga ng damu nun eh parang pang golf course lang eh.

Pumasok na kami duon sa may pasukan at nakita ko si Nicolas duon nakaupo sa may bleachers tapos may biglang nilalang na

sumulpot sa harapan namin ni Camillke. Agaw ng moment namin na magkasama. Sino naman kaya tong gwapong lalaking to?

Eh gwapo kasi sya nagsasabi lang ng totoo.

"Camillke nandito ka na pala tara dun tayo sa may side na yun duon yung section natin"

"ah ganun ba sige sige, teka nga pala Shawn si Reyjin pala taga section 2 sya, sinamahan ko sya magpunta dito di nya

pa kasi alam dito bagong student lang kasi sya" tapos tumingin sakin yung lalaki at nakipagkamay sakin.

"bro kamusta? Shawn nga pala"

"ah ako naman si Reyjin" tapos nag nod kami parehas.

"o sige maiwan na kita Reyjin ha nice meeting you again :)" tapos nagsmile na naman sya sakin wow talaga yung mga labi

nya ang sarap talaga sa mata.

"thanks ulit ms.mill" yun nalang nasabi ko tapos umalis na silang dalawa sa harap ko.

At nakita ko nalang na nagjojoging papunta sakin si Nicolas.

"oh dude kanina pa kita hinahanap ah kasama mo pala si Camillke nice ha" tapos siniko nya ako ng mahina, ano naman ang

ibig nya sabihin dun?

"nag cr lang ako kanina tapos nawala nalang kayo sa classroom eh"

"hhmm kaw talaga oh akin na nga number mo dud para incase of mga ganitong pagkakataon natatawagan kita"

Binigay ko naman ang cp number ko at ibinigay nya din yung number nya sakin pagkatapos ay naupo na kami sa bleachers

kung nasan banda yung section namin.

At sa totoo lang wala akong naintindihan sa mga pinagsasabi ng nasa may stage na aming principal yata kasi naman puro

tanong sakin si Nicolas tungkol kay Camillke, ganun ba sya kapopular at pati tong si kulas kilala sya hmp?

"crush kaya ng buong campus yun tapos matalino pa" muka naman kasi nasa section 1 daw sya eh

"ah" tapos tango lang ako.

"sya din kaya yung president ng student council natin" ah nice naman kung ganun kaya pala nakita ko sya nakasuot ng

may nakasulat na 'student council' ang galing naman ng babae na yun.

"tsaka lagi kaya yun nananalo sa mga contest dito sa school, super talented sya lahat na yata kaya nung gawin eh,

magaling sumayaw at kumanta, sumasali din sya sa mga drawing contest kasi magaling sya sa pagdraw"

"oh talaga multi talented pala sya?"

"oo ganun na nga dude"

Tapos tinignan ko yung kinaroroonan ni Camillke sa may section nila na nakaupo nakita ko sya dun may kausap,

hay ang ganda nya pa din kahit sa malayo.

Parang crush ko na yata sya sa mga nalaman ko pa tungkol sakanya sya na pakyawin nya na talaga hay asa naman

mapansin nya ako.

Natapos na din yung speech ng principal na wala man lang yata ako naintindihan kahit man lang isa, di bale na

nga di na yun importante pa nagugutum na kasi ako. Nagsipaglakad na kami ngayon papa-alis dun sa may gym para

bumalik sa kanya-kanya naming room at para na din makapag recess na ang mga istudyante.

Nung makarating na kami sa may canteen nagpa-alam sakin si Nicolas, matapos nya makakuha ng pagkain na kay dami-dami.

Para san naman kaya yung ganung kadami nyang binili mauubos nya ba yun ewan ko sakanya.

"dude sige mamaya nalang ha may pupuntahan kasi ako eh"

"ah sige lang ingat" sabi ko nalang tapos tumakbo na sya papalayo sakin.

Ako naman naiwan na naghahanap ng mauupuan kaso pagtingin ko sa mga table na pabilog eh wala na lahat may mga naka-upo

na pero meron isa dun na table na may isa lang ang nakaupo. 'alam ko na dun nalang ako makiki-upo'. Kaya naman

naglakad na ko papunta dun sa may table na may isang tao lang na nakaupo.

"pwede ba akong maki-upo?" hindi lumingon yung babae sakin at nagsalita sya ng diretso na parang galit yatang ewan.

"sigurado ka ba ha?"

"oo maaari ba?"

Tapos lumingon na sya sakin at nakita ko ang muka ni Bridgette tama sya nga si Bridgette.