webnovel

ASTER UNIVERSITY #1 (The Day She Said Goodbye)

“Hihintayin kita kahit gaano katagal,kahit gaano pa kasakit. Tandaan mo na kapag bumalik ka pa,sisiguraduhin kong hinding-hindi na kita papakawalan pa. Paalam Vi, mahal na mahal kita” - Theo Sage Alvarez

CTL · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
43 Chs

Capítulo CATORCE

Nang matapos sila mag samgyup ay nag volunteer si Theo naihatid na lamang si Vi pauwi, tutal ay wala din naman siyang gagawin pa sa araw na iyon.

Pero bago pa sila umuwi ay may dinaan muna silang isang shop para na din makabili ng mga school supplies na kanilang kailangan.

"Anong bibilhin mo dito?" tanong sa kanya ni Theo kay Vi habang papasok ng naturang shop.

"Ballpen, yellow pad at ilang highlighters para sa mga notes ko." sagot niya saka naglakad papunta sa isle ng mga writing materials.

"Tulungan na kitang maghanap, anong brand ba ang gusto mo?" tanong ni Theo sa kanya saka hinanap ang brand at kulay na kanyang usual na ginagamit.

Habang naghahanap si Vi ng yellow pad ay hindi niya mapigilang tumingin tingin sa ilang magazines na naka display.

"Ang sarap naman nito saan kaya ako makakain nito" sab niya sa sarili habang tinitignan ang isang magazine na puno ng mga lutong pilipino.

"Masarap ang pinakbet sa mainit na kanin at samahan mo pa ng malamig na softdrinks" sabi ng isang tao na nasa gilid niya.

"Ako ba ang kausap mo?" tanong niya rito upang masigurong siya nga ang kausap nito.

"Oo, kanina ka pa kasi natatakam sa mga pagkain na nasa magazine eh"

"Ayy, ganun ba hindi pa kasi ako nakakakain ng mga ganito kaya gusto kong matikman,kaso di ko nga lang alam paano lutuin at kung saan pwede makabili ng luto na." sagot niya sa taong kausap sak ibinalik sa bookshelf ang magazine na tinitingnan.

"Huwag kang mag-alala Ms. kapag nagkita ulit tayo ako mismo ang magluluto ng pinakbet para sa'yo." ika ng lalaki saka siya hinarap.

Mistulang napaawang si Vi ng tuluyang makita ang kabuuang itsura ng lalaking katabi. Simple lang manamit ang isang ito. Nakasuot siya ng isang plain white t-shirt, blue ripped jeans at tinernuhan niya ito ng isang chained necklace na panlalaki at naka black adidas shoes lang siya. Pero mas pumukaw kay Vi ang angking gwapo nito ang dimples niya na napakalalim at ang kulay berdeng mata na napakagandang tignan.

"Kung sakaling magkikita tayo ulit, hindi lang kita papatikimin ng masarap na pinakbet bagkus tuturuan din kitang lutuin ito para naman hindi mo na pagnasaan ang hawak mong magazine" ika muli ng lalaki saka kinuha ang magazine na hawak ni Vi

"P-promise ba 'yan?" tanong ni Vi na ikinakunot ng noo ng lalaki.

"Promise ba na lulutuan mo talaga ako ng pinakbet kung magkikita tayo ulit?" tanong niya sa lalaki saka inilahad ang pinky finger.

"Hindi naman na tayo siguro bata para mag pinky promise." sabi ng lalaki saka din inilahad ang kanyang pinky finger.

"Ito ah promise to na kapag nagkita tayo ulit lulutuan mo ako at tinuturuang magluto." ika niya saka nag pinky promise.

"Promise" sabi ng lalaki saka binaklas ang kamay nilang dalawa.

"Kanina pa kita hinahanap ano nanaman ba ang binabasa mo diyan?" tanong ng isang eleganteng lalaki sa kanyang kaharap.

"Wala naman, just reading some filipino dishes." ika ng lalaki saka siya tinignan "i guess".

"Let's go mahaba haba pa ang biyahe natin pauwi" ika noong bagong dating na lalaki saka naglakad papalayo sa kanila.

"See you when I see you" ika ng lalaki saka ibinalik sa kanya ang magazine na kanyang binabasa at naglakad palayo.

Nang tuluyang makaalis ang binata ay agad muli siyang nagpunta sa writing section isle upang mahanap si Theo.

"Kanina pa ako naghahanap ng pastel blue highlighter pero wala na atang stock" ika ni Theo saka ipinakita sa kanya ang mga nahanap niyang highlighters at ballpens.

"Ok na yan, maghahanap na lang ulit ako sa susunod." ika ni Vi saka naglakad papuntang cashier upang bayaran ang kanilang mga napili.

Habang nakapila sila ay iniisip pa din ni Vi ang mga pagkain na nasa magazine kanina. Kaya naman tinignan niya si Theo saka tinanong kung nakatikim na ba ito ng pinakbet.

"Nakatikim na ako niyan dati noong nagbakasyon kami nila Shawn sa Ilocos." ika nito sakanya.

"Ilocos? Nagbakasyon pala kayo nila Shawn,sino naman ang mga kasama niyo?" tanong muli niya upang may mapagusapan sila.

"Kasama ko si Shawn, Lance, Audrey, Claire, Rylen at si Raine" pagkukwento ni Theo na nakangiti pa at mukhang naaalala ang mga masasayang nangyari noong nagbakasyon sila.

Agad namang bumagsak ang mga balikat ni Vi nang mabangit nito ang pangalan ni Raine. Alam niyang hindi iyon sinasadyang masabi ni Theo pero alam din niyang naalala pa din niya ang mga masasayang araw na kasama niya ito.

Mukhang napansin ni Theo ang pag iiba ng mood ni Vi kaya naman bigla na lang niya itong inakbayan saka tinanong kung ano ba ang gusto niyang pasalubong para kay Titus.

"Kahit ano naman kinakain nun eh, wag na lang nating bilihan sayang pera" ika ni Vi na ikinatawa ni Theo.

"Totoo naman eh, kahit ano kinakain nun minsan nga gravy with rice lang o kaya naman dahon dahon." sabi nito saka lumapit sa cashier habang naka akbay pa din si Theo.

Nang matapos nilang bayaran ang mga pinamili ay kinuha na ni Theo ang paper bag saka naglakad palabas ng store.

"Ano na nga ang bibilhin natin para kay Titus?" pangungulit muli niya kay Vi.

"Huwag na natin yung bilihan masasayang lang pera mo dun." sagot muli niya. Pero pilit siyang hinatak ni Theo papunta sa isang stall na nagtitinda ng mga doughnuts.

"Anong gusto mo?"

"Huwag mo na kaming bilihan sabi eh" sabi muli ni Vi saka binaklas ang kamay ni Theo sa balikat niya.

Pero mapilit si Theo kaya siya na mismo ang lumapit sa cashier at nag order.

"2 dozens of original glazed doughnuts po" sabi niya sa cashier saka inilabas ang isang blue card na nasa wallet. Na kaagad din swinipe ng cashier at ibinalik kay Theo.

Nang matapos i-box ang order nito ay nagalakad na sila papuntang parking lot upang makauwi na nga.

Habang nasa biyahe pauwi ay tinext na niya si Titus na si Theo na ang maghahatid sa kanya pauwi at hindi na niya ito kaialangan pang sunduin.

Agad din namang nagreply ang kapatid niya ng simpleng 'thumbs up' emoji kaya ibinalik niya ang cellphone sa loob ng bag niya at saka tumingin sa mga sasakyang nasa labas ng bintana.

"So?Papansinin mo na ba ulit ako?" tanong ni Theo sa kanya.

"Hindi naman kita iniiwasan eh, sadyang busy lang ako kaya hindi mo ako nakikita sa sat cafe" pagpapaliwanag niya na may halong kasinungalingan at katotohanan.

"Hmmm" tugon ni Theo na ikinairita niya.

"Totoo nga, pramis hindi talaga kita iniiwasan." pagpapaliwanag muli niya saka tuluyang hinarap si Theo.

"Wala naman akong ibang sinabi ah, bakit mukhang defensive ka" tanong ni Theo saka din siya tinignan dahil naka red ang stoplight.

"Sige na, suko na ako. Papansinin na kita kung makikita kita." sabi ni Vi saka muling ibinalik ang tingin sa mga sasakyang nasa labas dahil nag green na ang stoplight.

Naging tahimik lang ang kanilang naging biyahe hanggang sa makarating sila sa kanilang village gate.

"Ma'am sino po iyang kasama niyo?" tanong ng guard sa kanya

"Kaibigan ko po Kuya" sagot niya saka hiningi ang drivers license ni Theo.

Medyo malapit lang ang bahay ni Vi sa gate kaya naman nakarating sila agad sa harap ng isang black na house gate at glass windows na malaking bahay,

"Dito na lang ako, para makauwi ka na din agad" pagpapaalam niya saka bumaba at akmang kukunin ang mga pinamili sa backseat nang bigla na lang dumating ang kotse ng nanay ni Vi.

Nang makita ni Theo na huminto ang isang puting mercedes benz sa likod ng kotse niya ay agad siyang bumaba sa hinalang mga magulang iyon ni Vi. At tama nga siya, bumaba mula sa sasakyan ang isang ginang na naka itim na blazer na tinernuhan ng isang black skirt. Halata sa mukha na ginang ang gulat ng makita siya.

"Hi Ma'am, I'm Theo Alvarez. Friend po ni Vi" pagpapakilala niya saka inilahad ang mga kamay na agad din namang tinanggap ng ginang.

"Atty. Vien Perez, Vi's mom" pagpapakilala ng ginang saka siya inimbitahang pumasok sa loob ng bahay nila.

Wala naman ng nagawa si Vi dahil mismong ang nanay na niya ang nagimbeta kay Theo kaya hinayaan na lang niyang makapasok ito sa loob ng bahay nila.

"Manang prepare some refreshments may bisita tayo" utos ng nanay ni Vi sa kanilang kasambahay saka umupo sa pang isahang upuan.

Hawak pa din ni Vi ang mga pinamili nito kaya naman nagpaalam siyang aaakyat muna sa kwarto niya upang mailapag iyon at si Theo naman ay naiwang nakatayo sa kanilang sala hanggang sa inilahad ni Atty. Vien ang kamay na nagsisilbing senyas na pwedeng umupo si Theo sa gray na sofa.

Inilapag ni Theo ang 4 na box ng doughnut sa center table saka tinignan ng deretso ang ginang at inantay itong magsalita o kaya naman ay magtanong tungkol sa kanya.

"So,What's your course?" unang tanong ng ginang sa kanya.

"Legal Management major in Financial Economics po ma'am" sabi niya saka nginitian ito ng bahagya upang maitago ang takot at nerbyos na nararamdaman.

"Lawyer, I mean gusto mo bang maging lawyer." tanong ulit ng ginang sa kanya.

"Yes ma'am" pormal niyang sagot na ikinatuwa ng ginang.

"Why so serious Mr. Alvarez"

"Theo na lang po" sagot naman ni Theo saka biglang dumating ang dalawang kasambahay na may dalang tray. Nakita niyang nag lapag ang mga ito ng 3 Red Iced Tea at 3 blueberry cheesecake na nasa platito.

"Para po sa inyo 'to ma'am, doughnuts po. Sana magustuhan niyo" sabi niya sa ginang.

"Manang pakikuha naman itong dala ni Theo, mag iwan ka lang kayo ng 8pcs at yung matitira kainin niyo na" ika ng ginang saka muli siyang tinignan "I'll appreciate kung dito ka na mag didinner"

Tumango lang si Theo bilang sagot at saka siya nakarinig ng mga yabag ng paa na pababa ng hagdan, at saka umaasang si Vi iyon pero laking gulat niya ng si Titus iyo na mukhang iritado at galit sa mundo.

"Oh, andito ka pala. Buti naman at naisipan mong hindi maglasing ngayon." ika ng ginang kay Titus sa galit na boses na ikinagulat ni Theo.

Pero mas nagulat na lamang siya ng hindi man lang siya pinansin ni Titus at agad na ininom ang red iced tea na nasa center table at padabog na inilapag ito.

"May bisita tayo Titus, hindi ka ba talaga aayos ha?!" tanong muli ng ginang ngunit ngumisi lang si Titus saka naglakad palabas ng pintuan.

"Titus! Don't you dare walk out on me!" pasigaw na sabi muli ng ginang saka sinundan si Titus na palabas ng kanilang bahay.

"Anong nangyari dun?" tanong niya sa sarili ngunit laking gulat niya ng may sumagot sa kanya.

"Wala ng bago diyan, ganyan talaga si Sir Titus" ika ng isang kasambahay na kumuha ng basong ininuman ng kaibigan

"Lagi ho ba siyang ganyan dito?" tanong muli niya dito.

"Simula kasi nung namatay si Ma'am Amora, naging ganyan na si Sir Titus. Pero kung ako din naman ang nasa sitwasyon niya ganyan din ang gagawin ko." sagot nito saka tuluyan nang naglakad paalis ng sala.

Isinandal na lang niya ang likod sa sofa saka hinintay si Vi. Pero hindi niya namalayan na nakaidlip na pala siya sa sofa at nakagising na lamang ng naramdaman niyang may yumuyugyog sa balikat niya. At nang imulat ang mga mata ay nakita niya si Vi na naka maong short at naka yellow na hoodie.

"Kain na" sabi nya saka siya inantay na makatayo at sabay na naglakad papuntang dinaning table.

Pero mas lalong nagulat si Theo dahil hindi lang ang mommy ni Vi ang nandoon, pati narin ang daddy nito pero wala si Titus.

"Let's eat" sabi ng daddy niya saka siya umupo at nagsimula na ngang kumain. Pero napatigil ang lahat sa pagkain ng bigla na lang may kotseng bumubusina sa labas ng gate.

"Ako na Dad" sabi ni Vi saka umalis ng hapag kainan. Habang ang ama naman nito ay may tinawagan sa cellphone.

"Hello, Mr. Yu pwede mo bang i-freeze lahat ng cards and bank accounts ni Titus." ika nito sa kausap sa telepono at saka nagpasalamat.

"Do you think it's necessary?" hindi niya napigilan ang sariling tanungin ang ama nila saka nagpaalam na uuwi na dahil may aaralin pa daw siyang cases.

A/N: Thenkyuu for reading please continue supporting the next chapters :)) stay safe and healthy!!!

Please support my twit acc 🥺👉👈 :

✨@citrinelily17✨

Disclaimer:

This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance t