webnovel

Ashanta and Warren (Tagalog)

Paano kung ang taong akala mong di mo kayang mahalin ay bigla kang mahulog? Paano kung ang taong akala mo hindi ka na mamahalin ay mahalin ka bigla? Fall for My Wife

Gummy_Sunny · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
5 Chs

Chapter 2

Chapter 2

- Ashanta's POV -

Pagkatapos kong nagbreakfast ay tri-nay kong maglakad and thank god, nakakalakad naman ako. Masakit sya sa una, pero pagtumagal ok na.

"Aalis na ako." Paalam nito sa akin at nagulat ako ng halikan nya ako sa labi. "Tumawag ka kung may masakit sayo. Dadalhin kita sa ospital." Saad nya at saka umalis na.

Ang weird.

Nagpatuloy ako sa pagkain at sa kalagitnaan ng pagkain ko ay biglang pumasok sila tita at tito kasama ang mga umampon sa akin. Lumapit ito at parang galit na galit.

"Ash, totoo bang ampon ka lang?" Tanong ni Tita. Napatungo nalang ako sa hiya.

"O-opo." Saad ko habang hindi makatingin sa kanila.

"Bakit di mo sinabi? Edi sana hindi kita pinakasal sa anak ko kung nalaman ko lang na sampid ka!" Sigaw ni Tita na pumunit sa puso ko. Si Tita kasi ang parang magulang ko, parang nanay ko na sya kaya masakit dahil sa kanya nanggaling ang mga salitang iyon.

"T-tita... Im sorry po." Umiiyak kong saad.

"Sorry? Ano pang hindi ko alam?" Saad nito na ipinagtaka ko.

"Tita, iyon lang naman po ang hindi ko sinabi. Wala na pong iba." Saad ko habang umiiyak.

"Lumayas ka dito!" Sigaw ni Tita at kinaladkad ako palabas ng bahay tapos ay pinagsarhan ako ng gate. Buti nalang nadala ko ang phone ko. Kaya tinawagan ko ang kaibigan ko, si Janise.

- Warren's POV -

Pagpasok ko ay nagulat ako nangmakita kong nandoon ang pamilya ng asawa ko at ang mga magulang ko.

"What's happening?" Tanong ko habang nakatayo parin ako sa may pintuan.

"Pinalayas na ni Tita ang kapatid ko. Pwede na tayong mamuhay ng maayos." Malambing na saad ni Athena. Lumapit sya para yakapin ako pero hindi ako makapaniwalang tumingin kay Mommy.

"Bakit mo ginawa yon, ma?" Tanong ko at binaklas ang pagkakayakap ni Athena sa akin.

"Anak, ampon lang si Ashanta ng mga magulang nya. Nila Athena. Ayoko sa sampid." Matigas na saad ni Mommy.

"Gusto mo ng apo diba?" Tanong ko at nagliwanag ang muhka ni Mommy. Tapos ay tumango ito na parang bata. "Bakit mo pinalayas ang asawa ko?" Matigas kong tanong.

"Ano ba? Kahapon si Athena ang pinuputok ng butchi mo, ngayon naman si Ashanta na? Ano ba? Niloloko mo ba ako?" Galit na saad ni Mommy.

"Ma, may nangyari samin kagabi ni Ash, pagnabuntis sya, magkakaapo ka na. Pano ka magkakaapo kung pinalayas mo sya?" Galit kong tanong. Sandaling natahimik si Mommy.

"Pwede naman ako nalang." Sabat ni Athena.

"May nangyari na ba sa atin?"

"Wala."

"Samin ni Ashanta, meron. Kaya pagnahanap ko ang asawa ko. Hindi nyo na sya makikita." Saad ko at tumayo na.

"Anak!" Sigaw ni Mommy at humabol. Nang maabutan nya ako ay kinunotan ko sya ng noo. "Sasama ako, anak." Saad ni Mommy na parang nagu-guilty. "Honey, tara, bilis! Hahanapin natin si Ashanta!" Sigaw ni Mommy kay daddy na dali-dali ding lumabas. Tahimik kami habang nasa byahe at biglang binasag ni Daddy iyon.

"Nagsisi ka na, ano?" Pang-aasar ni Daddy kay Mommy.

"Ehh, kasi, nagalit lang ako kasi nagsinungaling sya. Ok lang naman sakin ehh. Nabigla din naman ako." Saad ni Mommy tapos bumaling sa akin. "Totoo bang may nangyari na sa inyo ni Ash?" Masayang tanong ni Mommy.

"Opo. Kasi, lasing ako. Tapos nagkamali ako ng kwartong napasukan tapos ayon." Saad ko at ihininto na ang sasakyan.

- Ashanta's POV -

"Kung tawagan mo kaya ang asawa mo?" Tanong ng kaibigan ko. It's been four weeks since pinalayas ako pero hindi parin ako umuuwi.

"Ayoko. Baka sabihan pa ako non ng masakit na salita." Saad ko. Lumambot naman ulit ang muhka nya.

"Grabe talaga yang impakta mong kaibigan, hindi ka talaga titigilan nya, ano?" Saad nito.

"Bayaan mo na. Wala naman akong pakialam." Saad ko at sumimsim ng kape.

"Pano na ngayon yan?" Tanong nito sa akin. Nagkibit-balikat lang ako.

"Pwede ba ako sayo?" Tanong ko.

"Oo naman. Para na kitang kapatid, ehh. Wag kang mag-alala. Hindi naman alam ng pamilya mo na best friend mo ko. Tyaka, girl. Ang dami mong kaibigan na papatuluyin ka."

"Oo nga, ehh. Kay Fred nga sana ako pupunta pero kasi parang hindi maganda tignan. Kahit alam nilang magkaibigan lang kami, panget parin. May asawa ako at may asawa sya."

"Jusme, girl. It's ok. You're very welcome to my house. Parang hindi naman tayo tumira sa iisang bahay noong highschool at college days natin." Saad nito na ikinatawa ko.

"Salamat, ha? Kung wala ka, di ko na alam kung saan ako pupulutin." Saad ko at yumuko. Hinaplos naman nya ang likod ko.

"Ok lang, bhie. Best friends tayo diba?" Saad nito at yumakap sa akin.

"Bukas mo na kaya ang phone mo. Malay mo, nabigla lang ang byanan mo. Sige na, tawagan mo na sila." Saad nito na sinunod ko naman. Pagbukas ng phone ko ay tumunog ito ng tumunog sa dami ng texts at missed calls.

"Ang dami..." Mahinang saad ko.

"Sabi sayo. Nabigla lang ang tita mo." Saad nito. Isa-isa kong binasa ang mga texts karamihan ay galing kay tita. Tapos biglang nagring ang phone ko, may tumatawag. Si Warren ang tumatawag.

"Hello?" Saad ko.

"Thanks god, you're fine. Where are you? Ok kalang ba? Mababaliw na kami kakahanap sayo."

"Im sorry. Nandito lang ako sa kaibigan ko. Im sorry kung pinag-alala ko kayo."

"Text me the address. Susunduin kita." Saad nito at ibinaba na tawag.

"Anong chika?" Tanong nito sa akin.

"Susunduin na ako." Malungkot kong saad.

"Ohh, yon naman pala ehh, bakit malungkot ka parin?" Tanong nito.

"Kasi, di na kita makakasama." Saad ko niyakap sya.

"Sabi sayo pa check-up ka na. Ang laki na ng baby bump mo. May morning sickness ka narin, pati mood swings." Saad nito.

"Tsk. Gusto ko kasama si Warren pag nagpacheck-up ako." Saad ko at hinaplos ang tyan ko.

"Alam mo. Ang weird. Ang bilis lumaki ng baby bump mo. Parang ang daming laman." Saad nito. "Sis, baka marami yan. Baka triplets yan." Excited na saad nito tapos hinaplos ang tyan ko.

"Sana nga ganon. Excited na akong makira magiging reaksyon ni Warren pag nakita nya ang tyan ko. Haha."

- - - To Be Continued - - -