webnovel

Army of True Salvation (TagLish)

Hindi mo inakala ang ganitong pangyayari. Nananahimik ka lang, nakikinig sa klase, at bigla na lang nagbago ang mundo. Zombie Apocalypse. Are you ready to survive, fight for your life, and strive in order for you not to die? Are you willing to carry a knife, hold a gun, and kill zombies even though they may be your family, friends, or someone you know? It's your choice. You may choose to survive or if you are too scared, you may choose to die and become a zombie. But if you have chosen to survive... You are already part of the "Army of True Salvation." ~ Credits to Janrae Mendoza for the book cover for Army of True Salvation (TagLish). Want to further show your support? Send me a ko-fi~! ^^ Link: https://ko-fi.com/mysticamy

MysticAmy · Fantaisie
Pas assez d’évaluations
216 Chs

Feel So Useless

>Sheloah's POV<

Binuhat ni tito at ni Sir Erick si Veon paloob ng 7-11 at mabilisan kaming nag ayos ng cloth sa sahig at binaba nila si Veon nang dahan-dahan.

Nagmadaling pumunta si Isobel kay Veon at tinanggal niya nang mabilisan yung botones ng polo niya. Nakita namin na madugo yung parte ng tiyan ni Veon. Tinago ko agad yung ulo ko sa balikat ni Josh.

Nag aalala kasi ako sa kanya. Mukhang medyo malalim yung sugat niya kaya halata sa pagmumukha niya na sobrang nasasaktan siya.

"Argh," sigaw ni Veon at sinubukan niyang gumalaw pero pinigilan siya ni Isobel.

"Teka lang, tol. Wala ka pa sa tamang kalagayan katawan mo para gumalaw," sabi ni Isobel at dahan-dahan niyang hinawakan yung injury Veon at nag react agad si Veon. Agad tinanggal ni Isobel ang kanyang kamay.

"Kailangan na muna natin itong linisin bago ko tahiin," bulong ni Isobel at tinabihan ko siya.

"Ano ang kailangan kong gawin? Tutulungan kita," sabi ko sa kanya at nakatitig parin siya nang seryoso sa sugat ni Veon.

"Bigyan niyo ako ng First-Aid Kit at madaming bandage," utos ni Isobel at agad kong kinuha at tinulungan ako ni Tyler at Josh hanapin yung mga gamit na 'yon.

"Kailangan ko i-adjust ang legs ni Veon. Knees up," sabi niya at tinitigan niya ako.

"Sheloah, hawakan mo kamay niya para mag ease yung pakiramdam niya. Gagalawin ko yung katawan niya ng konti. Medyo masakit 'to," dagdag sabi ni Isobel and I nodded at her and I held Veon's hand.

In-adjust ng dahan-dahan ni Isobel ang legs ni Veon na nakataas yung tuhod niya at sumigaw si Veon dahil sa hapdi ng sugat niya. Konting galaw lang ng katawan niya, masasaktan na siya.

"White cloth, sa loob ng First-Aid Kit. May nilagay ako doon. Pakikuha at ibigay sa akin," utos ni Isobel at kinuha ko with my other hand and gave it to her.

Nilagay niya nang dahan-dahan doon sa wound niya at hindi siya nag apply ng pressure. After putting the cloth, naglagay siya ng tape, also without putting pressure on it.

Tiningnan ko si Isobel. "Ano'ng susunod," tanong ko at huminga siya nang malalim.

"Papatigilin muna natin yung bleeding. Medyo tumigil naman na siya, not as worse as before, but for now, 'wag niyo siyang bigyan ng pagkain at water. I-moisturize niyo na lang ang lips niya with water. Mas okay 'yon," sagot at explain niya and I nodded at her.

Tumayo siya at pumunta siya sa isang cabinet sa 7-11. "Hindi pa tapos," sabi niya as she was looking for some more tools inside the drawer she was looking into.

"Tatahiin pa 'yan pagkatapos kong linisan," dagdag sabi pa ni Isobel at mas hinigpitan ko yung paghawak ko sa kamay ni Veon.

Ayaw kong nakikitang nasasaktan si Veon. Bakit ba kasi ako pa yung naging bait kanina sa plano ni Ray? Nadamay pa tuloy si Veon. Dahil sa akin, naging ganito na ang nangyayari. Nasaktan pa siya.

Sabi nga nila, "The only weakness of a boy is a girl" at sa totoo lang, naiinis ako sa fact na ito. Dahil sa akin, napahamak talaga siya.

Bumalik si Isobel sa aming dalawa. "Medyo masakit na ito. Sheloah, hawakan mo lang si Veon since sisimulan ko na ang next steps," utos ni Isobel sa akin and I nodded at her. She's about to treat Veon and I know she can do it. Matalino si Isobel. Talagang pinag aralan niya ito nang mabuti kahit high school palang kami.

******

Nandito kami sa abandoned hotel ng Pangasinan. Since natalo naming ang Weapons of Massive Destruction, mayro'n na silang bagong leader.

Ang pangalan niya ay Geof. Turns out that mabait siyang leader at talagang ginawang totoo ang deal na ginawa ni Ray. Binigyan niya kami ng isang abandoned hotel kung saan muna lulugar ang Army of True Salvation. May mga resources din dito.

Yung Weapons of Massive Destruction dito rin sa hotel na ito. Siyempre inutusan ni Geof na 'wag atakihin ang grupo namin. Hindi na maiiwasan na may rebel sa grupo nila since namatay ang sinaunang leader na si Ray kaya may guards din na talagang mapagkakatiwalaan ni Geof na nagbabantay sa amin.

Nandito ako ngayon sa hotel room ng pamilya namin at kasama namin si Veon. Nandito kasi ang dalawang grupo kaya wala nang masyadong kwartong available. Medic ako ni Veon ngayon. Isobel gave me instructions.

Hinuhugasan ko yung mga bloody sheets na ginamit kanina for Veon's wound. I replaced it with something clean since na-treat na ni Isobel kanina.

Sa totoo lang, ang galing ni Isobel. Sa sobrang advanced reading niya, handy talaga ang mga natututunan niya. Buti pa siya. Ready na ready.

I feel so useless.

Thank you, _kkqq_ for the power stone. ^^

Please rate my chapters, add this story to your library, send me power stones, leave a comment, and give my story a review. :3

Salamat sa pagbabasa!

MysticAmycreators' thoughts