webnovel

Chapter Nine

             Hindi ako mapakali habang kumakain kami ng mga magulang ko. Nasa kabilang mesa si Tyler at panay ang tingin nito sa akin. He's with his band mates. Paano na lang kung makilala ako ng mga yan? Sana lang ay hindi nila ako pansinin. Kung di ay lagot talaga ako. Please lang.

             "How was school? Umabsent ka para pumunta rito?" tanong ni daddy.

             Napalunok ako. Gusto ko sana sabihin na hindi ko naman takaa ginusto na pumunta rito. Sila lang yung mapilit pero syempre, I can't say that. Afterall, I'm the precious and the innocent daughter.

             "Pinilit ko lang siya. I already told her professors about this. Kukuha siya ng special classes pagdating para makahabol siya sa mga kaklase niya." ani mommy ng hindi ako sumagot.

             "You used your position. Tsk. Pwede namang pumunta na lang si Casandra rito sa araw ng kasal ni Adam. Hindi na kailangang umabsent siya ng isang linggo. Alam mo kung gaanong naghihirap ang anak natin makapasok lang sa dean's list. Stop ruining it for her." sita ni daddy.

             "It will not happen again. For now, let her enjoy her vacation."

             Tumingin si daddy sa akin. "Are you enjoying your vacation?"

             Alinlangan akong tumango. Hindi na nila kailangang mag-away sa harap ko. What's done is done. "I had fun with my cousins and Stephanie. They're all nice to me."

             "That's good but don't get too close to them. Ayaw kong mahawa ka sa mga kalokohan nila. Look at them, marrying at a very young age. Sinayang ang pagkakataon na maenjoy ang mga napag-aralan nila. I heard, Maria has a daughter pero walang ama. Napaka-sayang. Magandang bata, hindi naman ginagamit ang utak. Look at Acey... Nasayang ang mga pinaghirapan. Tanyag na sana. Ericka too and his brother Edmund. Ano bang meron sa mga kabataan ngayon at nagmamadali?"

             Parang may bumara sa lalamunan ko. Hindi ko alam ang sasabihin. Hindi pa rin ba ako sanay sa mga sinasabi ni dad? Lagi niya akong kinukompara sa mga pinsan ko, tapos ay sasabihing wag ko silang sundin. Kaya nga hanggang ngayon, kahit na nasa late twenties na si Stephanie, wala pa ring asawa. Lagi kasing may nakaharang.

             "Do you have a boyfriend?" tanong ni daddy.

             Umiling ako. "Wala po."

             "Good. I was glad when you and that Greg broke up. I knew he was not good for you."

             Ngumiti ako. "I know, dad."

             Susubo na sana ako ng magsalita na naman si daddy. Mukhang hindi ako makakakain ng maayos. Nakakastress talaga kumain kasama sila. Dapat ay nae-enjoy ko ang food pero hindi.

             "May manliligaw? May nagpaparamdam ba?"

             "W-wala po. Kung meron man, agad ko pong binabasted. Everyone knows na pag-aaral ko ang inuuna ko."

             Lumawak ang ngiti sa mukha ni daddy. I can see that he's very proud with his daughter's lies. Tumingin ako sa gawi ni Tyler. Tahimik lang ito habang masayang nag-uusap ang dalawa niyang kasama. Mukhang wala sa mood. Oh well. It's none of my business. Dapat ay nakalimutan ko na siya ngayon.

             Dad's a perfectionist. Kung uso lang sa angkan namin ang arrange marriage, malamang ay ginawa na niya iyun. Lagi kasi niyang iniisip na alam niya kung ano ang makakabuti sa akin. Kung magpapakasal naman lang ako, sisiguraduhin niyang anak na yun sa isa sa mga business partners niya.

             Sa wakas ay tapos na rin ang dinner namin at makakaalis na ako. Hindi ko talaga kayang magpanggap ng matagal. Kaya nga nakatulong sa akin ang pagtira sa dorm. Gosh. Bakit ba ang tagal dumaan ng araw at ng makaalis na ako mula rito?

             "Babalik ka na ba sa kwarto mo?" tanong ni mommy ng makalabas kami ng restaurant.

             "Yeah, my."

             "Why don't you come with me? I'm meeting with your titas."

             Umiling ako. "Hindi na po. I still have papers to study. I asked my blockmates to send me what they discussed. Magse-self study lang po ako."

             Ngumiti ito. "Okey. Hindi na kita pipigilan at baka pagalitan na naman ako ng daddy mo."

             "Sige po, my. Mauna na ako. Have fun with them."

             Nag-hiwalay na kami ng landas. Ako ay patungo sa hotel habang si mommy naman ay papunta sa ibang direksyon. Dire-diretso lang ang lakad ko habang tahimik na nakamasid sa palagid ng may bumlock sa daraanan ko. I looked at who it is. Agad na bumagsak ang balikat ko ng makita si Tyler.

             Yeah right. Kailan pa nga ba ako tinigilan ng lalaking toh sa pangungulit. Wait, isn't it a good thing na nakikita niya akong ganito? Baka mawalan na siya ng gana dahil nakita na niya kung gaano ako kapangit pag hindi nag-aayos. Yun lang naman ang habol niya sa akin diba? Ganda?

             "You look funny." aniyang tila natatawa. "So your eyes are not really brown." mataman niya akong pinagmasdan. He traced my face with his gaze. I was not wearing make up o kahit ano sa mukha ko. I'm just the plain me. I didn't thought na makikilala niya ako kanina. I looked stupid and naive Kenneth Casandra and not the strong and mataray ken that he knows.

             Iniwas ko ang mukha ko sa kanya. What the hell is he doing. Hindi kami dapat na nakikitang ganito. Nagkalat yung buong angkan ko sa resort. Paano kung may makakita at isumbong ako kay mommy? Nagdududa na yun. Hindi ko gustong dagdagan pa ang pagdududa niya lalo na ngayong andito si daddy.

             "Your eyes are grey... Cool." aniyang manghang mangha. Tinaas niya ang camera na dala. "Say cheese."

             Nagulat ako sa flash ng camera. Tinakpan ko ang mata ko pero huli na at napicturan niya na ako. "Erase that!! Hindi kita binigyan ng permisyon na kuhanan ako!"

             "Uhmm... Nope." aniya habang tawang tawang nakatingin sa camera niya.

             Sinubukan kong agawin ang camera. Nakakainis. Ang pangit ko na nga sa ayos ko ngayon, mas lalo pa akong pumangit sa picture sigurado dahil sa reaksyon ko. Kakainis. Kung gusto niya ng picture, sabihin niya at magpo-pose naman ako. Hindi yung pa-stolen shot. Ugh!

             "You're surprisingly cute." nakangiti niyang wika.

             "Delete that please. If you want my pictures, bibigyan kita. Just erase that."

             He laughed. "No thanks. I can memorize your face even without pictures. You just look cute today. I need a remembrance."

             Napasimangot ako. Bakit ko pa ba nakita ang lalaking ito? Bwesit. Mukhang kahit na pilitin ko siya, magmakaawa ako sa harap niya at lumuhod ay hindi rin naman niya ide-delete ang picture kaya hindi na ako mage-effort. Nakakainis. Aalis na sana ako ng magsalita siya.

             "Do you want to grab some beer?" yaya niya.

             "No thanks. I'm fine. Hindi magandang nag-aaral ng lasing." mataray kong wika.

             "Now I know why you're always alone in the club. Thanks for the picture, by the way."

             Natigil ako sa kinatatayuan ko. Bumaling ako ulit sa kanya to ask him what he means pero naglalakad na ito palayo sa akin. I sighed. Yeah right. As if.

             Winaglit ko na lang sa isip ang mga narinig at nagsimula na ulit na maglakad pabalik sa hotel. Naalala ko sina Stephanie. Kumusta naman kaya ang party ng mga yun? Mas maganda pala kung  sumama na lang ako sa kanila kesa sa mga narinig na sintemyento ni daddy.