webnovel

Anxious Heart

Agatha Liondra Martina - COMPLETED Alonzo Series #1 Agatha Liondra Martina o mas kilala bilang Ali Martina. Ang dalagang walang ibang hinahangad kundi ang masaya at tahimik na buhay kasama ang kanyang Mama Alicia at Daddy Philip. Na kahit tatlumpu't anim na taon ang agwat ng edad ng kanyang mama sa kanyang daddy ay hindi iyon hadlang para hindi sila magkaroon ng masayang buhay. Alam ni Ali na pamilyado at kilala ang Daddy niya sa kanilang lugar, paano na kung dumating ang araw na kinakatakot nilang mag-ina? Saan sila kukuha ng tapang para bumangon at ipagpatuloy ang buhay? Paano kung may panibagong gulo ang dumagdag? Kakayanin niya pa kaya? Paano na ang pangarap niyang masaya at tahimik na pamilya? Alonzo Series #1 : Agatha Liondra - Anxious Heart -UNEDITED VERSION-

ArbsByTheOcean · Politique et sciences sociales
Pas assez d’évaluations
29 Chs

Kabanata 10

"Ali, hindi ko talaga gusto kung paano tumitig sayo ang mga Alonzo." sambit ni Greg.

"Wag mo na lang pansinin." sagot ko dito. Nagpatuloy na lang kami sa pagkain ng lunch dito sa cafeteria ng university namin.

As the day passes by, napapansin ko din kung paano ako tignan ng mga Alonzo. Mga talaga, dahil maging ang mga pinsan nito na itinuro sa akin ni Greg ay nakilala ko pero hindi ng personal. Ngunit mas grabe kung tumingin ang magkakambal na Alonzo, Xander and Xavier. Lalong lalo na si Xander, pano ko nasabi na si Xander iyon? Kasi sa dalawang magkakambal base on my observation, si Xander ang serious type. While Xavier is the naughty and clingy type of person. Kaya sure ako 100% si Xander iyon.

Madami na din akong naging kaibigan dito, and I think this is what I've missed in my 18 years sa Tagaytay. Kung doon eh limitado lang ang kaibigan ko - si Aryesa lang iyon - ngayon ay wala ng limitasyon.

Pinakilala ako noon ni Greg sa mga kaibigan niya dito, babae, lalaki at kahit na bakla. And it was funny how people befriended to other people here o baka nasanay lang ako sa buhay na meron sa probinsya?

Sa probinsya kasi, bihira lang ang mga lalaking nakikipag kaibigan sa bakla or sasama ang mga lalaki sa bakla dahil may kailangan. Pero dito, kahit walang kailangan friends pa din sila. And it's a great opportunity to have a circle of friends, mas madami akong natututunan sa buhay. Hindi ko pa din naman nakakalimutan ang Best friend kong si Aryesa.

"Ali, kapag makikipag video chat ka sakin please lang wag mo na isama yang demonyo na iyan!" nagmamaktol na utas ni Aryesa. Natawa naman ako doon.

"Hoy Aryesang pangit, kung makapagsalita ka akala mo naman eh kung sino kang matino! Eh may asa-demonyo din naman ang ugali mo." sabay hagalpak ng tawa ni Greg! Abnormal talaga! Haha

"Tumigil na nga kayo. Baka mamaya kayo ang magkatuluyan niyan eh." pang-aasar ko sa kanila. Ngumiti naman ng pagkalawak-lawak itong si Greg na animo'y binubwisit talaga si Aryesa.

"Ay naku Ali! Magmamadre na lang ako kung yan lang din ang makakatuluyan ko." nagdadramang sagot ng kaibigan ko.

"Hoy Aryesang pangit! Wag ka magsalita ng ganyan. Hindi ka bagay sa kumbento baka iluwa ka ng simbahan." sabay hagalpak ng tawa. Loko talaga itong si Greg! Hahaha

"Tumigil nga kayo, baka makalipas ang ilang taon kayo ng dalawa ang nasa loob ng simbahan.....kinakasal!" sabay tawa ko. Kita ko naman ang pagkagulat at pamumula ni Aryesa sa video chat. Humagalpak lang din ng tawa si Greg sa tabi ko.

"Bakit pakiramdam ko Ali, nahawa ka ng kademonyohan ng alagad ni satanas na si Greg? My gosh Gregzilla! Please lang, wag mo dalhin sa kasamaan ang best friend ko." napahawak pa ito sa noo nito na akala no eh stress na stress.

"Oo naman, ikaw na lang dadalhin ko sa impyerno. Magsama tayo dung dalawa para masaya! Hahaha" gago talaga si Greg hahaha!

"Haha, one of this days Aryesa dadalawin ka namin sa school! Or maybe sa bakasyon since malapit na naman matapos ang semester." nakangiti kong sambit dito ngunit ang mukha ng best friend ko ay parang pinagsakluban ng langit at lupa.

"Bakit kailangan pang kasama iyang Greg pangit na iyan? Di ba pwedeng ikaw na lang?" tanong nito. Inirapan ulit nito ang lalaking katabi ko.

"Loka! Hindi ako papayagan ni Mama na pumunta dyan ng walang kasama no! 'Tsaka may sasakyan itong si Greg, may professional driver's licence pwedeng pwede kong maging driver." napatawa ako dahil sa biglang napatigil si Greg sa panunuya ng tingin kay Aryesa.

-

Hindi ako pinayagan ni Mama na bumalik ng Tagaytay.

Nakalipas ang pasukan at ngayon ay dalawang linggo na lang at magpapasukan na ulit ay hindi pa din ako pinapayagan na bisitahin man lang ang kaibigan ko. Alam ko naman na natatakot ang Mama na saktan ako ng mga Hermosa pag nakita nila akong muli na tumapak sa bayan nila. Hindi naman ako natatakot sa kanila dahil kaya kong ipagtanggol ang sarili ko.

"Ali, sigurado ka ba dito? Paano pag bigla kang pauwiin ng Mama mo? O di kaya'y malaman niya na hindi tayo sa school pupunta?" tanong ni Greg sa akin. Duwag din pala itong si Greg! Takot sa Mama ko! "Nag-aalala lang ako, baka makita ka ng mga Hermosa tapos pagtulungan ka. Eh wala namang ibang alam gawin si Aryesa kundi ang magsumbong sa Mama at Daddy mo. Ay! Patay na pala si Don Pelipe, wala ng pagsusumbungan ang Pangit na iyon!" mahabang lintanya nito habang nagdadrive.

"Alam mo, ang dami mong satsat! Gusto mo din naman makita si Aryesa di ba? Hindi yung sa picture at video chat mo na lang lagi tinitingnan." namutla ito sa mga sinabi ko at natahimik! Kunwari pa, eh halata naman na gandang ganda siya sa picture ng best friend ko! Haha

Simula nung una naming pagkikita ni Greg, siya na ang kakwentuhan at kasama ko palagi sa school. Bukod sa pagkukwento ko sa kanya ng totoong estado ng buhay namin ni Mama at kay Daddy ay si Aryesa ang kinukwento ko sa kanya.

Hindi niya naman hinusgahan ang Mama ko sa pagiging other woman nito, at ako bilang bastarda kuno. Naiintindihan ni Greg na ginawa yun ng Mama ko para may kalakhan akong Ama.

Ngayong araw na ito ang araw kung kailan mag-eenroll si Aryesa sa dati kong school na siyang eskwelahan pa din niya. Hindi alam ni Aryesa na tuloy kami sa pagbisita sa kanya kaya isusurpresa namin siya!

"Hoy Aryesang pangit!" nakatayo kami ni Greg sa labas ng kotse niya na nakaparada sa gilid ng labas ng gate ng iskwelahan. Nanlaki ang mga mata ni Aryesa ng makita niya kung sino ang tumawag sa kanya. Tumakbo siya sa direksyon namin nilagpasan niya si Greg na nakabukas ang dalawang kamay na sana'y yayakap at kukulong kay Aryesa. Dumeretso ito sakin at ako ang niyakap ng mahigpit!

"Miss na miss na kita Agatha Liondra!" ang higpit ng yakap nito sa akin! sinuklian ko naman ang yakap ko dito at napatingin kay Greg na napakamot na lang sa kanyang ulo.

"Miss na miss din kita yesa!" bumitiw ako sa yakap sa kanya at ngumiti ng pagkalawak lawak sa kanya. Ang mga mata ng matalik kong kaibigan ay nagtutubig! Umiiyak ang loka loka!

"Umiiyak pala ang mga demonyo ano?" out of the blue na sabi ni Greg.

"Gago kang Gregzilla ka!" sagot ni a

Aryesa na humihikbi pa at pinipunasan ang mga luha sa mata.

"Is that your way of saying 'I miss you Greg?' If then, Gago ka din Aryesang pangit!" sabay lawak ng ngiti nito.

"Bakit naman kita mamimiss aber? Hindi tayo close!" sigaw nito. Napangiti ako. Kahit nakakarindi ang boses ng kaibigan ko, mahal na mahal ko ito!

Magsasalita na dapat ako ng magulat ako ng higitin ni Greg si Aryesa at niyakap! Nanlaki ang mga mata ko at lalo na si Aryesa! Magkayakap ang dalawa! Nakakatuwa silang tignan. I think I can see their future right now! Haha

"Naku, may namumuo na pa lang pag iibigan dito. Tara na at mamasyal. Pero daan muna tayo sa sementeryo para dalawin ang Daddy ko sandali bago kayo mag labing-labing sa papasyalan natin" Parehas silang namula sa sinabi ko.