Natapos din ang maghapon ni Charisse. Napapagod siya pero masaya. Minsan lang siya makikipagkuwentuhan sa mga tao kaya kahit papaano ay nalilibang siya. Masaya silang kasama. Siguro din ay naninibago siya, paano ba naman yung masungit lang na boss ang lage niyang kausap. Mabuti na nga lang at dumating si Glenn. Dapat ba siyang magpasalamat dun sa mga taong umaaligid sa bahay nila? Kundi dahil sa mga ito ay tanging si BJ lang talaga ang makakasama niya sa buong panahon ng pagtatago nila. Nakakabagot di ba? Araw-araw niyang nakikita ang nakasimangot na mukha ng masungit niyang boss!
Malapit na ang hapunan at magluluto na naman siya. Pansamantala niyang iniwan ang mga kapitbahay at pumasok sa kusina. Sumunod naman sa kanya si Maricel. Tutulungan daw siya.
Mayamaya pa ay naging abala na sila sa pagluluto. Natutuwa siya at may assistant siya na sobrang daldal at sobrang kulit.
"Omg! Ate! Ate cha!" Bigla nitong sigaw.
"Napapano ka ba?" Tanong ni Charisse na sinundan ang tingin nito.
"Omg din! Ang OA mo!" Sabi niya rito. "Si kuya Glenn lang pala."
"Ahh, si kuya Glenn." Mahinang sabi nito na ngumiti. "Hi kuya!" Bati niyang may pakaway pa.
Ngumiti naman si Glenn. "Hello!"
"Ang gwapo niya." Bulong ni Maricel kay Charisse na nakalambitin pa sa balikat niya.
"Ha? Gwapo ba?" Sabi ni Charisse na tumingin pa kay Glenn.
"Ano ba yan ate, binulong ko nga sa'yo di ba? Huwag kang sumigaw." Bulong ulit nito.
"Ah, ganun ba yun?" Sabi niyang natatawa. "Kuya o, ang gwapo mo raw."
"Ate naman eh." Sabi ni Maricel na bumitaw sa kanya. Namumula ito.
"Talaga? Uy, Salamat ha." Ani Glenn na ngumiti.
"Ay sus, tumataba naman ang puso mo. Nagbibiro lang yung bata naniwala ka naman."
"Sinong bata?" Tanong ni Maricel.
"Sino pa, di ikaw!"
"Hoy, ate..."
"Ang bata bata mo pa, magtapos ka muna ng pag-aaral bago yang mga gwapo gwapo na yan. Naku!"
"Ay sus, parang ikaw hindi." Salo ni Glenn.
"Ha!?"
"Ayan tuloy ate, binalik sa'yo." Natatawang sabi ni Maricel.
"Bakit ako na naman?"
"Ilang taon ka nung nagka-crush?" Tanong ni Glenn.
"Hindi pa ako nagkaka-crush ano." Kaila niya.
"Ay sus, tingnan mo ilong mo humahaba o." Ani Glenn na ayaw maniwala sa kanya.
Tumawa si Maricel. Hindi naman makuha ni Charisse ang ibig sabihin ni Glenn. Nakahawak pa siya sa ilong niya.
"Niloloko mo na naman ako kuya."
"Hindi kaya." Sabi Glenn na natatawa. "Ilang taon ka nga nagka-crush? Ulit nito.
"Hindi pa nga po."
"O ayan humaba na naman."
Hindi naman mapigilan ni Maricel ang pagtawa. Hinampas siya ni Charisse ng bahagya. "Bakit ba tuwang-tuwa ka?"
"Kasi ate, ang sabi po ni kuya nagsisinungaling ka. Kilala nyo po ba si Pinocchio?"
"Ahhh. Kaya humahaba ang ilong ko? Ganun?" Humarap siya kay Glenn na nakapameywang.
"O bakit? Di ba totoo?" Sabi ni Glenn.
"Paano maging totoo eh kelan lang tayo nagkakilala. Wala kang alam sa buhay ko."
"Ganun? O sige. Hula ko lang naman yun pero parang totoo." Aniyang ngumiti.
"Ewan ko sa'yo. Bakit ka ba nandito? Matulog ka nga muna."
"Nagugutom na ako madam. Baka pwedeng humingi ng pagkain."
"Ay opo!" Ani Maricel na kumuha agad ng plato.
Nagulat naman si Charisse. Tumingin siya kay Glenn na nakangiting pinapanood si Maricel sa paghahanda ng pagkain. Kumindat lang sa kanya si Glenn.
"Nakakaloka." Tanging lumabas sa bibig niya.
Samantalang si BJ ay hindi mapalagay sa kanyang kwarto. Nababagot na siya sa library kaya pumasok na ulit siya sa kanyang silid. Kanina ay sumilip siya sa may sala. Gusto man niyang bumaba pero hindi niya magawa. Pinagmamasdan lang niya ang mga taong nagtipuntipon doon na parang walang nangyari.
Habang lumalakas ang hangin sa labas ay panay naman ang kwentuhan nila sa sala. Bilib din siya sa mga taong ito, kahit wasak na ang mga bahay at ikinabubuhay ay nagagawa pa rin nilang ngumiti at tumawa. "Paano kaya nila nagagawa yun?" Nagtatakang tanong niya sa sarili. "Bakit sa akin parang ang hirap maging masaya?" Pinagmasdan niya ang mga ito. Parang may kirot sa puso niya. Nakaramdam siya ng inggit sa unang pagkakataon sa buhay niya. Sanay siya na siya ang kinaiinggitan lalo na sa paaralan. Matalino, magaling, magandang lalake at may kaya. Pero ngayon, habang pinagmamasdan niya ang mga mahihirap niyang kapitbahay ay pakiramdam niya marami ang kulang sa kanya. Hindi siya masaya. Samantalang sila ay kayang kaya nilang magsaya sa kabila ng nangyayari. Ang sabi ni Charisse, yung iba sa kanila ay wala ng bahay dahil nasira ng bagyo ngunit kung pagmasdan sila ay parang walang nangyari. Ang saya ng kuwentuhan nila.
Ilang sandali pa ay pumasok na siya sa loob. Mas lalo siyang maiinggit kung pagmamasdan pa niya ang mga ito. Palakad-lakad siya sa kwarto. Nag-iisip ng gagawin. Hindi pa umaakyat si Charisse kaya wala siyang makausap.
Naisip niya si Glenn kaya lumabas siya at nagsadya sa kwarto nito. Ngunit nakailang katok na siya ay wala pa ring sumasagot. Pinihit niya ang door knob. Nakabukas ito. Sumilip siya sa loob ngunit walang tao. "Gising na pala siya." Malungkot niyang sabi. "Malamang ay nakipagkuwentuhan na naman yun kay Charisse." Malungkot siyang bumalik sa kanyang silid. Pinili na lang niyang basahin ang naitabi niyang libro doon.
Naalimpungatan siya sa tawag ni Charisse. Nakaidlip pala siyang habang nagbabasa. "Sir pabukas po ng pinto." Tawag nito. "Sir Sungit?"
"Nai-lock ko ba yung pinto?" Nagtatakang tanong niya. Parang hindi niya maalalang ini-lock niya iyon kanina.
"Sir Sungit! Andito na po dinner nyo. Pakibukas po ng pinto."
"Ang kulit talaga. Wait!" Aniyang bumaba ng higaan.
"Dinner po!" Ani Charisse na nakangiti pagkabukas niya ng pinto.
Hindi siya umimik. Tumabi lang siya para makadaan si Charisse. Dumiretso naman ito sa mesa kung saan inilapag nito ang dalang tray ng pagkain.
"Kumain na po kayo sir habang mainit pa yung sabaw." Sabi nito na hindi man lang lumilingon.
"Nandito pa rin sila?" Tanong niyang naupo sa gilid ng kama.
"Ay opo. Medyo mahina na po yung hangin kaya lang po ay madilim na. Kaya ang sabi ko po sa kanila ay dito na lang magpalipas ng gabi."
"Ganun? Hindi mo man lang ako tinanong?"
"Ay hindi na po. Nagpaalam na po ako kanina di ba po?" Ani Charisse na tinutukoy ang pinag-iiyak niya kaninang umaga.
"So lahat na pala yun? Pati yung libreng tanghalian, meryenda at hapunan?"
"Sir!? Pati ba naman po yun ipagdadamot nyo pa?" Gulat na tanong ni Charisse.
"Hindi ako nagdadamot, hindi ka lang marunong magpaalam."
"Huh!? At kasalanan ko pa po!?"
"Malamang. Alangan namang kasalanan ko." Sarkastikong sagot n BJ.
"Pambihira." Aniyang hindi makapaniwala. "Ganito na lang sir, babayaran ko po lahat ng pinakain ko sa kanila."
"Good. Mabuti at naisip mo yan. Kelan mo naman babayaran? Pagkatapos ng bagyo ay kailangan mong mamili ulit sa bayan."
Ha? Biglang napaisip si Charisse. Hindi na nga pala aabot ng isang linggo ang mga pinamili niya. At saka ayon sa kanilang kasunduan, kailangan niyang umalis pagkatapos ng bagyo. Paano na?
"O ano na?" Untag ni BJ.
Tahimik lang si Charisse. Nag-iisip. Hindi niya rin masabi na wala siyang pambayad. Pero paano niya babawiin ang mga sinabi niya?
"Ah, alam ko na. Wala kang pambayad 'no?"
Tumalikod si Charisse. Kung pwede lang kainin ng lupa, nagpapakain na siya. Bakit ba kasi hindi siya nag-iisip?
"I guess I'm right. So paano na yung pag-alis mo after ng bagyo? Sayang lalayas ka pa naman sana. Tsk..tsk...nakakapanghinayang at hindi matutuloy."
"Ano pong ibig nyong sabihin?" Tanong niyang kinakabahan.
"Bayaran mo ng isang buwan. Sabi mo babayaran mo di ba?"
"Sabi ko nga po, pero ang usapan po natin ay aalis na ako pagkatapos ng bagyo."
"I know. Kaya lang, paano ka magbabayad? Gusto kong makasiguro kaya pagtrabahuan mo ng isang buwan."
"Bakit po isang buwan? Hindi po aabot ang halaga ng kinain nila sa sahod ko ng isang buwan." Reklamo niya.
"Kasama na ang tubo dun." Seryosong sabi nito.
"Ano!? Teka lang naman sir, bakit po may tubo?"
"Gusto ko."
"Wala po sa usapan natin na may tubo yun sir."
"Kanina wala. Pero ngayon meron na."
"Huh! Ano ba naman yan!?" Hindi siya makapaniwala dito. Ang pagkain na tulong niya sa iba ay pinabayaran at may tubo pa! "Grrr.....Nakakainis talaga!" Sigaw ng isip niya.
"O ano, deal na?"
"Hindi naman po yata tama yun sir." Angal pa niya.
"Hindi ikaw ang magsasabi sa akin ng tama o mali. Kaya kung ano ang sinabi ko, yun na yun. In the first place ikaw naman ang nag-alok ng bayad di ba? Tatanggapin ko yung bayad mo, may tubo nga lang." Ani BJ na tumayo. "Bumaba ka na at nagugutom na ako."
"Aba at pinalayas na ako." Sabi niya sa sarili. "Teka lang po sir."
"Wala na tayong dapat pag-usapan. Bumalik ka na lang pag tapos na akong kumain."
Masama ang loob ni Charisse na tinungo ang pinto.
"Sandali." Tawag ni BJ. Pansamantalang huminto si Charisse at pinakinggan ang amo.
"Gawin nating dalawang buwan." Wika nito.
"Po!?" Muntik ng pumiyok si Charisse sa gulat. "Bakit dalawang buwan?"
"Isang buwan para sa pagkakasakit ko at pagkulong mo sa akin dito."
"Ho!? Eh...sir ginawa ko lang naman po yun para sa kaligtasan ninyo."
"Kung hindi ka nagpapasok ng mga tao dito sa bahay, hindi ako magkukulong sa kwarto at magkunwaring may sakit. Tama?"
"Haaay. Naku naman." Gigil na sabi niya. "Sir naman. Baka na..."
"Hindi." Putol nito sa sasabihin niya. "That's final."
"Sir Sungit naman, baka naman po pwedeng tawaran?" Inisantabi muna niya ang inis baka pwedeng daanin naman ito sa lambing.
"As I've said, final na yun. Bumaba ka na and I'm starving. Baka mamaya madagdagan na naman yang utang mo kapag nagkasakit ako dahil hindi mo ako pinakain sa tamang oras." Banta nito.
"Hala!? Lahat na may bayad?"
"Siyempre naman. Wala ng libre ngayon." aniyang nagsimula ng sumubo.
"Nakakaloka." Ani Charisse na tuluyan ng lumabas. "Nakakainis! Nakakainis talaga!" Nagmamaktol siyang bumaba ng hagdan.
"Bakit ganyan ang hitsura mo?" Tanong ni Glenn na nagtataka.
"Yung boss mo kasi nakakainis eh."
"Na naman!?"
"Opo. Lage namang masungit yan eh. Kaya lang sobra na kuya." Pagsusumbong niya. Umupo siya sa harapan nito. Tuloy naman ito sa pagsubo habang nakikinig sa kanya.
"Ano na namang ginawa?" Usisa nito.
"Akalain mo bang pagbayarin ako sa lahat ng pagkain na binigay ko sa mga kapitbahay natin?"
"Ha!?"
"Wala talagang puso. Hindi man lang marunong magmalasakit at tumulong sa kapwa. Ang sama ng ugali."
"Totoo? Seryoso talaga yun?"
"Totoo nga po."
"Ah...Hayaan mo na lang. Basta ikaw, nakatulong ka."
"Ang sama pa rin niya." Malungkot na sabi ni Charisse.
"Magkano ba pinabayad sa'yo?"
"Isang buwan po akong walang sahod. Kasama na daw doon ang tubo. Ay hindi, dalawang buwan pala."
"Dalawang buwan!?"
"Opo. Kasi ginawa ko daw siyang may sakit at ikinulong sa kwarto niya." Pagpapatuloy niya.
Tumawa si Glenn. "Yun na yun?"
"Bakit tuwang-tuwa ka pa? At opo, yun na yun. Dalawang buwan lang naman." Aniyang masama pa rin ang loob. Nagdadabog na kumuha siya ng plato.
Mas lalo namang natawa si Glenn. "Ayos ah."
"Ano!? Natutuwa ka talaga? Teka lang kuya, sino bang kakampi mo ha?"
"Siyempre si bossing. Siya amo ko eh."
"Ah ganun, sige huwag ka ng kumain dito ha hindi na kita ipagluluto." Banta niya rito. "Isa pa 'to. Ang hilig mang-asar." Sa isip isip niya.
"Ok lang, marunong naman akong magluto kaya no problem." Aniyang tumayo at nakangiti pa sa kanya.
"Grrr...nakakainis kayo! Magsama nga kayong dalawa!"
Hindi na sumagot si Glenn. Ngiting-ngiti ito habang naghuhugas ng pinagkainan na mas lalong ikinainis ni Charisse. Bigla tuloy siyang nawalan ng ganang kumain.
"Bakit ganun? Yung masayang usapan nina Maricel kanina ay nawalan ng saysay. Napalitan agad ito ng matinding kalungkutan at pagkadismaya. Pagkakataon na sana niyang umalis at makausap ang pinsan nito. Pero paano na ngayon? Hanggang kailan niya babantayan at aalagaan ang masungit niyang amo? Alam niyang nangako siyang aalagaan ito pero hindi na nga naman siya kailangan di ba? Katunayan ay pinalayas na siya nito.
"Hoy! Ang lalim naman niyan baka malunod ako." Pukaw sa kanya ni Glenn.
"Ha!?"
"Sabi ko, ang lalim ng iniisip mo. Huwag ka ng mag-isip masyado. Isipin mo na lang na ayaw kang umalis ni bossing dito kaya pinagbayad ka."
"Ay sus! Pwede bang ibang dahilan na lang ang sabihin mo?" Kontra niya.
"Malay natin, ayaw ka niya talagang umalis."
"Haay naku kuya, kung alam mo lang."
"Ang alin?"
"Naku, chismoso ka rin ano. Wala po. Makakain na nga lang at marami pa akong gagawin."
"Mamaya ka na kumain, magkuwento ka muna." Ani Glenn na umupo.
"Wala nga po. Magbantay ka na nga lang dun, tapos ka ng kumain di ba?"
"Tapos na."
"Eh di, dun ka na sa pwesto mo ano pa bang ginagawa mo dito."
"Nakikipagkuwentuhan."
"Yun nga po, trabaho muna bago kuwentuhan." Pagtataboy niya
"Hindi. Kuwentuhan muna bago trabaho." Pangungulit ni Glenn. "Ano ba yung hindi ko alam ha?"
"Wala nga po. Ito naman napaka chismoso mo. Lumayas ka na nga dito sa kusina at ng matahimik naman ang buhay ko." Pagtataboy ni Charisse.
"So, nakakaistorbo na pala ako ngayon."
"Hindi naman po sa ganun. Masyado lang po kayong makulit kaya alis po muna at kailangan ko ng katahimikan."
"Sigurado kang katahimikan ang kailangan mo at hindi kausap?"
"Siguro nga kailangan ko ng kausap pero hindi kayo yun kuya. Si sir Sungit pa rin naman ang kakampihan mo. Hmp!" Ismid niya.
"Bakit ba kasi masyado kang affected?"
"At bakit naman hindi? Sa sama ng ugali nun, sinong hindi maiinis?"
"Ibang inis kasi ang nakikita ko." Kantyaw nito.
"Ayan ka na naman. Kuya pwede ba, tigilan mo ako sa mga ganyan."
"Ang alin? Wala pa nga akong sinasabi."
"Alam ko na kung ano ang sasabihin mo. Huwag kang mag-alala hindi ako umaasa."
"Dapat lang. Kundi masasaktan ka lang."
"Alam ko. Kaya pwede ba kuya, dun ka na nga lang sa labas."
"Ito naman. Lagi mo na lang akong pinapalayas." Reklamo nito.
"Kasi wala ka ng sinabing matino."
Biglang pumasok si Maricel sa kusina. "Ate, ok na ba dito? Kailangan mo pa ang tulong ko?"
"Ay hindi na. Tapos na ako, si sir na lang ang aasikasuhin ko."
"Ah, ok. Hi, kuya Glenn." Kaway nito kay Glenn.
"Hello. Ang sipag mo naman." Ganti ni Glenn na kumaway din kay Maricel.
"Ay naku, salamat po. Nakakahiya naman po kay ate Cha ang dami dami niyang gagawin tapos dumagdag pa kami."
"Ayan ka na naman. Bisita nga kayo di ba?" Ani Charisse.
"Oo nga, isipin mo na lang na nagbabakasyon kayo habang bumabagyo." Dagdag naman ni Glenn.
"Parang maganda yan." Sang-ayon ni Charisse. "Sabihin nyo lang kung gusto nyo ng matulog para makapaghanda na tayo."
"Ah, opo matutulog na nga daw po sina Nanay."
"Ay naku, sandali lang at aayusin ko lang yung kwarto."
"Huwag na po ate, ok na po sila doon sa sofa ninyo. Huwag na po kayong mag-abala." Pigil ni Maricel.
"Ay hindi pwede yun." Salo ni Glenn. "Ako na mag-aayos, kumain ka muna Cha."
"Sigurado ka kuya?"
"Oo naman. Di ba sabi ko sa'yo tawagin mo lang ako kung kailangan mo ng tulong?"
"Ah, si Superman. O sige, ikaw na bahala sa kanila. Kailangan makatulog sila ng maayos ha." Bilin ni Charisse. "Cel sa kwarto ko na kayo at ang Nanay mo."
"Sige po. Salamat ate." Ani Maricel na ngumiti.
Sinamahan ni Glenn si Maricel na lumabas ng kusina at iniayos ang matutulugan nila.
Naiwang mag-isa si Charisse sa kusina, ngayon lang niya naramdaman ang pagod. Mas marami nga pala siyang ginawa ngayon kumpara sa mga nagdaang araw. Hindi lang basta katawan niya ang napagod kundi pati puso niya ay pagod na pagod din. Gusto na nga niyang magpahinga ngunit kailangan pa niyang umakyat ulit sa kwarto ni BJ.
"Haay...haharap na naman ako sa kanya." Pagbubuntong-hininga niya.
"Kelan kaya magbabago si sir? O magbabago pa kaya yun? Bakit kaya siya ganun? Sabi ni kuya mabait naman daw ang daddy niya, kung gayon kanino nagmana si sir Sungit? Haaay...sayang. Gwapo sana masungit nga lang, laging nakasimangot. At saka mayaman nga pero madamot naman. Sayang, perfect na sana." Napapailing niyang sambit.
"Charisse, kaya mo to! Kaya mo to!" Sabi niya sa sarili.
"Oo naman, ikaw pa ba?" Biglang nagsalita si Glenn.
"Kuya naman eh. Bakit ba lagi mo akong ginugulat? At saka bakit ka nandito, di ba inasikaso mo yung matutulugan nila?"
"Naiwan ko lang yung jacket ko, ang lamig eh." Sabi nito na kinuha ang jacket na itim na nakasampay sa sandalan ng upuan.
"Kaya mo yan! Lahat gagawin ng pusong nagmamahal." Kantyaw pa nito.
"Ano? Ano bang pinagsasabi mo kuya? Kanina ka pa niyan ah."
"Ay sus! Pero kinikilig naman kapag pinag-uusupan si sir Sungit niya."
"Teka nga lang. Magkakilala ba kayo ni kuya Renante? Alam mo parang si kuya Renante lang yung kausap ko eh. Kung makakantyaw wagas."
"Secret yun haha!" Aniyang tumalikod na.
"Kuya saglit lang. Tinatanong pa kita." Pigil niya. "Magkakilala kayo 'no. Ano bang sinabi niya sa'yo?"
"Wala naman."
"Wala. Sigurado ka? Bakit ganyan ka?"
"Kasi ganito lang ako." Aniyang nakangiting lumabas ng kusina.
"Kuya."
"Masyado kang halata!" Sigaw nito bago tuluyang lumabas ng kusina.
"Ha? Masyado ba akong halata?" Napaisip siya. "Kaya siguro inaasar din ako ni sir minsan." Ang lakas ng tibok ng puso niya. Nag-iinit ang kanyang pisngi. "Haaay....lupa kainin mo na ako."
Paano na? Parang ayaw na tuloy niyang umakyat sa kwarto ni BJ. Akala niya inaasar lang siya ni BJ, yun pala ay totoo na namumula siya. "Nakakahiya. Nakakahiya talaga. Charisse naman tumigil ka na." Aniyang di mapakali. Sinampal sampal niya ang mukha. Naiinis siya na naiiyak. "Haay. Talaga naman. Nakakainis ka?" Ngayon naman ay sinasabunutan na niya ang sarili.
Ngunit wala naman siyang choice. Kailangan niyang mag-stay dito. Kaya magkikita at magkikita talaga sila ni BJ. Napasubo na siya, may ibang paraan pa ba para makaalis siya? Haay....!
Malungkot siyang nagligpit ng pinagkainan at pagkatapos ay umakyat na. Wala si BJ sa kwarto nung umakyat siya. Siguro ay nasa toilet lang. Sinamantala niya ang pagkakataon, mabilis siyang nagligpit at lumabas bitbit ang tray. "Haay. Buti naman." Aniya nang makalabas ng kwarto. Mabilis siyang bumaba ng hagdan bagamat maingat pa rin para hindi siya mahulog. Habol niya ang paghinga nang makarating siya sa kusina. Pinagpawisan pa siya ng malamig sa ginawa. Para siyang magnanakaw na tumakas at ayaw mahuli.
"Anong drama mo?"
"Ay pusa! Kuya naman!" Muntik ng tumilapon ang laman ng tray sa gulat niya. Hindi pa niya ito nailapag sa mesa ng magsalita si Glenn.
"Haha! Gulat ka? Sino bang humahabol sa'yo?"
"Ha?" Aniyang lumingon. "Wa-wala naman."
"Wala daw. Bakit ka tumatakbo?" Usisa pa nito.
"Nagmamadali lang ako. Inaantok na kaya ako at kailangan ko ng magpahinga." Pagkakaila niya at nagsimula ng maghugas.
"Hindi nga? Tingin ko parang tinatakasan mo si boss eh."
"Hindi ah. Bakit ko naman gagawin yun?"
"Aba'y di ko alam sa'yo."
"Hindi ko rin alam kaya huwag mo akong pagbintangan."
"Sige magdeny ka lang ng magdeny. Hahaha!"
"Ewan ko sa'yo. Kumain ka naman sa tamang oras di ba?"
"Uy grabe ka. Matino pa naman ako."
"Ah, mabuti naman. Akala ko kasi wala ka na sa katinuan. Tawa ka kasi ng tawa kahit di naman nakakatawa."
"Ay hindi ako sang-ayon dyan. Nakakatawa kaya yun."
"So pinagtatawanan mo nga ako."
"Hindi naman ikaw yung pinagtawanan ko. Natatawa ako sa ginawa mo."
"Kuya pwede ba. Tigilan mo na."
"Sige. Pero ito lang ang masasabi ko, ingatan mo ang puso mo. Huwag masyado ma-fall at baka hindi ka saluhin. Kilala mo si boss." Seryosong sabi nito.
"Alam ko naman po yun. At saka may girlfriend yun. Alam ko naman na hindi ako papansinin nun. Pero kuya hindi rin naman ako nagpapapansin sa kanya, alam ko naman kung saan ako dapat lumugar."
"Talaga?"
"Oo naman po. At saka sinabi rin naman niya sa akin na di siya pumapatol sa katulong." Malungkot niyang pahayag.
"Aray! Talagang sinabi niya yun? Ang sakit nun ha."
"Medyo po. Pero ok lang yun kuya. Bata pa ako nung baliw na baliw ako sa kanya."
"Ilang taon ka nga nun?"
"Fifteen yata?" Natatawa niyang sagot. "Sabi ko sa'yo dati lang yun eh."
"Ilang taon ka na ba ngayon?"
"Eighteen na."
"So 3 years LANG."
"Kuya, 3 years NA. Lumipas na."
"Ah, so malinaw. Malinaw yung status, hindi complicated."
"Malinaw pa po sa sikat ng araw." Kumpirma ni Charisse.
"So hindi ka iiyak?"
"Bakit naman ako iiyak?"
"Wala. Tinatanong ko lang baka bigla kang umiyak dahil sa boss mo."
"Kuya, kung iiyak man ako dahil sa kanya yun ay dahil sa kasungitan niya. Sa kasamaan ng ugali niya."
"Huwag mo na isipin masyado yan. Siguro ganyan yan kasi nga may pinagdadaanan. Intindihin na lang muna natin."
"Sana nga tama ka kuya. Pero parang ganyan na yata talaga siya." Aniyang kasama ang malalim na buntong hininga.
"O sige na magpahinga ka na at lumalalim na ang gabi. Kailangan mo pang gumising ng maaga bukas. Siguradong maaga magigising ang mga kapitbahay natin at kailangan pa nilang ayusin ang mga sinira ng bagyo."
"O sige kuya. Salamat."
"Sige na. Si Superman na ang bahala dito. Matulog kayo ng mahimbing."
"Ewan ko sa'yo." Natatawang sabi ni Charisse na palabas na ng pinto.
"Goodnight!" Pahabol pa ni Glenn.
"Goodnight mo mukha mo! Maligayang pagbabantay!"