webnovel

Chapter Thirty Two

Saan mo kami dinala Achellion?!" Asik ni Cain nang bigla silang lumitaw sa isang lugar. Nang biglang mabalot nang liwanag ang paligid hindi na nila alam kung ano ang sunod na mga nangyari nang mawala ang liwanag bigla na lamang silang lumitaw sa isang lugar kasama si Achellion.

"Tapusin na natin ang lahat sa lugar na ito. Hindi na ako papayag na may saktan pa kayo sa mga taong importante sa akin lalo na si Aya." Wika ni Achellion at sinugod si Cain. Gamit ang buong lakas niya bilang isang nemesis. Nilabanan niya sina Jezebeth, Cain at Leonard. Madali niyang natalo si Leonard. Si Jezebeth naman ay tumakas. Naiwan silang dalawa ni Cain at naglaban. Dahil meron na siyang sugat. Kahit na nasa anyo pa siiya nang isang nemesis nahihirapan siyang talunin ang lalaki.

Isang liwanag ang nakita ni Achellion. Bago siya mawalan nang ulirat. Hindi na niya alam kung ano ang nangyari kay Cain sa hina nang kanyang kapangyarihan hindi na niya nagawang pagalingin ang sarili niya.

Matapos ang nangyari sa safe house nina Eugene. Hindi na ulit nakita si Achellion. Wala na silang narinig na balita mula sa binata at kung ano ang nangyari ditto.

"Nakaligtas kaya siya?" tanong ni Meggan.

"Malabo. Kahit na malakas siya. Sugatan parin siya. Hindi naman immortal ang mga fallen angel---" putol na wika ni Julius nang bigla siyang sikohin ni meggan. Itinuro nito si Aya na nakikinig sa usapan nila.

Simula nang mawala si Achellion. Hindi na nila narinig ang pangalan nito na binanggit ni Aya. hindi rin nila ito nakitang umiyak. Para bang wala lang ditto ang biglang paglaho nang binata. Maging si Julianne hindi na rin binanggit ang pangalan nang binata.

"Sa tingin niyo okay lang kaya si Aya?" Tanong Ben.

"Tiyak hindi siya okay. Pero ano naman ang magagawa kung magmumukmok siya." Ani Julius.

"Kaya lang gung ganitong hindi niya sinasabing hindi siya okay at kikimkimin iyon hindi mas nakakapag-alala?" Ani MEggan. Nagkatinginan lang sila. Alam din naman nilang tama ito.

"Mas gugutuhin ko pa siyang makitang nalulungkot kesa naman sa parang wala siyang pakiaalam sa nangyari. Alam naman nating kung gaano kahalaga sa kanya si Achellion." Ani Meggan

"Isang fallen angel si Achellion. Kung ano mang iniisip mo. Hindi pwede yun. Siguro alam na iyon ni Aya kaya naman----" putol na wika ni Ben

"Kahit na. Kung pareho sila nang nararamdamn bakit kailangang pigilan?" agaw ni Meggan.

"Hay naku, masydo kang naniniwala sa mga fairytale. Hindi nangyayari yan sa totoong buhay." Wika naman ni Rick.

Ah." Daing ni Achellion at nagmulat nang mata. Nang buksan niya ang mga mata niya ulap ang nakita niya. agad siyang napabalikwas nang bangon dahil sa pagkabigla sa nasilayn. Ang huli niyang natatandaan. Naglaban sila ni Cain. Alam niyang hindi niya natalo ang lalaki. At bago siya mawalan nang ulirat isang liwanag ang nakita niya. Nasaan siya? Anong lugar tong kinalalagyan niya? Iyon ang tanong niya sa isip. Narinig niya ang mga yabag na papalapit sa kinalalagyan niya. Isang anino ang nakita niya. Unti-unti ang anino ay naging isang bulto. Nabigla pa siya nang makilala kung sino ang nasa harap niya.

"Seraphim?!" takang wika ni Achellion nang makilala anng dumating. Agad siyang napatayo mula sa kinahihigaan at sinalubong ang dumating. Nabuo sa utak ni Achellion na si Seraphim ang dahilan kung bakit siya nandito sa lugar na ito.

"Nakapagpahinga ka ba nang maayos? Naging malubha ang mga sugat mo dahil sa naging laban ninyo ni Cain. Ngunit salamat na lamang dahil taglay moa ng kapangyarihan nang nemesis kaya naging mabilis ang paghilom nang mga sugat mo." napakunot ang noo ni Achellion.

Wala siyang maalala si sinabi nito.

Ni wala nga siyang maalala sa paglalaban nila ni Cain. Bakit tila may mga bagay na naman siyang nakakalimutan?

"Hindi ka ba nagtataka kung bakit ka nandito?" tanong nito

"Bakit mo ako dinala ditto? Anong nangyari sa laban naming ni Cain?" Sunod sunod na tanong ni Achellion.

"Hindi mo ba itatanong kung bakit ditto ka dinala kaysa ipadala ka sa walang hanggang apoy kong saan ang mga katulad mo na----" putol na wika nito.

"Wala akong pakiaalam. Ang gusto kung malaman kung ano ang nangyari sa laban namin ni Cain?" Agaw ni Achellion sa iba pang sasabihin ni Seraphim.

"Hindi maipagkakaila na naging malakas ka nang maging isa kang Nemesis." Panimula nito.

"Subalit, wala kang control sa taglay mong kapangyarihan. NI hindi mo alam kung anong klaseng kapangyarihan ang taglay mo. Nang pasailalim ka nang kapangyarihan ni Cain naging mahina ang ispiritual mong lakas. Dahilan upang muling makulong ang kapangyarihan mo bilang isang Nemesis. Kung iisipin isang magandang bagay na muling nakulong ang kapangyarihang iyon. Ikaw, bilang isanng Nemesis ay isang malaking banta sa mundo nang mga mortal at sa mundong ito. Kung magsasanib kayo nang lakas ni Lucifer tiyak na ang katapusan nang mga mortal. Kaya naman bago pa muling magising ang kapangyarihan mo kailangan ka na naming ikulong ditto. Hindi ka rin naming pwedeng ipadala sa walang hanggang apoy. Alam mo na siguro kung bakit." Mahabang paliwanag ni Seraphim.

"Anong ikulong ang pinagsasabi mo." wika ni Achellion at lumapit sa rehas na pinto nang pinagkulungan sa kanya ngunit hindi pa siya lubusang nakakalapit sa pinto naramdaman na niya ang isang malakas na kuryente na tumama sa kanya.

"Hindi ka makakalabas sa kulungang iyan. Dahil hindi mo kayang ilabas ang kapangyarihan mo. habang buhay kang makukulong sa lugar na iyan." Wika ni Seraphim. Napakuyom nang kamao si Achellion. Bakit napakahina niya. Hindi na naman ba niya matutupad ang pangako niya kay Aya na babalik siya.

"Huwag mong masyadong isipin ang dalagang mortal. Magiging ligtas siya hanggat wala ka sa tabi niya. Dapat sa ngayon ay alam mo na na ikaw ang dahilan nang lahat nang mga masamang nangyayari sa kanya. Ikaw ang gustong makuha nang grupo ni Jezebeth hanggang nasa tabi ka nang dalagang iyon parati ding magiging nasa panganib ang buhay niya." wika ni Seraphim.

"Achellion. Alam kung alam mo na kung ano ang nararamdaman mo para sa dalagang iyon. Ngayon pa lamang sinasabi ko na sa iyo na hindi maaari ang gusto mo. Isa kang----" biglang putol na wika nito.

"Isa akong fallen angel. Alam ko yun. Kung ano man ang nararamdaman ko sa tingin ko wala kang pakialam doon. O kahit sino man sa inyo." Agaw ni Achellion sa iba pang sasabihin ni Seraphim. Kung ang pananatili niya sa lugar na iyon ang magiging paraan upang tumahimik ang buhay ni Aya then he will stay on that place. Sa totoo lang napapagod na rin siyang makipaglaban.

Isang nakakagimbal na balita ang sumalubong sa magkapatid na Eugene at Aya. Isang kaguluhan ang nangyari sa correctional kung saan nakakulong ang pinsan nilang si Bernadette. Ayon sa balita nagtangkang tumakas ang dalaga dahil sa pagpapahirap na ginagawa nang mga kapwa nito priso.

Sa pagtangka nito na tumakas. Nasawi ito sa isang malakas na sunog sa loob nang correctional. Isang pagsabog ang narinig nang mga bantay sa loob nang selda ni Bernadette. Hindi nakalabas nang selda ang dalaga at natupok nang apoy. Isang bangkay ang nakita nila sa loob nang selda at nag match sa DNA ni Bernadette.

Galit na galit si General Mendoza dahil sa nangyari sa anak niya. At sinisi nito ang magkapatid na Eugene at Aya dahil sa nangyari sa anak niya. sumugod pa ito sa safe house kung saan naroon ang magkapatid upang ipakita kay Eugene ang galit nito. Nagbanta pa ito na hindi patatahimikin ang magkapatid.

"Talagang galit na galit siya." Wika ni Julianne nang makaalis ang matanda sa safe house. Hindi pinaharap ni Eugene si Aya sa matanda dahil alam niyang hindi maganda ang magiging pag-uusap nila. Silang dalawa ni Julianne ang humarap kasama si Butler Lee.

"Naiintindihan ko siya dahil nawalan siya nang anak." Ani Eugene.

"Alam nating marami siyang pwedeng gawin para saktan kayong magkapatid. Lalo pa ngayon na alam na niyang inaayos ko ang mga dokumento para ibalik sa inyo ang yaman nang lola niyo." Wika ni Butler Lee. Alam niyang lihim siyang pinasususundan nang matanda. nalaman din nitong gumagawa sila nang paraan para maibalik sa magkapatid ang kayamanan nang lola nila.

"Si Aya. Okay lang ba siya? Naging tahimik na siya simula nang huling makaharap natin si Achellion." Wika ni Julianne.

"Hayaan na muna natin siya. Matatanggap niya rin na hindi na babalik ang lalaking iyon. Isa pa. Isa siyang mapanganib na nilalang. Ayokong magkaroon sila nang uugnayan ni Aya." Wika ni Eugene. Hindi pa rin mawala sa isip niya ang katotohanang nais nitong saktan si Aya.

Kahit na alam niyang napasailalim lamang itong nang isang mahika. Kung talagang pinahahalagahan nito si Aya. Hindi ito magpapadaig sa mahikang iyon.

"Aalis muna ako. Ngayon darating ang mga kamag-anak ni Roch mula sa Japan. Kailangan nandoon ako sa Hospital upang ipaliwanag sa kanila ang nangyari." Wika ni Julianne.

Mabuti na ang lagay ni Roch at unti-unti nang nakakarecover. Dahil sa tulong ni Butler Lee. Natunton nila ang mga kamag-anak nito sa Japan. Nagpadala din sila nang mensaha sa mga ito at sa kung anong nangyari sa dalaga. Sinabi nang mga ito na pupunta sila ditto sa Bansa upang sunduin ang magkambal.

"Pasensya na hindi ako makakasama." Wika ni Eugene.

"Ano ka ba, Okay lang kaya ko naman ang sarili ko." Ngumiting wika ni Julianne at tinapik ang balikat nang kaibigan. "Baka nga ngayon araw din nila dalhin si Roch sa Japan. At Doon na ipagamot." Wika ni Julianne.

"Hindi ba mas Mabuti iyon para maalagaan siya doon naman talaga siya nababagay. Matagal na panahon din silang nawalay sa kanilang pamilya." Wika ni Eugene.

"Hindi pa rin alam ni Roch na wala na si Mae. Ayoko namang ito ang isalubong sa kanya gayong ngayon lang siya nagising at nagpapalakas pa. Hindi naman siguro magandang isalubong iyon baka lalong hindi na niya gustuhing gumaling kahit naman ganoon ang ugali ni Mae tiyak ko namang mahal siya ni Roch." Wika ni Julianne.

Siya ang naging bantay nang dalaga sa Hospital dahil sa pagtanaw niya nang malaking utang na loob sa dalaga kaya naman hindi niya ito maiwan. At naging malapit din sa kanya ang dalaga bilang isang kaibigan. Sa pananatili niya sa mundo nang mga mortal iba't-ibang klaseng mortal na ang nakilala niya.

Kung bibigyan siya nang pagkakataong muling mabuhay. PIpiliin niyang maging isang mortal at magkaroon nang mga kaibigan na meron siya ngayon. Ang madestino sa lupa nag isa sa pinaka magandang nangyari sa kanya bilang isang Anghel.

Nang dumating siya sa Hospital nakilala niya ang bUtler ni Roch na siyang ipinadala nang pamilya nito na sunduin ang dalaga. Doon nalaman din niyang sinabi na nang mga ito kay ROch ang nangyari sa kakambal nito. Nakita niyang labis ang kalungkutan ni ROch at panay din ang iyak. SInabi sa kanya nang bUtler na dadalin na nila si Roch at labi ni Mae sa Japan.

Matagal na daw na hinihinatay nang mga magulang nila si Roch. Bago ito dumating sa bansa, inayos na nito lahat nang papeles ni Roch upang agad nilang madala sa Japan. SIna Julius, Meggan at Eugene at Julianne ang sumama sa mga ito sa Airport. Nasa isang wheel chair si Roch dahil hindi pa ito lubusang magaling may kasama din silang nurse at doctor na dala nang butler galing sa Japan.

"Julianne, Eugene. Pasensya na kayo sa mga nangyari. At Salamat dahil sa pagkupkop niyo sa akin." Wika ni Roch.

"Ano ka ba. Hindi ka dapat magpasalamat sa amin. Kami dapat. Dahil sa iyo muli kaming nabigyan nang pagkakataon na makasama ang mga pamilya naming. Ngayon ikaw naman. Makakasama mo na ang pamilya mo." Wika ni Eugene.

Nakita nilang naging malungkot ang mukha ni Roch. Alam nilang hindi magiging kompleto ang kasiyahan nito dahil sa pagkawala nang kakambal. Nakita nilang humigpit din ang hawak nito sa pinaglagyan nang mga abo ni Mae.

Nalakad papalapit si Julianne sa dalaga. Saka hinawakan ang kamay nito dahil sa ginawa nang binata tila nanigas muli ang katawan ni Mae. Taka pa itong napatingin sa mukha nang binata.

"You have to live well. Para sa inyo ni Mae. Ikaw ang mapatuloy nang buhay para sa kanya." Wika ni Julianne at pinisil ang kamay nang dalaga.

Nang walang makuhang reaksyon sa dalaga napangiti si Julianne mukhang hindi pa rin nag iimprove ang paninigas nito sa harap nang mga lalaki. TUmayo ni Julianne at inilapit ang mukha sa tenga ni Roch.

"Next time we meet. Dapat hindi ka na naninigas sa harap nang lalaki. Kung sa simpleng paghawak nang kamay naninigas ka. Paano ka magkakaboyfriend niya. Sayang ang ganda mo." Bulong ni Julianne bago ginawaran nang halik sa pisngi si Roch at lumayo. Lalo namang nanigas ang dalaga dahil sa ginawa nang binata. Parang siyang hinahabol nang sampong kabayo. Dinig na dinig niya ang dagundong nang dibdib niya. Natila mabibenge siya sa sobrang lakas.

"Ikaw na ang bahala sa kanya." Wika ni Julianne sa butler nang dalaga saka nakipagkamay.

"Arigato Gosaimasu." Wika nito at nagbow sa binata. Simple ding nagbow ang binata sa butler. Nakita nilang lumapit ang nurse kay Roch at pinihit ang wheel chair upang pumasok na sila sa departure Area Tatalikod na sana si Julianne nang bigla siyang tinawag ni Roch. Tila nakabawi na ito mula sa paningas.

"J-Julianne." Nauutal na wika nito.

"May nakalimutan ka bang sabihin?" ngumiting wika ni Julianne sa dalaga.

"If I improve myself at bumalik ditto. Would you grant my wish?" wika nito sa binata.

"Of course you have to live your life to the fullest at comeback as a wonderful woman. Then May be I can consider granting your wish. Sabihin mo anong wish mo?"

"Have a date with me." Lakas na loob na wika nito. Maging sina Eugene ay nabigla din dahil sa sinabi nang dalaga.

"Teka? Pwede bang makipagdate ang mga anghel?" pabulong na wika ni Julius kay MEggan.

"Malay ko." Kibitz balikat na wika ni Meggan. Napangiti lang si Eugene.Hindi pa niya nakikita ang kaibigan na nakipagdate. Gusto niyang malaman if he is even capable of doing so. Sa tagal nito ditto sa mundo siguro naman alam nito kung ano ang date.

"Kapag bumalik ka na isang nakakabilib na dalaga then we have a deal." Ngumiti wika ni Julianne. He did that para maging positibo ang pananaw ni Roch sa buhay. Para magkaroon ito nang dahilan na ipagpatuloy ang buhay kahit wala na ang kakambal nito.

"Maasahan mo." Ngumiting wika ni Roch, Kahit na nabibingi siya sa lakas nang kabog nang dibdib niya. She feel na kailangan niyang malaman kung may pag-asa pa siya sa binata. At dahil sa sinabi nito naging masaya siya dahil ibig sabihin. Hindi nito tuluyang isinasara ang puso na ang nakikita lang ay ang dalagang si Aya. SInisiguro niya na sa pagbabalik niya magagawa niyang makuha ang puso ni Julianne at baka magustuhan siya nito. Si Julianne na kanyang first love at ang tanging lalaking nakahalik sa pisngi niya. HE is bold enough to do that kaya naman alam niyang kaya din niya makuha ang puso nito at magsisikap siya. Magiging isa siyang kaaya-ayang dalaga na mamahalin ni Julianne.

Simula nang umalis si Achellion. Lihim na naghintay si Aya. Kahit na hindi nito sinabi kung kailangan ito babalik Alam niyang tumutupad sa pangako si Achellion. Ipinangako niyang hindi na siya muling Malulungkot o iiyak. Maghihintay siya sa pagbabalik nito. nang sumunod na mga araw. Napansin ni Aya na wala na siyang nakikitang mga kaluluwa. Kahit si Julianne na isang anghel ay hindi na niya nakikita sa orihinal nitong anyo gaya nang nagagawa niya dati. Bumalik na ba sa normal ang buhay nila? Nagapi ba ni Achellion ang mga Fallen angel?

"Sinong nandiyan?" tanong ni Aya nang maramdamang hindi siya nag-iisa sa terrace. Nasa kusina sina Butler Lee kasama sina Jenny at MEggan. Ang kuya naman niya at ang iba pang lalaki ay nasa sala at nanood nang TV.

Isang malamig na hangin ang naramdaman ni Aya. bigla siyang kinilabutan. Pamilyar sa kanya ang nakakatakot na presinsyang iyon.

Biglang napabaligwas nang tayo si Aya nang biglang hawakan ang balikat niya nang lalaki. Isang malamig na kamay ang naramdamn niyang humawak sa kanya.

"Aya!" biglang napatayo si Achellion mula sa kinauupuan niya nang marinig ang boses ni Aya. Gaya nang dati. Tuwing nasa panganib ito naririnig niya ang boses nang dalaga. Ganoon din kaya ang nangyayari sa dalaga ngayon? Iyon ang nasa isip niya.

"Agassi?!" gimbal na wika ni Butler Lee nang abutang walang malay sa terasa ang dalagang si Aya Agad niyang tinawag si Eugene at Julianne. Nagmamadaling dumating ang lahat kasama si Jenny. Nang makarating sila sa terasa agad naramdaman ni Julianne ang maitim ni aura nang isang fallen angel. Agad namang pinulsuhan ni Jenny si Aya. Mahina ang pulso nito maging ang tibok nang puso. lahat sila natatakot sa maaring mangyari kay Aya. Masyadong mahina ang pulso nito ngunit wala silang makitang karamdaman nang dalaga.

Ayon pa kay Julianne nakakaramdam ito nang madilim na aura sa paligid ni Aya. Ngunit dahil mahina na ang kapangyarihan nito bilang isang anghel nahihirapan siyang matukoy kung anong klaseng fallen angel ang kalaban nila kung isa man itong fallen angel. Nagpaalam si Julianne kay Eugene. Sinabi niyang may kailangan siyang kausapin na isang taong pwedeng makatulong sa kanila tungkol sa kalagayan ni Aya. Hindi niya sinabing ang kakausapin niya ay si Arielle ang isa pa sa mga anghel na nasa mundo.

"Anong ginagawa mo ditto?" takang wika ni Arielle nang makita si Julianne sa labas nang National head quarters. "Kapag nakita ka ni General Mendoza na nag--" putol na wika ni Arielle. Dahil sa mga nangyari nawalan sila nang contact kay Arielle hindi rin ito sumasama sa grupo nila. Tila may sariling misyon ang dalagang anghel na hindi nila alam.

"Kailangan ko nang tulong mo. Naalala mo ba si Aya? Ang kapatid ni Eugene?" Agaw na wika ni Julianne. Biglangn napakunot ang noo ni Arielle sa narinig na sinabi nang binata. "Nawalan siya nang malay sa hindi naming malamang dahilan. Mahina ang tibok nang puso niya." Dagdag pa nito.

"Bakit ako ang nilapitan mo? Bakit hindi niyo siya dalhin sa hospital?" ani Arielle. "Alam mong hindi ako pwedeng makiaalam sa mga nangyayari sa mga mortal. Isa pa kesa sa ang problema nang mga mortal ang inaalala mo bakit hindi mo tapusin ang misyon mo. Limitado na ang oras mo sa mundong ito. Hindi mo ba alam iyon? habang nagtatagal ka ditto lalong nagiging mortal ang katawan mo. Maaaring hindi ka na makabalik sa pagiging anghel." Mahabang wika ni Arielle.

"Hindi yan ang iniiisip ko sa ngayon. Si Aya. Nararamdaman kong may madilim na enerhiya sa paligid niya. Dahil mahina na ang kapangyarihan ko. Hindi ko siya matulungan. Ikaw ang nilapitan ko dahil alam kung magagawa mo kaming tulungan." Wika ni Julianne.

"Sinabi ko na. Hindi ako pwedeng makiaalam sa mga problema nang mga mortal."

"Hindi ko sinabing makiaalam ka. Humihingi ako nang tulong. Bukod doon, hindi rin kami matutulungan nang mga doctor." Wika ni Julianne. Biglang napaiisip si Arielle. Dapat ba niyang tulungan si Julianne? Kapag ginawa niya iyon baka mabunyag din sa mga tao kung ano ang tunay niyang katauhan. At iyon ang kaisa-isang batas na ibinigay sa kanya ni Gabriel. Ang hindi dapat mabunyag ang katauhan niya.

"Please." Wika ni Julianne. Habang nakatingin siya sa mukha ni Julianne. Hindi niya mapigilang maawa sa binata. Alam niyang hindi tama na makialam siya sa problema nang mga mortal ngunit habang nakikita niiya ang mukha ni Julianne ramdam niya na sensiro ito sa paghingi nang tulong. Sa huli hindi pa rin niya nagawang tanggihan ang binata.

Bahala na. Iyon ang nasa isip ni Arielle. Sumama siya sa safe house na tinitirahan nang magkapatid. Nagulat pa ang lahat nang makita si Arielle na dumating kasama si Julianne.

"Arielle bakit ka nandito? Bakit kayo magkasama? Siya ba ang kaibigang sinasabi mo? Bakit ang tagal mong hindi nagpakita sa amin? ANong nangyari sa iyo?" sunod sunod na tanong ni Julius. Ngunit hindi naman sumagot si Julianne at Arielle. Nagpaalam lang ito kay Eugene kung pwede nilang makita ang dalaga. Tumango naman si Eugene.

Unang kita palang niya sa dalaga alam niyang katulad din ito ni Julianne. Kaya naman hindi na siya nag tanong pa. Alam niyang alam ni Julianne kung ano ang ginagawa nito at kung para sa kaligtasan ni Aya gagawin nito ang lahat.

Pagpasok pa lamang ni Arielle sa loob nang silid nang dalaga. agad niyang naramdaman ang malakas na kapangyarihan. Isang madilim na enerhiya ang nakapalibot sa dalaga. hindi nakikita nang ordinaryong mata, ngunit nakikita ni Arielle ang madilim na usok na nakapalibot sa katawan ni Aya. Biglang kinilabutan si Arielle. Napaatras pa siya dahil sa biglang takot na naramdaman. Sa pag atras niya bigla siyang tumama sa likod ni Julianne. Naging maagap naman ang binata ang hinawakan ang balikat nito.

"Okay ka lang ba?" Tanong ni Julianne. Maging sina Julius ay nabigla din sa naging reaksyon ni Arielle. Taka namang napatingin si Arielle kay Julianne.

Is he always this gentle? Ito ba ang nakuha niya sa pamamalagi sa mundo nang mga mortal? Iyon ang tanong na pumasok sa isip ni Arielle habang nakatingin sa mukha nang binata.

"Eheem." Tumikhim na wika ni Rick. Kung hindi pa iyon narinig ni Arielle hindi pa siguro siya lalayo sa binata. Iwan ba niya but she was drawn into him while looking into hes eyes.

"Okay kalang ba?" Ulit na tanong ni Julianne sa dalaga.

"O-oo." Nauutal na wika ni Arielle at biglang lumayo sa dalaga. dahan-dahan siyang lumapit sa dalaga. nakasunod naman sa kanya, Si Julianne, Eugene Julius, Rick, Ben at Butler Lee. Sina Meggan, Ashley at Jenny naman ay naiwan sa baba.

"She is been like that simula pa kahapon. Wala namang makitang sakit si Jenny." Ani Ben.

"Kaya mo ba talagang alamin kung ano ang sakit niya?" tanong ni Rick. Alam niyang isang computer analyst si Arielle kaya naman nagdadalawang isip sila sa pwede nitong gawin isa pa masyado itong tahimik. Ano ba ang meron ito at kailangang humingi nang tulong ni Julianne.

"May magagawa talaga siya? Eh mas mahina pa---" biglang naputol ang sasabihin ni Ben nang suminyas si Julianne sa kaibigan na huwag maingay.

Nakatuon ang isip ni Arielle sa paghahanap sa kaluluwa nang dalaga at kung anong hiwaga ang bumabalot ditto.

"Tumahimik ka kasi." Wika ni MEggan at siniko ang kaibigan. Agad namang isinara ni Ben ang bibig niya upang ipakita na hindi ito muling magsasalita muli nilang ibinaling ang paningin sa dalaga.

"Ano sa palagay mo?" tanong ni Julianne kay Arielle habang nakatingin ito sa dalaga.

"Tama ka nga, may malakas na enerhiyang bumabalot kay Aya." wika nito at inilapit ang kamay sa dalaga. Isa sa kapangyarihan ni Arielle ay ang pumasok sa panaginip nang iba. Kapag hinawakan niya ang kamay nang isang nilalang nagagawa niyang makapasok sa kahit anong panaginip na meron sila. Nais niyang subukan kay Aya kung anong klaseng panaginip ang napapanaginipan nito.

Isang mahabang katahimikan ang namayani sa loob nang silid habang hawak ni Arielle ang kamay niya. ipinikit nito ang mga mata at sinubukang hagilapin ang nilalaman nang panaginip ni Aya.

Hindi nag tagal isang mainit na lugar ang naramdaman niya. maya-maya nakita niya ang isang ilog nang apoy at mga kaluluwang umiiyak habanng humihingi nang tulong sinubukan niyang hanapin si Aya sa lugar na iyon ngunit hindi niya nakita si Aya. Habang nililibot niya ang lugar biglang nagulat si Arielle nang salubungin siya nang isang nakakatakot na nilalang. Hindi niya nagawang maka kilos nang bigla siya nitong hatawin nang apoy nitong spear.

"Ah!" impit na tili ni Arielle kasabay ang pagbagsak mula sa pagkakaupo sa kama ni Aya. Nabitiwan din niya ang dalaga. sa pag-iwas niya sa atake nang lalaki. Hindi niya namalayan na nabitawan pala niya ang kamay ni Aya.

"Okay ka lang ba?" nag-aalalang wika ni Julianne at tinulungang tumayo si Arielle. Lahat na bigla sa nangyari sa dalaga.

Ano ang nakita ito at bigla na lamang itong napasigaw? Hindi nakasagot si Arielle. Hindi niya maipaliwanag ang lugar na napuntahan niya bakit iyon ang laman nang panaginip ni Aya? Lahat din naguguluhan sa kung ano na naman ang nangyayari. At ano ang tunay na katauhan nang dalagang ito na dati ding miyembro nang Phoenix.?