webnovel

Ang Mahiwagang Mundo Ng Enderia

DreamReality · Fantaisie
Pas assez d’évaluations
13 Chs

Itim na Encanta

Mabilis na nagtatakbuhan ang mga kabayo sakay ang mga itim na salamangkero at patuloy na hinahabol ang nakatakas na Avial.

Patuloy sa pag-iyak si Eudora dahil sa kinahantungan ng buhay ni Drake. Mabilis na pinapatakbo ng matanda ang kabayong kanilang dala papalayo sa mga itim na salamangkero nga biglang:

*Úréävílîèr!!*

Nagbitaw ng isang malakas na salamangka mula sa malayo ang isa sa mga humahabol at nataman ang sakay nilang kabayo bago pa man sila makapasok sa madilim na gubat.

Namatay ang kabayo at di kalaunan ay namatay din ang matanda. Tumapon si Eudora sa isang malahiganteng kabute at kalaunan ay nagising sa pagkakahilo. Tanaw niyang paparating na ang mga itim na salamangkero papunta sa kinaroroonan niya ng biglang may humila sa kaniya at tinakpan ang bibig niya.

"Ssshh! Huwag kang gagalaw."

Dumating ang mga salamangkero't patuloy na naghahanap.

"Pumasok kayo sa gubat! Ang iba sumunod sakin!" Sigaw ng isang pinuno.

"Dantr!" Pabulong ni Aldrin, "Wala na sila."

Binitawan na ni Dantr si Eudora.

"Ba't ka hinahabol ng mga salamangkero?" Tanong ni Anna.

Gulat pa rin si Eudora at di nakasagot.

"Eudora?!" Biglang pabulong na bungad ng Prinsesa.

"Mahal na Prinsesa!!" Gulat na sambit ni Eudora.

"Sshh, hinaan mo ang boses mo, baka may iba pang salamangkero sa paligid." tugon ng prinsesa.

"Paano ka nakarating dito?" Tanong ng prinsesa.

"Mamaya na yan, umalis na muna tayo dito at maghanap ng matutuluyan, palapit na ang gabi." Wika ni Dantr.

"Ang isla ng Iganda ay sa mapayapa't masaganang isla sa karagatan ng Halea, subali't naging madilim ang islang ito ng mga panahong nakapasok sa mundo ng mga tao ang mga Zharun. Ang madilim na gubat na siyang sumasakop sa pinakamalawak na parte ng isla ay dating malaparaisong gubat na puno ng mga hayop at magagandang halaman. Mga sapa at batis na sing-tingkad ng kristal at mga punong kay gandang pagmasdan. Ngunit ilang daang taong nagdaan ng nabuksan ang lagusan sa dalawang mundo. May nakapagsasabing ang babaeng nanggaling sa kabilangang parte ng lagusan ay siyang nagdala ng delubyo sa mundo ng mga tao." Patuloy na nagbabasa si Greg ng librong napulot niya sa isang aparador sa tinutuluyan nilang lumang bahay.

"Wala bang nakatira rito? Bat ang tahimik ng isla? Di naman 'to ganito noon ah!" Pagtataka ni Aldrin habang nakabantay sa bintana.

"Malayo layo naman tayo sa mga salamangkero.." patuloy na nagsasalita si Aldrin habang si Greg ay patuloy rin nagbabasa.

"Eudora, bakit ka hinahabol ng mga salamangkero kanina? At tsaka paano ka nakapunta rito? Ikaw lang ba mag-isa?" Tanong ng prinsesa.

"Dantr, kukunin ko 'tong lalagyan sa bagahi mo. Lulutuin ko ang ilan." Abala sa paghahanda ng hapunan si Anna.

"Mahal na Prinsesa, naaalala niyo po ba nung panahong inatake ang ating kaharian?" Napatango ang prinsesa.

"Nung nakatawid na po kayo sa lagusan at isinasara ang lagusan.....

---

*"Trinadia!! Panahon na!!" Sabay sabay nilang pinalibotan at prinotektahan ang lagusan at nagsumite ng salitang pangsalamangka. "Prinsesa! Magsasara na ang lagusan! Tumawid ka na!"*

"Fred!" Sigaw ni Drake habang pumapalibot ang ibang Trinadia sa lagusan upang isara ito.

"Ang dami na nila! Sobrang lakas ng mga dragon! Hindi natin makakaya 'to!" Nag-aalalang sambit ni Drake habang binabaon ang espada sa Zharung humila kay Fredriez.

"Darating ang itinakda." Mahinang tugon ni Fred.

"Kailanpa?! Mauubus tayo rito!! Mawawasak ang kahariang Ito!" Sigaw ni Drake.

"Ang hari, Drake?" Nanghihinang tanong ni Fred.

"May sugat ka Fred!! Tama na yan bumaba ka at gagamutin natin ya..." "Sshh.. huwag na.... Hindi na rin naman ako tatagal."

"Huwag mong sabihin yan Fred!! Huwag mong isipin ang hari, nasa mabuting kalagayan na siya. Gagamutin natin yan! Huwag na huwag mong ipipikit ang mata mo!!"

"Drake, hindi pa tuluyang naisasara ang lagusan. Sundan mo ang Prinsesa." Nanghihinang utos ni Fredriez sa matalik na kaibigan.

"Fred naman eh!!"

"Isama mo si Eudora, mag-ingat kayo..."

"Papaano ka!? Kayo?!"

"Magiging maayos ang lahat Drake" Ngumiti lamang si Fred, "Eudora! Tumawid na kayo sa lagusan!".

Nauna na si Eudora sa lagusan at hinihintay si Drake.

"Trinadia! Isara na!!" Sinipa ni Fred si Drake sa lagusan.

Bago pa man tuluyang nagsara ang lagusan, sabay sabay na bumigkas ang lahat ng nakapalibot na Trinadia, "Sa ngalan ng kaharian ng mga Avials, tinatawag namin ang natitirang kapangyarihan ng krystal na bumubuo saaming katauhan, dinggin mo!!!!...."

"Fred!! Huwag!!!!!!!!"

".... Yvandri.. Crystalia!!!!!!!.."

Sabay sabay na sigaw ng mga Trinadiang nasa himpapawid at lumiwanag ng napakatingkad na naiilawan nito ang buong kalupaan ng kaharian.

"Tara na Drake!" Hinila na papalayo ni Eudora si Drake mula sa papasarang lagusan.

"Wala akong kwentang kaibigan!" Iyak na sigaw ni Drake.

"Hindi ko man lang naisalba si Fred." Patuloy na nagsisi si Drake habang yakap siya ni Eudora.

"Hindi ganun yun, huwag mong sisihin ang sarili mo?"

---

... habang lumilipad kami papalayo sa lagusan, nawalan kami ng malay at nahulog mula sa himpapawid. Paggising namin, nasa isang selda na kami sa kamay ng mga salamangkero." Di na naiwasang umiyak ni Eudora habang patuloy na kinikuwento ang lahat ng mga nangyari lalo na ang ginawang pagsasakripisyo ni Drake.

"Tahan na, pinapangako ko, magiging maayos ang lahat" at niyakap siya ng Prinsesa..

"Hayys. Ba't nagkakaganito ang mundo? Ba't kailangang may kalaban?" Biglaang bungad ni Greg hawak-hawak ang librong binabasa.

"Kailangan mo ng lakas Eudora. Kain ka na." pagpapasigla ni Anna kay Eudora habang hinahanda ang hapunan.

"Si Dantr? Lumabas?"

"Mauna na kayong kumain, tatawagin ko si Dantr sa labas" wika ng Prinsesa, "Kumain ka na muna Eudora, at magpahinga."

"Saan naman pumunta yun?" pabulong na tanong sa sarili. Patuloy siya sa paghahanap ng bigla siyang hilain ni Dantr.

"Ano ba?!", "Sshh! May mga salamangkero sa may bandang kanan sa malapit sa ilog."

"Ba't may Zharun dito?! At mas lalong bakit kausap ng Zharun ang mga salamangkero??!" Gulat na pabulong ng prinsesa.

"Tama nga ang hinala ko. Kinokontrol ng mga Zharun ang takbo ng isla." Wika ni Dantr.

"Di tayo magpapalipas ng gabi rito. Aalis tayo agad agad. Makakaya kong labanan ang lahat ng 'to subali't di ko makakayang mapaano kayo."

"Psh, porke may kapangyarihan ka..." Tinakpan ni Dantr ang bibig ng prinsesa.

Medyo may narinig ang mga salamangkero at tumungo sa kinaroroonan ng dalawa.

*Krrsshhhh* bumungad ang isang ligaw na pusa habang nakatago sa gilid sina Dantr.

Umalis na ang mga Zharun at mga salamangkero papalayo sa lugar kung nasaan ang tinutuluyan nila.

Tumingin si Dantr sa Prinsesa.

"Ang sarap ng yakap mo ah."

"Ha? Ahhh! Di no! Kinailangan kong magtago! Yun lang!" Namumulang pagdadahilan ng prinsesa.

"Tara na nga" inalsa ni Dantr ang prinsesa sa balikat at umalis.

"Ibaba mo ko! Kaya ko maglakad!"

---

"Wala pa sila ah. Malamig na ang pagkain" lumabas sandali si Anna at bumungad sa harap niya ang dalawa.

"Sinabing bitawan m... A-anna! Ahh eh nabangga ang paa ko kaya di ako makalakad ng mabuti kaya't binuhat ako ni Dantr." pilit na ngiti ng prinsesa habang nagdadahilan.

"Ha?! Saan?! Kailangan ba nating gamutin?!" Pag-aalala ni Anna.

"Huwag na Anna, kaya ko namang maglakad." *Bitawan mo ko!* Bulong nito kay Dantr.

"Hmmmm, okay, tara kain na" Sabay na sila pumasok at kumain.

Habang kumakain ay kinuwento ni Dantr ang tungkol sa nakita nila sa gilid ng batis.

"Maghanda kayo, ngayon tayo aalis" kalmadong sambit ni Dantr.

"Pwede ko bang dalhin ang librong 'to?" Tanong ni Greg.

"Bahala ka." Sambit ni Aldrin habang nag-aayos ng armas.

"Okaay..*hum hum humm*"

*Sssssss...* Pawang may aninong sumisilip sa isang sulok at biglang naglaho.

"Narinig niyo yun?" Natatarantang tanong ni Greg.

"Tara na, Greg!" Medyo pasigaw ni Aldrin sa di kalayuan.

"Hoooah!" Nabigla si Greg nang bumungad sa kaniyang mukha ang isang ahas sa isang palumpong.

"Walang hiya ka! Ahas lang pala!...Hintay!!" Nagmadaling tumakbo si Greg.

Di kalaunan ay narating nila ang kampo ng mga itim na salamangkero sa kagitnaan ng isang gubat sa dakong timog kanluran ng isla.

"Maghati tayo, Anna, Greg, Eudora at ikaw!" Tinuro ang prinsesa.

"Ako? Anong ako?"

"Doon kayo dumaan sa likod. Kami dito. Anna, protektahan mo ang Prinsesa." Utos ng ermitanyo.

"Alam mo ermitanyo, parati mo na lang akong.." hinila na siya nila Anna, "Tara na".

"Aldrin.." sambit ni Dantr.

Tumango lang si Aldrin at nagpalitaw ng mga runes palibot sa kampo.

"Marami sila Dantr."

"Sige, mauuna ako. Magbantay ka muna rito"

"Ahhh??, Dantr?" Hawak ng tatlong malalaking Zharun si Aldrin habang nakatutok sa kaniya ang matatalim na mala-espadang itim na usok.

Inilabas ni Dantr ang dibinong espada at tinangkang umatake.

"Huwag kang gagawa ng ano mang ikamamatay ng prinsesa, ermitanyo!" pagtatangka ng isang itim na salamangkero habang hawak sa leeg ang prinsesa.

"Malakas ka, alam kong makakaya mo kaming labanan ngunit alam ko rin na mahalaga sa'yo ang prinsesa." Sambit ng pinunong salamangkero habang pumapalibot ang napakaraming itim na salamangkero't ilang Zharun.

"Dantr!!" Sigaw ng prinsesa.

Napabuntung hininga si Dantr at walang magagawa kundi bitawan ang armas. Nang naibaba niya ang espada'y biglang pumulipot ang malalaking mahiwagang tanikala ng encanta sa kaniyang buong katawang. Ikinulong sina Anna at ng iba pang kasamahan sa isang kulungang likha sa encantang bakal habang ang prinsesa ay hawak ng mga Zharun.

"Itaboy ang ermitanyo kasama ng iba!" Utos ng pinuno sa mga alagad nito.

Kinuha ang dibinong espada mula sa kaniya at nang tangkaing kunin ang libro sa kamay ni Dantr, "Alam kong ayaw mong kunin yan," tinignan ni Dantr sa mata ang salamangkerong nagtangkang kumuha ng libro.

"Hayaan mo na! Libro lang yan!" Sigaw na isa sa mga alagad.

Nasa kabilang selda lang ang ilang kasamahan ni Dantr at kasalukuyang nakagapos ang kaniyang dalawang kamay sa itim na mahikang tanikala. Pilitin niya mang tanggalin subali't encanta ang bumabalot sa mga kadinang nakapulipot sa kaniya.

"Mahal na Reyna! Nahuli na po namin ang Prinsesa" wika ng isang Zharun habang kaharap ang reyna ng Verrier.

"Sa wakas at wala ng magiging hadlang sa pagwasak ko sa kaharian ng Azerfaeil at sa pagsakop sa buong Enderia!" Pagmamalaki ng reyna ng Verrier.

"Walang kinalaman dito ang anak ko, Arha!" Sigaw ng hari habang nakagapos.

"Matagal ng patay si Arha!" Sambit ng reyna.

"Hindi naman kailangan humantong sa ganito ang lahat! Magulang ka rin! Sadyang kinokontrol ka ng itim na encanta!"

"Tumahimik ka!!" At isinara ng reyna ang selda kung saan nakagapos ang hari.

"Wala naman akong kailangan sa Prinsesa, kailangan ko lang patayin ang lahat ng tagapagmana ng trono ng pitong kaharian sa mundo ng Enderia.. Dahil ako ang magiging tanging reyna ng mundo 'to!!"

---