webnovel

Ang Estudyante sa Faculty (Tagalog)

Isang estudyante si Mariane Nicole ng FNHS. Siya ang nag iisang anak ni aling Linao. Bata palang siya ay iniwan na sila ng kanyang ama. Kaya namuhay siya sa kahirapan Dahil sa kahirapan ay nagtrabaho siya sa murang edad. Tinulungan niya ang kanyang ina para may makain sila sa araw araw ----- "Maryannn!" sigaw ni aling linao Napabangon siya dahil sa sigaw ng nanay niya. Nagugutom na siguro ito Lumabas siya at nakita niya si aling linao na nasa lamesa at kumakain "Nay ano yan kinakain mo?" lumapit ako para makita kung ano ito "Pumunta ka muna kay mareng silvia kunin mo ang inutang ko" napatigil siya sa pagsalita ng ina at hindi na natuloy ang paglapit Hindi niya na ito sinagot at tumango nalang. Hinanap niya ang kanyang tsinelas pero hindi niya makita "Asan na iyon" hinalungkat ko ang istante pero wala. Dalawa lang namin kami dito pero iba iba ang mga tsinelas at... Ang iba ay parang nginatngat Anong nangyari dito? Kay inay kaya ito? Eh bakit may ngatngat? Dahil hindi ko makita ang tsinelas ko ay lumabas ako ng nakayapak Malapit lang naman ang bahay ng kumare ni nanay Habang naglalakad ay kapansin pansin ang mga dugo na nagkalat sa kalsada. Natapon siguro ang dinuguan ni Aling Susan Si aling susan ay nagtitinda ng dinuguan mula umaga hanggang gabi. Sobrang mabili ang tinda nito kaya ilang kilo ang niluluto nito araw araw Kaya ang mga tao dito ay hindi nagsasawa sa dinuguan ni aling susan Pinaglihi na sila sa dinuguan na may ulo at tenga ng baboy Sarap! Malapit na ako ng may nabangga ako "Ay sorry" paumanhin ko "Ang baho mo talaga hahahaha!" tinakpan nito ang ilong Si Adrian pala ito ang laging nang aasar sa kanya. Walang araw na hindi siya nito inasar Kaibigan ko ito pero dahil sa pambubully nito kaya feel ko na kaibigan pa ba ako nito? "Tumabi ka nga" siniko ko siya "Saan ka pupunta? Samahan na kita" ngiti ngiti pa ito "Sa kumare ni inay may ipapakuha" sagot ko Sumabay ito sa paglalakad niya. Nakarating na siya sa bahay ni Aling Silvia Kinatok niya ito "aling silvia tao po" Maya maya ay binuksan nito ang pintuan. Naka daster pa ito at nakalugay ang buhok "Pumasok muna kayo" utos nito Pumasok ito sa kwarto at ilang segundo lang ay lumabas ito "Ito ang limang daan na inutang ni kumare" saad nito Tumayo ako at kinuha ang inaabot nito "Maraming salamat po" sagot ko at yumuko ako Lumabas na ako ng kanilang tahanan at nag paalam na kay Aling Silvia. Nakita ko si Adrian na nakasandal sa bakod "Hoy tulala ka?" tanong ko "Wala may nakita lang ako" nagsimula na itong naglakad Anong nakita? O baka sino ang nakita niya? Babaero ka talaga Adrian! Sinundan ko ito at sinabayan sa paglalakad. Tahimik kaming naglalakad at walang nagsasalita Malapit na ako sa bahay namin kaya nagpaalam na ako "Ingat ka salamat sa pagsama" nakatulala pa rin ito Dahan dahan itong lumingon sa kanya at... Napaatras ako dahil sa nakita ko! Nagkulay pula ang mata nito Pero baka kulay pula talaga ang mata niya. Umatras ulit ako dahil nakakapangilabot Kumurap kurap pa siya para makumpirma ang nakita pero..... hindi na kulay pula ang mata nito "Hoy baho gwapong gwapo ka sakin?" lumawak ang pag ngiti nito "Kapal mo!" tinalikuran ko ito at naglakad na papasok sa bahay Bakit ganun ang nakita ko? Totoo ba iyon? O guni guni ko lang? Pero parang totoo e. Nagliliyab pa nga ang mata niya Pagkapasok ko sa bahay ay nagulat ako sa nasaksihan ko.....

Anna_Kang26 · Horreur
Pas assez d’évaluations
5 Chs

Chapter 3: Bottle

Mariane's POV

---

Hindi ko alam kung anong gagawin dahil sa nakikita ko ngayon. Gusto kong sumigaw pero hindi ko magawa

Nilabanan ko nalang ang takot ko

"Sir eto na po" inabot ko ang isang libo na nasa bag ko

"Good your section will be update you after tomorrow" nilista ako nito sa papel at nilagay ang isang libo sa bulsa niya

Dahil sa takot ay mabilis akong tumayo at umalis sa harap niya

Hindi ko na nilingon kung nasaan si adrian at dere-deretso akong naglakad palabas

Sa may gate ko nalang siya aantayin. Nararamdaman ko na ang pagtayo ng mga balahibo kaya mas binilisan ko pa ang paglalakad

Napatigil ako sa paglalakad dahil nasa gate na pala ako umupo ako sa upuan doon malapit sa guard house

Hinihingal ako at sobra na ang takot ko. Bakit ko ba ito nararanasan? Ano bang meron sa kulay pula na mata

Nakarinig ako ng may nag uusap sa likuran ko

"Girl buti nalang hindi ako natapat kay sir mark kundi ubos ang pera ko"

"Tanga sisingilin ka naman nun kapag may klase na" sagot ng isa

Sandali parang pamilyar sa akin ang boses ng isang babae

Hindi ko na ito inintindi at tumingin nalang sa dereksyon ng court

Nasaan na ba ang adrian na yun? Bakit ang tagal niya?

Naagaw ng pansin ko ang bote na nasa tabi ko. Wala itong laman kinuha ko ito at tinignan. Wala naman kakaiba pero bakit parang meron

Inalog alog ko pa ito pero wala talagang laman

"Baliw na ata ko" bulong ko

Bago ko ito ibalik sa dating kinalalagyan nito ay tinignan ko itong muli

Sinuri ko itong mabuti at parang may bilog na gumagalaw sa loob. Ano kaya ito? Bubuksan ko ba?

Nilagay ko nalang sa bag ko ang bote at bubuksan ko sa bahay. Nasaan na ba kasi si ian bakit wala pa?

Naghintay pa din ako at nakaupo pa din nasa bungad lang naman ako kaya sigurado ako makikita niya agad ako

---

Adrian's POV

---

Pagkabigay ko ng isang libo kay baho ay dumeretso ako sa bakante upuan. Nasa tapat ako ng isang magandang babae maputi ito at nakasalamin

"First name?" tanong nito habang may isinusulat sa papel

"Adrian po" sagot ko

"Okay, your enrollment fee is 1500" hindi pa rin ito tumitingin sa kanya

"Ma'am sa pag kakaalam ko po ay one thousand po ang enrollment fee"

"Give me the enrollment fee and your section will be in highest place" sagot nito

Nag angat na ito ng tingin sa kanya at ngumiti

Maganda siya lalo na kapag nakangiti

Inabot ko nalang ang 1500 para matapos na at makapag enroll na ako

Kinuha naman niya ito at nilista ako. Nakita ko pa na binulsa ang five hundred pesos

Tang*na! Corrupt to!

Tumayo ako at umalis na sa harap niya pero...

"Mr. Adrian" lumingon ako si ma'am ganda pala

"Bumalik ka bukas ng hapon dito magkita tayo sa library" sabi nito sabay balik ng paningin sa ginagawa

"Bakit po ma'am?" hindi na ako sinagot nito

Anong gagawin ko dito bukas? Sabado bukas gago to ah!

Crush na ata ako. Ano naman kaya gagawin namin bukas? Kinakabahan tuloy ako

Hinanap ng mata ko si baho pero wala na siya kung saan siya nag enroll. Saan na ang babaeng iyon?

Nilibot ko ang mata ko at naglakad palabas ng court kaso wala pa din siya. Tang*na naman!

Baka iniwan na ako pero imposible walang o

pera iyon. Dineretso ko ang nilalakad na patungo sa gate baka doon ako inaantay. Binilisan ko na dahil nagugutom na ako. Ilang oras kami nag hintay sa loob

Sa wakas ay nakita ko din ang hinahanap ko nakaupo ito sa bench na malapit sa guard house. Nakatulala pa ito at parang malalim ang iniisip

May babaeng maganda sa likod ni baho kay doon ako dumaan

"Ehem miss can i get your number?" tanong ko

Tinignan ako nito at hinawi ang buhok

"Sure" sagot nito

Tinipa nito ang numero sa telepono kaya nagpaalam na ako na mag tetext kami mamayang gabi

Nasa likod na ako ni baho pero tulala pa rin ito kaya alam ko na ang gagawin ko

Hinawakan ko ang dalawang balikat niya "holdap to!" sabay tutok ng dalawang daliri ko

Kitang kita ko ang pagkabigla niya at nanginginig pa ito

Tumawa ako ng tumawa dahil sa itsura niya at reaksyon niya

"Ano ba ian! Papatayin mo ba ako?" nanginginig niyang tanong

Napahawak nalang ako sa tiyan ko dahil sa kakatawa ko

"Hahahaha bakit tulala ka dyan?"

"Ang tagal tagal mo! Tara na nga" nauna na itong naglakad

Napangiti nalang ako dahil sa inasta nito. Sumunod ako sa paglalakad nito palabas ng gate

Niyaya ko siya sa isang karenderya na malapit sa fortune. Umorder ako ng dalawang topsilog ayaw pa nga ni baho na kumain kami dahil sa bahay nalang daw pero syempre hindi ako pumayag

Dumating na ang order namin

"Whoo gutom na gutom na ako baho" sinimulan ko ng kumain

"Ingay mo jusko salamat pala" nakita ko na hindi pa nito ginagalaw ang pagkain

"Kumain kana" alok ko at doon niya na ginalaw ang pagkain

Kitang kita ko ang mabilis na pagkain niya napangisi nalang ako dahil sa paraan niya

"Baho kamusta pag enroll mo?" tanong ko

Nag angat ito ng tingin sa kanya bago sumagot

"Okay lang" matamlay nitong sabi

Binalik nito ang atensyon sa pagkain. Umorder ako ng softdrinks para may iinumin kami

Napansin ko na tahimik ang kasama ko kanina pa siya ganyan

"Baho hindi ko alam na one five pala ang enrollment fee?"

"Siningil ka din?" tanong niya

Nagulat ako dahil parang parehas kami ng nangyari

"Bakit siningil ka din ba? Bakit hindi mo sinabi sakin edi sana dinagdagan ko at hindi mo na ginalaw ang pera mo" mahaba kong sabi

Sumeryoso ang mukha niya

"Hindi! Hin...di okay lang sapat na ang tulong mo sa akin" utal niyang sabi

"Okay sige bilisan mo dyan para makauwi na tayo" sabi ko

Natapos din kami kumain kaya lumabas na kami ng karinderya. Nilakad namin ang daanan patungo sa sakayan ng jeep pabalik sa baryo namin

Sumakay kami ni baho sa jeep at sa unahan ulit umupo. Nakita kong pawis na siya kaya kumuha ako ng panyo sa bag ko at inabot ko sa kanya

"Magpunas ka ng pawis mo" utos ko na ginawa niya naman. Pinunasan niya ang kanyang noo

Nagbayad ako ng pamasahe namin

"Labhan mo iyan bago ibalik sa akin" inunahan ko na siya baka ibalik sakin may pawis niya na

"Oo na" tinuon nito ang paningin sa harapan

Hindi nalang magpalasamat siya na nga ang binigyan ng panyo at tinulungan

Itinuon ko nalang ang pansin ko sa daan ramdam ko ang pagod kaya makaidlip muna...