webnovel

chapter 26

"anong ba ang ibig mong sabihin" wika ni anghel " ikaw ay may kalahating dugo ng normal na tao at kalahating dugo ng mga entra.. kaya malaki ang karapatan mo.. na mamuhay sa altaendra . ngunit bilang lumaki ka nang normal na tao. hindi mo iyon nalaman kaagad . habang lumalaki ka sa iyong mundo ay sumisibol ang pangalawa mong kaluluwa sa altaendra kasabay mo.. at nang ikaw nga ay dumating sa sa iyong hustong gulang ay sumanib na nga ang pangalawang kaluluwa mo sa iyong normal na katawan.. kaya pala may mga pangitain kana.. bago ka pang tumuntong sa iyong ikadalawang pu't isang kaarawan.. kaya pala nakikita mo ako" wika ni zandro. " ang hirap talagang intindihin zandro" wika ni anghel. " mahirap talaga anghel.. ngunit may mga kaso rin naman noon na katulad ng kaso mo.. nakakalungkot nga lang na yong iba.. nasa sinapupunan palang ng kanilang mga ina ay pinapalaglag na nila ito.. at dahil doon ay namamatay ang normal na katawan ng mga batang iyon ngunit ang pangalawang kaluluwa nila ay patuloy na nabubuhay sa altaendra.. iyon nga lang hanggang sa altaentra na lamang sila.. hindi na sila makakarating sa mundo ng mga normal dahil wala na doon ang kanilang normal na katawan..kaya ikaw anghel mapalad ka dahil binibigyan ka pa ng pangalawang pag kakataon para muling makabalik sa iyong katawan.. ngunit sa ngayon ang tanging magagawa mo lamang ay mag antay kung kailan at sa papaanong paraan ka makakabalik sa iyong katawan" wika ni zandro.

samantala mabilis na lumipas ang panahon.. sa inaasahan ay nagdalang tao ng nga si esma.. mula sa kanynag paglilihi at pag babago bago ng kanyang ugali lahat ng iyon ay tiniis at pinagtyagaan ni arman dahil parte raw iyon ng pagbubuntis ni esma. mula din doon ay madalas na nga dalawin ni mira si esma para tignan o kamustahin ang kalagayan ni esma.. at kahit hindi man sabihin ni mira ay halata sa kanyang mga ikinikilos ang kanyang pagaalala at pananabilk sa kanyang kauna unahang apo. madalas itong pumunta kay esma upang magdala ng masusustansyang pagkain tulad ng mga prutas at gulay.. madalas din itong nag aabot ng pera para sa gastusin ni esma.

"ma.. maraming salamat talaga ha..sa lahat ng mga tulong nyo saakin" wika ni esma. " esma ginagawa ko ito para saiyo at para sa apo ko.. hindi ko ito ginagawa para.. kunsintihin ko kayo.. lalo na yang asawa mo.. wala parin ba syang nakikitang matinong trabaho" wika ni mira. " wala parin po ma.. alam mo naman dito sa delpan mahirap ang makahanap ng matinong trabaho" sagot ni esma. " nako esma hindi katwiran yan... kung talagang nagiisip yang asawa mo.. magiisip at gagawa sya ng paraan... oh sya.. aalis na ko.. ung mga iibinilin ko sayo.. ha.. kainin mo yang mga yan. at wag kang nagpapakapagod" wika ni mira. " opo ma.. salamat po ulit ma" wika ni esma bago umalis si mira.

alam ni esma at nararamdaman nya ang pagmamahal at pagaalala sa kanya ng kanyang ina kaya hindi nya naman ito masisisi..

ang biyayang ibinigay ng dyos kina arman at esma ay matuloy at maingat nga nilang inalagaan.. lahat ng bawal at nakakasama sa isang buntis ay kanila ngang inalam at tinutukan.. ngunit sa gitna ng kaligayahang iyon.. ay wala silang kamalay malay.. na darating pala ang isang kapahamakan.. kapahamakan na galing sa bangungot ng nakaraan.