webnovel

chapter 25

hindi lamang iyon ang unang pagkakataon na ginawa nila iyon nang magkasama.. napadalas ito.. nang napadalas hanggang sa tila naging bilangguan na nila iyon at di na sila nakalaya pa.

sa isang simpleng kasalang bayan ay napagdesisyunan na nila esma at arman na magpakasal na. dahil sa halos apat na taon na silang magkasama.. doon ay pinatunayan nila na ang kanilang pagmamahalan ay handa nila patunayan at panindigan.. sa simpleng handaan at kasiyahan ay nairaos nga nila arman at esma ang kanilang simpleng kasal. at mula sa malayo.. ay natanaw ni esma ang isang tao na nagpatulo ng kanyang mga luha. " mama nandito ka. " wika ni esma. " hindi naman ako magtatagal.. nais ko lang iabot ito sa inyo" wika ni mira bago iabot ang kanyang regalo. " salamat po ma" wika ni esma bago lumapit si arman. " ah.. aling mira mabuti po at nakarating kayo.. kumain na po ba kayo. " mama!!! kasal na kayo nang anak ko.. mas magandang mama narin ang itawag mo saakin" wika ni mira. " ah.. salamat po ma" kumain na po kayo" aya ni arman. " hindi na... hindi naman din ako mag tatagal.. ingatan nyo ang mga sarili nyo.. mag lilimang taon na kayo.. kaylan nyo ba ko balak bigyan ng apo" wika ni mira. " mama naman eh.. darating tayo dyan... wag kang mag alala ma.. bibigyan na din kita ng apo sa lalong madaling panahon" wika ni esma.

naging abala ang simpleng gabing iyon na nabalot ng kasiyahan.. alam nila arman at esma na ang araw na iyon ay ang bagong simula para sa kanilang buhay.. buhay na pipilitin baguhin.. buhay na ipipihit nila sa maganda at bagong kinabukasan. sa isang silid matapos ang kasiyahan ng araw ng kanilang kasal ay may kinuha si arman mula sa kanyang bulsa

" mahal ko..tangapin mo ito.. ito ang regalo ko iyo.. para sa araw na ito" wika ni arman bago iabot ang isang kwentas.

" iyan ang kwentas na ibinigay saakin ni lola.. totoo ngang galing iyon sa aking ama" wika ni anghel. " napakaganda naman nito salamat mahal ko" wika ni esma. " ah mahal ko tungkol doon sa sinabi mo sa mama mo.. ay kay mama pala.. ung...bibigyan na natin sya nang apo.. ah.. kailan ba natin gagawin iyon" biro ni arman. " ikaw naman.. baka nakainum na ko ng mga oras na iyon kaya ko iyon nasabi" wika ni esma bago tumawa. nang mga oras na iyon ay nagkatinginan ng malalim sina esma at arman doon ay naramdaman nila ang mas mainit pa nilang pagmamahal sa isat isa.. doon din ay napag pasyahan nila na gumamit muli ng droga.. ngunit isinumpa nila sa kanilang mga sarili na iyon na ang huling araw na gagamit sila ng droga.. at iyon nga nag nangyari.. matapos nilang gumamit ng droga ay muli silang naglakbay sa altaendra . at doon ay sumalubong sa kanila ang isang magandang kubo na apaw sa pagkain habang tanaw sa bintana ang tabing karagatan.. mula sa liwanag ng mga kandila na nasakanilang kapaligiran .. at lagasgas ng hangin ay pinagsaluhan nga nilang ang gabing iyon..nilasap ang bawat halik at yakap..pawis na dumikit sa pawis.. laway na humalo sa laway.. at doon.. mula nga doon ay naramdaman nila ang sarap ng kanilang pagmamahalan....pagmamahalang.. tutungo sa rurok ng kaligayahan.

"ngayon alam ko kung bakit nakikita mo ako o kung bakit nakikita mo ang altaendra" wika ni zandro. " bakit" wika ni anghel. " dahil binuo ka ng mga magulang mo sa mundo ng altaendra.. dahil doon maiiwan ang iyong pangalawang kaluluwa... na lilitaw lamang sa tamang panahon" wika ni zandro. " ha.. di ko maintindihan. " ang dugo na dumadaloy sayo ay dugo ng mga magulang mo na may halong droga.. habang ginagawa ka nila ay may impluwesya... hindi lamang ng alak kung hindi ng capsule ang kanilang mga katawan... at nabuo ka nga sa altaendra.. " wika ni zandro.