webnovel

chapter 16

lumipas ang halos ilang araw ay nanatili nga sila anghel sa nakaraan doon ay nakita nya kung papanong nagsumikap ang kanyang ina para sa kanyang mga kapatid at magulang.. naroon din si berto at si arman na walang sawang nanunuyo kay esma .

ngunit tulad ng isang magaan na bagay ang lahat ay bumubigat. mga pagkakataong tila di umaayon sa iyong mga kagustuan. mga pangyayari di mo inaasahan.. pangyayari gigimbal sa iyong tahimik na buhay.

sa parke ng luneta sa batong upuan ay nakita nila anghel ang kanyang ina.. nakaupo roon ang kanyang ina matapos itong makatanggap ng isang liham mula sa kanyang mga magulang galing pa sa batangas. ( agad na binasa ni esma ang liham)

" mahal ko anak.. ayuko kong sanang guluhin ang iyong pagaaalala..di na ako mag papaligoy ligoy pa.. habang binabasa mo siguro ang sulat na ito ay nasa ospital na ang iyong ama at kapatid.. kinalulungkot kong sabihin sayo..

dahil nung nakaraang linggo.. habang sila ay nangingisda sa dagat.. sa di inaasahan ay may isang dinametang sumabog sa mismong bangka ng iyong ama at . malakas ang pagsabog na iyon dahilan kong bakit naging kritikal ang kalagayan ng iyong ama at kapatid..may mag parte ng katawan nila na humiwalay sa ka kanila dahil sa lakas ng pagsabog.. ang nakakalungkot pa nito.. ay hindi namin alam kung sino o kung saan inyon nanggalin.. himingi narin kami ng tulong sa mga pulisya.. upang managot kung sino man ang may kagagawan nito.

anak wala na akong ibang malapitan pa.. naibinta ko na ang mga ari ariang meron tayo dito para sa mga gamutan ng iyong ama at kapatid. kaya ako nagbakasakaling lumapit saiyo baka meron ka maitutulong saamin.. tatagan mo ang iyong loob anak.. mahal na mahal kita" sulat ng kanyang ina. mula doon ay agad na tumulo ang luha ni esma.. ang kanyang sarili ay tila nabagsaka ng napakaraming bato.. pakiramdam na napakabigat.. pag aalala na di nya alam kung saan nya ilulugar..." bakit sa pamilya ko pa itong nangyayari.. panginoon nagmamakaawa ako..iligtas nyo si papa at ang aking kapatid.. tulungan nyo po ako na kayanin ang lahat ng iyo" wika ni esma habang nasa simbahan. pagkaawa ang naramdaman ni anghel sa kanyang nanay ng mga oras na iyon. at mula doon at nagulat si anghel ng bitawan sya ni zandro at binigyan ng isang panyo. " zandro.. ibigsabihin ba nito.. maaari ko sya lapitan at makausap" wika ni anghel. "kailangan ka ng nanay mo ngayon" wika ni zandro. at mula nga doon ay dahan dahan nilapitan ni anghel ang kanyang ina habang kinakabahan. " mawalang galang na po.. napansin ko po kase na malungkot at umiiyak po kayo" wika ni anghel bago habang inaabot ang panyo.

" maraming salamat sayo" wika ni esma. " wag po kayong magalala magiging maayos din po ang lahat.. basta wag nyo pong kalimutang na lumapit sa dyos" wika ni anghel. " maraming salamat talaga sayo.... sigurong maganda ang pagpapalaki saiyo nag mga magulang mo. isang kang magalang at mabuting bata" wika ni esma bago hawakan si anghel sa balikat. " salamat din po.. mauuna na po ako" wika ni anghel. "sandali lang" wika ni esma at biglang napahinto si anghel. " anong nga pala ang pangalan mo" wika ni esma. "ah....(nagisip) jose po" wika ni anghel. "jose kapangalam mo pa ang aking ama...oh sya.. maraming salamat uli jose sanay mag kita pa taong muli" wika ni esma