webnovel

Ancestal God's Artifacts

Van Grego, a very talented Cultivator at his young age. He was known for his natural talent but when he developed an anomaly in his dantian he was considered trash and very useless by his own clan. The eyes of the people around him that were once amazed now have contemptuous and disdainful looks. At the age of nine to twenty-one his mind had matured. There are many people who mock him in every movement and when people his age or young and old see him, his youth is gradually robbed of him. Sometimes he gets discouraged because of this. It was no fault of his that the anomalies occurred in his dantian that even he didn't have the chance to continue his Cultivation. We will see our field ready to tax everyone even himself that will make us sad, happy, amazed and cry in OUT OF THIS WORLD events that will make you understand that this whole world has no boundaries. Here you will witness that nothing is impossible for the person who strives to find freedom and make everyone understand that there is still good in this world, the world that will destroy or strengthen you. Is there still hope to change his fate or will his life remain in exile or will he be imprisoned forever in the darkness? Will Van Grego reach the pinnacle of Martial Arts or will he die in the middle of his journey? Let's join Van Grego in discovering his true personality and his fight against a very dangerous situation to fight for what he knows is right.

jilib480 · Fantaisie
Pas assez d’évaluations
169 Chs

Chapter 9

Patuloy parin sa puspusang training si Van Grego at pagrefine ng mga Cultivation resources. Kaunting oras na lamang ang kanyang hinihintay. Isang na lamang ang kanyang gagawin.

Nararamdaman niya na patuloy na napupuno ng mga likido na may mayamang enerhiya ang kanyang dantian. Sa Nalalapit na Tribulation niya ay hindi niya mapigilang matuwa o kaya ay masabik sa nalalapit niyang pag-breakthrough upang maging ganap at tunay na Martial Expert.

Ayon sa mapang nabasa niya at sa tulong ng mga nagkakapalang mga libro na kanyang nabasa ay ang kanilang lupain na sakop ng kanilang angkan ay isa lamang iyong maliit na piraso ng lupain sa napakalaking kontinenteng ito. Maraming mga naglalakihang mga malalakas at tanyag na mga angkan na may mga kapangyarihan sa kahit na anong aspeto ng larangan lalo na sa larangan ng Politika at pamamalakad sa mga lupain at kabuhayan na nakapaligid dito.

Base sa librong kanyang nabasa at sa lumang mga  mapa na gawa sa matitibay na papel o kaya ay sa matitibay na balat ng hayop at mga bato ay sakop lamang ang kanilang angkan ng maliit lupain ng Aurora's Village, na pinamumunuan lamang ng  ikadalawampu't- anim na angkan base sa ranking list ng Royal Clan. Halos hindi na mga binibigyang pansin ng mga kaanib ng Royal Clan. Ang angkan na nahanay sa ikadalawampu't-anim ay ang mga Ru Clan na pinamumunuan ng Clan Leader na nagngangalang Han Ru na may Tatlong anak sa kanyang tatlong naging asawa.

Tatlong Asawa?

Maaari kang mag-asawa ng mahigit pa sa isa kung iyong nanaisin pero mas binibigyang pansin parin na dapat ay isa lang dahil sa maaaring magiging sigalot sa agawan ng mga pwesto Kaya't karamihan sa mga namumuno at mga Cultivator ay isa lamang ang naging asawa upang masunod sa kaayusan ang lahat para na rin sa maaaring masasamang mangyari at pagprotekta na rin sa Reputasyon, kapangyarihan at kanilang posisyon sa Pamamahala.

Ang Aurora Village ay hindi na binibigyang- pansin sapagkat alam ng Royal Clan na halos sapat lamang ang kinikita ng mamamayan para sa pagbuhay ng kanilang mga pamilya at halos dalawang porsyento lamang ang nakukuhang kabuuang buwis dito.

Tanging nagbebenepisyo lamang dito ay ang mga sangay na kaagapay ng Aurora Village na pinapasuweldo. Kung susumahin ay walang magkakainteres sa lupang ito lalo pa't sa Aurora Village ay Martial Knight lamang ang pinakamataas na Cultivation Rank nito na walang wala lamang kompara sa mga ordinaryong guwardiya ng Royal Clan.

Kaya't parang wala na sa bukabolaryo nilang banggitin ang mga maliliit na Villages sapagkat  may mga sangay sila dito na siyang nagpapanatili sa kaayusan at katahimikan ng mga maliliit na mga bayan sa Kontinente ng Hyno.

Hindi nila inaaksayahan ang panahon nila sa maliliit na bayan, bagkus mas inaasikaso ng mga kabilang sa Royal Clan ang mga naglalakihang negosyo nila, pagpapalawak ng teritoryo sa pamamagitan ng paghahanap ng mga bakanteng mga lupaing wala pang mga sakop.

Lahat ay nasa kontrol nila liban na lamang sa mga masusukal na parte ng lupain lalo na ang mga Mountain Ranges na siyang pinamumugaran ng iba't-ibang klase ng mga beast. Sa mga delikadong parteng ito ng Lupain ng Kontinente ay hindi nila hawak ang buhay ng mga nasasakupan nila na maging sila ay hindi masisigurong makakaligtas din kahit na matataas ang mga lebel ng kanilang Cultivation.

Halos lahat ng angkan ng pamilya na may edad na labinlima pataas ay nakatapak na sa tinatawag na True Martial Realm Kaya't walang mangangahas na suwayin o kaya ay labagin ang mga batas at alituntunin ng mga may Awtoridad sa kontinenteng ito.

Parang lang mga langgam o trabahador lamang ang tingin ng mga Royal Families sa mga tao dito. Para sa kanila, sila ang batas at Powerhouse ng kontinenteng ito.

Maraming mga kalaban ang mga Royal Families mula pa noong mga nakaraang libong taon na ang nakalilipas.

Kaya maraming mga bagay ang isinasaalang-alang ni Van lalo't pa't sa kasalukuyan niyang kabuuang lakas ay wala siyang kalaban-laban kung mag-aalsa siya ng labanan o kaya ay digmaan laban sa Royal Families ng  Royal Clan.

Isang madugong labanan lamang ang mangyayari at ayaw niyang mandamay pa ng mga inosenteng mga sibilyan na ginagawa lamang laruan o utusan ng mga awtoridad sa kontinenteng ito.

Kaya't maglalaan siya ng oras sa pagpapalakas upang maging pinakamalakas sa kontinenteng ito maging sa ibang kontinenteng sa buong mundo.

Isang madilim na  pangarap lamang ito noon sa walang kalaban-laban si Van Grego noon. Sa mga nangyaring mga pang-aapi sa kanya ng mga tao dito angkan nila at maging sa kalapit na mga ibang angkan ay papatunayan niyang magtatagumpay siya sa huli.

Na ang kanyang malabong mga pangarap hindi lamang sa kanyang sarili kundi pati na rin para sa mabuti  at napakagandang kinabukasan ng kontinenteng ito ay magsusumikap siya upang paalisin ang mga mapanghamak na mga miyembro ng mga Royal Clans.

Dahil sa mga nalaman niyang mahahalagang impormasyong ito ay hindi niya nanaising maging ganito pa rin ang takbo ng pamamahala sa mga susunod na mga henerasyon.

Dahil sa nalaman niyang pinababayaan ng Royal Clans ang mga maliliit na bayan katulad ng Aurora Village dahil sa wala silang interes dito para lamang atupagin ang kanilang sariling interes sa malalaking bayan para sa kapangyarihan sa Politika, Ekonomiya at kapitalismo ng kontinenteng ito.

Parang sinasabi ng mga Royal Families ng Royal Clan na tau-tauhan lang ang tingin ng mga ito sa nasasakupan nito at ang mga maliliit na bayan na ito ay isang outcast at hindi magiging banta sa kanila.

Higit pa roon ay nalaman din niyang halos 90% ng mga ari-arian, kagamitan, at mga Cultivation resources ay hawak ng bawat Royal  Families at sila lamang ang may Awtoridad sa magiging distribusyon ng sampung porsyento na natitira.

Hindi ito alam ng marami dahil narin sa layo ng distansya sa Sentro ng Royal Palaces. Karamihan kasi ng mga Angkan ay matatagpuan sa boarder line o yung mga malalapit sa mga anyong tubig at iwas sa mga malapit na delikadong lugar lalo na sa mga kagubatan o kaya sa mga Mountain Ranges. Nasa sentrong bahagi ng Hyno Continent ang eksaktong lokasyon ng Royal Palaces na pagmamay-ari ng Royal Clan ng bawat Clan Family.

Paraiso sa mga Royal Families ng bawat Royal Clans pero paano naman ang sa ibang mga ordinaryong Clans?

Walang dudang parang inako na nila ang buong Kontinente at ginawa itong kanilang sariling lugar at paraiso para sa kanila ngunit  hatid nama'y bangungot para sa mga mamamayan na patuloy na naghihirap o namamatay.

Ganito naang ba ang magiging kapalaran nila at sa mga susunod sa henerasyon ng kanilang mga angkan?

Hindi ito naiintindihan ng iba lalo pa't hindi ito alam ng mga nasa malalayong lugar o sa mga ordinaryong mamamayan. Karamihan sy walang kaalam-alam sa nangyayaring pagkontrol o pagmamanipula sa kanila.

Paano kung malaman nila?

May kikilos ba?

May lalaban ba para sa kalayaang gusto nila o mananahimik na lang sa isang tagong sulok ng Kontinenteng ito?

May lakas pa sila ng loob at kapangyarihan?

Ang sagot lang dito ay wala. Walang lalaban ukol sa baluktot na pamamalakad ng mga Royal Clan.

Kahit na malaman ng lahat ng mamamayan  ang uri ng pamamalakad ng Royal Clan ay walang may gustong labanan ang malaking pwersa ng Royal Clan pero may isang sasalungat sa kagustuhan ng Royal Clan at alisin sila sa Kontinenteng ito, walang kung hindi si Van Grego.

Hindi nila alam ang mapait na kapalarang naghihintay sa kanila.  Naglalaman ng mahahalagang impormasyon ang librong nabasa niya na may pamagat na "History of the Ancient Eras."

Marami pa siyang nalamang mga impormasyon at napukaw ang atensyon niya sa mga Ancient Tribes at Ancient Clans. Nahati sa dalawang panig ang mga Ancient Tribes at Clans Kaya't naging mahirap ang paggapi sa Royal Clan.

Mayroong naganap na labanan pero natalo sila sila laban sa mga Royal Clans lalo na't may sumaling mga iilang Ancient Tribes at Clans Kaya't hindi sila nananalo sa mga hakbang nilang gapiin ang Royal Families at mga naging traydor na grupo ng tribo at angkan na nakipag-alyansa sa kalaban.

Dahil sa mga paulit-ulit na kabiguan sa labanan at sa nalagas na madaming miyembro ng kumalaban sa mga nag-alyansang kalaban ay inilayo na lamang ng mga lumaban sa Royal Families sa kabihasnan at hindi na nangialam pa sa mga anomalyang pangyayari at pamamalakad ng kontinenteng ito.

Kapangyarihan ang umiiral dito Kaya't wala silang naging sandalan lalo pa't halos mamatay silang lahat buti na lamang ay pinagbigyan silang lumayo at mula noon ay lumayo sila sa kabihasnan at nagpatuloy sa kanilang pamumuhay.

Walang impormasyong nakatala pagkatapos ng pagkabigo sa pakikipaglaban. Masasabing hindi nagkaroon ng kasagutan sa mga tanong ni Van Grego. Alam niyang matatagalan pa siya lalo dito.

Nagtatanong siguro ang karamihan kung makikita si Van Grego sa kanyang ginagawang mga Training para sa pagtapak niya sa True Martial Realm.

Dahil sa pagiging likas na talentadong Cultivator sa napakamurang edad ni Van Grego ay nagagawa niyang mag multi-tasking dahil sa mga napakaraming talentong nakatago sa kanya mula pa ng isilang palang siya. Naging posible sa kanya ang madaliang paglevel-up ng kanyang Cultivation sa ilang araw at buwan lamang ang nakakalipas.

Dahil sa limitadong resources na nakukuha ng mga mamamayan na halos wala ng napupunta sa mga kamay ng ordinaryong mamamayan sa mga malalayo at maliliit na bayan ay napakaimposibleng mag level- up agad agad ang mga ito.

Na nangangahulugang wala silang laban at hindi sila magiging banta sa mga namamahala ng Kontinente ng Hyno na pinamumunuan ng mga Royal Clan. Kaya nga masasabing natatago ng mga Royal Clan ang kanilang mga totoong motibo at totoong rason sa kanilang ginagawang kawalangyaan  para sa pananatili ng kanilang kapangyarihan at posisyon sa kontinenteng ito.

Yung akala nilang mga magbabanta sa kanilang kapangyarihan sa Kontinente na mga malalaking lupain ay isang maliit lamang na porsyento ng sa totoong banta sa nalalapit nilang kawakasan sa darating na araw.

Wala silang kaide-ideya na ang totoong banta ay ang labindalawang gulang na bata na sa palagay ng karamihan ay ordinaryong tao lamang na parang maliit na insekto lamang ang dudurog sa huli sa kanila, na siyang nagpaplanong wakasan ang anomalyang ginagawa nila.

Pero bago pa yun mangyari ay dadaanan muna siya sa maliliit na butas ng Royal Clan at iyon ay ang mga sangay ng mga kaharian sa mga malalaking bayan at mga makapangyarihang mga Organisasyon at  mga Sect

Kung tutuusin ay napakabigat at napakahirap na tungkulin ang nakapasan sa mga balikat niya. Ipinapasa-diyos niya ito at may kalakip na gawa.

Magawa kaya niyang matagumpay?

Magbubunga pa ng mabuti ang gagawing hakbang niya?

Mananaig ba ang mabuti niyang hangarin sa kontinenteng ito o patuloy pa din siyang mabibigo?