webnovel

Ancestal God's Artifacts

Van Grego, a very talented Cultivator at his young age. He was known for his natural talent but when he developed an anomaly in his dantian he was considered trash and very useless by his own clan. The eyes of the people around him that were once amazed now have contemptuous and disdainful looks. At the age of nine to twenty-one his mind had matured. There are many people who mock him in every movement and when people his age or young and old see him, his youth is gradually robbed of him. Sometimes he gets discouraged because of this. It was no fault of his that the anomalies occurred in his dantian that even he didn't have the chance to continue his Cultivation. We will see our field ready to tax everyone even himself that will make us sad, happy, amazed and cry in OUT OF THIS WORLD events that will make you understand that this whole world has no boundaries. Here you will witness that nothing is impossible for the person who strives to find freedom and make everyone understand that there is still good in this world, the world that will destroy or strengthen you. Is there still hope to change his fate or will his life remain in exile or will he be imprisoned forever in the darkness? Will Van Grego reach the pinnacle of Martial Arts or will he die in the middle of his journey? Let's join Van Grego in discovering his true personality and his fight against a very dangerous situation to fight for what he knows is right.

jilib480 · Fantaisie
Pas assez d’évaluations
169 Chs

Chapter 7

Habang masayang kumakain ang lahat ay biglang umiba ang atmospera ng tumingin ang lahat sa labas ng entrada papasok sa malaking gusaling ito kung saan gaganapin ang nasabing malaking pagtitipon ng lahat ng mga may mataas na katungkulan sa ng pangalawa at pangatlong Classes.

Hindi maitatangging ang pag-iba ng atmosperang ito ay ang pagpasok ng limang taong kung nakikita ngayon ni Van Grego ay lubusan niyang makikilala ang mga ito. Kung ang kaninang mga bisita na miyembro lamang ng Grego Clan ay masasabi mong napakagara ng mga kasuotan ano pa kaya ang limang taong may napakataas na posisyon sa angkan ng mga Grego. Walang iba kundi ang mga magulan ni Van Grego ang lumakad sa harap at ang ibang mga elder ang nasa mga likod nito.

Lumabas na din si Van Grego bilang nasa anyo ng matandang si Mr. V upang personal na bigyang atensyon ang mga kinikilala niyang mga magulang. Masaya si Van Grego lalo pa't dumating ang kanyang magulang. Kahit na may nagawang masama sa kanya ang ama at ang mga kaangkan niya ay sariling mga pamilya niya ito. Hindi niya maaaring ipagkaila ang taong nagbigay sa kanya ng buhay.

Magkasunod lamang ang pagdating ng mga Elder ng Grego Clan na sinalubong sila ni Mr. V ng personal. Lahat ng madaanan ni Mr. V ay nagbibigay respeto sa kanya maging ang mga nakakakilala na sa kanya ay binigyan siya ng malaking respeto na kaibahan sa entrada ng Grego Clan. Nakabusangot ang lahat ng mga itsura nito na wari'y naging isa silang katawa-tawa.

"Sinong sumira sa aming malaking entrada, Magpakita ka!" paggalit na sabi ni Fourth Elder Glemor na kilala na madaling uminit ang ulo nito.

"Napakawalanghiya naman niya, Napakaganda at napakagara ng mga kasuotan namin ay sisirain lang ang paglalakad namin!" pabulyaw na sabi ni h Elder Kirina na kakikitaan ng pagkadisgusto sa pangyayaring ito.

" Hayst, hayaan mo na, ganyan na talaga ang mga taong desperado't desperada" sabi ng Nanay ni Van Grego na nagngangalang Amelia.

"Ganyan talaga Love, hayaan mo na ang kabastusang ginagawa ng ibang Cultivator, nagpapasikat lang ang mga iyan!" Malakas na sambit ni First Elder Ramon na siyang kinikilalang ama ni Van Grego.

Nang marinig ito ni Mr. Van (Van Grego) ay nagulat siya inasta ng magulang niya. Base sa pag-oobserba sa mga magulang niya at sa mga angkan ay hindi naman sila sinapian o kaya may masamang nangyari sa mga ito. Ikinalma ni Van Grego ang kanyang sarili sa kanyang mga narinig mula sa kanyang kaangkan kahit na mukhang nainsulto siya sa sinasabi at inaasta ng mga ito.

...

Mula sa lugar ng maraming mga Cultivator ay bigla na lamang nahawi ang nagkakapalang mga tao at nagbibigay respeto sa pamamagitan ng kamay na ipapatong sa dibdib o kaya ay ang pag-bow. Ang lalaking umagaw daw sa kanilang napakaeleganteng entrada ay walang iba kundi ang lider ng Alchemy Powerhouse Association.

Walang iba kundi si Mr. V, ng siyang founder at kinikilalang lider ng malaking Asosasyon na ito.

Kahit ang mga miyembro ng mga Alchemy Powerhouse Association ay parang naging asong lobo na gusto ng lapain ang limang mga taong galing sa Grego Clan na siyang nambabastos sa kanilang tunay na lider at Founder ng malaking Asosasyon na ito. Napakalakas na awra ang kusang lumalabas sa lahat ng miyembro ng Alchemy Powerhouse Association na kung saan ay nahihirapan ng huminga ang ibang mga mabababa ang mga Cultivation level ng mga ito. Kung sa lakas ng isang miyembro ng Asosasyong ito na kayang wakasan ang buhay ng lahat ng bisita o panauhin na narito, ano pa kaya ang daan-daang mga taga-serbisyo at taga-alalay na naririto. Napilitan ang lahat na gumamit ng mga panggalang laban sa awrang inilalabas ng mga ito na animo'y hindi nila kayang itago o ikalma man lang.

"Ang lakas ng loob niyo mga kasapi ng Grego Clan na bastusin ang aming founder sa aming teritoryo mismo, walang sinuman ang gumawa nito kahit na maging kami!" Bulyaw ni Jean Delura sa mga Elder ng Grego. "Mga walang hiya!, Napakawalanghiya!" Ito ang naiisip ni Jean Delura. Makikitang napakakapal na awrang inilalabas mismo ng katawan nito.

"Sabi niyo lang Mr. V kung gusto niyong patayin ang walang utang na loob na mga miyembro ng Grego Clan at ako mismo ang uubos sa kanilang lahat!" Sambit ni Clero Mirana na kahit ito ay hindi mapigilan na magalit.

Dalawa lamang ito sa isang daan na naririto na miyembro ng Alchemy Powerhouse Association na kahit sila ay hindi din mapigiligang mapoot sa kawalanghiyaan at pagiging bastos ng mga ito na parang kundi mga Opisyales ng kanilang Angkan ng Grego.

Nagmistulang napipi ang limang nandirito sa mga pangyayaring ito. Kahit sila ay napipi sa pangyayaring ito. Hindi nila aakalaing ang kanilang aksyon at mga padalos-dalos na pagsasalita ng hindi maganda ay nagreresulta ng napakalaking komosyon at kahihiyan.

Makikita sa bawat isa na naririto kabilang na dito ang ibang mga angkan na may mapanghamak na tingin sa mga miyembro ng Grego Clan na siyang binastos at nilait ang founder at Lider ng Alchemy Powerhouse Association na siyang masasabing mong walang dudang may pinakamalakas na pwersa sa buong Hyno Continent sa larangan ng kayamanan at bilang.

Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari na taliwas sa kanilang inaasahan.

"Ha!ha!ha!ha!....!" malakas na tawa ni Mr. V sa mga pangyayaring ito na kahit ang iba ay nahihiwagaan sa halakhak nito.

Nawala ang mabibigat na atmosperang kaninang bumalot sa buong gusaling ito kani-kanina lamang.

"Salamat sa inyong mga pagtatanggol ngunit ayokong gumamit pa ang sinuman ng dahas sa lugar na ito. Isa lamang itong hindi pagkakaunawaan na siyang ating nasaksihan kani-kanina lamang." sambit ni Mr. V ng simple at agad itong naunawaan ng lahat.

"Hindi ako natuwa sa inasal niyong dalawa maging ng lahat ng taong naririto sa paglalabas ng inyong awra, mahigpit kong inilalagay ang paalala sa liham maging sa inyo ang pagiging mahinahon."

"Saka nga pala, kayong dalawa ay ayokong makapatay ang sarili niyong awra. Alam niyo namang isa kayo sa lahing dumadaloy ang Wargod Blood sa mga ugat at laman niyo. Sa susunod ay maging mahinahon kayo. Ang bisita ay bisita, naintindihan niyo ba?" Mahinahong pagkakasabi ni Mr. V sa dalawang mahalagang miyembro nito. Nagsilbi din itong paalala sa mga tauhan na huwag galitin ang mga ito. Isa sa lahing kinatatakutan ng mga kontinente ay ang mga lahing nagmula sa Wargod Bloodline. Masasabi kapag ikaw ay isa sa maraming makapangyarihang bloodline sa mundo ng Cultivation ay maraming gustong makipagsapalaran makuha lamang ang mga ito.

Sa kabilang banda ay natahimik ang lahat lalong-lalo na ang dalawang may lahi ng Wargod Bloodline. Unti-unti din silang nagising sa isang napakalaking balon lalo pa't konti na lamang ay maaari na silang malaglag. Ang kanilang emosyon na lumabas ay nakakaapekto sa kanilang awra maging sa kanilang enerhiya. Muntik na silang dalawa maging ang iba na mga miyembro ng Alchemy Powerhouse Association na nandito sa loob ng malaking gusaling ito na muntikan ng mawala sa kanilang katinuan. Makikita sa bawat isa sa kanila ang labis na pasasalamat na ibinalik mismo ng ngiti ni Mr. V sa kanila. Isa lamang ang Wargod Bloodline sa maraming pang bloodline na tinataglay ng bawat isang miyembro nito.

Muntik na nilang makalimutan ang totoo nilang layunin sa malaking pagkakatipon ng mga ito.

"Magsibalik na kayo sa inyong mga pwesto at kinauupuan, mahaba pa ang gabi upang ito ay matapos." Mahinahong pagkakasabi ni Mr. V sa lahat ng mga tao na gustong ipaalala ang nasabing okasyon na lubos nilang naintindihan. Wala namang naging kilos ng pagpoprotesta dito bagkos ay nagbigay ng respeto ang bawat panauhin at mga miyembro ng Alchemy Powerhouse Association na pahintulot bago bumalik sa kanilang ginagawa kani-kanina lamang.

Tanging ang natira na lamang ay ang mga Elders ng Grego Clan at si Mr. V. Makikita sa malawak na hallway na ito. May ngiti sa labi ni Mr. V at kakikitaan din ng ngiti ang nasa mukha ng mga Elders ng Grego Clan. Hindi mo masasabing tunay na ngiti ito sapagkat mo mawawari ang nasa loob ng isip ng bawat isa sa kanila.

Ang susunod na pangyayari ang siyang hindi inaasahang mangyayari na magbibigay ng kasagutan kay Van Grego na sa huwad katauhan bilang si Mr. V.