webnovel

Ancestal God's Artifacts

Van Grego, a very talented Cultivator at his young age. He was known for his natural talent but when he developed an anomaly in his dantian he was considered trash and very useless by his own clan. The eyes of the people around him that were once amazed now have contemptuous and disdainful looks. At the age of nine to twenty-one his mind had matured. There are many people who mock him in every movement and when people his age or young and old see him, his youth is gradually robbed of him. Sometimes he gets discouraged because of this. It was no fault of his that the anomalies occurred in his dantian that even he didn't have the chance to continue his Cultivation. We will see our field ready to tax everyone even himself that will make us sad, happy, amazed and cry in OUT OF THIS WORLD events that will make you understand that this whole world has no boundaries. Here you will witness that nothing is impossible for the person who strives to find freedom and make everyone understand that there is still good in this world, the world that will destroy or strengthen you. Is there still hope to change his fate or will his life remain in exile or will he be imprisoned forever in the darkness? Will Van Grego reach the pinnacle of Martial Arts or will he die in the middle of his journey? Let's join Van Grego in discovering his true personality and his fight against a very dangerous situation to fight for what he knows is right.

jilib480 · Fantaisie
Pas assez d’évaluations
169 Chs

Chapter 6

Agad namang natunaw ang stings na masasabing storage ng soul energies. Nang mawasak ito ay mayroong mayamang enerhiya ang biglang kumawala ngunit agad itong hinalo ni Van Grego sa malapot na tubig ng Soul Devouring Herb na siyang umipon sa enerhiyang muntik ng mawala. Napahinga si Van Grego ng malalim at makikitaan ng mumunting patak ng pawis sa noo nito.

Sunod naman niyang inilagay sa furnace ang Ground Crestball Serpent Egg. Ang itlog na ito ng Ground Crestball Serpent ay hindi isang ordinaryong itlog lamang dahil na rin sa medyo may katigasan ito ng ilang libong beses kaysa sa normal na itlog ng mga Beasts. Sa pamamagitan ng pagpapalakas ng temperatura ng furnace ay unti-unting natunaw ang shell ng Ground Crestball Serpent Egg na siyang unti-unting paglitaw ng isang matingkad na kulay dilaw na likido na siyang naglalabas ng napakayaman na enerhiya na Earth-Attribute. Ilang minuto lamang at nawala ang lahat ng impurities nito na hinalo sa dalawang natunaw na sangkap. Agad ding ibinalik ni Van Grego ang eksaktong temperatura upang mapanatili ang kalidad ng mga pambihirang sangkap ng paggawa ng Soul Transformation Pill.

Maya-maya pa ay sunod niyang inilagay ang 3000-year old Blood Ginseng. Ang luyang ito ay hindi pangkaraniwang sangkap lamang dahil kakulay ito ng dugo. Sa isang tingin ay hindi mo malalaman ang edad nito ngunit kapag ininspeksiyon mo ito ay makikita ang kakaibang mga ugat na animo'y mga gintong ahas. Nakabase ang edad ng blood ginseng sa dami ng gintong ugat nito. Isang gintong ugat ay katumbas ng isang daang edad kung kaya't ang hawak ni Van Grego ay may tatlumpong mga gintong ugat. Ang Blood Ginseng ay isa sa pinakaimportanteng sangkap ng Soul Transformation Pill dahil na rin sa ang properties ng Blood Ginseng ay upang i-compress ang mga sangkap upang magkaroon ng malaking porsyento ng paghalo at pag-complement ng bawat sangkap na ito.

Agad na hinalo ang iba pang sangkap. Sa katunayan ay ang mga sangkap na unang hinalo ay ang pangunahing sangkap at ang ibang sangkap ay siyang nagbibigay ng ibang mga kakaibang epekto sa pagbuo ng Soul Transformation Pill.

Sampong oras pa ang lumipas at patuloy pa rin sa paghalo si Van Grego ng lahat ng mga sangkap. Nahihirapan din siya sa pagbalanse ng temperatura lalo pa't mayroong oras na kailangang sobrang init at mayroong oras na kailangang hindi masyadong mainit ang temperatura. Kahit na sabihing natunaw na ang mga sangkap ay hindi ibig sabihin nito ay ang mga Alchemical properties nito ay tuluyan ng natunaw kung kaya't para mapalabas ang buong potensyal ng mga sangkap ay kailangan ng patuloy na pagluluto ng mga ito hanggang sa tuluyang humalo ang lahat ng sangkap hanggang sa makabuo ito ng iisang kulay lamang. Kaya iyon ang ginagawa ni Van Grego, tuloy-tuloy niyang niluluto ang buong sangkap. halo dito, halo doon iyon ang ginagawa ni Van Grego. Ilang butil ng pawis rin ang lumabas sa katawan niya maging ang enerhiya niya ay nauubos rin ngunit agad niya rin itong naagapan dahil tuloy-tuloy rin ang kanyang pagkain ng mga Tier-7 Recovery Pill.

Maya-maya pa ay nagkaroon ng kakaibang phenomenon ang nangyayari sa sangkap. Mayroong makikitang mga iba't ibang beast ang nagpapakita sa ibabaw ng furnace. Isa itong indikasyon na nasa Last Phase na siya ng Alchemy Process. Animo'y may sumasayaw ang mga papalit-palit na uri ng Martial Beast kagaya ng phoenix, Vermillion Bird, Whale, Spider, Tiger, Leopard, Dragons at iba pa. Hindi maipagkakailang mga fuse ability ito ng mga pambihirang sangkap na galing sa natural na kapaligiran na mayaman sa heaven and earth origin energies. Habang nangyayari ang ganitong phenomena ay nagsalita naman ng hindi inaasahan si Master Vulcarian.

"Bata, wag mong tingnan lamang iyan. Dapat ay pag-aralan mo din ito lalo pa't minsan lang mangyari ang ganitong pagkakataon lalo pa't Last phase ito ng paggawa ng pambihirang pill. Kapag na-perceive mo at natutunan ang mga Laws at konsepto ng mga bagay-bagay na kagaya nito na natural na pangyayari na nilalaman ng mga sangkap na ito. Hindi lamang tataas ang persepsyon mo sa larangan ng Alchemy kundi maging ang mga natural laws ng nasa paligid lalo na ng konsepto ng Space at Oras. Halimbawa na lamang dito ay ang pagsayaw ng phoenix o ang pagpagaspas ng pakpak ng dragon. Sa laki ng mga God Beasts na ito ay paano sila makakakilos ng mabilis? O kung bakit mayroon silang mga matagal na buhay kaysa sa nakararami. Hindi ko na iyon ipagsasabi pa dahil ikaw mismo ang dapat umalam ng mga iyan maging ang pag-comprehend ng bawat nalalaman mo. Kung hindi mo ito malalaman ay kalimutan mo na magiging malakas ka o magiging estudyante kita hahaha!!!" Sambit ni Master Vulcarian sa batang si Van Grego. Sa mga unang pangungusap niya ay naglalaman ito ng mga paalala at mga importanteng impormasyon ngunit sa huli ay puno ito ng panghahamon at mga negatibong pangungusap.

"Natahimik na lamang si Van Grego at kahit mainis pa siya dito ay wala ring kwenta. Sa ilang araw niyang kasama si Master Vulcarian ay nasanay na siya rito. Ano pa ba ang maaari niyang gawin hindi ba. Imbes na mainis o magalit siya ay itinuon niya ang kaniyang sarili sa pag-aral ng mga Laws at Concepts ng Last Phase ng Soul Transformation Pill. Makakatulong din ito ng malaki dahil na rin sa mga konseptong nakaukit sa mga pambihirang sangkap na ito. Isa itong mga projections ng mga Warrior Beasts, Saint Beasts at God Beasts.  Mayroong namumuong tanong sa isipan no Van Grego at iyon ay kung paano nagkaroon ng mataas na kalidad ang mga pambihirang sangkap ng Pill na ito dahil na rin sa alam niyang matagal ng nawala ang mga pambihirang Martial Beasts sa kasalukuyan, iyon ang paniniwala nila maging ng ibang mga Kontinente na sakop ng Three Great Continents.

Iwinaksi ni Van Grego ang kanyang mga iniisip at itinuon ang kaniyang atensyon sa pambihirang penomena ng Soul Transformation Pill. Marami siyang mga nakuhang mga bagay-bagay patungkol sa konsepto ng Space at Time na siyang tinutukoy ni Master Vulcarian. Nakita niya iyon sa pagpagaspas ng mga pambihirang pakpak ng Dragon at Phoenix. Nakita ni Van Grego na kahit isang projection lamang ng enerhiya ang mga Martial Beasts na ito ay nakikita niya ang distorsyon ng Space sa bawat pagaspas ng pakpak ng Dragon at Phoenix maging ang mabibilisang paggalaw ng mga ito kahit na napakalaki ng mga ito, isa lamang ang dahilan nito at ito ay naaapektuhan ng Law of Time ang paggalaw ng malalaking God Beasts na ito. Nakita niya rin ang mga fluctuations ng mga enerhiya na naglalaman ng ibang konsepto ngunit hindi niya pa ito alam halimbawa na rito ang pagkawala na parang bula ng mga apoy sa pagaspas ng pakpak ng Phoenix na bigla na lamang lilitaw hanggang sa patuloy na pag-cycle ng fire energies. Hindi niya ito pinansin pa at nagpatuloy sa pag-obserba patungkol sa mga Laws at Concepts ng Space and Time.

Maya-maya pa ay biglang natapos na ang nasabing penomena. Unti-unting nawala ang mga enerhiyang gumawa ng mga projections ng mga nilalang na nasa ibabaw ng furnace. Ngunit mayroon na siyang natutunan partikular na rito ang galaw ng phoenix maging ng isang dragon na nabibilang sa mga God Beasts. Dahil mataas ang persepsyon ni Van Grego ay naiukit niya sa kanyang isip ang mga natutunan niya. Pinikit niya ang kanyang mata upang pag-aralan ang kaunting kaalaman na natutunan niya.

Minulat ni Van Grego ang kanyang pares na mata at nakita niya ang kulay abong pill na nasa ibabaw ng middle-grade human-step furnace. Ang pill na ito ay halos kakulay na abo na hinulma. Walang iba kundi ang pambihirang pill na tinatawag na Soul Transformation Pill. Masaya niyang tiningnan ang pill at agad din niyang kinain ang pill dahil naibalik na rin ang kanyang lakas.

Habang kinakain niya ito ay iniisip niya ang mga kakaibang mga Laws at Concepts ng mga nakita at natutunan niya kani-kanina.

Maya-maya pa ay biglang napalitan ang mukha ni Van Grego ng pangit na ekspresyon tanda na may nararamdaman siyang kakaibang sakit. Hindi sa pisikal niyang katawan o sa kaloob-looban niya kundi sa kaluluwa niya. Animo'y parang sinisira o pinupunit ang bawat piraso ng kaniyang kaluluwa. Hindi niya maintindihan lalo pa't ngayon niya lamang ito nararanasan.

Ilang sandali pa ay nakarinig ng boses si Van Grego.

"Ang Soul Transformation Pill ay isang pambihirang pill, hindi lamang ito simpleng pagkain lamang ay mabibigyan ka ng mataas na lebel ng persepsyon. Isa lamang ito sa mga abilidad ng pambihirang pill na ito. Ang totoong layunin nito ay baguhin ang iyong kaluluwa sa mas komplikadong paraan kagaya na lamang ngayon, isa ito sa uri ng repormasyon ng iyong kaluluwa sa pamamagitan ng pagbukas ng iyong soul channels na mahahalintulad sa iyong mga ugat o meridian sa katawan. Unti-unti nitong babaguhin ang normal structure ng iyong kaluluwa katulad ng mga Soul Cultivator gaya ng mga ligaw na kaluluwa/multo, soul eater at iba pa. Kapag nabuksan ang soul channels na nasa katawan mo ay maaari ka ng maging soul Cultivator kagaya ng iba. Kailangan mong maging matatag dahil sa oras na hindi ka magtagumpay sa pagbukas ng soul channels mo ay permanenteng sugat o kamatayan ang naghihintay sa iyo." Mahabang pagkakasabi ni Master Vulcarian kay Van Grego.

Nahintatakutan si Van Grego sa kanyang narinig ngunit agad niya itong iwinala. Kinagat niya ang kanyang labi upang tiisin ang kakaibang sakit na kaniyang nararamdaman. Kung mawawasak ang kanyang kaluluwa ay isa lamang ang ibig sabihin nito, hindi na siya maaaring mag-cultivate o babagal ang kanyang Cultivation Level at hihinto siya sa kalagitnaan ng pagtahak sa daan ng Martial Arts at iyon ay isang bangungot para sa kaniya.

Kahit na tumutulo ang dugo sa bibig ni Van Grego dulot ng pagkagat niya ay tiniis niya ang sakit. Agad niyang pinagana ang Divine Nine Rotations True Essence at Divine Chronicles of Meridian Reverberation upang makatulong sa pagpigil ng sakit na kanyang nararamdaman.

Crack!

Kahhh!

Naririnig ni Van Grego ang tunog ng pagkabali ng anumang bagay sa kanyang kaluluwa. Unti-unti siyang sumuka ng dugo maging ang kaniyang paghinga ay naapektuhan dulot ng nasabing pangyayari na nasa kanyang kaluluwa. Ang kaluluwa ang pinakainiingat-ingatan ng bawat nilalang dahil ito ang pina-fundamental at pinakamahinang aspeto ng buhay ng nga Cultivator. Mahirap pagalingin ang mga malubhang pinsala sa pisikal na katawan ngunit ilang libong beses na mahirap pagalingin ang pinsala sa kaluluwa ng isang nilalang. Ito ay isang katotohanang hindi maaaring baliwalain. Kung kaya't kinakatakutan ang mga Soul Cultivator kumpara sa mga ordinaryong martial artist dahil na rin sa pambihira nilang mga Soul Attacks/Skills/techniques.

Ilang sandali pa ay gumaking rin ang kanyang mga sugat sa kanyang katawan maging sa kaniyang kaluluwa/soul. Ang pagkasugat sa kanyang kaluluwa at backlash sa kanyang katawan ay isang epekto ng pagbubukas ng kanyang Soul Channels sa katawan. Mas pinili na lamang ni Master Vulcarian na manahimik at baka makapagsalita pa siya ng hindi maganda sa batang si Van Grego.

Mabilis na gumaling at bumuti ang lagay ni Van Grego lalo pa't nararamdaman niyang mas tumaas ang knyang persepsyon patungkol sa Five Revolution Soul Enhancement. Agad niyang pinag-aralan ang nasabing ilang rotations para mabuksan ang first layer ng Cultivation Method na ito.

Siyam na araw ulit ang nakalipas pa at nakaramdam si Van Grego na kakaiba hindi lamang dahil sa epekto ng pambihirang pill o soul pill kundi nakamit niya na ang first layer ng Five Revolution Soul Enhancement. Natutunan niya ang complex structure ng first layer dahil na rin sa isang pambihirang abilidad ng Soul Transformation Pill at ito ay ang keen perception na kayang obserbahan ang daloy ng mga komplikadong simbolo at linya ng nasabing Cultivation Methods.

Maya-maya pa ay nakarinig si Van Grego ng boses sa kawalan na siyang gumising sa kanyang diwa. Pag-aaralan niya pa sana ang mga Second Layer ng tatlong Cultivation Methods pero alam niyang hindi niya ito matatapos ng kaunting panahon lamang.

"Hahaha, pinahanga mo ako bata sa iyong kasipagan at pagsisikap sa pag-aaral ng tatlong Cultivation Methods pero hindi pa rin ako panatag sa naging resulta ng iyong pagsusulit. Masyadong mabagal at muntik ka ng bumagsak pero may maganda akong plano para sa iyo, ito ay ang lumikha ka ng sarili mong Technique na may kasamang konsepto ng Space at Time. Magagawa mo kaya o susuko ka? Sabihin mo na susuko ka na para hindi na tayo mag-aksaya pa ng oras at panahon." Sambit ni Master Vulcarian sa marahas at sarkastikong boses. Sa katunayan, nababagalan siya sa mga naging hakbang ng bata kahit mayroong mga kakaibang paraan itong naisip ngunit napakadelikado at napakabagal naman ng pamamaraan nito upang tapusin ang First Layers ng tatlong Cultivation Methods na binigay niya. Kung ikukumpara siya sa mga extreme genius ng mga upper Realms, divine realms at mga nagtataasang mundo ay walang binatbat ang batang si Van Grego. Iniisip niyang larong bata lamang ito at paunti-unti niyang ipapaintindi sa bata na basura ang talento niya at kailanman ay hindi siya mabibilang sa mga hindi mabilang na henyo ng matataas na mundo.

"Sumuko? Nagpapatawa ka ba Master? Alam kung kailangan mo ako, dulot ng pagtaas ng aking persepsyon at kaalaman ay napag-isip-isip ko kung paano ka napunta sa tinatawag mong basurang mundo tsaka naisip kong ako lamang ang maaaring makatulong sayo ngayon. Wala ka lang choice diba?!" Sarkastikong sambit ni Van Grego. Bilang isang Cultivator ay mayroon din siyang tinatagong aroganteng attitude at hindi siya kailanman magpapatapak. Kung totoong basura siya eh ano naman ang kalagayan ni Master Vulcarian? Mas kalunos-lunos at mas basura pa sa basura ang kaniyang kalagayan.