webnovel

Ancestal God's Artifacts

Van Grego, a very talented Cultivator at his young age. He was known for his natural talent but when he developed an anomaly in his dantian he was considered trash and very useless by his own clan. The eyes of the people around him that were once amazed now have contemptuous and disdainful looks. At the age of nine to twenty-one his mind had matured. There are many people who mock him in every movement and when people his age or young and old see him, his youth is gradually robbed of him. Sometimes he gets discouraged because of this. It was no fault of his that the anomalies occurred in his dantian that even he didn't have the chance to continue his Cultivation. We will see our field ready to tax everyone even himself that will make us sad, happy, amazed and cry in OUT OF THIS WORLD events that will make you understand that this whole world has no boundaries. Here you will witness that nothing is impossible for the person who strives to find freedom and make everyone understand that there is still good in this world, the world that will destroy or strengthen you. Is there still hope to change his fate or will his life remain in exile or will he be imprisoned forever in the darkness? Will Van Grego reach the pinnacle of Martial Arts or will he die in the middle of his journey? Let's join Van Grego in discovering his true personality and his fight against a very dangerous situation to fight for what he knows is right.

jilib480 · Fantaisie
Pas assez d’évaluations
169 Chs

Chapter 42

"One with the mirror! Mirror Splitting Shards!" Sigaw ni Lona Silvario nang mabilis nitong matapos ang kanyang napakalakas na skill na kayang tapatan ang mas mataas na lebel ng Cultivation na kanyang kaaway. Ang natitirang mahigit isang daan ay unti-unting nag-materialize at naging mga matutulis na piraso ng salamin.

Mistulang mga espada ito sa lakas ng aurang inilalabas nito. Nangangailangan ito ng maraming Qi sa katawan ng isang Cultivator kung kaya't halos namutla ang balat ni Lona Silvario maging ng kanyang katawan ay nanigas dahil sa sobrang exhaustion lalo pa't hindi basta-bastang skill ito.

Kahit na namumutla ito at hirap na hirap na ay nakangiti pa rin ito habang isinasagawa ang napakalakas na skill na siyang alas ng dalaga.

Alam ng dalagang sa oras na bitawan niyang ang malakas na skill na ito ay siguradong babawian din siya ng buhay dahil na rin sa malalang kondisyon niya. Malalim na rin ang paghinga ng dalaga ngunit pinipilit niya pa rin ang kanyang sarili. Maya-maya pa ay bigla niyang ibinato ang kanyang skill sa lugar ng tatlong Lider ng kinikilala nilang magtatanggol sa kanila ngunit kabaliktaran ang ibinalik sa kanila at sa Kontinenteng ito.

"Katapusan niyo na!!!!!!" Sambit ng dalagang si Lona Silvario habang umaagos and sariwang dugo sakanyang bibig. Bigla na lamang nagkaroon ng napakalakas na awra maging ang biglaang paglabas ng napakalakas na enerhiya sa katawan ng dalagang ito. Ang matutulis na mga piraso ng mga salamin ay naging napakatulis. Nagkaroon din ito ng kulay pulang awra na siyang indikasyon na maging ang Core ng dalaga ay ginagamit niya upang mas maging matagumpay ang kanyang pagpaslang sa tatlong traydor na lider.

"Papaanong--- arrgggghhh!" Sigaw ng tatlong lider ng bigla na lamang bumubulusok ang napakaraming malalaki at malalalim na piraso ng salamin.

Sinubukan nilang protektahan ang kanilang sarili laban sa matutulis na mga piraso ng salamin ngunit wala man lamang itong epekto sa skill ng dalaga.

Nagmistula lamang silang manikang tinatahi dahil na rin sa madaliang paglabas at pagpasok ng mga napakatulis na piraso ng Salamin sa kanilang katawan.

Hindi maaari ihh-----!" Namatay si Zenori Cartagena nang hindi nito natatapos ang kaniyang sinasabi. Nakamulat ito ng mamatay na makikita ang kahindik-hindik nitong kamatayan.

"Hindi kayo makakatakas sa poot ng aming lider!" Nakangising sambit ni Luis Guiano habang sumusuka ito ng dugo. Agad din itong binawian dahil sa hindi mabilang na saksak na tumagos sa katawan nito.

"Hindi mo ako mapapatay ng isang mababang uri na katulad mo babae!" Sambit ni Jack Mirusa ngunit nahihirapan na din ito sa sitwasyon niya. Nagtamo siya ng malalalim na sugat ngunit hindi gaano kalala katulad ni Luis Guiano at Zenori Cartagena na binawian na ng buhay. Nagngingitngit na sa galit si Jack Mirusa dahil sa katusuhan ng babae at sa pambihirang skill nito.

"Tikman mo to hangal na babae, Titanic Blue Serpent Blood Drenching Needle!" Sambit ni Jack Mirusa habang malademonyo itong nakangisi sa babaeng si Lona Silvario na hindi na halos makilala dahil sa halos maligo na ito sa sarili nitong dugo at sa halos sira-sira nitong armor.

Agad na may lumabas na kakaibang mga karayom na biglang tumusok sa katawan ng dalaga. Unti-unting nangitim ang katawan ng dalaga dahil sa pambihirang skill ni Jack Mirusa.

"Nasa Bloodline Awakening Stage ka at ako'y nasa Martial Stardust Realm, masyado kang mahina para kalabanin ako. Paalam hahahaha!!!!" Sambit ni Jack Mirusa habang may mapaglarong ngisi na nakapasak sa kanyang labi na animo'y hindi mawala-wala.

"AHHHHH!" Daing ni Lona Silvario habang namimilipit ito sa iniinda nitong sakit sa buo nitong katawan. Nararamdaman niya ang mabilisang pagkasaid ng kanyang enerhiyang sa kaunting oras lamang na ito maging ang blood essence niya sa katawan ay animo'y hinihigop ng mga kakaibang karayom na siyang unti-unti niyang nararamdaman ang pagkahilo at panlalabo ng kanyang mga mata.

Maraming sigaw dahil sa sakit na nararamdaman ng dalagang si Lona Silvario ang umalingawngaw sa lugar na ito malapit sa hangganan ng Kontinente ng Hyno. Ilang minuto lamang ang nakalilipas ay nakakabinging katahimikan ang bumalot sa lugar na ito tanda na binawian na ng buhay ang dalaga.

Nakatingin si Jack Mirusa sa bangkay ng dalaga at makikita ang labis na kasiyahan sa mukha nito.

"Kung sana ay sumunod lamang kayo sa aking pinag-uutos ay hindi sana kayo nahatulan ng agarang kamatayan." Mapanghamak na pagkakasabi ni Jack Mirusa habang nakatingin sa dalaga na ngayon ay hindi na makikilala dahil sa nangingitim ang Katawan nito na ilang oras lamang ay maninigas na ito ng tuluyan.

Agad na napabaling si Jack Mirusa kay Zenori Cartagena at Luis Guiano ng may kalmadong ekspresyon.

"Napakahina niyo kung kaya't hindi niyo makikita kung paano natin aangkinin ulit ang maliit na kontinenteng ito. Sa oras na mapasaatin ulit ang kontinenteng ito ay waang hanggang kayamanan at kapangyarihan ang matatamasa namin lalong-lalo na ako bwahahaha!!!!" Sambit ni Jack Mirusa na may kagalakan sa kanyang puso. Mas naging mataas ang ambisyon nitong maging maempluwensya at maging makapangyarihang nilalang sa mundong ito. Hindi niya hahayaang may sumira ng kanyang plano dahil marami na siyang isinugal para dito.

"Kahit kalabanin mo ako ay hindi kita aatrasan sa oras na magkita tayo, ikaw ang isusunod ko sa oras na magkita ang landas natin, Van Grego!" Sambit ni Jack Mirusa habang may komplikadong ekspresyon na makikita sa mukha nito. Alam niyang hindi ordinaryong bata o Cultivator ang batang iyon at nasisiguro niyang maraming kayamanan ang batang iyon na siyang ikinasisiya ng kanyang puso. Sa oras na masakop nila ang lugar na ito ay siguradong siya na ang kikilalaning lider ng Alchemy Powerhouse Association.

Aalis na sana si Jack Mirusa ng bigla na lamang may nagsalita.

"Hindi ko aakalaing may mga nilalang na nangangahas na sakupin ang kontinenteng ito. Ni hindi man lamang akong inimbita sa munting kasiyahan na ito." Sambit ng isang boses batang nilalang na animo'y nagtatampo ito.

Bigla na lamang natuod si Jack Mirusa sa kanyang kinatatayuan. Hindi niya aakalaing may natitirang nilalang pa dito dahil sigurado siyang umalis na ang mga natitirang Mandirigmang Cultivators upang balaan ang ibang mga miyembro nito. Bigla na lamang siyang nakaramdam ng matinding panlalamig sa kanyang katawan. Labis na nagtataka si Jack Mirusa dahil hindi niya maramdaman ang presensya ng nilalang na sa tingin niya ay isa lamang itong bata dahil na rin sa tinig nito ngunit kakikitaan niya ito ng kakaiba dahil parang animo'y hindi niya mapigilang nakaramdam ng takot at pagkabahala dito ngunit isinawalang-bahala niya na lamang ito. Isa siyang malakas na nilalang na nakatapak sa napakataas na ranggong ito. Walang sinuman ang puweseng tumapak sa kanya at wala sa bokabularyo niya ang mapagpakumbaba o magkaroon ng awa. Tapos na ang kanyang pagpapanggap kung kaya't wala siyang pakialam sa kung sinumang nilalang.

"Oh, pasensya na ngunit wala akong planong aksayahin ang oras ko ukol dito. Kung gusto mong makisaya ay humanap ka ng lugar na gusto mong puntahan." Paasik na sambit ni Jack Mirusa tandang wala itong planong kausapin man lang ang misteryosong nilalang.

"Nakakalungkot naman. Wala pa nsman akong kalaro pero ngayon ay meron na, hehehe..."Sambit ng isang nilalang na halatang nasisiyahan ito sa takbo ng kanilang usapan.

"Hindi mo ako kalaro bata, sa oras na makita kita ay papatayin kita." Sambit ni Jack Mirusa ng maramdaman niya ang matinding panlalamig. Nagkaroon ng pagkabahala si Jack Mirusa dahil nagsusumigaw ang kaniyang katawan na lisanin na ang lugar na ito idagdag pang may abilidad ang kanyang Martial Spirit na isang Titanic Blue Serpent na makaramdam ng panganib dahil sa pagiging sensitibo nito sa paligid. Hindi man nakikita ni Jack Mirusa ang kaniyang kausap maging ang lokasyon nito sy hindi matagpuan ay sigurado siyang hindi ito ordinaryong nilalang lamang.

Agad na nilibot ni Jack Mirusa ang kaniyang paningin sa paligid at itinaas nito ang kaniyang depensa sa katawan. Agad na pinalutang niya ang kaniyang pinakamalakas na armas at ito ay walang iba kundi ang mga kakaibang karayom na paiba-iba na ang kulay nito. Mula sa itim ay nagiging asul hanggang sa naging pula ito. Indikasyon ito na masyadong hindi stable ang emosyon ni Jack Mirusa.

"Hindi ka na nakakatuwa batang bubuwit, magpakita ka ngayon din kung ayaw mong ako mismo ang humanap sa iyo at ako mismo ang kikitil ng sarili mong buhay!"paggalit na sambit ni Jack Mirusa habang hinahanap ng kaniyang mata ang kinaroroonan ng misteryosong nilalang na sa hinuha niya ay bata pa lamang ito.

"Edi hanapin mo ko Tanda! Kapag hindi mo ako hinanap sa loob ng labinlimang segundo ay ako ang papatay sa iyo hahahaha!!!" Sambit ng boses batang nilalang ngunit sa huling pagkakasabi nito ay naging malalim ang boses nito.

Nanindig ang balahibo sa buong katawan ni Jack Mirusa ng marinig niya ang sinabi ng bata lalo na ang pag-iba ng boses nito. Para sa kanya ay naglalaman ito ng matinding paghamon st pagbabanta sa kaniya.

Biglang humangin ng malakas na siyang nagkaroon ng malalakas at mararahas na serkulasyon ng hangin. Nagkaroon ng disturbasyon sa kapaligiran na siysng nagbigay ng pagkabahala kay Jack Mirusa.

"Projectile Neddles!" Sambit ni Jack Mirusa ng kaniyang pambihirang skill. Ang hinahawakan niyang mga piraso ng mga karayom ay bigla na lamang dumami sa hindi mabilang na piraso nito. Nagkaroon ng malakas na awra ang bawat sinulid nito at nagkaroon ng animo'y kakaibang pagbabago sa sinulid.

Agad na ibinato ni Jack Mirusa ang mga sinulid sa iba't ibang direksyon. Mabilis na bumubulusok ang mga karayom sa direksyon na pinapatamaan ni Jack Mirusa ngunit sa kasamaang palad ay wala siyang natatamaan.

"Natapos mo na ang oras na ibinigay ko sa iyo kung kaya't nakabubuting tapusin na kita" kalmadong sambit ng misteryosong nilalang.

"Hindi maaari, Serpent Shattering Needles!" Sambit ni Jack Mirusa sa nanginginig nitong boses. Hindi niya matatanggap ang ganitong klaseng katapusan ng kaniyang buhay.

Biglang pinaulanan ni Jack Mirusa ang buong paligid ng mga hindi mabilang na mga karayom na nagtataglay ng kakaibang awra dulot ng napakalakas na skill na isinagawa nito. Unti-unting nagbago ang kulay ng lugar partikular na rito ang lokasyon kung saan ay kinaparoroonan ni Jack Mirusa. Nagmistulang kakulay dugo ang paligid dahil sa pagbulusok ng napakaraming mga karayom. Bawat tatamaan nito ay nangingitim dahil na rin sa taglay na lason na siyang dahilan rin kani-kanina lamang ng agarang pagkamatay ni Lona Silvario. Nagtataka si Jack Mirusa lalo pa't ni wala na ang bangkay ni Lona Silvario ngunit naalala niyang baka natunaw at naging abo ito dahil sa unti-unting pagkalason nito at matinding asido ng kanyang mga pambihirang skills. Isinawalang-bahala niya na lamang ito.

Ang kaniyang isinagawang skills ay walang natamaan na nilalang na siyang ikinapagtataka at ikinapangangamba ni Jack Mirusa.

"Mahusay at talagang kahanga-hanga ang iyong mga pambihirang skills o Techniques ngunit hindi uubra sakin yan hahaha!" Sambit ng misteryosong nilalang na halatang hinahamak nito sa huli ang kaniyang abilidad.

"Magpakita ka pangahas na nilalang. Wala kang karapatan upang ako'y hamakin ng basurang katulad mo. Tunay na pambihira ang iyong skills ngunit nasisiguro kong malakas ako ng hindi hamak kumpara sa iyo!" Paasik na sambit ni Jack Mirusa na may mapaklang ekspresyon na makikita sa mukha nito. Hindi niya matanggap na naiisahan siya ng sinuman partikular na rito ang misteryosong nilalang na pinaglalaruan siya.

"Talaga lang ah, sino kaya sa atin ang basura, ni hindi mo nga ako mahanap. Pwes ako mismo ang hahanap at pupunta sa iyo." Sambit ng misteryosong nilalang.

Bigla na lamang umihip ang malakas na hangin at nagkaroon ng pagkabitak-bitak ng lupa. Nakaramdam ng matinding takot si Jack Mirusa dahil nararamdaman niya ang nag-uumapaw na enerhiyang kumakalat sa paligid. Agad na ginamit niya ang kaniyang Spiritual Sense lalo pa't nagkaroon ng makapal na alikabok sa paligid. Nakikita niya ngayon ang mabilis na paggalaw ng dilaw na enerhiya sa paligid. Naging posibleng makakita siya ng napakabilis na enerhiya dahil na rin sa tulong ng kaniyang Martial Spirit na ngayon ay kusang lumabas sa katawan nito.

SHHHHHHHH!!!!!SHHHHHHHHSSSSSSHHHH!!!!

Rinig na rinig mula sa kaloob-looban ni Jack Mirusa ang nagsusumigaw na babala ng kanyang Titanic Blue Serpent na animo'y ngayon lamang ito nagkakaganito dahil sa kakaibang enerhiyang nararamdaman nito. Makikita niya sa kaloob-looban niya ang matinding palahaw ng kanyang Martial Spirit.

"Huli ka!" Sambit ng misteryosong nilalang na ngayon ay nasa likod na ni Jack Mirusa habang makikitaan ng masayang tono ito.

Bigla hinawakan ng misteryosong nilalang ang katawan ni Jack Mirusa na siyang nagdulot ng napakatinding sakit sa katawan nito na animo'y parang unti-unti siyang mamamatay dito.

"Hindi maaari ito! Nakatapak ka na mismo sa maalamat na Ranggo, ang Ear------- AHHH!" Nahintatakutan na pagkakasabi ni Jack Mirusa na bigla na lamang siyang nakaramdam ng pagkakaroon ng pagbabago sa katawan niya.

Sa malayo ay makikita ng sinuman ang biglaang pagkawasak ng katawan ni Jack Mirusa na animo'y naging lupa ito. Bago mawasak ang katawan nito ay makikita ang nagliliwanag na kamay ng misteryosong nilalang na walang iba kundi at parang isang ordinaryong bata lamang ngunit kung makikita sa malapitan ay nakangisi ito na malademonyo. Walang awa nitong hinawakan ang nagsusumigaw na si Jack Mirusa kani-kanina lamang ngunit kahit na patay na ito ay parang wala lamang ito sa kaniya. agad nitong pinalakas ang hangin na siyang tumangay sa labi ni Jack Mirusa na sa pudpod nitong anyo.

Agad na nawala na parang bula ang misteryosong bata sa puwesto nito at bigla na lamang itong lumitaw sa hindi kalayuan mula sa pinangyarihan.

Agad nitong hinawi ang nakatambak na mga dahon na siyang nagpakita ng bangkay ni Lona Silvario ngunit ang nakakagulat lamang ay unti-unting bumabalik sa dating kulay ang balat nito at kapansin-pansin din ang pagbalik ng tibok ng puso maging ang pulso nito. Bumalik rin ang paghinga nito mula sa napakalalim na pagtaas-baba ng kanyang dibdib na indikasyon na humihinga ng ito.

"Malaki ang potensyal mo sa hinaharap upang maging katulong ka ng batang si Van sa kaniyang paglalakbay. Kung hindi lamang sa iyong potensyal at pagiging malapit kay Van Grego ay hindi kita bibigyan ng aking Blue Fire Spirit. Sa oras na lumakas ka ay kusang lalakas din ang aking Blue Fire Spirit na ipinagkaloob ko sa iyo binibini. Wag niyo sana akong biguin sa hinaharap!" Sambit ng misteryosong tinig mula sa kaloob-looban ng batang Cultivator. Isa itong indikasyon na hindi ang batang ito ang kumukontrol sa katawan nito kundi ang kaniyang Martial Spirit.

"Ikonsidera mo na lamang ang huling pagtulong ko sa'yo upang maging tahimik ang lugar na kinalakihan mo, Van Grego." Sambit ng Martial Spirit mula sa katawan ng batang hanggang ngayon ay mahimbing na natutulog pa rin sa sarili nitong katawan. Ang mata ng batang ito ay kakikitaan ng kakaibang bughaw apoy na animo'y may buhay katulad ng sa mata ni Van Grego noon.

Pagkatapos ng mga pangyayari ay bigla na lamang nawala ang batang Cultivator kasama ang katawan ni Lona Silvario sa kawalan hindi batid kung kailan ulit ito lilitaw.