webnovel

Ancestal God's Artifacts

Van Grego, a very talented Cultivator at his young age. He was known for his natural talent but when he developed an anomaly in his dantian he was considered trash and very useless by his own clan. The eyes of the people around him that were once amazed now have contemptuous and disdainful looks. At the age of nine to twenty-one his mind had matured. There are many people who mock him in every movement and when people his age or young and old see him, his youth is gradually robbed of him. Sometimes he gets discouraged because of this. It was no fault of his that the anomalies occurred in his dantian that even he didn't have the chance to continue his Cultivation. We will see our field ready to tax everyone even himself that will make us sad, happy, amazed and cry in OUT OF THIS WORLD events that will make you understand that this whole world has no boundaries. Here you will witness that nothing is impossible for the person who strives to find freedom and make everyone understand that there is still good in this world, the world that will destroy or strengthen you. Is there still hope to change his fate or will his life remain in exile or will he be imprisoned forever in the darkness? Will Van Grego reach the pinnacle of Martial Arts or will he die in the middle of his journey? Let's join Van Grego in discovering his true personality and his fight against a very dangerous situation to fight for what he knows is right.

jilib480 · Fantaisie
Pas assez d’évaluations
169 Chs

Chapter 40

Naglalakihan ang mga mata ng mga Martial Beast na nakatira sa karagatan lalo na sa mga saksi. Hindi maitatangging ang kanilang mga nasaksihan ay napakaimposibleng bagay lalo pa't naanalisa nila na ang pagpunta sa karagatan ng isang Cultivator sa teritoryo ng mga Martial Beast ay napakadelikado idagdag mo pa na likas na agresibo ang mga ito kung kaya't parang ang sitwasyon ay bumaliktad ngayon.

Ang binatang nasa harap nila ay mas nakakatakot pa kaysa sa kanila na ang awrang pumapalibot ay lubhang napakakapal at napakalakas maging ang ipinakita nitong pag-atake sa Martial Doom Fish Beast ay nagpamangha sa kanila ngunit naghatid din ito ng takot sa kanila.

Tanging ang tunog ng paggalaw lamang ng agos ng tubig maging ang pressure nito ang maririnig sa pinangyarihan ng laban. Lahat ay tikom ang bibig, ang kaninang pagkasindak sa Martial Doom Fish Beast ay nailipat na sa binatang nakatayo sa harapan nila.

Hindi na nag-atubili ang binata at agad na lumitaw sa bandang ulo ng Martial Doom Fish Beast. Nakakapasong init ang naramdaman ng Martial Doom Fish Beast na siyang naghatid ng takot dito pero huli na upang siya'y makaalis sa pwesto nito.

Nasa kamay ng binata ang napakainit na apoy na kahit ang tubig ay hindi ito kayang apulahin. Ito ang apoy na galing sa misteryosong Martial Spirit.

Unti-unting nasunog ang balat ng Martial Doom Fish at patuloy nitong sinusunog pati ang bawat laman kung kaya't hinang-hina na ang Martial Doom Fish Beast isama pa ang naunang pakikipaglaban nito sa Martial Titanic Fish Beast na kalaunan ay nakain nito. Sa sitwasyong ito ay nagpapakita lamang na wala na siyang pag-asang makaligtas sa kamatayang naghihintay sa kaniya.

Ilang sandali lamang ay nasunog na ng tuluyan ang Martial Doom Fish Beast na siyang nagdulot ng kasuklam-suklam na kamatayan dito. Ngunit laking gulat ni Van Grego na ang bangkay ng Martial Doom Fish Beast ay may kumikinang na bato.

"Isang Beast Core!" May halong galak na saad ni Van Grego sa kaniyang isipan. Ngayon lamang siya nakakita ng napakagandang Beast Core na galing pa mismo sa katawan ng Martial Doom Fish Beast. Tunay na kayamanan ito lalo pa't ang Beast Core na ito ay napakamahal kaysa sa nasa Koleksyon ni Van Grego na mga ordinaryong Beast Core lamang.

Ang Beast Core ay may iba't ibang klasipikasyon ayon sa antas ng lakas ng isang Martial Beast. Mas mataas na antas na Cultivation ng isang Martial Beast, mas maraming enerhiyang pwede i-refine. Bawat Martial Beast ay may Beast Core ngunit hindi lahat ay mayroong Martial Spirit. Kung mayroon man ay napakahirap nitong matukoy. Tanging suwerte lamang nakadepende ang pagkakaroon ng Martial Spirit sa iyong napaslang na Martial Beast.

Ang nakuhang Martial Core ni Van Grego ay kulay Violet na nangangahulugang malakas ang nasabing Martial Beast na ito at may posibilidad na lumakas pa ito.

Nahahati sa Iba't-ibang kulay ang martial Core.

Ang pinakamahina ay ang pula sunod ay Kahel, Dilaw, Berde, Blue, Indigo, Violet

Masasabing ang Kulay ube (Violet) ang pinakamataas na kalidad ng Beast Core. Halos lahat ng mga Cultivator ay nasasabik na magkaroon nito ngunit sa kasamaang palad ay kaunti lamang ang ganitong uri ng Beast Core na ito.

Napakamahal ng ganitong klaseng Beast Core na kahit na sinuman ay gustong mapasakamay ito. Nagkakahalaga ito ng ilang milyong ordinaryong Spirit Stone.

Tunay ngang isang magandang oportunidad ito para kay Van Grego. Agad niyang isinilid ito sa kaniyang Interspatial Ring. Gusto niyang pag-aralan ang nasabing Beast Core ngunit sa ngayon ay alam niyang hindi ito ang panahon para pag-aralan ito. Napakalaki ng nagawa niyang komosyon sa parte ng karagatang ito kung kaya't hindi siya dapat maging kampante. Ang kaligtasan niya ang nasa prayoridad niya.

Agad na napansin ni Van Grego ang pagkawala ng Martial Beasts sa kaniyang paligid na kani-kanina lamang ay nanonood sa kanyang laban sa Martial Doom Fish Beast.

Napahinga siya ng malalim at alam niyang nasa delikado siyang sitwasyon mamaya lamang lalo pa't alam niyang darating ang malalaki at malalakas na Martial Beasts para siya ay paslangin.

Kung mapapasabak siya sa ganitong sitwasyon ay lulubos-lubusin niya na ito sa paghahanap ng kayamanan at iyon ay walang iba kundi ang Beasts Core.

Maraming mga bangkay ng mga Martial Beasts na nandito kung kaya't agad siyang umaksyon upang hanapin ang mga Beast Core sa bawat katawan ng Martial Beasts.

Gamit ang kanyang Immortal Eye ay nakita niya ang mga Beast Core na iba't-iba ang mga kulay ng mga ito. May pula, may dilaw, kahel at ang pinakamataas na Beast Core na nakuha niya sa mga ito ay kulay bughaw na Core. Walang pagsidlan ang kanyang tuwa lalo pa't ilang libong Beast Cores ang nakulekta niya na alam niyang magagamit niya sa hinaharap. Sinigurado niyang hindi ito mawawala sa kanyang pangangalaga.

Halos nakolekta niya na ang lahat at aalis na sana siya ng mgay nahagip ang mata niya. Agad na nakaramdam siya ng sobrang galak dahil dito.

"Kung susuwertehin ka nga naman!" Sabi ni Van Grego sa kanjyang isipan. Napakabuti nga ng pagkakataon na ito sa buhay niya bilang isang Cultivator.

Ang nahagip ng mata ni Van Grego gamit ang Immortal Eye na in-activate niya kani-kanina lamang ay ang bangkay ng Martial Titanic Fish Beast na may kumikinang na baagy sa loob ng palikpik nito na siyang kahinaan pala nito.

Ngayon ay alam na ni Van Grego kung bakit sobrang lakas ng atake ng palikpik nito ay dahil na rin sa mahiwagang bagay na nasa loob nito. Napagtanto niyang ito ang pinoprotektahan palagi ng Martial Titanic Fish Beast kung aatake ang Martial Doom Fish Beast.

Agad na pumunta sa lugar kung saan nakahimlsy ang mga buto ng Martial Titanic Fish Beast. Sa mata ng iba ay napakaordinaryo lamang ang bawat parte ng Martial Titanic Fish Beast na kahit sino ay masasabing wala ng natirang enerhiya sa mga buto nito pero sa Immortal Eye ni Van Grego ay wala itong maitatago.

Sinipat ni Van Grego ang bawat parte nito at nakitang may malakas na enerhiya na dumadaloy sa bawat buto nito pero nailipat ni Van Grego ang kanyang atensyon sa parteng buto nito. Ginamit niya ang High-Tier knife na siyang nakabutas sa parteng palikpik nito. May nakuha siyang malaking Beast Core ngunit ito'y nagpagimbal kay Van Grego lalo pa't kulay itim ito kung Kaya't napahinga siya ng malalim.

Ngayon lamang siya nakakita ng Beast Core na ito. Kung iaanalisa ito ng maigi ay tunay ngang malakas ang Martial Titanic Fish Beast kaysa sa Martial Doom Fish Beast sa larangan ng kapangyarihan. Dahil sa pagsali niya ay naibaab nito ang depensa nito at nawala ang atensyon sa Doom Fish Beast. Iwinaksi na ni Van Grego ang kaniyang naiisip. Muli niyang itinuon ang kanyang atensyon sa kulay itim na Beast.

Kinusot kusot niya ang kanyang mata na wari'y nanaginip siya ngunit napagtanto niya na ang mga naganap noong nakaraan at ngayon ay totoo.

Sa pag-obserba ni Van Grego sa mga Iba't ibang kulay ng Beast Core ay marami siyang nalaman lalo pa't kahit sa unang kita mo palang ng mga Beast Cores ay masasabi mong sa bawat kulay ay may malaking deperensiya sa dami ng enerhiya at aurang inilalabas ng bawat kulay ng Core na siyang nagpapahiwatig ng pagkakaiba ng langit at lupa.

Sa bawat kulay ay masasabi mong matatalo ang mas mababang lebel ng enerhiya kaysa sa Mataas na lebel ng Enerhiya na kagaya rin ng mga Beast Core.