webnovel

Ancestal God's Artifacts

Van Grego, a very talented Cultivator at his young age. He was known for his natural talent but when he developed an anomaly in his dantian he was considered trash and very useless by his own clan. The eyes of the people around him that were once amazed now have contemptuous and disdainful looks. At the age of nine to twenty-one his mind had matured. There are many people who mock him in every movement and when people his age or young and old see him, his youth is gradually robbed of him. Sometimes he gets discouraged because of this. It was no fault of his that the anomalies occurred in his dantian that even he didn't have the chance to continue his Cultivation. We will see our field ready to tax everyone even himself that will make us sad, happy, amazed and cry in OUT OF THIS WORLD events that will make you understand that this whole world has no boundaries. Here you will witness that nothing is impossible for the person who strives to find freedom and make everyone understand that there is still good in this world, the world that will destroy or strengthen you. Is there still hope to change his fate or will his life remain in exile or will he be imprisoned forever in the darkness? Will Van Grego reach the pinnacle of Martial Arts or will he die in the middle of his journey? Let's join Van Grego in discovering his true personality and his fight against a very dangerous situation to fight for what he knows is right.

jilib480 · Fantaisie
Pas assez d’évaluations
169 Chs

Chapter 35

Kasalukyang naririto sila ni Van Grego sa itaas ng plateau kung saan ay nasa loob sila ng Miniature House Artifact.

"Saan sa tulong mo Kuya sa akin. Muntik na kong mapaslang at maging hapunan ng Black Poison Wolves na iyon! Ako nga po pala si Breiya at kuya ko ang matabang si Bim." Masiglang sambit ni Breiya. Bakas pa rin sa mata nito ang takot dulot ng kani-kanina lamang na pangyayari.

"Hahaha... Kilala ko na yan si Fatty Bim dahil kasama at naging kaibigan ko siya sa loob ng Black Phantom Mystic Realm. Ako nga pala si Van Grego, kuya Van na lang tawag mo sa akin." Masayang sambit ni Van Grego sabay ngiti. Napabilib din siya sa abilidad ng kapatid ni Fatty Bim na si Breiya dahil marunong din pala itong umiwas sa panganib sa loob ng mahigit apat na buwansa loob ng kuweba. Yun nga lang ay may estratehiya ang mga Black Poison Wolves. Sigurado siyang pinagplanuhan ito ng mga halimaw.

"Aba aba kaya pala nakaligtas siya sa loob ng Mystic Realm eh. Grabe kumain pero ang lampa ng kuya kong yan. Ewan ko ba diyan!" Sambit ni Breiya habang natatawa. Napatawa na rin si Van Grego dahil sa sinabi nito.

Hindi naman nakaligtas sa pandinig ni Fatty Bim ang sinabi ng kanyang kapatid na si Breiya.

"Aba aba, akala mo ang lampa ko? Malakas yata ako noh!" Pagmamayabang ni Fatty Bim.

"Oo, malakas talaga si Kuya. Malakas ----- kumain hahaahahaha!" Sambit ni Breiya habang bumungisngis ito kakatawa.

"Hmmp! Grabe ka talaga sa kuya mo Breiya! Balang araw ay magiging napakalakas kong Martial Artist at kikilalanin sa aking taglay na kagitingan." Taas-noong sambit ni Fatty Bim habang na-iimagine niya na ang kaniyang hinaharap na tagumpay.

"Oo na kuya, alam ko na yang kagitingan na sinasabi mo. Kagitingan sa pagiging matakaw hahahaha!" Pambabara ni Breiya sa kanyang kuya. Napatawa naman si Van Grego dahil sa usaping magkakapatid ng mga ito.

Halos mamula sa inis si Fatty Bim. Lumulubo pa ang mukha nito na ikinahagalpak pa lalo nina Breiya at Van Grego.

"Kayo! Hindi ako matakaw. Mas grabe pa kumain si Van Grego kaysa sa akin eh. Walang pang isang oras ay naubos niya na ang Yellow Mountain Fish at Soaring Blue Pigeon dahil sa katakawan niya!" Sambit ni Fatty Bim habang namumula pa rin sa inis.

Nang marinig ito ni Breiya ay laglag-panga siyang humarap kay Van Grego. Alam niya kung gaano kalaki ang mga wild beasts ito. Ang kaniyang tingin ay sapat na upang humihingi ng sagot upang kumpirmahin ang sinabi ni Fatty Bim.

[A/N: Martial Beasts is classified into two. The WILD BEAST and VISCOUS BEASTS. Monster Race is another term for the Viscous Beasts to take human form and start Cultivating e.g. Bat Race, Crow Race, etc.].

"Ah eh nagutom siguro ako kaya naubos ko agad hehe." Nahihiyang sambit ni Van Grego habang nagkakamot ng kanyang batok. Hindi niya alam kung ano ang isasagot.

Lumuwa naman ang mata ni Breiya matapos na marinig ito.

"Hindi maaari! Kung nagutom ka ay dapat konti lang nakain mo tsaka sa payat mong yan ganon ka kasagana kumain at ang bilis ha?! Si Fatty Bim nga i-halos puro tiyan nalang yung malaki, nag-iipon siguro ng bilbil pero ikaw? Hindi ako naniniwala." Sambit ni Breiya habang inikot-ikot pa nito ang kanyang ulo na animo'y hindi kumbinsido sa nalaman niyang ito.

"Sige, tutal gutom na rin tayong lahat kaya magluluto ako ng mga Wild Beasts. Marami akong karne dito." Mahinahong sambit ni Van Grego at mabilis na inilabas ang maraming dambuhalang mga katawan ng iba't-ibang klase ng Wild Beasts. Ito ay ang Giant White Lizard, Colossal Boar, Black Hummingbird at Black Swamp Ducks.

Hindi na naitikom ni Breiya ang kanyang bibig dahil sa biglaang pagkamangha sa mga dambuhalang mga Wild Beasts sa kaniyang harapan.

"Itikom mo nga yan bibig mo Breiya, baka pasukan ng langaw bwahahaha!" Sambit ni Fatty Bim ng makita ang reaksyon ng kanyang kapatid. Kahit dito ay mabara niya ang kanyang nakakababatang kapatid.

"Grrr! Bakit ikaw kuya taba, hindi ka ba nagulat?! Sambit ni Breiya habang tinitingnan ang kanyang kuya.

"Namamangha, sa wakas ay kakain ako ulit ng napakaraming karne, yeehhhheeeeyyyyy!!!!" Masayang sambit ni Fatty Bim.

Maya-maya pa ay sinimulan ng linisin at lutuin ni Van Grego ang mga Wild Beasts na ito.

Pitong oras ang nakalipas ay naluto na ang lahat ng mga wild beasts. Humalo sa hangin ang napakabango at nakakatakam na amoy ng mga ito. Halos maglaway naman sina Breiya at Fatty Bim.

"Tapos na ba Kaibigang Van?! Gutom na mga alaga ko sa tiyan ko eh!" Pagmamaktol ni Fatty Bim ngunit agad siyang binatukan ni Breiya ng pagkalakas-lakas na muntik niya ng ikangudngod sa sahig.

"Kahit kailan talaga Kuya Bim eh. Okay na ba ang lahat Kuya Van?!" Sambit ni Breiya habang nagniningning ang mga mata. Hindi siya nakatingin kay Van Grego kundi sa apat na roasted Black Swamp Ducks. Halos maglaway na siya habanag na-iimagine niya na sa wakas ay makakakain na siya ng maraming karne.

"Oo, pili ka lang diyan baka maunahan ka pa ni Fatty Bim eh." Nakangiting sambit ni Van Grego habang nakatingin kay Breiya. Nakita niya naman si Fatty Bim na nakasalampak. Mabuti nga at hindi ito nangudngod.

"Nakakainis ka na Breiya ha, lumabas din ang ugaling matakaw mo! Hoy, akin ang Black Swamp Ducks na yan. Hindi!!!!!!" Malakas na sigaw ni Fatty Bim ng nakita niyang kinakain ni Breiya ang kanyang pinakamamahal na Black Swamp Ducks.

Agad namang huminto si Breiya sa pagkain habang bumungisngis ito at dinilaan ang kuya niya.

"Hoy, Fatty Bim. Ang ingay mo diyan. Sasalampak ka lang ba sa sahig o uubusin namin tong mga roasted Wild Beasts na nakahain?!" Sambit ni Van Grego habang kinakain ang Roasted Colossal Boar.

Hindi na nagsalita pa si Fatty Bim at pinuntahan ang Roasted Black Hummingbird. Mas malaki ito kumpara sa apat na Black Swamp Ducks. Nalaman niyang mas masarap ito kumpara sa Black Swamp Ducks. Nakakain na siya ng Black Swamp Ducks kaya nalaman niya ang deperensya ng karne ng Black Hummingbird dito.

Kumain ang tatlong bata na sina Van Grego, Fatty Bim at Breiya hanggang sa mabusog sila at maubos ang lahat ng mga Roasted Wild Beasts. Binusog nila ang kanilang sarili hanggang sa ma-satisfied sila.

[A/N: Ang apelyido nila Breiya at Fatty Bim/Bim ay Fortilon. ]

...

Mabilis na naglakbay muli si Shiba upang tugisin ang mga batang gusto nilang dispatyahin. Alam nilang malaking problema pa kung mabubunyag sa publiko ang kanilang mga plano.

Para malaman niya at matunton ang kaniyang papaslangin ay bumili siya ng limang Black Viscious Hounds.

Agad na pinasinghot ni Shiba ang isang piraso ng tela na may bakas pa ng sariwang dugo sa limang Black Viscious Hounds.

Ang Black Viscious Hound/s ay isang Martial Beast (Viscious Beasts) na mayroong malakas na depensa sa katawan at malakas na opensa (matatalim na ngipin at kuko maging ang mahaba nitong buntot). Specialized ang mga ito upang itunton ang kinaroroonan ng mga nilalang sa pamamagitan ng pagpapasinghot sa mga ito ng kanilang baho o mga bagay na pagmamay-ari nito.

"Siguradong matutunton natin sial ngayon Biss Shiba. Ang mga Black Viscious Hounds na ito ay well-trained at subok na. Malaki ang tsansa nating mahuli ang mga hinahanap natin lalo pa't nagmula lamang sila sa Human Race, isang napakahinang nilalang hahahaha!" Sambit ng isang assassin sa malalim at nakakatakot na boses.

"Tama ka ngunit dapat ay masisigurado nating mahuhuli natin ang mga batang iyon. Mas maaga ay mas mabuti bwahahaha?" Sambit ni Shiba habang malademong humahalakhak sa huli.

"Dalian natin at sundan natin ang mga Black Viscious Hounds. Siguradong matutunton na natin ang mga matitinik at tusong mga batang iyon!" Sambit ni Shiba ng pautos. Mabilis niyang sinundan ang mga naglalakihang Black Viscious Hounds.

Mabilis na sumunod ang sampong mga assassins kay Shiba habang nakakalat sa iba't-ibang direksiyon. Makikita sa walang kaemo-emosyong mata nila ang sigaw ng pagpatay, ang pagdanak ng dugo at ang karahasan.

....

"Binabati kita Breiya, nakatungtong ka na sa 8th Star Black Gold Rank!" Sambit ni Van Grego habang nakangiti. Masaya siya para sa kapatid ni Fatty Bim.

Napatigil sila sa kasalukuyan nilang pag-cucultivate dahil sa hindi inaasahang pag-breakthrough ni Breiya.

"Salamat Kuya Van, ikaw ba kuya Taba este Kuya Bim, di mo ba ko babatiin?!" Sambit ni Breiya habang masayang nakangiti kay Van Grego at napalitan ito ng ngisi nang tumingin siya kay Fatty Bim na kuya niya.

"Tigilan mo ko Breiya, sa ngising demonyo mong yan. Alam ko ang iniisip mo, mas talentado pa rin ako kaysa sa'yo." Sambit ni Fatty Bim habang naningkit ang bilogang mata nito habang nakatingin sa kaniyang kapatid.

"Hahaha, uhugin ka pa nga noon eh. Nang kaedad mo ko halos sipunin ka palagi, so Ew!" Sambit ni Breiya habang nandidiring nakatingin kay Fatty Bim.

"Aba, nakakalimutan mo Breiya n-------!" Sambit ni Fatty Bim ngunit pinutol siya ni Van Grego.

"Tigilan niyo nga yan lalo ka na Fatty Bim. Pasalamat ka nga at may kapatid ka tsaka dapat pahalagahan mo yun. Ikaw naman Breiya ay igalang mo ang kapatid mo. Kayo na nga lang ang magkasama ay nag-aaway kayo, tsaka dapat ay marunong kayong magpatalo para iwas-bangayan at iwas sakitan ng damdamin. Alam niyo bang masuwerte kayo?!" Sambit ni Van Grego sa malakas na boses ngunit may lungkot sa boses nito. Ayaw niya kasing nakikita ang magkapatid na nag-aaway. Ewan ba niya pero gusto niyang mahanap ang kaniyang tunay na magulang. Kung ano ang rason ng lahat ng ito at kung may kapatid ba siya.

Natahimik naman sina Breiya at Fatty Bim. Alam nilang mali talaga ang inaasal nila. Alam nilang biruan lamang nila iyon ngunit naisip nilang pareho na masyado ata silang sumobra. Hindi nila alam ngunit parang lumungkot ata ang atmospera sa kanilang tatlo.

"Pasensya na po kuya Van lalo na sa'yo Kuya Bim. Hindi naging wasto ang asal ko tsaka pasensya na dahil palagi kitang nabubungangaan." Nakayukong sambit ni Breiya kay Van Grego lalo na kay Fatty Bim.

"Uhm, pasensya na rin Breiya. Sorry kung medyo hindi ako naging mabuting kuya sa'yo tsaka muntik ka na ring mapahamak dahil sakin. Pasensya na talaga, mula ngayon ay hindi na ko duduwag-duwag at magpapalakas pa 'ko para maipagtanggol kita." Sambit ni Fatty Bim.

"Hindi ka kailanman naging masamang kapatid sa'kin kuya Bim. Siguro ay may rason ang lahat ng ito. Magpapalakas rin ako para hindi mo ko poproblemahin kung malalagay tayo sa mga delikadong sitwasyon." Sambit ni Fatty Bim.

Nagyakapan ang magkapatid na sina Fatty Bim at Breiya.

"Simula ngayon kuya Bim ay pipigilan ko ang bibig kong magsalita ng mga masasakit na salita o nakakainsulto man. Pipilitin kong maging mabuti at masunuring kapatid sa iyo at kay Kuya Van." Malumanay na sambit ni Breiya. Marami siyang naiisip na baguhin sa sarili niya lalo na sa kung paano trstuhin niya ang kaniyang Kuya Bim.

"Ako rin Breiya, sususbukan kong maging mabuting Kuya at magiging responsable akong kapatid sa'yo. Tama si Kaibigang Van, dapat ay hindi tayo mag-away at intindihin natin ang isa't-isa. Gusto kong bumalik yung dating turingan natin kahit wala na sina mama at papa." Sambit ni Fatty Bim. Hindi niya mapigilang maging emosyunal lalo na noing namatay ang kanilang magulang. Ewan ba niya pero pagod na siyang awayin ang kapatid niya.

"Miss na miss ko nga sila mama at papa. Natatandaan ko pa nga ang sinabi nila na dapat ay na magkaagapay tayo palagi at magturingang magkakapatid. Iwasan rin natin ang mag-away." Sambit ni Breiya. Ngayon niya naintindihan na dapat ay pahalagahan niya ang knaiyang kuya at wag itong awayin. Marami ngang nanghahamak sa kuya niya dahil sa pagiging mataba nito pero kahit kailan ay hindi niya ikinahiya ang kapatid niyang si Fatty Bim. Kahit matakaw ito sa pagkain ay hinahatian pa rin siya nito at inaalagaan palagi. Bumalik sa alaala niya noong hindi pa siya o sila nagcucultivate, sa panahong inaapoy siya ng lagnat, yung inaway siya ng mga kalaro niya, yung pagkuha ng mga prutas dahil hindi niya maabot at iba pa. Naroon ang kuya niya, yung ipagtanggol, tulungan at alagaan siya. Hindi niya man masabi dahil nahihiya siya sa mga ginawa o sinabi niyang masasama sa kuya niya, massasabi niyang masuwerte siya. Masuwerte siya dahil andun ang kuya niya sa panahong kailangan na kailangan niya ang pagkalinga, pagmamahal at pag-aalaga ng isang kapatid. Ang nag-iisang kapatid na meron lamang siya.

Hindi nila naramdaman na wala na si Van Grego sa silid na ito.

...

Mula sa hindi kalayuan mula sa Miniature House Artifact na nasa ibabaw ng maliit na plateau ay mayroong mga malalaking mga aso ang bigla na lamang umalulong ng malakas.

"Aw...aw... AWWOOOOHHHH!"

Paulit-ulit na umalulong ang limang Balck Viscous Hounds. Hanggang ngayon ay mabilis na tumatakbo ang mga ito at walang bakas ng pagtigil.

Si Shiba at ang sampong assassins ay matiwasay na nakasunod sa naglalakihang mga mababangis na aso.

Maya-maya pa ay biglang lumiko ang mga Black Viscious Hounds na siyang ikinapagtataka ni Shiba ngunit hindi ito napansin ng alinman sa sampong mga assassin. Isinawalang-bahala niya lamang ito.

Medyo lumayo sila sa direksiyon nila Van Grego.

Maya-maya pa ay biglang tumigil ang sampong Black Viscous Hell Hounds sa isang  lugar na may apat na haligi. Walang kakaibang bagay na makikita rito.

"AWOOOOH! AWOOOHHH! AWOOOOOHHH! ...!

Malakas at paulit-ulit na alulong ng mga Black Viscious Hounds.

"Nalintikan na, isa itong patibong. Umatras tayo!" Sambit ni Shiba habang mabilis na umatras sa lugar na tinatapakan niya ng ilang metro.

Mabilis namang umatras ang sampong mga assassins. Halatang nagulat sila sa pangyayaring ito.

Ang limang Black Viscious Hounds ay bigla na lamang pumutok ang mga katawan ng mga ito at lumipad sa iba't-ibang direksiyon ang mga laman-loob at mga karne nito sa paligid. Nagmistulang nagkaroon ng bloodshed.

"Muntikan na tayo doon ah! Isa iyong Killing Array. Hindi ko aakalaing mahuhiulog tayo sa patibong!" Galit na galit na sambit ni Shiba. Hindi niya aakalaing gagamit ng taktika ang mga batang iyon.

Maya-maya pa ay nakita ni Shiba at ng sampong mga assassin ang unti-unting paglitaw ng apoy sa ere. Unti-unting bumuo ito ng mga letra at pangungusap na siyang ikinaalarma at ikinagulat mismo ni Shiba.

"I KNOW YOUR PLANS"