webnovel

Ancestal God's Artifacts

Van Grego, a very talented Cultivator at his young age. He was known for his natural talent but when he developed an anomaly in his dantian he was considered trash and very useless by his own clan. The eyes of the people around him that were once amazed now have contemptuous and disdainful looks. At the age of nine to twenty-one his mind had matured. There are many people who mock him in every movement and when people his age or young and old see him, his youth is gradually robbed of him. Sometimes he gets discouraged because of this. It was no fault of his that the anomalies occurred in his dantian that even he didn't have the chance to continue his Cultivation. We will see our field ready to tax everyone even himself that will make us sad, happy, amazed and cry in OUT OF THIS WORLD events that will make you understand that this whole world has no boundaries. Here you will witness that nothing is impossible for the person who strives to find freedom and make everyone understand that there is still good in this world, the world that will destroy or strengthen you. Is there still hope to change his fate or will his life remain in exile or will he be imprisoned forever in the darkness? Will Van Grego reach the pinnacle of Martial Arts or will he die in the middle of his journey? Let's join Van Grego in discovering his true personality and his fight against a very dangerous situation to fight for what he knows is right.

jilib480 · Fantaisie
Pas assez d’évaluations
169 Chs

Chapter 2

Inilibot ni Van Grego ang kanyang paningin sa loob ng Myriad Painting. Nakita niyang nagkaroon na ng buhay ang mga yumao ng Martial Corpse na may iba't ibang ranggo.

Ang mga Bouncing Demonic Squirrels ay naging maamong tupa sa harap ng mga Martial Corpse. Tunay ngang kakaiba ang mga Martial Corpse lalo na ngayon. Ang kanilang mga mata ay makikitang nagkakaroon na ulit ng mga buhay ngunit artipisyal na buhay na lamang ito. Walang kaluluwa at purong Cultivation lamang.

Isa sa mga katangian ng Martial Corpse sa mga nabasa ni Van Grego ang magpaamo ng mga Martial Beasts. Kahit na patay na ang mga ito ay may natural na mga abilidad ang mga ito na kayang paamuhin ang ito. Hindi pa rin ito alam lahat ni Van Grego sapagkat walang nasambit kung ano ito. Liban sa mga uri ng mga tinatawag na mga Martial Puppet ay ang Martial Slave lamang at ang Martial Corpse lamang ang pwedeng magkaroon ng Kamalayan o Consciousness kung naging malalakas ang mga ito. Walang kasiguraduham kung hanggang saan ang natural na talento ng mga ito ngunit may kahinaan ang mga ito kapag hindi matibay o hindi mataas ang Cultivation Level ng mga ito.

Agad siysng nakita ng mga Martial Corpse at nilapitan siys ng mga ito kasa-kasama ang mga maamong mga Bouncing Demonic Squirrels.

Kapansin-pansin ang paglaki ng mga Bouncing Demonic Squirrels nang ito inilagay ni Van Grego sa Myriad Painting of Thousand Mountain Ranges and Forests. Hindi maipagkakailang ang Myriad Painting ay sagana sa natural na mga enerhiya maging ng Cultivation Resources idagdag pa ang mahabang Sacred River na patuloy na dumadaloy at nagbibigay-buhay at enerhiya sa mga nilalang na nasa paligid nito.

"Ginoo, salamat sa iyong mga tulong sa amin."sabi ng isang medyo may katandaang lalaki na siyang tumatayong lider ng mga Martial Corpse.

Halata namang siya lamang ang may kakayahang magsalita sapagkat ito ay pinainom ni Van Grego ng mga pambihirang Pills at Elixirs noon. Ang lakas ng Martial Copies na ito ay nasa Martial Ancestor Realm na kagaya niya. Kahit ang sinuman na makakakita ng lubos na pag-angat ng isang Martial Corpse sa napakaikling panahon ay maituturing na henyo na sa Okupasyon sa larangan ng Puppetry. Naging posible ito dahil na rin sa mga kakaibang bagay na meron si Van Grego at sa Pambihirang talento nito sa Alchemy.

"Walang anuman iyon, sana pagbalik ko ay magkaroon na ng magandang pagbabago rito. Siya nga pala, gusto kong paamuhin niyo ang mga Dragon Sky Bird upabg mahasa ang kakayahan niyo." Malumanay na pagkakasabi ni Van Grego. Hindi sa tonong pautos o pagalit.

Simpleng tango lamang ang ibinigay ng Martial Corpse na ito at nagpaalam na sila sa isa't-isa.

Nakita ni Van Grego ang pagbibigay instruksiyon ng tumatayong lider ng mga Martial Corpse at nag-umoisa ng gawin ang inihahabilin ni Van Grego sa kanila. Kung kaya't lumabas na si Van Grego sa loob ng Myriad Painting lalo pa't may gagawin pa siyang pagdidiskubre ng bagay-bagay sa kanlurang bahagi na tinatapakan niya ngayon.

Bumukas na ang dalawang pares na mata ni Van Grego. Hindi agad siya tumayo. Tiningnan niya ang isang singsing na nasa kanyang mga kamay at bigla niyang inilabas ang apat na librong naglalaman ng Epic Grade Formation Master Technique. May kompikadong mga simbolo ang kanyang nakikita sa pagbukas niya palang ng mga paunang pahina ng bawat libro. Inaasahan niya na ito lalo pa't isang Epic Grade na Technique ay masasabing napakalakas nito sa kahit anong uri ng depensa o opensa.

Agad niyang ikinalma ang kanyang sarili at pinag-aralang mabuti ang mga Formation Technique na gagamitin niya. Pinili niya ang dalawang Technique para sa Depensa at Opensa ng kontinenteng ito at ang dalawang Opensa at depensa ay para sa kanyang sariling gamit.

Una niyang pinag-aralan ang Formation Technique para sa Kontinente. Ang Technique na ito ay ang Scales of the Abyssal White Dragon Formation Technique na para sa Depensa at Ten Thousand Slaughtering Saber Formation Technique na siyang magiging magandang pang-opensa sa mga Cultivator na may masamang intensyon sa Hyno Continent ilang buwan mula ngayon.

Napakagandang kombinasyon ang dalawang Formation Technique na ito sapagkat habang papatagal ito ay siya namang paglakas ng Formation Technique na mga ito. Ang Scales of the Abyssal White Dragon Formation Technique ay isang Hardening Type Defense na tumitibay pa lalo kapag nagtatamo ito ng malalakas na mga atake mula sa mga Cultivator. Kung kaya't kampante si Van Grego na kaya silang protektahan ng Formation Technique na ito.

Ang Ten Thousand Slaughtering Saber Formation Technique naman ay isang Killing Type na pang-opensa. Masasabi sa deskripsyon sa librong ito ang kaya nitong patayin ang malalakas na mga Cultivator o Martial Realm Expert sa atake nito. Isang atake katumbas ng sampong libong bilang ng saber na walang dudang kaya nitong pumatay ng napakaraming Cultivator sa isang iglap lang. Isa pa ay lubos na makakatulong ito kapag nagsagawa siya ng mga Tribulation Technique.

...

Una niyang sinubukan ang pagsagawa ng Scales of the Abyssal White Dragon Formation Technique Makailang ulit siyang sumubok na magsagawa ng Formation Technique na ito ngunit palaging nagkakaroon ng Palpak sa bawat subok niya. Nahihirapan siya sa pagsasagawa nito lalo pa't isang Epic Grade Formation Technique ito, noon ay mga basic formation Technique lang ang sinusubukan niya. Kung ikukumpara niya ang Basic Grade sa Epic Grade ay parang distansya ng langit at lupa. Parang namimingwit ka sa isang malawak na katubigan na may isang maliit na isda lamang ang natitira.

Mahirap. Napakahirap ngunit kakayanin ni Van Grego. Ayaw niyang mawala ang kontinenteng kaniyang kinamulatan. Titiisin niya ang lahat ng ito alang-alang kaligtasan ng bawat isang nasa kontinenteng ito. Nagagalit siya sa ibang mga taong sangkot sa selyo ng kontinenteng ito maging sa kanyang sarili kung bakit napakahina niya. Na kung saan kailangan niya pang manghiram ng lakas mula sa selyo upang matamo ang ganitong lebel ng Cultivation.

Buo na ang desisyon ni Van Grego. Gagawin niya ito upang mailigtas ang kontinenteng ito. Alam niyang ang iba ay may pakialam ngunit walang aksyon. May ibang puro sabi lang ngunit wala namang ginagawa. Yung iba, mas pipiliin na lamang na magpaalipin o magsanib pwersa sa ibang mga Cultivator ng ibang Kontinente. Alam niyang walang kaalam-alam ang mga normal na Cultivator ng kontinenteng ito sa hinaharap na kawakasan ng Hyno Continent.

Sa loob ng dalawang buwan ay nakaya niyang matutunan ang apat na Epic Grade Formation Technique. Isa na namang tagumpay na nakamit ni Van Grego sa kanyang sarili.

Pagkatapos ng kanyang matagumpay na pagkatuto sa pagsasagawa ng Formation Technique ay masasabi niya sa kanyang sarili na isa na siyang ganap na Formation Master ngunit walang prebilihiyong nangyari. Tanging siya lamang ang nakakaalam ng kaniyang pambihirang talento.

Inilibot niya ang kanyang paningin at nakita niyang ang Parang na ito na siyang kinatatayuan niya mismo na siyang masasabi niyang angkop na tayuan ng Interstellar Pillars. Pinili niya ang sentrong parte kung saan ay malawak at angkop na espasyo sa pagpapatsyo ng Interstellar Pillars.

Agad siyang gumamit ng pangunahing Technique upang magpatayo ng Interstellar Pillars. Ilang minuto ang nakalipas at nakaya niyang magpatayo nito at in-activate sa pamamagitan ng kanysng dugo. Isinagawa niya dito ang unang bahagi o parte ng Formation Technique ng Scales of Abyssal White Dragon at ng Ten Thousand Slaughtering Saber. Humahanga pa rin si Van Grego sa pambihirang kakayahan ng mga Formation Technique kahit na hindi niya pa nakikita ang kabuuang Hitsura ng nasabing malalakas na Epic Grade Formation Technique.

Ang Interstellar Pillars ay masasabi mong espesyal lalo pa't hindi ito isang ordinaryong Pillars lamang dahil kaya nitong malagyan ng Sampong Formation Technique. Isang malahalimaw na Pillars na siyang ikinagulat ni Van Grego lalo pa't isa o dalawang Formation Technique na kayang lagyan ay masasabi ng nakakatakot na, paano pa kaya ang sampong Formation Technique sa isang Pillar. Sa huli ay tuluyang na-absorb ni Van Grego ang lahat ng mga impormasyon ukol dito.

Pagkatapos ng pagpapatayo ng isang Interstellar Pillar sa masukal na kanlurang bahagi ng Hyno Continent ay pumunta na si Van Grego sa iba pang direksyon ng Kontinenteng ito upang magtayo ng mga tatlong Interstellar Pillars sa tatlong direksiyon. Hindi na siya nagkaroon ng problema lalo pa't iniiwasan niya ng msagupa ng malalakas na Cultivator ng ibang angkan maging ng malalakas na uri ng Martial Beasts.

Sa loob ng ilan pang buwan ay natapos na ni Van Grego ang pagpapatayo ng Interstellar Pillars sa tatlong direksiyon (Sa hilaga, Silangan, at sa timugang bahagi ng Hyno Continent) kasama sa bawat Pillars ang bawat piraso ng Dalawang Epic Grade Formation Techniques.

Akala ni Van Grego ay makapagpapahinga na siya ng may biglang dumating na Talisman dala ang laman mensaheng nagpagimbal sa kanya lalo pa't hindi niya ito inaasahan na magiging maaga pa ang pagdating ng kinatatakutan niyang mangyari.