webnovel

Ancestal God's Artifacts

Van Grego, a very talented Cultivator at his young age. He was known for his natural talent but when he developed an anomaly in his dantian he was considered trash and very useless by his own clan. The eyes of the people around him that were once amazed now have contemptuous and disdainful looks. At the age of nine to twenty-one his mind had matured. There are many people who mock him in every movement and when people his age or young and old see him, his youth is gradually robbed of him. Sometimes he gets discouraged because of this. It was no fault of his that the anomalies occurred in his dantian that even he didn't have the chance to continue his Cultivation. We will see our field ready to tax everyone even himself that will make us sad, happy, amazed and cry in OUT OF THIS WORLD events that will make you understand that this whole world has no boundaries. Here you will witness that nothing is impossible for the person who strives to find freedom and make everyone understand that there is still good in this world, the world that will destroy or strengthen you. Is there still hope to change his fate or will his life remain in exile or will he be imprisoned forever in the darkness? Will Van Grego reach the pinnacle of Martial Arts or will he die in the middle of his journey? Let's join Van Grego in discovering his true personality and his fight against a very dangerous situation to fight for what he knows is right.

jilib480 · Fantaisie
Pas assez d’évaluations
169 Chs

Chapter 26

Bigla na lamang sumabog ng malakas ang atakeng ito ng lalaki ngunit ng mawala ang usok dulot ng pagsabog ay halos manlaki ang mata ng bawat isang nakasaksi sa labanangg ito. Isang Low-grade Human Step treasure ang espadang hawak ng batang ito. Sa oagkakaroon niya pa lamang ng ganitong kayamanan sa sarili nito ay alam mong hindi lamang siya basta-bastang ordinaryong cultivator. Malamang ay isa itong talentadong cultivator sa kanilang angkan.

"Hindi maaari, paano ito nangyari! Hindi ka talentado at siguradong dinaya mo ito!" Sambit ng batang lalaking ito habang muli nitong iwinasiwas ang kanyang espada at direkta niyang inatake si Van Grego sa dibdib mismo.

Akmang tatarak na ito ng biglang humarang ang daliri ni Van Grego na siyang pumigil sa espada sa pag-ulos paabante.

Mas nabigla ang lahat sa pangyayaring ito. Ano lamang ang isang daliri laban sa matalas na espada? Isang malaking agwat ito. Ngunit ang sumunod na pangyayaro ang mas nakakagimbal sa lahat.

Bigla na lamang nagkaroon ng bitak-bitak ang dulong patulis ng espada at kumalat ito sa buong katawan nito at bigla na lamang itong sumabog na siyang ikinatilapon ng batang lalaking may-ari ng espada.

Halos natakot ang iba sa pangyayaring ito. Hindi nila lubos maisip na magiging taob ang labanan maging si Shiro ay nagulat rito.

"Henan?! Mga kapatid, tulungan niyo kong paslangin ang batang lalaking iyan. Sa dami natin ay hindi niya tayo kayang pataubin lahat!" Sambit ng batang lalaki habang galit na galit lalo pa't nasaksihan nitong tumilapin ng malakas si Henan.

Agad namang sumang-ayon ang lahat at mabilis na nilabas ang kanilang malalakas na armas kagaya ng espada, palakol, deadly knife at iba pa.

Mabilis nilang tinawid ang pagitan nila ng batang si Van Grego na kalmadong nakatingin sa mg sumusugod sa kaniyang direksiyon.

Nang makita ito ng isang batang lalaking pasugod ay halos lumabas ang usok sa kaniyang ilong.

"Ang pagiging kampante at mayabang niya ang maghahatid sa kaniyang kalunos-lunos na kamatayan!" Galit na pagkasabi nito habang nakangisi.

"Oo nga, sino siya sa tingin niya!" Galit na pagkakasabi ng kanyang kasamahan.

"Patayin na natin ang hambog na to!" Sambit ng isa pang kasamahan nito.

Mahigit pitong batang lalaki ang sabay-sabay na sumugod sa ibat-ibang direksiyon. Mabilis nilang pinatama ang kanilang matalas na sandata sa iba't-ibang parte ng katawan ni Van Grego.

Biglang nag-vibrate ang kanilang mga armas at agad na binitawan ng pitong batang lalaki amg kanolang armas. Sumabog ang mga ito, mabuti na lamang at umatras sila palayo.

"Ako naman!" Sambit ni Van Grego habang nakangisi. Agad namang nakaramdam ng takot ang pitong lalaki maging ang mga nakasaksi sa labanan.

Maya-maya ay biglang nawala si Van Grego sa kanyang puwesto at lumitaw sa likuran ng isang batang lalaking umatake sa kanya.

Mabilis niya itong sinipa ng malakas dahilan upang tumilapon ito ng malakas sa isang batuhan.

"Ahhhh!" Palahaw ng lalaki ng maramdaman niya ang sobrang lakas na pwersang dumapo sa likuran niya. Nawalan ito ng malay dulot ng sakit na kaniyang nararamdaman.

Umalis na tayo rito!

Ayoko na!

Patawarin mo kami!

Ilan lang ito sa sigaw ng umatake kay Van Grego. Mabilis silang gumamit ng kanilang movement technique ngunit isa-isa silang tumilapon sa malayo at nawalan ng malay dahil sa puwersang kanilang nararamdaman.

...

Si Shiro ay halos walang maisip na paraan kung hindi ang tumakas. Mabilis niyang sinira ang isang pangit na papel na parihaba na may simbolo. Ito ang escape rune symbol.

Agad siyang nawala sa lugar na ito at lumitaw sa malayo at sa kubling lugar. Hindi niya alam na mayroong halimaw na cultivator na sa tingin niya ay Diamond Rank lamang at sigurado siya dun pero ang lakas niya ay hindi mapapantayan. Kahit na ordinaryong Martial Knight at Martial Warrior Realm ay hindi nito kayang makipagsabayan. Ito ang kinakatakutan niya. Ang gagawin niya ay magtago, mag-ingat hanggang sa bumukas ang lagusan.

"Humanda ka sakin dahil sisingilin kita sa labas ng buwiset na Mystic Realm na ito!"

...

Nang magising ang mga sumugod na Cultivators ay mabilis silang umalis rito lalo pa't alam nilang walang mga nilalang na naririto maging ang kanilang tumatayong lider ay wala rin. Wala silang nagawa kundi umalis at pumunta sa iba't-ibang lugar habang dala-dala ang takot na kanilang naranasan sa kamay ng isang misteryosong bata.

"Ayos ka lang ba, Fatty Bim?" Sambit ni Van Grego habang nag-aalala. Nakita niyang medyo malalim ang iniisip ng kaniyang kaibigan.

Sariwa pa rin sa isip ni Fatty Bim ang kanyang nasaksihan kani-kanina lamang. Nakita kong paano pagtulungan ng mga kapwa nila batang Martial Artists ang kaniyang kaibigang si Van Grego ngunit lahat sila ay nabigo at napinsala ng atake ni Van Grego. Nasaksihan niya kung gaano kabangis at kahusay ang kaniyang kaibigan sa pakikipaglaban.

Ayon sa kanyang obserbasyon kay Van Grego ay isa lanang itong Diamond Rank pero nakaya nitong makipaglaban sa Peak Martial Warrior Realm pababa. Nakita niya kung paano napuruhan ang mga ito sa atakeng ginawa ni Van Grego.

Natauhan naman si Fatty Bim at nagsalita.

"Okay lang naman ako, kaibigang Van. Hindi lang ako makapaniwala na ang galing mong makipaglaban lalo na at sobrang lakas. Nahiya tuloy ako sa'yo!" Manghang sambit ni  Fatty Bim ngunit makikitaan ng lungkot ang boses nito.

"Aba aba, parang malungkot ka ata. Dibale mayroon akong ipapakita sa'yong mahalagang bagay na siguradong matutuwa ka!" Sambit ni Van Grego nang mabilis niyang inilabas ang isang malaking buto ng halimaw.

"Isang malaking pakpak?! Totoo nga, anong klaseng halimaw ang may pakpak na ganito?!" Sambit ni Fatty na namamangha habang ini-eksamin ang malaking pakpak.

"Iyan? Aksidenteng nahukay ko iyan sa isang  kakaibang bundok. Pakpak iyan ng Red Fury Dragon. Halos konting enerhiya na lamang ang meron ito at nahihiya akong ibigay sa'yo to." Nag-aalalang sambit ni Van Grego. Halatang nahihiya ito lalo pa't parang wala ng halaga ang pakpak na kanyang nahukay.

Halos laglag-panga naman si Fatty Bim habang nakikinig sa sinasabi ng kanyang kaibigang si Van Grego.

"Anong walang kuwenta ang sinasabi mo kaibigang Van? Hindi mo ba alam kung gaano kahalaga ang alinmang buto ng malalakas na halimaw lalo na ng tunay na dragon?! Kapag sinasabi mo ang bagay na ito sa iba ay baka himatayin ang mga ito. Mabuti at nasanay na ko sa iyo noong una palang kundi ay palagi akong mahihimatay hahaha!" Sambit ni Fatty Bim na animo'y hindi pa rin makapaniwala. Dinaan niya na lamang sa tawa dahal alam niya kung gaano kahalagang bagay ang ibinigay ng kanyang kaibigan sa kaniya.

"Pero Van, alam mo namang kahit saang anggulo tingnan ay wala man lang akong naibigay na kahit ano sa iyo. Alam mo yun, nahihiya na nga ako eh." Dagdag na sabi ni Fatty Bim habang namumula sa hiya. Hindi nito mapigilang mapakamot sa kanyang batok.

"Kaibigan kita eh tsaka di naman nasusukat ang pagkakaibigan sa materyal na bagay pero alangan namang itapon ko nalang to o iwan kung saan-saan. Alam kong mas mapapakinabangan mo ito." Sambit ni Van Grego at hinawakan ang pakpak ng dragon at ginagalaw-galaw ito na animo'y lumilipad.

"Maraming Salamat kaibigang Van, sana ay may maitutulong ako sa hinaharap kung kailangan mo talaga ng tulong. Tsaka salamat sa pagliligtas sa akin. Utang ko sa'yo ang buhay ko at ni Firin." Sambit ni Fatty Bim habang mabilis niyang tiningnan ang natutulog na batang Purple Rain Lion sa isang batuhan.

"Ano ka ba Fatty Bim, kaibigan kita. Ang hinihiling ko lang ay maging tapat at tunay kitang kaibigan. Niligtas kita kasi kaibigan kita." Sambit ni Van Grego haabng nakangiti.

"Salamat kaibigang Van, ang suwerte ko dahil mayroon akong kaibigang katulad mo!" Sambit ni Fatty Bim habang nakangiti. Mas lumapad pa ang pisngi nito na siyang ikinatawa ni Van Grego.

"Ako rin, sige na. Tama na ang drama." Sambit ni Van Grego sabay akbay kay Fatty Bim.

Agad na tinuruan ni Van Grego si Fatty Bim ng mga basic na galaw upnag makipaglaban. Tinuro niya kung paano padaluyin ang enerhiya nito ng tama para mas mapalakas ang pisikal nitong atake. Hinayaan niya agad si Fatty Bim upang matuto ito sa sarili niya.

Marami siyang mga karne ng mga Martial Beasts na naimbak sa isa niyang Interspatial Dimension. Agad niyang kinuha ang isang uri ng Martial Beasts na tinatawag na Devouring Cow. Isa itong malaking Martial Beasts na kumakain ng medicinal herbs at mga karne ng mga medyo malalaking mga hayop. Isa itong Adult Devouring Cow. Ang size nito ay dambuhala sa laki.

Nang makita ito ni Fatty Bim ay huminto ito sa kaniyang ginagawang ensayo.

"Devouring Cow ba ang nakikita ko Van? Pero bakit ang laki at ang taba naman nito." Namamanghang sambit ni Fatty Bim. Alam niya kung gaano kamahal ang karne ng Martial Beasts na ito at kung gaano kayaman sa enerhiya ang karne kung kaya't hindi kataka-taka na mahal ang karne nito at konti lamang ang Martial Beast na nahuhuli at kinakatay na kagaya nito.

"Dambuhala talaga ang size ng hayop na ito, hindi lang siguro sapat ang kinakain nito lalo na yung binebenta sa pamilihan. Dahil mayaman ang likas na yaman dito sa loob ng Mystic Realm na ito ay mas naging angkop ito para sa mga hayop na lumaki kagaya ng Devouring Cow na ito.

Napaisip naman si Fatty Bim habang nakangiti.

"Oo nga kaibigang Van, tsaka sa labas ng Mystic Realm na ito ay hindi angkop na lumaki ang Devouring Cow dahil na rin sa banta ng mga kapwa nito halimaw at mga nilalang na kagaya natin na naninirahan." Sambit ni Fatty Bim habang iniisip ang mga kadahilanan kung bakit mas angkop rito ang paglaki ng ganitong hayop.

"Oo tsaka lulutuin ko to ngayon, ikaw ang unang makakatikim ng luto ko tsaka mag-ensayo ka ng mabuti at tatawagin na lamang kita kapag luto na ang Devouring Cow na ito!" Sambit ni Van Grego habang nakangiti.

"Oo ba, promise mo yan ha, wala ng bawian!" Masayang sambit ni Fatty Bim habang mabilis na lumayo dito at bumalik sa kanyang puwesto.

Ngiti na lamang ang isinagot ni Van Grego. Mabilis din siyang lumabas at kumuha ng malaking kawayan na tinatawag na Flexible Iron Bamboo. Halos makikita ito sa mga kapaligiran at karaniwang ginagawa sa mga bahay. Kung gagamitin ito sa pangluto ay mas babango at sasarap ang lulutuin lalo na ang sa mga inihaw/roasted/lechon.

Bigla niyang tinuhog ang Devouring Cow gamit ang patulis na dulo ng Flexible Iron Bamboo. Parang big version ito ng lechon baka. Kakaiba ang bakang ito dahil napakataba nito hindi parehas sa ordinaryong baka na ginagamit sa bukid.

"Bata, gamitin mo ang instructions na pinag-aralan mo, ang proper slicing at mga exquisite design. Ako ang titingin kung naperpekto mo ba ang Roasting Skills mo dahil kung hindi ay babalik tayo sa basic at iyon ay ang preparations. Kapag naperfect mo o nasatisfied ako ay magpo-proceed tayo sa deboning." Sambit ni Master Vulcarian sa istriktong boses.

"Opo Master!" Sambit ni Van Grego habang nakangiti. Maya-maya pa ay lumitaw ang isang kitchen knife na sa unang tingin palang ay kakaiba na.

"Hep! Hep! Hep! Ano yan? Bawal gamitin ang pambihirang Dragon Fangs Knife. Gamitin mo ang ordinaryong kutsilyo!" Istriktong paalala ni Master Vulcarian. Ayaw niyang umaasa lamang si Van Grego sa mga pambihirang bagay upang matapos ang gawain nito, isa itong pandaraya na ayaw na ayaw payagan ni Master Vulcarian.

"Okay Master!" Sambit ni Van Grego. Agad na itinago nito ang pambihirang kutsilyo at kinuha ang isang dalawang ordinaryong kutsilyo.

"Within 5 hour s ay dapat matapos mong maluto ang buong Devouring Cow na iyong lulutuin. I will evaluate kung pasado ba ang performance mo lalo na at mayroon akong sariling criteria. Simulan mo na!" Sambit ni Master Vulcarian habang mabilis na naglaho na parang bula sa isipan ni  Van Grego.

Isinabit na ni Van Grego ng mabilis ang nakatuhog na buong Devouring Cow sa gitna ng magkabilaang kahoy na nagsisilbing patungan.

Dito ay mabilis na isinagawa niya ang kanyang dapat gawin. Gamit ang konsepto ng tubig ay mabilis niyang hinugasan ang buong parte ng halimaw lalo na ang mga malilit nitong balahibo sa katawan nito. Maging ang dugo nito ay inalis. (Ang dugo ang pinakamarumi at sagradong bagay kung kaya't bawal ang kainin ito. Lahat ng dumi, impurities at mga unfiltered disease ay naririto sa dugo maging ang bloodline ay sa dugo makilita kaya hindi maaaring kainin dahil magreresulta ito ng imbalance reactions sa katawan ng sinumang pumasok sa katawan ng iba. Mayroon ngang sumabog ang sariling katawan nito dahil sa bagay na ito. Kaya maraming pumili na magcultivate na lamang at punan ang gutom sa pamamagitan ng natural na enerhiya). Ilang minuto rin ang itinagal nito. Natapos niya ang process of cleaning.

Maya-maya pa ay kinabisado niya ang bawat parte ng Devouring cow. Isa itong process of mind reconstruction. Ginamit niya ang kanyang isip upang gumawa ng point model concepts at gumawa siya ng Reduction and Deduction Process. Medyo natagalan siya dito. Halos isang oras na ang nasayang sa lahat ng prosesong ito.

Maya-maya pa ay gumawa siya ng fire symbols point of burning. Ito ang magsisilbing equilibrium ng bawat apoy at init na kailangan ng parte ng Devouring Cow na maluluto. Halimbawa nito ay sa parteng tiyan ay medyo malambot ito ngunit madaming lamang loob,ow to moderate ito. Sa backbone naman at Tendons ay extremely hot and harsh process of burning of fire symbols ang kailangan dahil napakatagal maluto ang parteng ito.

Nang matapos ma-set up ni Van Grego ang lahat ay mabilis siyang gumawa ng primary Cuts upang i-deduce ang roasting process/cooking process at para buksan ang primary opening ng mga naiipong mantika ng katawan ng Devouring Cow.

Sinimulan niyang gumawa ng apoy. Ang Red Fury Fire at Silvery white Sacred Alchemy fire ni Van Grego ay humalo sa isa't-isa. Mabilis niyang binuhos ito sa mga Fire Symbols of Burning. Dito ay medyo na-reduce ang difficulty process ng roasting.  Dito ay hindi na siya nahirapan namano-manong i-adjust ang heat temperature or fire requirement. Ang kailangan niyang bantayan ay ang pagbabago ng ikot ng katawan ng Devouring Cow sa ibabaw ng apoy.

Makalipas ang dalawang oras ay gumawa si Van Grego ng Secondary Cuts na medyo maliit ng konti sa unang cuts na ginawa niya. Makalipas muli ang kalahating oras ay gumawa siya ng Tertiary Cuts na mayroong animo'y disenyo. dito ay medyo nagbabago ang mga init ng apoy  habang tumatagal.

Sa loob ng apat at kalahating oras ay natapos ni Van Grego ang roasting process. Agad na lumaganap sa paligid ang napakabangong amoy ng isang nilutong pagkain. Mabuti na lamang ay nagtanim si Van Grego sa pasukan sa tagong lugar ng ito noong isang buwan ng mga iba't-ibang klaseng Formation Arrays na nagdedeflect ng anumang bagay mula sa loob na makalabas.

"Wow! Tinigil ko na muna ang aking ensayo kaibigang Van dahil sa nakakapanglaway na amoy ng niluluto mo. Pwede na ba akong kumain?!" Sambit ni Fatty Bim habang ginagalaw pa ang bibig at dila nito. Kitang-kita niya ang roasted Devouring Cow sa harapan niya.

"Oo ba, ikaw pa ba Fatty Bim? Siyempre sa'yo to lahat!" Sambit ni Van Grego habang iniwan niya ito upang kainin ni Fatty Bim.

Sunod-sunod na pagluto ang biglang ginawa ni Van Grego. Kitang-kita ni Fatty Bim na mahusay na niluluto ito ng kanyang kaibigan. Halos laglag-panga siya ng makita ang mga niluluto nitong Martial Beasts dahil ito lang naman ay mga Swamp Giant Shrimp,  Soaring Blue Pigeon, Yellow Mountain Fish, Red Feathered Chicken at iba pa. Ang mga niluluto ni Van Grego na Martial Beasts na ito ay mga pambihirang mga pambihirang hayop na kilala dahil sa masarap at malaman na karne at ang mga lasa ng mga ito napakapambihira.

Hindi alam ni Fatty Bim kung ano ang ginagawa ni Van Grego ngunit masaya siya sa araw na ito.

"Ituloy mo lang yan Van Grego, kakayanin ng aking sariling kainin ito lahat. Masaya akong makikilala at matikman ang lahat ng mga niluto mo para sa araw na ito." Sambit ni Fatty Bim habang kumakain ang mga ito hawak ang malaking piraso ng hita ng Roasted Devouring Cow.