webnovel

Ancestal God's Artifacts

Van Grego, a very talented Cultivator at his young age. He was known for his natural talent but when he developed an anomaly in his dantian he was considered trash and very useless by his own clan. The eyes of the people around him that were once amazed now have contemptuous and disdainful looks. At the age of nine to twenty-one his mind had matured. There are many people who mock him in every movement and when people his age or young and old see him, his youth is gradually robbed of him. Sometimes he gets discouraged because of this. It was no fault of his that the anomalies occurred in his dantian that even he didn't have the chance to continue his Cultivation. We will see our field ready to tax everyone even himself that will make us sad, happy, amazed and cry in OUT OF THIS WORLD events that will make you understand that this whole world has no boundaries. Here you will witness that nothing is impossible for the person who strives to find freedom and make everyone understand that there is still good in this world, the world that will destroy or strengthen you. Is there still hope to change his fate or will his life remain in exile or will he be imprisoned forever in the darkness? Will Van Grego reach the pinnacle of Martial Arts or will he die in the middle of his journey? Let's join Van Grego in discovering his true personality and his fight against a very dangerous situation to fight for what he knows is right.

jilib480 · Fantaisie
Pas assez d’évaluations
169 Chs

Chapter 25

Kinalimutan muna ni Headmaster Neria ang malaking rebelasyon ni Mr. V na isa palang batang lalaki. Itinuon niya muna ang lahat lahat ng kanyang atensyon sa kasalukuyan.

Agad na tinipon ni Headmaster Neria ang kaniyang mga estudyanteng ipinatawag at hinati ang mga ito sa magkaibang grupo na ayon sa kanilang mga Elemental Attribute. Halos lahat ng mga mga estudyante na naririto ay walang mga Martial Spirits na siyang angkop upang pwede silang maging tagangapamgalaga o magfuse sa mga malalakas na Martial Spirits.

...

Mga Martial Ancestor Realm at pataas na rank ang mga estudyanteng naririto dahil mayroon silang angkop na Cultivation Base para matagumpay silang makapagfuse sa malalakas na Martial Spirits. Ang mga mababang lebel ng Cultivation ay maaaring mangamatay lamang kung ipagpipilitan nilang magfuse sa malalakas na Martial Spirit dahil sasabog lamang ang kanilang katawan kapag ipinagpipilitan lamang nilang magkaroon ng mga malalakas na Martial Spirits. Kung ang Yao Continent na mga Cultivator siguro ay maaari sapagkat mayroon silang kakayahan na makapagfuse ng dalawang Martial Spirits o kahit na nasa mababang lebel.

...

"Wala na tayong oras pa dahil mayroong kompetisiyon na nagaganap kung kaya't napakahirap din ng labanang ito dahil hindi lamang Martial Beasts ang inyong kakalabanin kundi pati na rin ang mga Cultivator na hindi ninyo kilala. Mag-iingat kayo at huwag niyong kaligtaang umatras kung nasa delikado kayong Sitwasyon,humayo kayo!" Sambit ni Headmaster Neria at hindi na binigyan pa ng anumang tsansang magtanong ang mga estudyanteng ito na nabibilang sa Outer Court.

Isang batas na ipinapatupad sa Hyno Academy ay ang pagbibigay lamang ng kaunting impormasyon at bahala na lamang ang mga estudyante sa pagtuklas ng iba pang impormasyon gayundin sa oras ng pakikipaglaban. Gusto nilang matuto ang bawat estudyanteng tumayo sa kanilang sariling mga paa at ipakita ang tunay na estado at uri ng pamumuhay ng isang Cultivator. Ito ay ang hindi pantay na pagtrato, mga karahasan at iba pang reyalisasyon upang ihanda sila sa mas matitinding mga sitwasyon kagaya ng life or death situations. Sa ganitong mga paraan ay mas mahuhubog at maipapalabas pa ng lahat ng mga estudyante ang kanilang kabuuang potensiyal sa larangan ng pakikipaglaban, utakan at iba pang aspeto na siyang susubok sa limitasyon ng mga estudyante na gustong maging eksperto sa hinaharap.

Agad na lumipad ang mga grupo-grupong mga estudyante sa iba't ibang parte ng kontinente ng Hyno. May sampong grupo ang nabuo at may tig-pipitong miyembro (Seven-Man Team). Magkakapareho ang attribute ng bawat grupo na siyang angkop rin sa lugar na pupuntahan nila.

May iba't ibang mga Elemental Attribute ang mga Cultivator na siyang nalalaman kapag nagising na ang kanilang Martial Soul. Halimbawa ay ang Martial Soul na isang Knife na siyang isang Metal-Type Attribute. Mayroon din na apoy talaga ang Martial Soul nito na maihahanay sa Fire-Type Attribute. Putik at bato na Martial Soul ay maihahanay din sa

Ang mga Water-Type Attribute na Martial Souls ng mga Estudyante ay nasa anyong tubig pupunta kagaya ng mga ilog, Bukal, Talon, karagatan at iba. Ang mga Earth-Type Attribute ay sa mga kalupaan kagaya ng Kuweba, kapatagan, Swamp, Bundok, at iba pang anyong lupa. Ang mga Fire-Type Attribute ay pumunta sa mga Aktibo at hindi aktibong bulkan upang doon labanan ang mga malalakas na Martial Beasts. Ang mga Wind-Attribute na mga Cultivator ay doon sa mga nagtataasang mga lugar kagaya ng mga bangin, talampas at mga nagtataasang mga lugar kung saan ay lalabanan nila ang mga Flying-Type na mga Martial Beasts. Ang mga Metal-Attribute na mga Cultivator ay nasa mga minahan at mga lugar kung saan ay mayroong mga Magnetic Fields maging ng mga Gravitational Field na siyang may kaugnayan sa mga metal.

Ngunit ang may ibang Attribute na mga Cultivators ay napakahirap makahanap ng kanilang nararapat na Martial Spirits patunay na iilan pa lamang ang nagkaroon ng mga Martial Spirits.

...

Sa isang malawak na karagatan malapit sa baybayin ng Hyno Continent ay maririnig mo sa malayo pa lamang ang mga kakaibang armas. Isang Kontinente lamang ang kilala sa pagiging eksperto sa ganito. Ito ay ang Villien Continent na siyang kontinenteng puno ng mga bandido. Armado ang mga ito at kilala sila sa pagiging marahas patunay lamang na walang gustong kumalaban sa mga ito.

Maraming iba't ibang mga grupo ng mga Cultivator ang naririto sa karagatan upang patumbahin o patayin ang napakalakas na Martial Beasts na higante sa laki. Makikita sa balahibo nito na mala-asul ang kulay na may labindalawangg naggagandahang buntot. Kulay ginto ang mata ng Martial Beasts na ito. Ang Martial Beasts na ito ay walang iba kundi ang Centurian Water Fox na siyang tinaguriang isa sa mga Water Guardian na mababasa lamang sa libro ngunit kitang-kita ng mga Cultivator na totoo ang nakasulat sa libro. Napakalakas ng Martial Beasts na ito.

Nang makita niya ang napakarami pang mga Cultivator ay naglabas ito ng kakaibang enerhiya sa katawan. Ang mga Martial Net na nakabalot sa katawan ng Centurian Water Fox ay sumabog na siyang nagpahirap sa mga Cultivator na lumapit agad sa Martial Beasts.

"Bibigyan ko kayo ng pagkakataon, umalis kayo dito o ililibing ko kayo ng buhay sa karagatang ito?!" Sambit ng Martial Beasts na siyang nagpalabas ng naglalakihang mga pangil nito.

"HAHAHAHA, ano kami mga bobo, ikaw ang sumuko na lamang dahil napapalibutan ka na namin!" Sambit ng umano'y lider ng mga bandidong gustong mapasakamay nila ang Martial Beasts na ito upang maging personal na Martial Spirit nila ito.

"Sige kung iyan ang gusto niyo, wag niyo sanang pagsisihan na humarang kayo sa dinadaanan ko!" Sambit ng Centurian Water Fox habang nakangisi.

"Giant Water Hole!" Dagdag na sambit ng Centurian Water Fox ng nakalabas ang matatalas nitong pangil.

Huli na ng makita ng mga Cultivator na nakaapak sa tubig-alat ng karagatan nang walang ano-ano ay nilamon sila agad-agad ng butas ng tubig sa paanan nila. Nabawasan agad ng sampong Cultivator ang nakapalibot at haharang sa dinadaanan ng Martial Beasts na ito.

Mabuti na lamang na ang pitong estudyante ng Hyno Continent ay hindi pumatong sa tubig dahil magiging katapusan na nila ito.

Halos manggalaiti sa galit ang lider ng mga bandido dahil anim sa kanyang miyembro ang agad na nalagas sa malakas na skill na iyon.

"Humanda ka, papatayin kita! Hyaahhh!!!!" Sambit ng lider ng bandido na nanggagalaiti sa galit.

"Ang tapang mo naman, bwahahaha!!!!" Agad na gumalaw ang Centurian Water Fox at pinaghihiwa niya ang mga Cultivator na kanyang makikita at madadaanan gamit ang kanyang mahahaba at nagtatalasang mga Kuko nito.

Ahhhhh!!!!

Arckkkkkk!!!

Shrrrriiiiiickkkkkk!!!!

Tcccccccchhhhh!!!!!!

Pwaaaccccckkkkkkkk!!!!

Madaming tunog pa ang maririnig sa kapaligiran na nasa panig ng mga Cultivator. Lahat sila ay nagtamo ng napakalalim na sugat na siyang nagpahina ng puwersa ng mga Cultivator.

"Ni wala nga kayong Martial Spirits, ang tapang niyo namang pumunta at labanan ako hahaha!" Mapanuyang sambit ng Centurian Water Fox sa lahat ng mga Cultivator. Hindi makapapayag ang Centurian Water Fox na minamaliit lamang ang kanilang kakayahan at lakas ng mga pipitsuging mga Cultivator.

"Bibigyan ko kayo ng sampong segundo lamang upang lisanin ang lugar na ito at papatayin ko ang sinumang mananatili rito!" Pinal na sambit ng Centurian Water Fox lalo pa't lubhang nakakaabala ang mga Cultivator sa kanyang ginagawang preparasyon sa paglisan sa lugar na ito na siyang kumulong sa kanilang mga Martial Beasts.

Nahintatakutan ang lahat maging ang mga lider ng Iba't ibang mga grupo ng mga Cultivator na naririto maging ang lider ng grupo ng Hyno Academy ay nakaramdam ng takot. Marami at malubha ang pinsalang kanilang natamo na siyang nagpapahirap sa kanilang lumaban pa o labanan ang Centurian Water Fox na sobrang lakas nito sa simple nitong atake. Kahit sila ay hindi na nag-alinlangan pang lisanin ang lugar na ito.

Agad na lumipad ang lahat ng mga grupo ng mga Cultivator maging ang mga estudyante ng Hyno Academy ngunit ang mas nakakabigla ay nagpaiwan ang isang estudyante nito.

Ano ang ginagawa mo Shion Mondar? Nababaliw ka na ba? Sambit ni Willo Martil sa kagrupo niyang kapwa niya estudyante.

"Hindi ako aalis dito!"matigas na sambit ni Shion Mondar.

"Bahala ka basta aalis kami dahil ayaw pa naming mamatay, diyan ka na nga!" Sambit ni Willo Martil dahil nagbibilang na ang Centurian Water Fox at kailangan na nilang lisanin ang lugar na ito.

"Umalis na tayo dito at iwan na natin ang matigas na loser na iyan!" Sambit ni Willo Martil na siyang tumatayong lider ng grupong ito.

Maging ang iba ay sumunod na lamang ngunit hinarap nila isang beses ang batang estudyante na si Shion Mondar

"Maiwan ka nga dito, pabigat ka lang sa Akademya eh bwahaha!" Panghahamak ng isang batang kaedaran ni Shion.

"Mamatay ka na nga, mahina ka naman eh bwahahaha!"Sambit ng isa pang miyembro.

"Katulad ka ng Ama mo, bobong salot!"dagdag pa ng isa pang miyembro ng kapwa niya estudyante.

"Sumunod ka sa ina mong kaladkarin sa impyerno hahahaha!"sambit ng isa pa.

Maging ang ibang mga Cultivator ay nakita ang senaryo na ito at maging sila ay halos mamatay na sa kakatawa. Ano ang magagawa ng batang ito? Ito ang katanungan nila.

"Napakapatpatin mo bata pero kung umasta ka napakalakas mo!"Nanggagalaiting sambit ng lider ng mga Bandido

"Isa ka lamang batang nangangarap ng langit sa tinatapakan mong putik hahaha!!!" Matalinhagang sambit ng isa sa mga Rogue Cultivators.

Nahihibang na talaga ang batang iyan!

Kawawa naman siya pero sana mamtay na nga ang mayabang na batang yan!

"Palibhasa ay hindi tinuruan ng mabuting asal ng mga magulang niya at paano alamin ang ang agwat ng langit at lupa! Hahahaha!!!"

Marami pang mga masasamang komento at pahayag ang ibinabato ng mga Cultivator sa batang si Shion Mondar.

Napakuyom na lamang si Shion ng kanyang dalawang kamao. Hindi niya nagustuhan ang kanyang mga naririnig lalo na ang tungkol sa kanyang mga magulang.

...

Si Shion Mondar ay ulilang lubos ng limang taong gulang pa lamang. Ang tanging alam niya lang ay namatay ang kanyang magulang sa kamay ng mga mababangis na Martial Beasts na lumusob sa kanilang lugar. Bigla na lamang silang nilusob ng mga ito sa mismong maliit na bayan ng Mier. Siya lamang ang nakaligtas sa malagim na gabing iyon na siya ring pagbura sa kanilang bayan sa mapa ng Hyno Continent. Sa edad na lima ay nagpalaboy-laboy siya sa daan ngunit inalaggan siya ng isang ginang na naninirahan sa Javar Town. Napakahirap ng buhay na nandirito at palaging nilulusob ng mga bandido. Lumipas ang limang taon, siya ay sampung taong gukang na at nasanay na siya sa miserableng pamumuhay na ito. Namatay rin ang ginang na umaalaga sa kanya kung kaya't nag-iisa na lamang siya na namumuhay dito ngunit nagbago iyon ng kinupkop sila ng Alchemy Powerhouse Association kung kaya't hindi siya nag-alinlangan pa na mag-aral sa Hyno Academy na siyang ipinangako niya sa magulang niya na magiging malakas siya at poprotektahan ang mgataong mahahalaga sa kanya.

...

Hindi niya namamalayan na wala ng kahit na sinumang Cultivator ang naririto pa sa lugar na ito. Tanging siya na lamang at ang dambuhalang Martial Beast na walang iba kundi ang Centurian Water Fox.

Matalas na tumingin ang Martial Beasts sa batang si Shion Mondar.

"Ang tapang mo naman bata, hindi mo alam ang iyong limitasyon!" Nanggagalaiting sambit ng Centurian Water Fox.

"Ang dami mong satsat, laban na!" Sambit ng batang si Shion Mondar.

"Iyon pala ang gusto mo, ipapatikim ko sayo ang agarang kamatayan! Hyahhh!"sambit ng Centurian Water Fox na mabilis na lumipad papunta sa batang si Shion Mondar.

Pinaulanan niya ng malalakas na atake ang bata gamit ang mahahaba at matatalas nitong mga kuko.

Hindi magawang makakilos o makaatake man lang ang batang si Shion dahil sa napakabilis at napakalakas nitong atake. Sa huli ay tumalsik ito ng napakalayo ngunit hindi siya lumubog sa tubig dahil ang mga Water-Type Attribute na Cultivator ay kaya nilang lumitaw sa ibabaw ng tubig at kaya nila itong kontrolin sa anumang paraan na gusto nila.

"Arghhhhhhh!!!!" Impit na sigaw ng batang lalaking si Shion Mondar.

"Matigas ang ulo mong bata ka, hindi mo alam kung sino ang kinakalaban mo!" Sambit ng Centurian Water Fox na naggigigil.

"Dance of the Water Fox!" Sigaw ng Centurian Water Fox habang gumagawa ng kakaibang galaw.

Kakaiba ang kinikilos ng Centurian Water Fox maging si Shion Mondar ay nakaramdam ng kakaibang enerhiyang nagmumula,sa bawat tapak ng paa ng halimaw sa tubig-alat ns kanilang tinatapakan.

Unti-unting gumalaw ang tubig na tinatapakan ni Shion Mondar lalo na't kahit siya ay nararamdaman ang pagbigat ng tubig maging ng kanyang paa na animo'y hinihila siya pailalim.

"Tikman mo ang malakas kung skill, Hyahh!!!" Galit na sigaw ng Centurian Water Fox habang nagsasagawa ng pamatay na atake patungo sa batang lalaking si Shion Mondar.

Kahit unti-unting lumulubog ang mga paa at binti ni Shion Mondar ay nagagawa niya pa ring magsagawa ng isang kakaibang atake.

Unti-unting lumitaw ang Martial Soul ni Shion Mondar sa kamay nito na isang Ice Spear. Nagkaroon ng kakaibang mga simbolong lumitaw na hugis pabilog.

Nang makita ito ng Centurian Water Fox ay kinakabahan siya lalo pa't pamilyar sa kanya ang ganitong klaseng Technique. Ang Technique na ito ay siyang isa sa kinatatakutan ng halos laaht ng mga Martial Beasts.

"Itigil mo yan bata, Anong karapatan mo upang gamitin ang Ancient Technique ng Mondar Clan? hindi ka magtatagumpay!" Sambit ng Centurian Water Fox na makikitaan ng takot ang mukha nito.

"Pasensya na ngunit huli ka na at isa pala akong henerasyon na nagmula sa Mondar Clan!" Sambit ng batang lalaking si Shion Mondar nang biglang umilaw ng malakas ang Martial Soul nito maging ang mga simbolong pabilog.

"Six Path of Water Element Rotation!" Dagdag na sambit ni Shion Mondar nang sa wakas ay natapos niya na din ito at itinuon ito sa papasugod na Malahiganteng laki ng Centurian Water Fox.

"Acccckkkkkkkk!!!!!!!!!!!" Hindi maaari!" Sambit ng Centurian Water Fox nang tamaan siya ng atakeng ito. Kahit na tumakas pa siya ay hindi pa rin siya makakatakas sa bagsik ng napakalakas na Legendary Skill ng Mondar Clan.

Unti-unting makikita ng malinaw ang anim na magkakaiba ang hugis at simbolo na gawa sa tubig. Bigla itong pumunta sa direksiyon ng malahiganteng laki ng Centurian Water Fox. Pinagsasaksak at binubutas nito ang mga vital points sa katawan ng Centurian Water Fox na siyang nagpahina rito. Unti-unti rin nitong binalot ang katawan ng Centurian Water Fox hanggang sa naging hugis pabilog ang ikot ng anim na kakaibang tubig. Lumiit ng lumiit ito at bumibilis ang ikot nito na siyang iniipit nito ang bawat laman ng Centurian Water Fox. Nagsusmigaw sa sakit at hinagpis ang higanteng Martial Beasts sa batang si Shion Mondar ngunit nananatili lamang itong nakatayo ilang diba mula sa Nakakulong na Centurian Water Fox.

Hindi nagtagal ay humina rin ang boses nito at nawala nalang na parang bula na siyang nagpatahimik sa bahaging ito ng karagatan. Ang kakaibang pangyayaring pumatay sa mabagsik na Centurian Water Fox ay hindi alam ng karamihan. Ang kaninang malalakas na pagsabog na malapit dito ay wala na.

Sa huling proseso ng Six Path of Water Element Rotation ay naging hugis bola lamang ang laki nito. Ang pag-ikot ng anim na kakaibang tubig ay tumigil na at inuluwa nito ang isang Martial Spirit na kulay asul na animo'y buhay dahil sa mataman nitong paggalaw at gumagawa ng hugis lobo na katulad ng anyo ng Centurian Water Fox ngunit ang laki lamang nito ay kasinlaki lamang ng bola.

"Ang ganda!" Sambit ni Shion Mondar na matapos niyang makita ang naging resulta ng kaniyang Technique na ginamit. Noon pa man niya ito alam ngunit unang beses pa lamang niyang ginamit ang ganitong klaseng Technique na siyang huling pamana ng kanyang magulang na ingatan at gamitin lamang kapag may nakalaban siyang napakalakas na Martial Beasts. Noon niya pa ito pinapraktisan at nag-eensayo siya ng mga galaw ng kamay maging ang pagporma ng simbolo. Nang matapos niyang magawa ito ay hindi siya nagtangkang paganahin ito. Ngayon ay Kitang-kita niya ang napakalakas na skill ng Six Path of Water Element Rotation. Kaya pala takot na takot ang Centurian Water Fox dahil isa palang Martial Refinement Technique ang ganito kalakas na skill na ito na hindi niya lubos maisip.

"Mabuti na lamang at hindi ako nahuli ..."sambit ni Shion Mondar lalo pa't napagtagumpayan niya ang misyong ito.

"Sa wakas ay mayroon na akong Martial Spirit!"sambit ni Shion Mondar ng pasigaw na siyang alam niyang napakalakas habang kinukuha niya ang Martial Spirit malapit sa tubig. Agad niyang isinagawa ang pagfuse sa Martial Spirit ng Centurian Water Fox. Nakaramdam siya ng napakatinding sakit sa katawan na ngayon niya lamang naramdaman.

"Ahhhhhhhhhhhhhh!!!!! Sambit ni Shion Mondar dahil sa hindi niya mapigilang mapasigaw sa napakatinding sakit na kanysng nararamdaman.

"Diyos ko, tulungan niyo po ako! Hindi ko na kaya, ahhhhhhh!!!!!" Patuloy na sigaw ni Shion Mondar dhail sa walang tigil ang sakit na nanunuot sa kanyang sariling katawan. Ramdam niya ang sakit na parang libo-libong sinulid ang tumutusok sa bawat parte ng laman sa kanyang katawan.

Nawalan ng malay-tao ang batang si Shion Mondar dahil sa hindi nito nakayanan ang sakit na dulot ng pakikipagsanib ng Martial Spirit ng Centurian Water Fox sa musmos nitong katawan. Kahit ang ibang kaedaran niya ang mag-fuse sa napakalakas na Martial Spirit na ito ay siguradong mamamatay sa pamamagitan ng pagsabog ng sarili nilang katawan ngunit nakakatwang isipin na nakaya ng musmos nitong katawan ang lakas ng Martial Spirit ng Centurian Water Fox. Tunay ngang may naiibang kaso o katangian ang batang mistulang natutulog sa ibabaw ng tubig.

Unti-unting lumubog ang katawan ng bata paputa sa ilalim ng karagatan ngunit mabuti na lamang at hindi ito sobrang napakalalaim lalo pa't malapit lamang ito sa baybaying sakop ng Hyno Continent.

Hindi pa rin alam ng kahit na sinuman maging ng bata ang kakaibang nangyayari sa katawan nito. Nagkaroon ng kakaibang enerhiyang bumabalot sa katawan nito mula sa mapusyaw hanggang sa kumapal nito. Ang mga halimaw na mga Martial Beasts ay naalarma at nilisan ang lugar na malapit sa batang si Shion.

Nakakatakot ngunit nakakamangha kung paano sumanib ang Martial Spirit ng Centurian Water Fox. Nagpapahayag lamang na ang Centurian Water Fox ay sobrang angkop sa batang si Shion patunay ang paghilom ng mga sugat nito na gawa mismo ng malakas na Martial Beasts na ito.

Hindi nagtagal ay may namuong kakaibang enerhiya ng tubig na siyang elemento ng Centurian Water Fox. Unti-unting nag-materialize ang nasabing enerhiya patunay na nakikita na ito ng mata ng kung sinuman ang makakaalam. Isang bato, isang kakaiba ngunit hindi ito isang bato. Ito ang magiging daan at siyang nagpapatunay lamang na malayo ang mararating ng batang si Shion Mondar na siyang maghahatid ng gulo maging sa ibang Kontinente sa hinaharap.