webnovel

Ancestal God's Artifacts

Van Grego, a very talented Cultivator at his young age. He was known for his natural talent but when he developed an anomaly in his dantian he was considered trash and very useless by his own clan. The eyes of the people around him that were once amazed now have contemptuous and disdainful looks. At the age of nine to twenty-one his mind had matured. There are many people who mock him in every movement and when people his age or young and old see him, his youth is gradually robbed of him. Sometimes he gets discouraged because of this. It was no fault of his that the anomalies occurred in his dantian that even he didn't have the chance to continue his Cultivation. We will see our field ready to tax everyone even himself that will make us sad, happy, amazed and cry in OUT OF THIS WORLD events that will make you understand that this whole world has no boundaries. Here you will witness that nothing is impossible for the person who strives to find freedom and make everyone understand that there is still good in this world, the world that will destroy or strengthen you. Is there still hope to change his fate or will his life remain in exile or will he be imprisoned forever in the darkness? Will Van Grego reach the pinnacle of Martial Arts or will he die in the middle of his journey? Let's join Van Grego in discovering his true personality and his fight against a very dangerous situation to fight for what he knows is right.

jilib480 · Fantaisie
Pas assez d’évaluations
169 Chs

Chapter 18

Nangangalahati pa lamang ang kabuuang lakas ng ibang mga angkan ng mga First Rate Clans, Families o kahit na kabuuang First Rate Kingdoms ng Hyno Continent kumpara sa Royal Clans.

Lalo pa't nagkawatak-watak ang bawat kaharian ngayonng First Rate Class at walang gustong magpasakop sa kapwa nila kaharian o maging subordinate nito. Kaya masasabi mong sobrang hina ng pundasyon ng Hyno Continent ngayon.

Wala pang alam ang ibang mga mamamayan, tanging si Van Grego lamang at ang mga nasa awtoridad ng mga Royal Families ng Royal Clans ang nakakaalam sa kalagayan ng Kontinenteng ito.

Kaya't isa itong surpresang pag-atake ang mangyayaring pag-aagawan sa kontinenteng ito. Hindi lamang sa kalapit na kontinenteng ito nanganganib na mapasailalim kundi sa mga lkas ring mga kontinente.

Siguradong walang tiyak na makakaligtas ito kung Kaya't hindi ito hahayaan ni Van Grego na masakop ng ibang kontinente. Sigurado siyang aalipinin ng ibang mga tao na kabilang sa ibang kontinente ang mga mamamayan ng Hyno.

Ito ang karaniwang nangyayari sa mga nabasa niyang libro tungkol sa Martial System. Magkakakroon ng Master-Slave System na may malakas na Seal Contract.

Pag-aalipin sa mga nasakop at pang-aabuso sa mga tao lalo na sa mga kababaihang mapabata man o matanda para sa makamundong bagay o gawain. Naiisip pa lamang niya ito ay hindi niya makakayanang  hayaan na lamang lalo pa't mahal niya ang kanyang ina ng sobra, maging ang kanyang sariling angkan kahit na ipinagtabuyan siya ng mga ito, angkan niya pa rin ito.

Wala siyang hangad kundi ang kaligtasan ng bawat isa. Unti-unti na ring nawawalang bisa ang seal at sa ngayon, palagay niya ay aabutin na lamang ng anim na buwan ang seal at ngayon ay unti-unti ng bumibilis ang pagcu-cultivate ng  mga Cultivator sa kontinenteng ito.

Pagkatapos ng gagawin niya ngayon ay isasagawa at isasakatuparan niya ang kanyang mga naging plano niya nitong mga araw lamang.

Iwinaksi niya ang mga bagay-bagay na kanyang iniisip. Patuloy na lamang siya sa kanyang ginagawa.

Aalis na sana siya ng may naramdaman si Van Grego ng mga kakaibang emerhiya sa bawat sulok ng 200th Room, mayroong mga misteryosong enerhiya na nagbibigay ng kakaibang reaksiyon ang lalo na ang kanyang mga mata.

Inuna niyang puntahan ang isang sulo/ torch sa bandang kaliwa.

Sa isang dulo ng kaliwang  sulok ay makikita ang nagliliwanag na sulo o torch na mayroong bluish-white na kulay, hindi ito kapansin pansin lalo pa't nakakubli ito sa liwanag.

Napakaganda nito at agad niyang nilapitan ngunit nagulat na lamang siya ng nag-ibang anyo ito at masasabi niyang kakaiba ito sa lahah lalo pa't parang higanteng tao ang itsura nito ngunit may patulis na tenga.

Napakaamo ng itsura nito ngunit ng makita siya nito ay parang naging mabagsik ito. Patunay na isa itong Ownerless Martial Spirit.

Gagawa pa sana ng hakbang upang tapusin ang batang lalaki na si Van Grego sa kanyang harapan ngunit may isang kakaibang nangyari.

Gagalaw na sama ang Ownerless Martial Spirit ngunit nabigo ito lalo pa't bigla na lamang nagliwanag ang mga mata ni Van Grego na walang iba kung hindi ang Immortal Eyes na nagpaiba ng kilos at gawi ng mabagsik noong Ownerless Martial Spirit.

Naging bolang parang apoy ang nasabing walang nagmamay-ari na Martial Spirit na may mahinahong paglutang sa ere na nasa tapat ngayon mismo ni Van Grego.

Marami pang minuto ang hinintay ni Van Grego upang pagmasdan ang pag-iba ng reaksyon ng Martial Spirit ngunit wala itong kakaibang paggalaw.

Ngayon ay inilapit niya na ang kanyang sarili sa Martial Spirit. Walang pagtututol ang pagtugon ng Martial Spirit at pumunta ito sa loob ng kanyang dantian.

Ang kanyang spiritual roots sa kanyang dantian ay gumalaw  at biglang pumulupot sa Pusod ng misteryosong Martial Spirit. 

Mayroong palahaw siyang naririnig ng pumulupot ang Martial Root. Masyadong malakas ang Martial Spirits at patuloy itong nagpupumiglas hindi sa pagtutol kung hindi sa sakit na nararamdaman nito.

Makailang minuto ang nakalipas at natapos na rin ang proseso. Unti-unti na ring may kakaiba siyang naramdaman sa kanyang dantian maging sa kanyang buong katawan. Hindi ito masamang pakiramdam kundi isang mabuting pakiramdam ng pag-abot ng mataas na Cultivation.

Patuloy pa rin ang pag-adjust ng kanyang katawan lalo na ang kanysng dantian. Matagumpay ang naging proseso kung Kaya't masasabing siya ang pinakabatang nagmay-ari ng Martial Spirits na lubos niyang ikinatuwa lalo pa't isang karangalang siya lamang ang nakakaalam.

Nagcultivate muna siya ng mabilis upang pakalmahin ang mga naging magulong enerhiya sa kanyang katawan. Dahil na rin sa pagiging isang napakatalentadong  henyo ay napakabilis ng kanyang pagpapakalma sa kanyang enerhiya na hindi nakaapekto sa kanyang Cultivation.