webnovel

Ancestal God's Artifacts

Van Grego, a very talented Cultivator at his young age. He was known for his natural talent but when he developed an anomaly in his dantian he was considered trash and very useless by his own clan. The eyes of the people around him that were once amazed now have contemptuous and disdainful looks. At the age of nine to twenty-one his mind had matured. There are many people who mock him in every movement and when people his age or young and old see him, his youth is gradually robbed of him. Sometimes he gets discouraged because of this. It was no fault of his that the anomalies occurred in his dantian that even he didn't have the chance to continue his Cultivation. We will see our field ready to tax everyone even himself that will make us sad, happy, amazed and cry in OUT OF THIS WORLD events that will make you understand that this whole world has no boundaries. Here you will witness that nothing is impossible for the person who strives to find freedom and make everyone understand that there is still good in this world, the world that will destroy or strengthen you. Is there still hope to change his fate or will his life remain in exile or will he be imprisoned forever in the darkness? Will Van Grego reach the pinnacle of Martial Arts or will he die in the middle of his journey? Let's join Van Grego in discovering his true personality and his fight against a very dangerous situation to fight for what he knows is right.

jilib480 · Fantaisie
Pas assez d’évaluations
169 Chs

Chapter 11

Lingid sa kaalaman ng lahat ng mga naririto ay nakarating na si Van Grego sa kuta o tirahan ng Four-Armed White Ape. Isa itong kuweba na may malaking lagusan papasok. Mayroong mabantot na amoy sa mga batuhan sa kuweba pero isa lamang itong minor na bagay. Agad na naglakad sa loob ng kuweba si Van Grego. Napakahaba ng lagusang ito na siyang ilang minutong nilakad niya at sa huli ay naramdaman niyang malapit na siya sa dulo nito.

Mayroon siyang naamoy na kakaiba. Kung hindi siya nagkakamali ay ito ang amoy ng Ravenous White herb. Higit itong mas mahalimuyak kumpara sa isang piraso ng Ravenous White Herb na binabantayan ng Four-Armed White Ape. Bumilis ang tibok ng puso ni Van Grego maging ang kagalakang kaniyang nararamdaman. Agad niya itong sinupil at itinaas ang kaniyang depensa at divine sense niya.

Nang papalapit na siya ay nakita niya ang isang higaang gawa sa mga tuyong dahon. Mayroon siyang nakitang umiiyak na mga bata o mas mabuting sabihing sanggol na halimaw. Pumapalahaw ito. Agad niyang nilapitan ito at nakita niya ang apat na sanggol na halimaw na katulad ng Four-Armed White Ape. Dito ay nakumpirma ni Van Grego na mga anak ito ng Four-Armed White Ape. Kung hindi siya nagkakamali ay nasa bandang itaas lamang niya ang pwesto ng Adult Four-Armed White Ape na nanay nito. Kaya pala nagalit ito dahil sa pagkaistorbo ng kaniyang teritoryo laban sa mga estrangherong nilalang maging ng kanyang mga anak ay siguradong malalagay sa peligro. Sa bingit ng labanan na ito nakataya ang lahat ng pag-aari ng Four-Armed White Ape maging ang sarili nitong buhay.

Isinantabi muna ni Van Grego ang mga supling ng Four-Armed White Ape at tiningnan ang bawat sulok. May isang malaking batong nakatabon sa isang corner. Masasabing napakalaking bato ito na sobrang bigat pero pinilit niyang buksan. Ilang minuto ang ginawang pagtulak ni Van Grego ay sa wakas ay nabuksan din ito. Agad na nakita ni Van Grego ang napakayamang medicinal energy mula sa mga halamang nakatanim. May mga Medicinal herbs, grass at medicinal fruits. Napakabihira lamang ang pangyayaring ito dahil napakadami nito.

Ngunit maraming mga balakid ito. Ang ginawa ni Van Grego ay mabilis na kinolekta ang bawat isang piraso ng mga halaman dito. Nanghalukay siya ng isang concealing Technique sa kanyang memorya na galing kay Master Vulcarian. Napili niya ang World Illusory Technique. Isa itong Top Grade na Concealing Technique na kayang linlangin kahit ang Martial God Realm Expert/Beast pero hindi ng Adult Four-Armed White Ape dahil alam na nito ang kinalalagyan ng kanyang medicinal garden.

"Kahanga-hanga, hindi ko aakalaing napaganda ng suwerte mo Van Grego, alam mo talaga ang kasabihang "mas mabuti na ang sigurado kaysa paumanhin" hahaha! Dahil sa naging resulta ng iyong pangangalap ng sangkap ay hindi ko inaasahang napakaganda, tutulungan kita kahit isang beses ng libre, Wala nga akong nakitang makakapukaw ng aking atensyon sa mga bagay na iyong nakuha mo. Dalhin mo na din ang mga batang Four-Armed White Ape na ito dahil siguradong maliit ang tiyansang mabuhay pa ang ina ng mga ito. Mayroong reincarnation jade slip ang tusong binatang Bat Race na iyon. Ang resulta ng labanan ay iyo ng maiisip." Kasuwal na pagkakasabi ni Master Vulcarian sa mga pangyayari ngayong araw. Sa buong buhay niya ay nakita niya ang kalupitan ng mundo dulot ng mga Martial Artists mismo. Sinusunod ng karamihan ang batas ng kagubatan na ang mga malalakas ay lalong magiging malakas dulot ng kanilang kapangyarihan ay magiging sunod-sunuran na laamng ang mga mahihina o kahit na anong klaseng bagay ang gawin sa kanila ay walang magagawa ang mga ito. Sa mundong ito, diyos ang turing sa malalakas at alipin lamang ang mahihina. Ang kaibahan ng mga ito ay parang langit at lupa. Ang lahat ng ito ay maaari mong maisip sa iyong imahinasyon.

Dahil sa pagkakarinig ni Van Grego ay pawang lungkot at habag ang kaniyang nararamdaman dahil sa pangyayaring ito. Para sa kaniya ay hindi likas na masasama ang mga Martial Beasts katulad na lamang ng kaniyang naging kaibigan noon sa karagatan, ang Martial Whale Beasts. Ang kanilang natural instinct lamang ang kanilang basehan upang protektahan ang kanilang mga teritoryo laban sa mga gumagambala sa kanila.

"Reincarnation Jade Slip?! Kung mahina lamang iyon ay maaaring manalo ang Four-Armed White Ape tsaka hindi ordinaryong nilalang ang Beast na iyon b------" Sambit ni Van Grego na animo'y naniniwalang may pag-asang makaligtas ang Four-Armed White Ape ngunit pinutol siya ni Master Vulcarian.

"Hangal na bata, akala mo ba ay simpleng Jade Slip lamang iyon? Kung hindi ako nagkakamalo ay gawa iyon ng isang Inner Elder ng isang Bat Race Powerhouse na may lakas na Martial Monarch Realm pataas. Ano bang inaakala mo sa isang Reincarnation Jade slip ay binabahagi o binebenta lamang sa bangketa o palengke? Isa lamang ibig sabihin nun, iyon ay isang importateng tao ang binatang iyon sa kanilang Powerhouse. Ang tsansa ang kaniyang pagkapanalo ng binata ay nasa siyamnapong porsyento." Kasuwal na pagkakasabi ni Master Vulcarian na animo'y natural na bagay lamang ito.

"Hmmm... Naiintindihan ko po Master ang inyong sinasabi. Siguro nga ay siyamnapong porsyento ang tsansa ng pagkapanalo ng kalaban na iyon pero ano ba ang binabat ng Reincarnation Jade slip na iyon sa inyo. Isa lamang iyong basura sa mata niyo. Tsaka sabi mo ay may pwede mo akong tulungan lahit isang beses ng libre. Gusto kong tulungan mo ang Four-Armed White Ape!" Sambit ni Van Grego sa determinadong boses.

"Hmmmp! Totoo ngang basura lamang ang Reincarnation Jade slip sa akin ngunit parang inuutakan mo yata ako bata, mukha ba kong naloko? Ikaw ang tutulungan ko sa bingit ng kamatayan at hindi ang maduming Four-Armed White Ape na iyon!" Masungit na pagkakasabi ni Master Vulcarian. Haatang hindi siya papayag na maging isang naloko ng batang ito.

"Isipin niyo po Master, maraming benepisyo tayong makukuha kung mapapasaatin ang Adult Four-Armed White Ape na iyon. Una, isa iyong Top Grade Medicinal Guardian Beast na kayang mangalaga ng isang malawak na Medicinal Garden na siyang makakatulong sa akin ng malaki at hindi pa tayo mamomroblema sa pagbabantay ng mga medicinal plants at iba pang sangkap. Pangalawa, pwede ko iyong maging Guardian sa kung sinumang aatake o aabuso sa Restaurant na aking gagawing practice area para maging Martial Chef. Pangatlo, Kung palalakihin pa natin ng husto at kukupkupin natin ang buong pamilya nito ay hindi mo na kailangang umaksyon palagi para iligtas ako sa mga minor na mga problema hindi ba?! Patatakasin mo pa ba ang ganitong oportunidad?!" Sambit ni Van Grego na animo'y isang matalinong pantas dahil na rin sa naisalarawan niya ang lahat ng posibilidad.

Nagkaroon ng mahabang katahimikan lalo na kay Master Vulcarian. Hindi agad ito nagsalita muna habang inaanalisa ang mga bagay-bagay na sinabi ng batang si Van Grego.

"Magaling bata, hindi ko aakalaing may maiisip kang maganda at kahanga-hangang bagay ngayon. Dahil sa maraming benepisyo tayong makukuha sa Adult Four-Armed White Ape na iyon ay magiging mabait ako ngayon at tutulungan ko ang beasts na iyon. Tsaka napag-isip isip ko rin na kung mamamatay ang halimaw na iyon ay isang malaking kawalan sa iyo. Bilang master, kailangan kong isaalang-alang ang makakabuti sa aking kaisa-isang estudyante. Pumikit ka!" Sambit ni Master Vulcarian sa ibang tono. Isa itong tono ng isang mataas na eksistensiya sa mundong ito. Agad ring sinunod ni Van Grego.

...

Mula sa itaas na kinaroroonan ni Van Grego ay makikita na maraming malalalim na sugat ang natamo ng  Adult Four-Armed White Ape sa pagbalik ng kaniyang malakas na atake. Hindi nito inaasahang mayroong malakas na nilalang ang biglang lumitaw at pumigil sa kanyang pamatay na atake. Kahit sino ay masasabing pambihirang pangyayari ito. Ito ay ang pagbabago ng resulta ng labanan. Kahanga-hanga man ang ipinakita ng isang Guardian Beasts na mayroong tinatagong kakaibang lakas ngunit sa harap ng isang Reincarnation Jade slip na isang alas ni Kin ay mistulang basura lamang ang Four-Armed White Ape. Ang kaibahan ng lakas ng isang elder laban sa isang Four-Armed White Ape ay katulad ng agwat ng langit at lupa. Iyo nang masasabi kung sino ang talo at panalo sa agwat ng kanilang Cultivation Level.

Ngunit hindi nagpatalo ang halimaw na Four-Armed White Ape. Unti-unting nawala ang mga sugat nito at tinubuan ng pakpak na kulay puti ngunit nakakatakot ang itsura nito.   Nagkahugis tao na rin ito. Isa lamang itong palatandaan na nasa Martial Emperor Realm na ito at patuloy na lumalakas.

Sa hindi kalayuan ay nakita ito ng matataas na persona na nakuha ang atensyon sa lumalagablab na labanan ng dalawang magkaibang panig.

...

"Hindi ko aakalaing mayroong Variation Beasts Bloodline ito ng ating Saint Beasts na White Crow hahaha... Kapag nagpatuloy ito sa paglakas ay siguradong magiging warrior Beast ito. Hindi ko hahayaang patayin lamang ito ng isang paslit na binatang iyon ng Bat Race Powerhouse. Isa iyong pagsayang ng biyaya galing sa kalangitan!" Sambit ng isang nakarobang puti na lalaki. Mayroong namumuong harang sa kanila upang hindi sila maramdaman o makita ng sinuman na naririto.

"Isang Warrior Beasts? Talagang hindi sayang ang ating pagpunta rito. Ang ating pag-angat ay siguradong magtatagumpay na hahaha!" Sambit ng isang kasamahan nito na may katulad na suot na roba.

...

Kasabay ng pagbabago ng anyo ng Adult Four-Armed White Ape ang patuloy na pagtaas ng lakas nito.

"Hahaha, kahit isa lamang akong Reincarnation Jade Slip ay kayang-kaya kitang pisain ngayon din mismo. Tikman mo to, Whirlwind Blood Pool!" Sambit ng isang matanda na siyang reincarnation Jade Slip.

Isang nakakasilaw na liwanag ang biglang bumalot sa lugar na ito na siyang ikinapagtataka ng matandang anyo ng Reincarnation jade slip. Hindi ito ang inaasahan niyang magiging resulta. Nararamdaman niyang may kung anong puwersa ang biglang papunta sa kanya na hindi niya naiwasan dahil sa bilis ng pangyayari. Unti-unti nitong naramdaman na biglang nandidilim ang mata nito hanggang sa lamunin siya ng dilim.

Ilang minuto ang nakalipas at nawala ang nakakasilaw na liwanag. Lahat ay nasindak sa resulta ng laban. Mayroong malalim na hukay at mayrokng mga bakas ng dugo pero ang nakakagulat ay ang nasa himpapawid. Nakatayo lamang ang binatang si Kin na animo'y estatwa.

Nang makauma sa mabilis na takbo ng pangyayari ay nagkaroon ito ng madilim na ekspresyon sa mukha nito.

"P-paano ito nangyari, hindi ito maaari! Isa itong kalapastanganan! Sinong umatake sa samin, Sino!!!!!" Puno ng pagtataka at galit ang nararamdaman ni Kin sa oras na ito. Kitang-kita niya na hindi pa natatapos ang transpormasyon ng Adult Four-Armed White Ape na siyang hindi pa makakaatake pero mayroong kung anong nakakasilaw na liwanag ang biglang lumitaw at umatake sa Reincarnation jade slip niya ng kanyang Master. Sinong hindi magagalit? Isa lamang ang dahilan nito, mayroong sumabutahi sa kanyang plano. Hindi lamang ang kanyang Reincarnation jade slip ang nawala sa kanya kundi pati na rin ang Adult Four-Armed White Ape na gusto niya sanang mapasakamay pero ngayon ay wala na.

Nabalot ng katahimikan ang lahat ng mga Martial Artists na naririto. Iyon ay dahil sa hindi malamang dahilan dulot ng mga pangyayaring ito.

Agad na tiningnan ni Kin ang lugar kung saan ang White Crow Race. Sila lamang ang alam niyang may lakas ng loob na maaaring sumabutahe sa kanya.

"Magpakita kayo White Crow! Hindi kayo magpapakita o ako mismo ang magpapalabas sa inyo?!" Sambit ni Kin na galit na galit. Alam niyang sila lamang ang may light attribute na naririto.

Ilang sandali pa ay nawala ang harang. Lumitaw ang sampong miyembro ng nakaputing roba. Walang duda, sila ay mga mga miyembro ng white crow dahil sa simbolo ng puting uwak na nakalagay sa kanilang kaliwang dibdib.

"Hahaha... Ang lakas naman ng isang inner disciple ng Vampiric Bat Powerhouse na katulad mo. Paano kung sabihin kong ako mismo ang umatake sa Reincarnation jade slip na matandang gurang na master mo!?!" Sambit ng nasa unahang lalaki ng sampong White Crow."

Nang makita ito ng mga manonood ay hindi sila mapakali sa naging resulta ng lahat ng ito. Puno ng pagtataka rin ang kanilang mga isipan.

"C-core D-discip-ple ng White Haven Powerhouse ng lahi ng White Crow! Hindi ako nagkakamali, sila ito!" Sambit ng isang martial artist na nasa grupo ng mga manonood.

"Kung hindi ako nagkakamali, ang nagsalita ay si Dice Buchner na mas kilala bilang Eye Crow." Sambit ng isang Cultivator habang hindi mapigilang mapigilang manginig sa takot.

"S-siya s-si E-eye Cr-crow?! Hindi maaari!" Sambit ng isang Cultivator na halos manginig sa takot.

Nang marinig ng iba ang pangalan ng White Haven Core Disciple na may coodename na Eye Crow ay nanindig din ang mga balahibo sa kanilang buong katawan. Sinasabing isa siya sa pinakamalakas na disipulo ng White Haven. Mayroong kakaibang abilidad ito na hindi alam ng karamihan kung saan ay kaya niyang mag-jump ranks upang makipaglaban.

Nang marinig ito ni Kin ay napasimangot lamang siya. Pero nang maisip niya ang mga bagay-bagay ay napatawa na lamang siya.

"Hahaha, hindi ko aakalaing nanood pa ang mga katulad niyo sa labanang ito at sinabutahe pa ang labanang ito na para sakin lamang. Talagang walang hiya kayong mga taga-White Haven Powerhouse hahaha!" Sambit ni Kin na may halong panghahamak sa mga White Crow Core Disiple lalo na sa White Haven Powerhouse.

Nang marinig ito ng mga White Haven Powerhouse Core Disiple ay halos manggalaiti sila sa narinig nilang panghahamak ng isang Inner disciple ng Vampiric Bat Powerhouse.

"Grrr...., Ang lakas ng loob mong basura ka, isa ka lamang inner disciple at kung mamamatay ka ngayon ay walang mak----!" Sambit ng isang kasamahan ni Eye Crow ngunit pinigilan siya mismo ni Eye Crow ng muntik na siyang bumunot ng espada upang umatake.

Gamit ang divine sense ay biglang nagsabi si Eye Crow sa kanyang mga kasamahan ng hindi alam ng mga manonood na Martial Artists sa ibaba. Tumahimik ang mga ito na ikinapagtataka ng mga manonood na Martial Artists.

Agad na hinarap ni Eye Crow si Kin

"Hahaha... Alam mo ba kung bakit Eye Crow ang tawag sa akin? Dahil nakikita ko ang mga peke sa tunay. Kin ba? Paano kaya kung ipakita mo ang iyong tunay na katauhan. Shiba ng Vampiric Bat Powerhouse!" Sambit ni Eye Crow sa malakas na boses.

Agad na nabalot ng katahimikan ang buong lugar dito. Mabuti na lamang at nasa outer part ng kagubatan ito kung hindi ay magdudulot ito ng Beasts Hoards dito.

Pero ang nagpatahimik sa lahat ay ang pangalang 'Shiba'. Sa buong Bat Continent ay sinong hindi nakikilala sa batang master na maituturing na Quasi-Elder?!

"S-shiba? Totoo ba ito? Hindi ko aakalaing nandito ang iniidolo kong si Shiba!" Masayang sambit ng isang Martial artist habang hindi mapigilang mapasinghap.

"Hindi ko aakalaing naririto ang isa sa mga batang master ng buong Bat Continent. Isa siyang may maharlikang Bloodline ng Vampiric Bat Beast. Siguradong wala lang sa kanya ang mga Core Disiples ng White Haven Powerhouse."

"Kaya pala nalaman niya agad na nagmamatyag ang mga White Haven Core Disciples na grupo ni Eye Crow."

"Hindi ko aakalaing may grupo ng mga 'crouching tiger hidden dragon' dito. Inaasahan kong ang magandang labanan ng dalawang panig!" Sambit ng isa sa mga Wolf Race.

Marami pang usapang namuo sa mga grupo ng dalawang panig, ang Vampiric Bat Powerhouse laban sa White Haven Powerhouse. Isa laban sa sampo.

Sino kaya ang mananalo? Ito ang malaking palaisipan sa lahat ng mga saksi sa mainit na tagpuan ng dalawang magkaibang lahi.