(( Grace ))
Halos hindi ako makatulog ng maayos.Kahit sa pagpikit ng mga mata ko mukha nya ang nakarehistro.
"Grace,bat gising ka pa?"
Nagulat ako sa nagsalita.Si lala pala na nasa tabi ko.Umupo bangon ito.
"Wala lang,insomnia lang siguro to"sagot ko dito.
Kinuha nito ang phone nyang nasa tabi kong mesa.May hinahap ito dito pero hindi ko alam kung ano,nakatingin lang ako sa ginagawa nya.Kinuha din nito ang headset at ikinabit sa phone at nilagay sa dalawang tenga ko.Nagulat naman ako sa paandar nya.hahaha ano na naman kaya to?
"Para mabilis kang makatulog"sabi nito sabay bigay ng phone nya sa akin at bumalik na din ito sa pwesto nya.
Pinakinggan ko ang musika,maganda ang boses ng kumakanta kaya siguro ako nakatulog agad.
(( CLio ))
"Oh Clio ready ka na ba para sa meet and greet mo?"tanong ng manager ko.
Iwan ko pero kinakabahan ako na parang ewan,ang bilis ng tibok ng puso ko.Umupo muna ako sa sofa bago ko tiningnan ang manager ko na nagtataka sa kinikilos ko.
"Oo naman, I was born ready" at ngumiti ako ng pilit dito.Tumango lang din ito at umalis sa harap ko.
(( Grace ))
Kahit wala ako sa mood makipagsiksikan sa paandar ng Clio na yan ay pumunta pa rin ako sa meet and greet nito sa mall na malapit sa amin.Maraming tao kaya nahirapan akong hanapin ang mga kaibigan ko.
Ang sikip sikip ng mga dinadaanan ko at hindi ko namalayan na nasa harap na pala ako ng stage at nagulat ako ng magsalita ang emcee ng event.
"Please welcome the influencer of the year....Clio!!" sigaw ng emcee at naghiyawan ang mga tao kaya parang nabingi ako.Lumabas mula sa likod ang babaeng sobrang hayop sa ganda.Ngumiti ito sa lahat lalo na sa akin kasi nasa harap nga ako.Sobrang lakas ng appeal nya parang nahiya naman ako sa pagmumukha ko🤭
Nag wave ito sa lahat at yun kinilig na naman silang lahat.haynako.Dun ko lang narealize na hinahanap ko pala ang mga kaibigan ko kaya naghanap ulit ako ng pweding madaanan kasi sobrang sikip talaga.
At finally napunta na nga ako sa likod at hindi ko na makita si Clio na nasa stage.Buti naman.
Naglibot libot muna ako sa paligid ng event baka naman busy pa sila kakasigaw sa Clio na yun.
Nakakita ako ang upuan sa likod na parti ng event kaya umupo na muna ako at naghintay na matapos ang pinagkakaguluhan ng lahat.
Ilang minuto ang nakalipas,may babaeng tumatakbo at dumaan ito sa harap ko.May nahulog itong kung ano kaya pinulot ko ito at tinawag ko sya pero dahil nga nagmamadali sya hindi na sya naabot ng maliit kong boses.
Tiningnan ko ito at binasa ko ang loob ng libro..
Hindi nga ako nagkakamali,tungkol nga lahat ito kay Clio.