webnovel

An Ideal Love

What will happen if those people around you are just pretending? Including you? Yes, you can fool everyone but not yourselves Yes, you can deny it using your mouth with lies but your own actions and body will deny it for you. Will Eliana feel the Ideal love she wished with Ethan or it just stays as a simple Deal love? Their love story started in a deal or bet, but why is she expecting it to be real and an Ideal love? (This story may be cliché but I love cliché) -- ‼️ This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. Please do not distribute, reproduced, or transmitted this story in any form or by any means without the permission of the author. PLAGIARISM IS A CRIME.

cutiesize31 · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
34 Chs

Chapter 6

Eliana's POV

"Ano? Joke ba 'yan?"

Nilapitan pa nya ay saka tinitigan ng malamig "Do I look like a joker? Or a clown?"

"Eh kasi naman... girlfriend? Ako gusto mong maging girlfriend?"

"Be my girlfriend or you'll be my slave and you'll also pay for the damages on my car"

Slave na tapos magbabayad pa? Kaso kapag pumayag akong maging girlfriend nya, panigurado susugurin ako ng mga nagkakandarapa sa kanya lalo na sa JU.

"Don't worry, we just need to act as a couple. Anong akala mo sakin? Papatulan ko 'yang kagaya mo?"

Aba! Nanginsulto pa! "Kapag ba pumayag ako maging girlfriend mo, hindi mo na ako magiging slave at hindi mo na rin ako pagbabayarin sa nagawa ko sa sasakyan mo?"

"Alam mo? Ang dami mong tanong! I need you to act as my girlfriend. So from now on, You're my girlfriend! That's final!" sigaw nya sa harap ko saka galit na sumakay sa kotse nya at nagmaneho paalis

Girlfriend nya na ako?

Boyfriend ko na sya?

Boyfriend ko na ang King ng DKG?

Ganun lang 'yun?

Walang ligawan stage?

Charot.

Halos buong gabi ay okupado ng isipan ko ang nangyari kanina. Mabuti na nga lang at hindi ako pumalpak sa trabaho kanina.

"Eliana, Tara sa office ni Ma'am Ella, may sasabihin lang daw" tawag sakin ni Ate Lucy, kasamahan 'kong waitress dito sa Queen's Café

Pagkapasok naming doon ay nandoon na rin ang ibang tauhan sa café. Mukhang kami na lang ni Ate Lucy ang kulang.

"We're now complete, right?" tanong ni Ma'am Ella at tumango naman kaming lahat

"Sa mga susunod na buwan kasi ay hindi ko na maaasikaso itong café. Hindi na ako pinayagan ng husband ko na magtrabaho pa dahil ayaw nyang maistress ako.I'm pregnant kaya iwas muna sa stress" nakangiti nyang sabi. Natuwa naman kami sa magandang balita ni Ma'am Ella at lahat kami ay binati sya

"Thank you. And you, Gabriel. Ikaw muna ang bahala sa café ha. I trust you at huwag mong sisirain iyon" tumango naman si Kuya Gabriel "We're going to California para doon muna magstay hanggang sa manganak ako. Nandoon kasi talaga ang business ng husband ko kaya kung may problema, just send me a message or kung kaya naman solusyunan, si Gabriel ang sabihan nyo. Maliwanag ba?"

"Yes, Ma'am"

"Ok" tumingin naman ito sa wrist watch nya "It's already time. Mag ayos na kayo saka umuwi na. Ingat kayo ha"

"Opo, Ma'am Ella"

Sabay-sabay naman kaming nagsilabasan saka agad na nagsimulang magligpit. Wala na rin naman nang customer kaya mabilis kaming natapos.

Pasado alas diyes na ng gabi kaya umuwi na kami agad. Kasabay ko ulit si ate Anne na maglakad papauwi.

Pagdating naman sa bahay ay nakapatay na ang lahat ng ilaw. Mukhang tulog na silang lahat. Kaya naman agad akong naghanda para matulog pero kahit na anong pwesto ang gawin ko, hindi ko pa rin makuha ang pwestong gusto ko.

"Aish! May pasok pa bukas, Eliana. Matulog ka na ha" bulong ko sa sarili ko pero paulit ulit pa rin pumapasok sa isip ko ang nangyari kanina

Ikaw naman kasi Ethan Jimenez! Umalis ka nga sa isipan ko bwisit ka!

Tinapik ko ang noo ko nang makita ko na mag aala-una nan g madaling araw. Pinilit ko na talagang matulog hanggang sa hindi ko na namalayan na tuluyan na akong nakatulog.

"Eliana! Anak! Gising na!"

Napatalukbong ako ng kumot dahil gusto ko pang matulog kaso kinakalampag na ni mama ang pintuan ng kwarto ko.

Nang hindi tumigil si mama ay papikit pikit 'kong tinungo ang pintuan saka binuksan

"Ano po iyon, ma?"

"Hindi ka pa nakakapag ayos? Malelate ka na! Tsaka may sundo ka na nasa labas"

"Ha? Sundo?"

"Oo, nobyo mo ba iyon, 'nak?"

Biglang nanlaki ang mata ko sa narinig. Hindi kaya....

"Ano raw ho ang pangalan, ma?"

"Ethan daw" sagot nito saka nagpaalam para umalis na

Sht! Pagtingin ko sa oras ay 20 minutes na lang ay simula nan g first subject ko. Nagmadali akong pumunta sa banyo at naligo. Pagkatapos ay nagbihis na saka binitbit na ang bag at suklay na hawak para magsuklay na lang paalis

Naisip ko na baka umalis na si Ethan dahil late na ako pero pagbukas ko ng pinto ay nandoon pa rin sya. Nakasandal sa gilid ng sasakyan habang nakapamulsa.

"Finally, natapos ka rin"

"Anong ginagawa mo dito?"

"You're my girlfriend and I'm just doing my job as your boyfriend"

Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko nang kunin nya rin ang gamit ko at inilagay sa back seat ng sasakyan. Pinagbuksan nya rin ako ng pinto para makasakay.

Habang nasa loob ng sasakyan, napakatahimik namin. Nakakahiya kaya magsalita lalo na at sya ang kasama ko

"Day-off mo every Sunday, right?" pagbasag nya sa katahimikan

"Yes, King"

Nilingon nya ako saglit ng kunot noo "Stop calling me that. Just call me Ethan but it would be so sweet of you if you'll call me Love or babe. You choose"

"Ayos na ang Ethan"

"Sure ka? Ayaw mo ng babe? Love?" pagngisi nya na syang ikinasimangot ko

"So as I was saying a while ago, May party tayong pupuntahan this coming Sunday. May apat na araw pa para maghanda kaya dapat masanay ka na umarte as my girlfriend"

Tumango na lang ako bilang sagot. Hindi naman ako makakahindi sa party na 'yan eh.

Saglit pa ay natanaw ko na ang JU at pansin ko ang iilang estudyante na nakatingin sa gawin namin. Mukhang tinted naman ang kotse ni Ethan kaya wala silang kaide-ideya na ako ang kasama ni Ethan.

Tinanggal na ni Ethan ang seatbelt nya matapos makapag park pero ako, nakahawak pa rin sa seatbelt ko

"Wala ka bang balak alisin 'yang seatbelt mo at nang makapasok na tayo?"

Napayuko ako saka itinuro ang mga nagdadaang estudyante malapit sa gawi namin

"We need to act as a couple especially here in JU. Mabilis kakalat iyon na pwedeng paniwalaan ni Dad. So.." lumapit sya sa akin saka tinanggal na ang seatbelt ko "It's showtime"

Saktong pagkasabi nya ay ang pagtunog ng unlock key ng sasakyan saka sya lumabas. Kinuha muna nya ang bag namin na nasa backseat saka dumiretso sya sa gawi ko na nasa passenger seat tapos binuksan iyon. Kitang kita ko kung paano magsipaglingunan ang mga tao sa gawi namin. Inaabangan yata kung sino ang lalabas pa sa sasakyan.

Inoffer naman ni Ethan ang kamay nya na syang tinanggap ko saka ako lumabas ng sasakyan. Hindi na inialis ni Ethan ang kamay nya na nakahawak sa kamay ko hanggang sa makarating kami sa gate ng JU at makapasok sa campus.

"What the hell?"

"Is this true?"

"Dala pa nya yung bag ni girl"

"Sweet King aww"

"Sila na ba?"

"Wala na akong pag asa kay King huhuhu"

"He doesn't deserve that girl!"

"She looks like a gold digger. Kumakapit sa mayaman lalo na at scholar lang naman dito sa JU"

Masasakit man sila magsalita, hinayaan ko na lang. Ayokong lumala pa kaya hangga't maaari ay iiwasan ko sila. Pero mukhang narinig iyon ni Ethan dahil bigla syang huminto kaya pati ako napahinto sa gawi nung mga babaeng nagchichismisan.

"All of you, what are you fvcking talking about?" bigla namang namutla ang grupo ng mga kababaihang tinanong ni Ethan

"Makarinig pa ako ng kung ano-ano tungkol sa girlfriend ko, malalagot kayo sa 'kin"

Nagsipagyukuan naman sila saka sumagot "Y-y-yes, K-King"

Halata sa kanila yung takot dahil si Ethan pa mismo ang nagbanta. Pansin ko rin sa ibang tao na nakakita na natahimik sila. Nahiya ako bigla dahil sa nangyari kaya walang imik akong naglalakad kasama si Ethan na nakahawak pa rin sa kamay ko.

"We're here" hindi ko namalayan na nasa tapat na pala kami ng room ko

Kinuha ko na ang bag ko sakanya "Ah papasok na ko sa loob"

"Give me a kiss"

"Ha?"

"Habambuhay kang bingi!" sinamaan ko sya ng tingin pero natatawa lang sya

"You're my girlfriend, right?" pagtatanong na lang nya

Nakuha ko ang ibig nyang sabihin "Oo na. Eto na nga oh" tumingkayad ako ng kaunti saka binigyan sya ng light kiss sa pisngi

Bago pa nya makita ang namumula 'kong pagmumukha ay nagpaalam na agad ako "Bye"

Ramdam ko ang mapagmasid nilang tingin. Hanggang sa makaupo ako ay rinig ko ang bulungan ng mga kaklase ko.

Kinalabit naman ako ni Akilah "Huy! Ano yun?"

"Kalat na kalat na magjowa na kayo. Kayo na talaga?" napatingin ako kay Natalie na nag cecellphone

"Anong naisipan mo at jinowa mo yun? King ng DKG 'yan! Delikado!" naghhysterical na si Juliana

"Ahmm basta long story"

"Siguraduhin mong ikukwento mo samin 'yan mamaya" pinanlakihan pa ko ng mata ni Akilah saka umayos na kami ng upo dahil dumating na ang prof. namin.

Ang prof ko sa second sub ay si Prof. Carlos. Nakakatuwa syang prof dahil bukod sa magaling magturo, nakakatawa pa. Actually, he's gay pero magaling na teacher 'yan!

Bago magsimula, nililibot nya muna ang paningin nya para makita kung sino ang wala pero nang gumawi ang mata nya sa akin ay nagulat pa 'to

"Oh! The Girlfriend of the famous King is my student! Kailan pa naging kayo girl?"

Alanganin akong napangiti habang lahat sila ay nasa akin ang tingin

Awkward.

"Ah kahapon lang, p-prof."

"Kainggit ka, Ms. Ocampo! Sana all!" kinikilig pang sabi nito

Napatakip na lang ako ng mukha ko dahil doon. Alam na nga ng lahat ang tungkol sa amin.

Ang bibilis ng mga chismis ha.

Sa mga nakaraang araw ay mainit pa rin ang balita. Nangangamba ako dahil wala pang alam sila Mama na may boyfriend ako.

Walang pasok ngayong araw dahil National Holiday kaya hindi na rin ako nag abalang gumising ng maaga. Pero mukhang sanay na akong gumising ng maaga kaya ngayon ay nakatulala lang ako at nag iisip ng kung ano ano.

"Ate! Ate! Gising naaa" napabalikwas ako sa sigaw ni Xander at wala pa akong planong bumangon kaya nagtulugtulugan pa ako pero ramdam ko na pinasok nya ang kwarto ko

"Ate!! Gising na!!" napaigik ako dahil bigla nya akong dinaganan

"Xander, holiday ngayon, walang pasok"

"Ate lagot ka kay mama. May boyfriend ka na pala?"

Bigla akong natigilan sa narinig at napadilat "Ano?"

"Nandun sa sala yung boyfriend mo, ate. Kaharap sila mama at papa naku lagot—"

Dali dali akong bumangon saka lumabas ng kwarto ko.

Bakit sya nandito?

Naabutan ko sila na nag uusap. Bigla akong kinabahan nang lingunin ni papa ang gawi ko.

"Ah pa.. ano.. kase ano"

"May boyfriend ka na pala"

Agad akong umiling "Ah ano.. h-h-hindi ko pa po sya boyfriend, papa"

Bigla naman akong nilapitan ni Ethan saka binulungan "Really huh?" at binigyan ko na lang sya ng tingin na 'basta'

"Iho, dito ka na mag agahan. An gaga mo kasi pinuntahan itong anak ko" agad na nagtungo si mama sa kusina saka inaya kami pero pagkaupo namin ay biglang nagsalita si papa

"Mag-uusap tayo ng masinsinan pagkatapos mismo mag agahan"

Akala ko hindi nakakaramdam ng kaba si Ethan dahil sanay na sya sa ganito. Pero bakit nang makaharap nya si papa at gusto syang makausap ay nanginginig yung kamay nya habang kumakain?

"Kinakabahan ka no?"

"Shut up and eat"

Nilingon ko sya saka lumapit ng kaunti para bulungan sya "Alam mo bang maraming itak si papa? Ala lang share ko lang" muli, nakita ko ang panginginig ng kamay nya at gulat sa mata

Natawa na lang ako ng mahina dahil kita ko sa itsura nya ang pagpapanic. Ang sarap nyang takutin at asarin HAHAHAHA

"Damn it!"

<3