webnovel

An Ideal Love

What will happen if those people around you are just pretending? Including you? Yes, you can fool everyone but not yourselves Yes, you can deny it using your mouth with lies but your own actions and body will deny it for you. Will Eliana feel the Ideal love she wished with Ethan or it just stays as a simple Deal love? Their love story started in a deal or bet, but why is she expecting it to be real and an Ideal love? (This story may be cliché but I love cliché) -- ‼️ This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. Please do not distribute, reproduced, or transmitted this story in any form or by any means without the permission of the author. PLAGIARISM IS A CRIME.

cutiesize31 · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
34 Chs

Chapter 4

Eliana's POV

Namamangha akong nakatingin sa mga bawat nakikita ko na nakatayo dito sa campus ng Jimenez University.

Napakalawak ng campus nito. Sa left side ay ang basketball court at ang field para sa football team. Habang sa right side naman ay mga buildings pero marami 'yon. Sa gitna naman ng campus ay makikita ang isang magandang fountain at may mga benches rin malapit na doon na pwedeng tambayan.

Tiningnan kong muli ang hawak kong papel kung saan nakalagay ang room no. ng bawat subject na papasukan ko.

Ang una kong subject ay nasa room 204-A

A - (Architecture, Art & design, Engineering)

B - (Business Ad, Business M, Accounting, Marketing, Law)

C - (doctors, nurses, pharmacy, dentist, veterinary)

D - (Tourism, Fashion designer, HRM)

E - (music, drama, film making)

May hawak akong map ng buong campus ng JU na binigay ni Ms. Lyka para di raw ako maligaw at handbook para alam ko rin daw yung mga rules dito sa loob ng campus.

Magkakahiwalay ang campus ng Primary Campus, Secondary Campus, at Tertiary Campus.

Medyo naguguluhan ako kung nasaan yung Arhitecture Builiding dahil ang nakalagay sa map ay katabi ito ng JU Garden pero hanggang ngayon ay di ko pa rin nakikita yon.

Maya-maya ay may biglang lumapit saakin na dalawang babae.

"Hi! Mukhang naliligaw ka yata, miss? You need help?" tanong nung babaeng may mahabang buhok at medyo maputi ang kulay ng skin.

"Ahmm.. hinahanap ko kasi yung building A"

"Really? Dun din ang punta namin at mukhang magiging magkaklase tayo ah? Anong room ka ba?" tanong naman nung isang babae na shoulder length lang ang haba ng buhok at di sya gaano maputi gaya nung isang babae.

"Room 204" nagulat ako nung bigla nila akong hinila.

"Dun din kami eh! By the way, I'm Juliana Santiago and this is Akilah Rodriguez" sabay turo nya dun sa kaibigan nya na nasa left side ko habang nasa right side ko sya

"I'm Eliana Veronica Ocampo, nice to meet you"

"Tara na, baka malate pa tayo dahil malapit nang mag time" sabi ni Akilah

Nalaman ko rin na ang room 101-106 ay para sa Art & design students. Room 201-306 ay para sa architecture students. Room 401-506 ay para sa engineering students.

Pagkapasok namin sa room ay naupo kaming tatlo sa bandang dulo. Sakto lang rin ang dating namin dahil halos kasunod lang namin dumating ang prof namin.

Nagpakilala muna ang prof namin and she's Mrs. Adrianna Pascual. Nag-announce din sya na pupunta muna kami sa Social Hall dahil may announcement ang Principal na si Mrs. Delos Reyes.

Sa Social hall ginaganap ang mga meetings or announcements for students ng JU. May kaniya-kaniyang Social hall sa bawat campus kaya bale tatlong Social hall ang meron dito sa JU.

"Ahmmm Juliana? May tanong lang ako" sabi ko habang pababa na kami

"Ano yon?"

"Ah.. ano yung Dark Knight's Room? Tsaka sino ba sila?" di ko alam kung bakit biglang pumasok yun sa isip ko at nacucurious talaga ako kung sino ba talaga yung mga yon

Bigla silang napahinto pareho nung marinig nila yung tinanong ko kaya napahinto na rin ako at naging seryoso pareho yung mukha nila.

Ang creepy?

Hinawakan bigla ni akilah yung balikat ko kaya napatingin ako sakanya "Paano mo nalaman yung tungkol do'n?" tanong nya

"Ah.. nung unang punta ko kasi dito ay pumunta muna akong office tapos nung papauwi na ko ay nag cr muna ko hanggang sa nakarating ako dun sa may third floor"

Sa ngayon ay si Juliana naman ang humawak sa braso ko at hinila ako "Tara muna sa likod ng Building A"

Nang makarating kami dito sa likod ng Building A ay mukhang tagong lugar to kasi wala manlang nagdadaan tapos may bakod pa dito na kayang akyatin.

Medyo madamo dito at may isang malaking puno sa gitna. May isang bench din dito sa gilid pero mas pinili naming maupo sa damuhan sa tabi nung puno, buti nalang at malinis at walang antik or langgam.

"Pupunta pa tayo sa Social Hall diba?" Baka importante kasi yung announcement eh kaya medyo nagpapanic ako hehe..

"Hindi muna tayo a-attend dun sa Social Hall dahil nandun naman si Natalie na isa pa naming kaibigan para magsabi kung tungkol saan yung announcement kaya don't worry" sabi ni Akilah kaya tumango ako

"Sasabihin namin ang mga nalalaman namin about sa Dark Knights, ok?" sabi ni Juliana kaya umayos na ako ng upo

"Ang Dark Knight Gang ay ang nangungunang gang sa pinaka malakas na gang, di lang dito sa bayan ng San Nicholas. Marami silang miyembro na matatagpuan sa iba't ibang bayan dito sa Pilipinas at apat lang silang namumuno at bumuo ng Dark Knight Gang. At syempre hindi naman nawawala ang mga kalaban at kakompitensya sa tabi-tabi. Tsaka yung DKG room na sinabi mo ay sa kanila yon. Walang pwedeng pumunta sa palapag na 'yun dahil minsan nang may nakapasok na kalaban doon. Kaya simula no'n, kung sino man ang pumunta doon ay pinaparusahan nila"

Pinaparusahan? Like gagawin nilang slave? Papatayin? Kakatayin?

Bigla namang natawa si Juliana habang nakatingin sa akin "Hindi sila mamamatay tao, Eliana. Ang parusa na kadalasan nilang ginagawa ay pang aalipin or slave. Mga ilang buwan din nila iyon gagawin sa taong lumabag kaya wala na talagang makakaulit. Kakaiba pa naman magparusa ang DKG, talagang mamamatay ka sa pagod. Pero syempre, tiklop ang kapatid ko sakin kaya hindi nila ako maisasama sa ganyan. Mabait naman talaga sila kapag nakilala mo ng lubusan, talagang mag aalademonyo lang 'yan kapag binangga mo at kinalaban mo"

Ngayon ay si Akilah naman ang nagsalita "Ang Dark Demon Gang naman ang mahigpit nilang kalaban dahil ang DDG ang isa sa may gustong pabagsakin sila pero never silang nagtagumpay don. So.. ang apat na namumuno ng DKG ay sina Lucas Fernandez, Marco Sta. Juana, Kevin Santiago at ang kanilang King na si Ethan Jimenez. Hindi biro kapag talagang nakabangga mo sila. At ang family ni King din ang may ari nitong university"

"W-wait, Ethan Jimenez?" baka naman nagkamali lang ako ng rinig kanina?

"Yes, sya ang King ng DKG"

"N-no..di pwede! Lagot!" napatakip nalang ako sa mukha ko dahil naalala ko yung pagsagot sagot ko sakanya, pagsigaw at yung ano...k-kiss

"Bakit, Eliana? May problema ba?" nag aalalang tanong ni Akilah

"Dahil yung muntik makasagasa at nakasigawan ko ay ang king ng DKG lang naman na tinutukoy nyo!" pasigaw kong sabi na medyo nagpapanic pa

Ang school na 'to ang nagbibigay ng scholarship sakin tapos kaaway ko nap ala yung anak ng may ari at higit sa lahat.. King ng DKG!

Biglang nanlaki ang mata nila tapos "WHAT?!!"

Kinuwento ko nalang sakanila yung tungkol sa una naming pagkikita hanggang dun sa nagkita kami sa café ng ate Ella nya. Hindi naman ako nag alangan magkwento sa kanila dahil mukha naman silang mapagkakatiwalaan

"You mean.. nung gabi na may racing kung saan kasali sya ay muntik ka ng masagasaan?"

"Yes, ganun nga, akilah"

"So..enemies talaga kayo sa simula palang?" tanong naman ni Juliana

"Parang ganun na nga..pero kaya naman pala nung una naming pagkikita ay sobrang nakakatakot yung presensya at tingin nya! Di ko naman kasi siya kilala nung time na yon"

"Parang ikaw nga lang ang taong di nakakakilala sakanya base sa kwento mo" - Juliana

"May side di naman silang maganda at yun ung pagtulong nila sa pulisya para mapadali yung paghuli sa mga miyembro ng DDG na gumagawa ng mga legal" - Akilah

"Wait, diba may nabanggit kayong Santiago ang surname kanina, right?" sabay lingon ko kay Juliana at tumango naman sya

"Kevin Santiago is my brother. One year and 5 months lang yung age gap namin. At sya rin yung kanang kamay ni King"

Nagkuwentuhan muna kami saglit tapos maya maya ay pumunta muna kami sa cafeteria dahil 10am pa naman yung next subject namin kaya napagpasyahan namin na ilibot muna nila ako para maging familiar ako dito.

Pagkarating namin sa cafeteria ay nagandahan ako dahil sa design nya tapos ang lawak pa nung loob at may second floor pa. May stub na binibigay para sa lunch at di pwedeng maiwala mo yung stub mo dahil di ka makakapaglunch.

Bumili muna kami ng wafer/biscuit at bottled water dahil di naman kami gutom, para lang may makain kami habang naglilibot. Nang mapadaan kami sa gym ay napansin naming may naglalaro. Tapos na rin kasi yung pag announce ng principal sa Social hall.

"I think, DKG nanaman yan. Kaya nagkakaipo-ipo sa bahay dahil sa panget 'kong kapatid lalo na kapag nababalita sila sa socmed" biglang sabi ni Juliana at mukhang silang apat nga. May mga nagkakagulong babae kasi na todo cheer sa DKG

"Tara nood tayo!" pag aaya ni Akilah dahil napagkwentuhan din namin kanina na crush nya pala yung kuya ni Juliana na si Kevin.

"Sunod nalang ako, pupunta muna akong cr" sabi ko at tumango naman sila

Buti nalang at walang katao tao dahil mukhang nasa gym silang lahat.

Nang matapos na ko mag cr ay nagpolbo muna ako bago lumabas pero saktong pagkalabas ko ay may biglang humawak ng mahigpit sa braso ko.

Bakit ba lagi nalang yung braso ko ang nahahablot?

Pagtingin ko sa taong humablot ng braso ko ay nagulat ako.

Ang King ng DKG.

Kevin's POV

Hi! I'm Kevin Santiago, ang kanang kamay ni Ethan sa Dark Knight Gang. Dati pa kami magkakaibigang apat at pag may problema ang isa, dadamayan namin. Kahit naman na ganito kami-- yung kinatatakutan ng lahat, may pagkaloko at kung minsa'y mukhang di seryoso.. mapagkakatiwalaan pa rin naman kami.

Kapatid ko si Juliana Santiago. Masungit tsaka palaban yun. Sa bahay nga sinusuntok-suntok lang ako nun pero syempre iba sya ng konti kumilos sa JU, at ang pinakamamahal at importanteng babae naman para sakin bukod sa nanay at kapatid ko ay isa sa matalik na kaibigan ni Juliana na si...

Akilah Rodriguez

Matagal ko na syang gusto at pagdating sakanya kinakabahan ako pero pag tungkol sa Gang.. wala akong kahiya hiya manlang!

Di ako umaamin sakanya kasi natatakot din naman akong mabasted or malaman na may iba syang gusto kaya binabantayan ko sya ng patago. Kaya nga walang lalaking lumalapit sakanya dahil binabantaan ko sila, lalo na yung mga magsusubok pa lang manligaw sakanya.

"King! Patirahin mo naman kami! Puro ka 3 points!" -Marco

"Oo nga, King!" -Lucas

"King! Apat tayong naglalaro dito ah! Paalala lang" -Kevin

Paano ba naman! Puro sya nalang yata ang nagshoshoot at mukhang sya lang naman ang naglalaro. Halos bilang na bilang lang namin yung pagtira naming tatlo eh!

Maya maya ay biglang dumami na rin ang nanonood saming apat.

Puro mag nagsisigawan ang lahat ng babae dito sa gym pero hinahanap lang ng mata ko ay si Akilah.

Manonood kaya yon?

"Magpapalit na ko tapos sumunod nalang din kayo"

"San ka pupunta, King?" tanong ko

"Importante lang" sabay takbo nya papalabas ng gym kaya kinuha na rin namin yung gamit namin sa bleachers.

"Tara na" pag aaya ni Marco

"Sa DKG room nalang ako magsha shower" -Lucas

"Hintayin nyo nalang ako sa labas, dito nalang ako magsha shower" Baka pag nakita ko pa si Akilah ay nakakahiya sakanya dahil pawisan pa ko.

Halos kalahating oras din ako nagshower at nagpalit ng damit para naman hindi maturn off ang aking mahal.

Inaasahan ko na rin na paglabas ko dito ay mga nakabusangot na ang mukha nung dalawa. Mga mainipin.

"Sa wakas! Akala namin kinain ka na ng banyo eh" -Marco

"Nangangain pala ang banyo?" -Lucas

Magsasalita na sana ako pero biglang nagtext si Juliana.

From: Juliana

Kapatid kong panget! Sabay ka na samin nila Akilah maglunch!

To: Juliana

Sige, hintayin mo kami dyan

Hulog ka talaga ng langit, Juliana! Hihilingin ko pa lang sana, tinupad mo na.

Ethan's POV

Kaninang umaga ay nakita ko si Eliana na kasama ang kapatid ni Kevin at mukhang kaibigan nya na yon.

Kaya nang makita kong pumasok sa gym sila Juliana at hindi nila kasama si Eliana kaya nagmadali akong nagpaalam kila Kevin at tumakbo papalabas.

Hinanap ko sya at nakita kong pumasok sya sa Girl's Washroom kaya nag abang muna ako dito sa labas.

What the hell?

Bakit ko ba sya hinahanap at hinihintay?

Pagkalabas na pagkalabas nya ay agad kong hinawakan ang braso nya tapos tinulak ko sya para mapasandal sya sa pader.

"Hello, Eliana" nakita kong parang medyo natakot sya at nagulat sa ginawa ko

Pagkasabi ko nun ay hinila ko agad sya papaalis at pumunta sa likod ng gym.

"Teka! Saan mo ko dadalin?" tanong nya na hindi ko pinansin at hinawakan ko lalo ang braso nya.

"A-aray!"

"Bilisan mo nga!"

Nang makarating kami sa likod ng gym ay hinarap ko sya.

"Pwede bang pakibitawan yung braso ko?!" sigaw nya kaya binitawan ko na

"Ang sakit ng pagkakahawak mo!!" Sigaw nya ulit sabay hawak dun sa braso nyang namumula at mukhang magkakapasa pa dahil sa higpit ng pagkakahawak ko.

"At bakit mo po ko dinadala dito....King?"

"Oh! You already know who I am!" ngisi ko

"Actually, nagtanong lang din ako kila Juliana tungkol sayo"

I smirked "You're curious about me?"

"Parang ganun na nga--- Wait! Ano bang gagawin natin dito at dinala mo pa ko dito?!"

"May hindi kasi tayo natapos gawin nung nakaraang pagkikita natin" I smirked while she's annoyed

"Tigilan mo ko ha!" sungit.

"You didn't like my kiss?"

"Magtigil ka nga! Yan ba ang dahilan kung bakit mo ko dinala dito? Para inisin lang ako?!"

"Uhmm..Yeah?"

I received a message from Kevin kaya hinila ko na agad si Eliana papaalis do'n

"Nasa cafeteria rin daw yung mga kaibigan mo kaya tara na" tumango na lang sya

Habang papunta kami sa cafeteria ay halos lahat ng estudante ay nakatingin samin at ang iba ay nagbubulungan pa pero di ko nalang sila pinansin.

"Pwede bang bitawan mo na yung kamay ko? Nakakahiya sa mga nakakakita oh" Pinipilit nyang tanggalin ang kamay nya sa pagkakahawak ko pero mas lalo ko pa 'tong hinigpitan.

Ang sarap nyang pagtripan kaya hindi ko sinunod ang gusto nya. Besides, mukhang magkakabuhay na ang araw ko kapag nakita ko syang mamula dahil sa pagkainis sa akin.

Eliana's POV

Ano bang trip nitong si Ethan?!

Ay... KING pala.

Nakakahiya naman!

Halos lahat kasi ng makasalubong namin ay pinagtitinginan kami, habang ang iba'y nagbubulungan.

"Gosh! Who's that girl?!"

"Sila na ba?"

"OMG! Di sila bagay!"

"Baka naman ginayuma lang nung girl na yan si King?!"

"Ang pangit naman nung girl!"

"Yeah, you're right"

Papatulan ko na sana yung mga babaeng nagchichismisan nang biglang sumigaw si Ethan. "Can you all f*cking shut up?!" bigla namang napahinto at namutla ang mga babaeng nagbubulungan kanina.

Pero mas nagulat ako nang bigla akong akbayan ni Ethan na pilit kong tinatanggal pero mas malakas sya sakin kaya wala akong choice kundi hayaan sya. Lalagpasan n asana namin ang mga grupo ng mga chismosang yon pero nagulat kaming lahat sa sinabi at itinawag nya saakin.

"Let's go, Love. Don't mind them"

At sabay-sabay po kaming mga nakarinig na napanganga...

<3