webnovel

An Ideal Love

What will happen if those people around you are just pretending? Including you? Yes, you can fool everyone but not yourselves Yes, you can deny it using your mouth with lies but your own actions and body will deny it for you. Will Eliana feel the Ideal love she wished with Ethan or it just stays as a simple Deal love? Their love story started in a deal or bet, but why is she expecting it to be real and an Ideal love? (This story may be cliché but I love cliché) -- ‼️ This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. Please do not distribute, reproduced, or transmitted this story in any form or by any means without the permission of the author. PLAGIARISM IS A CRIME.

cutiesize31 · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
34 Chs

Chapter 3

Ethan's POV

"Akalain mo yun bro? Nagkita kayo ulit nung babae na 'yun!" Biglang sabi sakin ni kevin habang nagbabasketball kami dito sa court ng Bedford Subdivision kung san kami nakatira pare pareho.

"Tumigil ka nga, Kevin!"

"Pero bro, napansin ko ring may itsura naman pala yung girl na nakaaway mo no?" -Marcus

"I agree! Tsaka pansin ko lang na bagay din pala kayo nun" -Lucas

"Shut up!" Sigaw ko sakanila kaya natahimik sila pero itong si Kevin ay di talaga maawat ang bunganga tss..

"Alam mo bro? Alam ko na ang pangalan nun! WAHHAHAHAHHAHA" at napatigil ako sa pagshoot sana ng bola nang sabihin nya yon

"Anong pangalan nya?"

"Uy!! Curious na sya! WAHHAHAHAHHAHA!" At ang tatlong loko loko ay nagtawanan pa at nag apiran

Sinamaan ko nalang sila ng tingin kaya natigil na rin sila sa pagtawa

"Sabihin mo na nga, Kevin" - Marcus

"Oo nga, baka masapak pa tayo nyan pag di mo pa sinabi kung ano pangalan nung babae na yon" - Lucas

Tumango naman si Kevin kaya tumingin ako sakanya habang hinihintay ko ang sasabihin nya.

"Eliana yun bro, Eliana ang pangalan nya"

Eliana's POV

Natanggap ulit ako sa scholarship na to kaya naman hanggang pagdating ko sa Queen's Cafe ay nakangiti ako at sa mga sumunod na oras ay masaya akong nagtatrabaho.

"Uy Eliana! Kung makangiti ka ah!! Tsaka kanina ko pa yan napapansin" sabi ni ate Anne sakin habang naglilinis kami ng cafe. Konti nalang kasi nag customer dito dahil 9:30 pm na rin.

"Eh kasi ate, di pa rin ako makapaniwala na makakapag aral na ako sa isang sikat na university dito tsaka buti nalang talaga at natanggap ako sa scholarship na yun!"

"Basta pagbutihin mo ang pag aaral mo ah! At balita ko, marami daw gwapo don"

"Hay nako ate, wala pa sa isip ko ang lovelife!"

"Weh? Baka nga dyan ka pa sa papasukan mong university ka makahanap ng jowa!"

"Ate naman"

"Malay mo lang naman, Eliana!"

Panay pa rin ang asar sakin ni ate anne at natigil lang sya nung papauwi na kami.

Ilang araw na ang nakalipas simula nung nakatanggap ulit ako ng scholarship tsaka nakapag enroll na rin ako.

Day off ko ngayong araw dahil Linggo ngayon kaya napagpasyahan kong magsimba muna bago mamili ng mga school supplies sa bayan. At pagdating naman sa hapon ay tutulong ako kila mama sa pagtitinda sa palengke kaya maaga akong umalis para maaga din akong matapos.

Bandang 5am ako nakaabot sa misa kaya mga 6am na yon natapos. Namili muna ako ng ibang gamit na kakailanganin ko tapos mamaya ay pupunta ako sa pandayan para sa ibang gagamitin lalo na yung mga pens, sketch pad, at iba pa.

Mga ala una na ako natapos sa pamimili at umuwi muna ko para itabi yung mga pinamili ko at tsaka para na rin makapagpalit ng damit.

Pagdating ko sa palengke ay nakita ko na agad sila mama at si xander. Pinagpahinga ko muna sila at si mama ay pinaupo ko muna habang si Xander ay natutulog na. Hindi naman masyado marami ang tao ng ganitong oras dahil hapon na rin naman.

"Ma, anong oras po ba tayo magsasara?" alas siyete mahigit na rin kasi ng gabi

"Pwede na rin naman ngayon dahil nagsasara ako bago mag alas otso" tumango ako tsaka nagsimula na kaming magligpit

Habang nagliligpit kami ay biglang dumating si Papa at tinulungan kaming magligpit at ilagay ang ibang gamit sa jeep.

Pagkauwi namin ay naghapunan kami agad para makatulog na rin dahil na rin sa pagod. Maya maya nang matapos kaming kumain ay natulog na rin sila Mama kaya pumasok na ko sa kwarto ko pagkatapos kong maghilamos at magpalit ng damit pantulog.

Ilang pwesto na ang nagawa ko pero di pa rin ako makatulog kaya nagpasya nalang akonglumabas para magpahangin.

Pagkalabas ko ay agad kong naramdaman ang lamig ng simoy ng hangin at buti nalang ay naka pajama ako.

Tumingin naman ako sa kalangitan at pinagmasdan ang mga bituin at ang maliwanag na buwan. Ang ganda talaga pagmasdan yung kalangitan pag ganito.

Naalala ko nanaman yung lagi kong napapaginipan. Yung dati na kapag hindi ako makatulog ay kakantahan ako ng lullaby or babasahan ako ng fairytale stories ng isang babae kaso nga lang di ko makita yung itsura ng babae dahil malabo yung nakikita ko pero yung boses nya ay naalala ko at tandang tanda ko pa.

Sino kaya yon? Baka si mama lang, hindi ko lang maalala. Tsaka para kasing may part sakin na feeling ko ay totoo at parang nangyari na dati yon nung bata pa ko.

Maya maya ay nagpasya nalang akong bumili sa tindahan kaso nga lang sa kabilang kanto pa yon. Ayos lang din yon para makapaglakad lakad na rin ako.

Sinara ko muna ang gate namin bago ako umalis. May konti pang tao akong nakakasabay kaya di ako natatakot tsaka wala namang mga masasamang tao dito, lahat kasi dito ay magkakakilala at magkakasundo.

Buti nalang at may bukas pang tindahan kahit na alas nuebe mahigit na.

"Oh Eliana! Anong bibilin mo? Tsaka gabi na ah?" tanong ni Aling Leony sakin

"Eh di po kasi ako makatulog kaya idadaan ko nalang po sa kain hehe.."

Isang chichirya at isang softdrinks ang binili ko. Naupo muna ako sa tapat ng tindahan pero pagkabili ko ay naglilipit na rin si Aling Leony.

"Di ka pa ba uuwi, Eliana? Magsasara na kasi ako" nagsusungit na naman 'to. Kakaupo ko pa lang sa upuan na nasa gilid ng tindahan nya eh. Pero kapag may mga nag iinuman dito sa tindahan nya, kahit hanggang madaling araw bukas pa sya

"Ay sige po uwi na po ako"

Habang naglalakad ako ay biglang may humigit sakin tsaka pumunta sa isang eskinita. Madilim dito sa bandang 'to kaya panigurado walang makakapansin sa amin.

"Sino ka? Bitawan mo nga ako! Pag hindi mo ko binitawan ay sisgaw ako ng malakas para marinig ng ibang tao dito!" nagpupumislas ako pero mas lalo nya lang hinigpita ang hawak sa braso ko

"Wait, wag kang sisigaw dahil baka mahuli nila tayo" palinga-linga pa sya sa paligid

Ano? Teka, baka kriminal 'to? "Anong mahuli ang sinasabi mo?!"

"Can you please lower down your voice?" iritang sabi nya..aba! dapat nga ako yung magalit eh!

"Nasan na yung g*gong yon?!"

"Bwisit!!Mukhang natakasan tayo ah"

"G*gong Jimenez yun ah!"

"T*nginang King yon!"

"Tingnan nga natin don! Baka pumunta sya sa gawi na yon" sabay takbo nila papaalis

Papalayo na ang yabag kaya hinawi ko ang kamay nya saka inis na tiningnan sya "Mukhang umalis na sila kaya pwede bang bitawan mo na ko?!"

"Oh, ayan na" sabay layo ko sakanya dahil sobrang lapit ng pwesto namin kanina at parang nakayakap pa nga sya eh, para di kami makita

"Teka, sino ba yung mga yon?! Ha?!"

"Ala yon, kalimutan mo nalang yon"

"Anong wala?! Mukhang ngang masasamang tao yung mga yon tapos wala at kalimutan ko pa?! Siguro kriminal ka noh? Eh Loko-"

Napatigil ako sa pagsasalita dahil bigla nya akong hinila papalapit sakanya at bigla nya akong hinalikan.

Nakatulala pa rin ako habang ang labi nya ay gumagalaw sa labi ko. Nang kumalas sya ay nakatulala pa rin ako sa pangyayari at hinawakan ko ang labi ko.

WAAAAAHHHHHH!!! YUNG FIRST KISS KO!!!

"Ayan, natahimik ka rin! Ikaw kasi kung makasigaw mukhang palengkera!"

"Eh sa nagtitinda rin ako sa palengke eh! Tsaka bakit mo ginawa yon?!" galit kong sabi sakanya

"Oh, Looks like i'm your first kiss, huh?" sabay kindat nya sakin..dukutin ko yang mata mo eh!

"Eh loko ka pala eh! alis ka nga dyan!" sabay tulak ko sakanya at umatras naman sya ng konti.

Pagkaatras nya ay biglang nagkaroon ng konting liwanang na nanggagaling sa buwan at bigla kaming natulala sa isa't isa.

"Ikaw nanaman?!" sabay naming sabi

Sya nanaman! Kaya naman pala medyo pamilyar yung boses nya sakin eh! Bwisit namang buhay to oh! etong lalaki nanaman? Nung una sa cafe ng ate nya tapos ngayon...dito naman?!

"Bakit ba lagi kang sulpot ng sulpot kung nasaan ako? ha?!" sigaw ko sa mukha nya. Nakakainis!

"Di ko naman alam na taga rito ka ah! Tsaka manahimik ka nga!"

"Bwisit ka talaga! Bwisit! Shuta! Panget ka! Kanina muntik pa kong mapahamak nang dahil sayo tapos-"

At nangyari nanaman ang pangyayari gaya kanina...

"Ayan, nanahimik ka rin ulit"

Hinampas ko sya sa braso at umiwas naman sya "Aba! Loko ka ah! bakit mo ginawa ulit yon!"

"Para ako na rin ang second kiss mo" sabay smirk nya sakin

Dukutin ko pa 'yang mata mo eh! May pa kindat kindat pang nalalaman!

"Aba! Loko ka pala eh! dyan ka na nga!" sabay alis ko sa harapan nya at nagpasya na kong umuwi

Ano ba nangyayari sa buhay ko ngayon? Lumabas lang naman ako para magpahangin at bumili tapos nawala na agad ang first at second kiss ko? At ang masaklap pa ay dun pa napunta sa lalaking kinaiinisan ko na lalo ngayon.

<3