webnovel

An Ideal Love

What will happen if those people around you are just pretending? Including you? Yes, you can fool everyone but not yourselves Yes, you can deny it using your mouth with lies but your own actions and body will deny it for you. Will Eliana feel the Ideal love she wished with Ethan or it just stays as a simple Deal love? Their love story started in a deal or bet, but why is she expecting it to be real and an Ideal love? (This story may be cliché but I love cliché) -- ‼️ This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. Please do not distribute, reproduced, or transmitted this story in any form or by any means without the permission of the author. PLAGIARISM IS A CRIME.

cutiesize31 · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
34 Chs

Chapter 30

Ethan's POV

Nathan is the one who's driving our car so I easily get out when we arrived at the perya. Nakita namin na palakad-lakad sila Tita Analyn kasama sila Juliana na may tinatawagan at palakad-lakad din

"Eliana!" I shouted so I caught their attention

Nasa likuran ko lang ang mga Dela Franco at si Dad nang dumating na rin si Tito Alejandro.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Tito, si Eliana po? Nasaan sya? Kailangan po namin syang makausap"

"Wala sya dito" pagsabat ni Juliana sa usapan

"Ano? Nasaan sya?"

Bigla naman akong nilapitan nila Akilah at Natalie. Napansin ko pa na nagpupunas ng mata si Akilah habang si Natalie ay walang emosyon kung tumingin habang hawak ang telepono.

"She's missing, Ethan. Nawawala ang kaibigan namin!"

"Hanapin mo sya please"

"N-nawawala?" ano ba ang nangyari??

"No! You're all lying! Saan nyo itinatago ang anak ko?! Nasaan sya?" akmang susugod na sa loob si Tita Elise nang pigilan sya nila Tito at ni Nathan

"Mom, please, huwag kang magsimula ng gulo, sila pa rin ang kinilalang pamilya ni Eliana"

Maya-maya ay may iba pang nagsilabasan. Sila Tita Elyn, tito John, at Lolo Cris

"Mawalang galang na ho pero sino ba kayo?" nakataas na kilay na tanong ni Tita Elyn

"We're Eliana's real parents. Where is she?" maawtoridad na tanong ni Tito Edmund

"K-kayo?" gulat na tanong ni Tita Elyn saka nilingon si Tita Analyn

"Yes we are. Where's our daughter?"

"Ahmm.." bigla namang pumunta sa harap si Tita Analyn saka yumuko. But before I stopped her, she cried

"N-nawawala si E-Eliana.. hindi namin alam kung nasaan sya. Pagkatapos namin ipaalam sa kanya ang totoo tungkol sa sarili nya ay bigla syang umalis. Patawad."

"Ano?!" and then I realized those expressions of Eliana's friends earlier. They're crying like there is something wrong

I immediately call Kevin for help. Mabuti na lang at magkakasama pala yung tatlo kaya mabilis silang nakakilos para hanapin si Eliana. After that, tatawagan ko na rin sana si Ms. Sadie pero naunahan nya na ako

"Hello Ms. Sadie.."

"We know where Eliana is. That's what I'm talking about earlier"

"What? Where is she?"

She sighed first before she speak again "We use our invented gadgets for finding her and we detected that she's at the middle of the forest in San Antonio. Nagpadala na ako ng snipers and some men para hanapin ang lugar na 'yon at palibutan"

Nakahinga naman ako ng maluwag sa narinig "Thanks, Ms. Sadie"

"You're one of my teammates' friend and that's why I treated you as my friend too. What friend are for, right?"

"Thank you. Thank you so much"

"I'll just give you an update about our plans. Huwag muna kayong susugod basta basta kapag sinabi ko sa inyo ang salarin nito. Baka mas lalo pang mapahamak nyan si Eliana at iba pang bihag"

Before I asked about what's she's talking about, she ended the call.

May iba pang bihag?

"Hey son. Ano na ang nangyari? Alam mo na ba kung nasaan si Eliana? I can order my men to go and find her" dad tapped my shoulder

"Ms. Sadie already have a plan. Hindi daw tayo pwedeng kumilos agad at baka maraming mapahamak. And she'll text me the name of the culprit"

"I'll take care of that bastards. Just tell me their name" naka kuyom na kamaong sabi ni Nathan

From: Ms. Sadie

Ledesma. Gandwona Forest in San Antonio. Many armed men. Wait for Dash and team.

Eliana's POV

Halos napabalikwas ako nang makaramdam ako ng pagkabasa. ay ibinuhos sila sa aking maraming malamig na tubig na syang nagpagising sa akin. Nang makarecover ako ay inilibot ko ang paningin ko. Ramdam ko ang pagsakit ng mga braso at paa ko dahil sa mahigpit nilang pagkakatali sa akin sa upuan

"Masyado naman yatang napasarap ang tulog ng binibini? Kanina pa kita ginigising pero hindi ka magising" nakangisi pang sabi ng isang lalaki na may katangkaran at medyo mataba na may hawak na isang balde

"Paparating na sila Boss at Mistress" napalingon ako sa nagsalita pang lalaki at may nakita akong isang kumpulan doon sa gilid. Mga nasa tatlo pang lalaki ang nandoon at mukhang naglalaro ng baraha

"S-sino kayo? Pakawalan nyo a-ako!" nahihirapan kong sambit. Patuloy ako sa pagpili na pagkalas ng tali sa katawan ko pero hindi ako nagtatagumpay

"Hindi ka makakawala dyan, miss. Dahil kahit matanggal mo man yang mga tali kahit imposible ay sa tingin mo hahayaan ka naming makatakas? apat kami dito, sa tingin mo kaya mo kaming labanan?" natatawa pang sabi sabay napailing-iling nung lalaking payat na puro tattoo ang braso

Masyado nya akong minamaliit pero may punto naman kasi sya. Hindi ko sila kayang labanan lahat.

Pero bago ako manahimik sa pwesto ko, naalala ko bigla ang sinabi nung isang lalaki na naninigarilyo kanina

"S-sino yung sinasabi nyong b-boss at m-mistress? s-sila ba ang n-nagpadukot sa akin?"

"Yes dear, kami nga"

Halos mabuwal ako sa kinauupuan ko nang biglang may nagsalita sa bandang pintuan. Agad ko iyong nilingon at halos hindi ako makahinga sa gulat dahil sa nakikita ko ngayon

"Manang Olivia? Mr. Ledesma?" hindi makapaniwalang tanong ko

"Oh stop calling me manang. I hate it being ordered by someone" sabay hagis nya ng apron na suot na no'n ko lang napansin

"Mom, our plan worked so well. Don't worry, you don't need to disguise anymore"

"Mom?" pagtatanong kong muli, baka kasi mali ang pagkakarinig ko

"P*tangina! Tanong ka nang tanong! Sinabi na nga diba? Tanga lang? Oo si mistress at manang Olivia na kilala mo ay iisa habang ang kasama nyang lalaki na boss namin ay si Mr. Ledesma. At oo rin, mag ina sila. Puny*ta, nasagot na ba tanong mo babae?!" napapikit naman ako nang akma pa syang tatayo at pupunta sa pwesto ko pagkatapos akong sigawan

"hoy gag*, umaatake na naman ang kawalan mo ng pasensya. Hindi lang makapaniwala yung babae kaya gano'n"

Akma pang magsasalita at sasagutin ang lalaking pumigil sa kanya kanina nang itaas ni Mr. Ledesma ang kaliwang kamay nya saka ikinasa nya ang baril nya. Signal siguro iyon sa kanila dahil bigla silang tumahimik lahat

Nilapitan naman ako ni Manang Oli—este mistress saka hinawakan sa mukha

"Walang duda talaga na isa kang Dela Franco. Napaka tanga naman nilang hindi mapansin iyon" napairap pa ito saka nilingon si Mr. Ledesma na nakatungo lang

"Remember this looks? parang batang si Elise lang"

"Of course. I can remember it clearly" kita ko ang pagngitngit ng ngipin nito at pagsalubong ng kilay

"Ano bang k-kasalanan ko sa inyo? B-bakit ako nandito?"

"You're a Dela Franco that's why" pagkibit balikat nito saka madiing hinawakan ang magkabilang pisngi ko gamit ang isang kamay

"At ikaw ang kapalit ng lahat ng ginawa nila. Mula sa pagkamatay ng kaisa-isa kong anak at ng sanggol na nasa sinapupunan nito. Si Elise at ang pamilya Dela Franco ang may kasalanan at magdudusa" pagkatapos ay inalis nya ang pagkakahawak sa akin

"H-hindi ko alam. Tsaka d-dela Franco talaga a-ako?" Edi tama nga ang hinala ko? malinaw na malinaw nilang sinasabi kanina pa na isa akong Dela Franco!

"Pare-pareho ko na kayong binibigyan ng clue pero mga tanga yata kayo at huli nang nalaman. Kinalaban ka pa nga ng sarili mong ina, napakatanga talaga ni Elise" iiling-iling pa nitong sabi

"w-wala akong a-alam.. pakawalan nyo ako parang awa n-nyo na" humihikbi kong sabi dahil hindi ko na mapigilan ang nararamdaman ko. Bakit kailangang sa huli ko pa malaman ang lahat ng 'to? At sa ganitong sitwasyon pa?

"Oh dear. I will never do that. May gagawin pa kami sayo at sa pamilya mo" tuluyan na akong napaiyak sa narinig. Ni hindi ko manlang nakausap ng maayos at nayakap ng mahigpit ang tunay kong pamilya.

"Hmm.. tiktok.. tiktok.. tiktok.." napaangat ako ng tingin kay Mistress nang gumawa ito ng sounds. Tumigil din sya sa paglalakad paalis saka ako hinarap "..boom"

"Ihahanda na ho ba ang bomba, Mistress?"

"Yes. And wait for my signal before you torn on the timer of the bombs" ngumisi ito habang hindi inaalis ang paningin sa akin

Hindi pa ako handang mamatay.. please save me

Ethan's POV

"Are you really sure na sasama ka?"

"Yes dad" I answered while I'm checking my weapons in case na may makasalubong akong kalaban mamaya

"Why don't you wait them here? Marami namang pinadalang tao si Sadie kaya panigurado ay maililigtas nila si Eliana"

Maingat ko munang ibinaba sa lamesa ang hawak kong patalim bago lingunin si dad

"I want to save her, dad"

"But son.."

"I'll be fine. I promise"

"Nag-aalala lang ako. Ikaw na lang ang natitira kong pamilya dito dahil ang ate mo ay may sarili na rin at ayokong mapahamak ka"

Napataas ang sulok ng labi ko "I'm the King of my own gang, dad, I can handle myself"

Natawa na lang ako sa sarili kong kayabangan para mawala ang kaba ko. Hanggang ngayon pa rin pala ay takot syang mapahamak o masugatan ko. Dahil dati ay nung nagsisimula pa lang akong sumali sa mga racing, away, gang stuffs.. halos magpanic si dad kapag nakita akong sugatan. Hindi ko lang sya pinapansin noon dahil nga sa hinanakit ko sa kanya na sya ring dahilan kung bakit ako nagpasyang manirahan sa condo.

"Hey bro, nasa labas na yung mga tauhan ni Ms. Sadie. Are you ready?"

"Ready to kill them? Of course, I'm ready" I clenched my fist tightly

"Woah.. no killing bro, puruhan mo lang"

Pagkarating na pagkarating namin sa Gandwona Forest ay mabilis kaming pumwesto at naghiwa-hiwalay papunta sa gitna ng gubat. May iilan na raw na nakabantay na mga snipers sa paligid lalo na sa lugar kung nasaan si Eliana. Mas mabuti na hindi kami sabay-sabay na susugod dahil makakahalata sila. Kaya napagpasyahan ni Ms. Sadie na hatiin kami sa anim na grupo para sa mga susugod sa harapan, kanang gilid, likod, kaliwa, at ang iba ay maghahanap ng secret passage kung sakaling makatakas sila.

Nagtatago kami ngayon sa isang malaking puno nila Nathan at Dash. Malapit lang kami sa isang warehouse ng Ledesma. May iilang nakabantay sa gate at naglilibot kaya dapat mag ingat.

"Hintayin nyo muna ang signal ko bago tayo lumusob. Snipers muna kasi ang bahala sa mga guards na 'yan" paalala ni Dash na syang tinanguan namin ni Nathan

"Who's that?" tanong ko nang may mataan akong parang isang babae di kalayuan

"Fvck. What is she doing here?!" galit na pabulong ni Nathan kaya nilingon ko ulit yung babae

Sunod-sunod ang mura na pinakawalan ni Nathan nang lumapit ang babae sa mga guards. Napansin namin na parang nakikipagtalo ang babae sa guards at pilit na pumapasok sa loob. Halos ihagis na ng mga guards papaalis ang babae nang makarinig ako ng putok

"No one dares to hurt my girl" Nathan coldly warned

"Sino ba 'yang babaeng yan, Nathan?" Dash' asked

"She's my girl and also a ledesma"

"Wtf!" I exclaimed

"I'll tell you later what I found out about my girl. Huli ko lang din nalaman pero ang hindi ko alam ay kung bakit nandito sya. It's fvcking dangerous!" he explained and I can clearly saw that Nathan is worried about that girl

That girl looked familiar actually...

Parang sya yung nasa café na lagging kasama ni Eliana

I knew it! It's Eliana's Ate Anne!

"Maghanda na kayo, mukhang nakatunog na ang Ledesma" biglang nagsilabasan ang mga armadong lalaki pero isa-isang natumba dahil siguro sa mga snipers na nakapalibot dito. May iba na ring sumusugod kaya sumunod na rin kami

Baril lang ako nang baril habang papasok kami. Pero halos nanigas ako nang biglang yumanig ang lupa at may naganap na pagsabog sa loob

"No.. Eliana!" Tumakbo ako papasok at halos ihagis ko na at tadtarin ng bala ang nakakasalubong ko.

Nang maubos ang kalaban ko na syang pinuruhan ko lang at binaril sa binti ay nakarinig na naman ako ng panibagong yabag

"Bro, Ethan, Nalaman na nila kung saan posibleng itinago si Eliana"

"Saan?" mabilis kong sagot kay Dash habang si Nathan ay nakita kong kausap si Ate Anne na umiiyak

"May underground passage sa bandang dulo nitong warehouse. Sa may ilalim ng hagdan na nasa bandang kanan matatagpuan ang secret passage" sabay turo ni Dash doon sa banda kung saan maraming box at drum na nakalagay

Pero bago ako makaalis ay pinigilan ulit ako ni Dash at humawak ulit sa earpiece nya

"There's something wrong with that passage, Ethan"

"What is it?" mukhang may impormasyon syang nakuha ulit sa agency

"Ayan daw ang sumabog kanina. May tatlong room doon sa baba at ang isa ay nasusunog na habang ang dalawa pa ay heavily protected. Hindi kami sigurado kung nandoon sa isang kwartong protektado nila si Eliana lalo na at may iba pa silang bihag"

Mukhang narinig ni Nathan ang sinabi ni Dash dahil agad syang nagtungo sa secret passage na 'yon

"Damn it!!!! Where's my son?! I have to save him!" he shouted while Ate Anne is crying

Is that the reason why Ate Anne is here? They have a son who happened to be kidnapped by the Ledesma's too? But why?

<3