webnovel

An Ideal Love

What will happen if those people around you are just pretending? Including you? Yes, you can fool everyone but not yourselves Yes, you can deny it using your mouth with lies but your own actions and body will deny it for you. Will Eliana feel the Ideal love she wished with Ethan or it just stays as a simple Deal love? Their love story started in a deal or bet, but why is she expecting it to be real and an Ideal love? (This story may be cliché but I love cliché) -- ‼️ This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. Please do not distribute, reproduced, or transmitted this story in any form or by any means without the permission of the author. PLAGIARISM IS A CRIME.

cutiesize31 · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
34 Chs

Chapter 26

Eliana's POV

Halos nakagawian na namin na kapag weekend ay mamamasyal kami sa kung saan-saang amusement parks. Tapos bago kami umuwi ay kakain kami sa overlooking view na 'yon saka magkasamang papanoorin ang sunset.

At sa mga weeks na nagdaan ay masaya talaga kami. Ang ikinababahala ko lang ay ang kasabihan nila na kapag masaya ka, may lungkot ding darating sa susunod.

Kasalukuyan akong naghahatid ng mga order sa bawat table nang may mahagip ang paningin ko na papasok sa loob ng café. Nilapitan sya agad ni Kuya Gabriel saka iginiya papasok sa reserved room. Ang reserved room ay para sa mga tao na magpaparesereve kung may meeting na gaganapin.

"Sir Nathan?" tawag ko dito nang mapansin ko na nakatayo lang sya sa gilid at nagmamasid

"May vacant table po doon, bakit po nandyan lang po kayo?"

"No need. I'm just looking for someone"

Tumingin ako sa kanya saka sinundan kung saan sya nakatingin. Nakita ko na sa bandang cashier sya nakatingin.

"Wala po si Ate Anne. Absent po"

Nilingon nya ako saka halata ang pagkailang. Nginitian ko na lang si Sir Nathan.

"Diba po hinahanap nyo rin sya no'ng nakaraan? Kaya po naisip ko ay sya ulit and sadya nyo"

"Yeah.. so where is she?" napakagat labi naman ako at napaiwas ng tingin. Paano ko sasabihin na birthday ngayon ng anak niya at nasa apartment sya ngayon dahil naghahanda? Pero siguro nakaalis na si Ate Anne doon para puntahan na ang anak nya

"Eliana, I'm asking you"

"Ah.. eh.. may importante lang po na inasikaso"

"Ano?" mabilisang sagot nito

Hindi ako makasagot hanggang sa may pumunta sa gawi namin

"Oh Nathan! Anong kailangan mo?" tanong ni Ate Lucy na may malapad na ngiti

"I'm looking for Anne"

Pansin ko na natigilan si Ate Lucy pero kaagad namang nakabawi

"Wala sya dito. Nasa apartment sya"

"Saang apartment?"

Natawa naman si Ate Lucy "Wow. Ikaw pa hindi mo alam? Eh pinaimbestigahan mo nga ang kaibigan ko pero kulang kulang naman sa impormasyon at sa pagkakatanda mo ay alam mo rin kung sino sya kaya imposible namang pati kung saan sya nakatira ay hindi mo alam"

Nagpadala na lang ako sa pagkakahila ni Ate Lucy. At pagkatapos ay nagpasya kaming ituloy ang trabaho at hindi na muna pansinin si Sir Nathan at baka masabi pa namin na birthday ngayon ni Nate, ang anak ni Ate Anne.

"Eliana, pinapatawag ka sa reserved room" tawag sa akin ni Kuya Luis, ang isa pang waiter na kasamahan ko

"Bakit daw?" kinakabahan 'kong tanong

Napakibit balikat na lang ito "Hindi ko alam eh. Basta pumunta ka na lang"

Tumango na lang ako saka mabilis na tinapos ang pagpupunas ng lamesa. Nang makarating ako sa reserved room ay natulos ako sa kinatatayuan ko nang maabutan ko si Madam Elise. Oo nga pala, sya ang nagpareserve nito

"Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo, Madam?"

"Have a sit. I need to talk to you again" itinuro nya ang upuan na nasa harapan nya

"Ho? Pero oras ho ng trabaho"

"Eh bakit nung party ay napili mo pang agpahangin sa labas imbis na magcater sa loob?" natahimik naman ako sa sinabi nito at nahihiyang napayuko

"Sit" utos nya na sinunod ko naman kaagad

"I already told you to stay away from Ethan, right?"

Napabuntong hininga naman ako sa narinig. Bakit ba ayaw nyang tumigil?

"Hindi ho ako gano'ng kahina para sumuko agad. Tsaka pasya n aho namin ni Ethan 'yon"

"I want the best for my daughter so I'll do everything I can para tumigil ka sa ginagawa mo"

Ano ba kasi ang mga pinagsasasabi nung Veronica na 'yun para umakto ng ganito ang mommy nya?

"Hindi nyo ho ako—kami mapipigilan" mariin 'kong sagot saka umiwas ng tingin at napagisip-isip ko na umalis na pero agad nya akong pinigilan

"Wait.. Is that a birthmark?" nagtataka ko syang tiningnan bago ko pansinin ang tinuturo nya sa pulsuhan ko

"Huh? Opo birthmark po 'yan. Bakit?"

"It looks familiar" bulong nya na narinig ko naman "By the way, remember what I said. At kung ako sayo ay lalayuan mo na sila Ethan at ang anak ko lalo na at malapit na silang ikasal, kundi pagsisisihan mo"

"No. And that's my final answer"

"Really? Try me"

Pagkatapos no'n ay sya na mismo ang naunang lumabas at sumunod naman ang bodyguard sa kanya na nakabantay sa labas ng pintuan kanina.

"Bakit mo kausap si mom?" Halos mapatalon ako sa gulat nang may suulpot sa tabi ko

"Sir Nathan! Nandito ka pa rin?"

"I'm still trying to find Anne because she's not in her apartment. And I'm also waiting for mom. So ano ang napag usapan nyo ni mom? She looks mad earlier"

Napaiwas na lang ako ng tingin at nagdadalawang isip kung sasabihin ko ba iyon sa kanya. Baka kasi mamaya ay wala palang ideya si Sir Nathan sa ginagawa ng mommy nya

"Is this all about your relationship with my sister's fiancé, Ethan?" agad akong napalingon dahil sa binanggit nya saka unti-unting tumango

He sighed heavily "Ganiyan talaga si Mom when it comes to Veronica. She's so kind but I don't know what happened. Nagsimula lang iyan nang makita namin si Veronica at siguro ay naging super protective lang sya sa kapatid ko kaay nya nagawa 'yon"

"Protective? Ganun bay un? Eh halos takutin na nga ako ni Madam, iwanan lang si Ethan"

Napailing-iling naman si Sir Nathan "I already told her to stop the wedding dahil may nasasaktan sa ginagawa nya. Pwede naman naming tulungan ang Jimenez nang hindi ikakasal sila Veronica, but it's their choice, besides ginusto naman daw ni Veronica na ituloy ang kasal"

"Sinubukan mo po na pigilan ang kasal? Bakit?" hindi ko alam kung maiiyak ba ako o ano dahil may tao pa pala na nagmamalasakit sa nararamdaman at relasyon namin ni Ethan

"I saw how you two fight for each other, to fight for you love. Minsan ko na kayong nakita nang mapadaan ako sa park one day and I can truly say that you two deserves to be together. Nakita ko sa mga mata ni Ethan ang saya kapag kasama ka na kahit kalian ay hindi ko nakita kapag sila ni Veronica ang magkasama. pati ikaw, nakita ko kung paano ka ngumiti at tumawa kasama sya"

Napangiti ako ng maliit at kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko sa narinig ko "Pero wala na kaming magagawa. Sila na mismo ang pumipigil sa amin"

"I'll help you, Eliana. Don't worry. Dahil gusto ko na kahit papaano ay matulungan kita. Ayoko kasi na maranasan mo rin ang naranasan namin noon ni Anne. Yung tipong haos lahat ay pumiigil na magsama kami pero nandito pa rin ako, naghihintay at nagmamahal pa rin sa kanya"

"Maraming Salamat po, Sir Nathan"

"No. It's now Kuya Nathan for you.. my princess"

"Po?" hindi ko kasi narinig ang huling sinabi nya

"Nevermind. Sige, mauna na ako at hahanapin ko si Anne" mabilis itong naglakad papalayo pero nakita ko nab ago ito sumakay sa sasakyan nya ay kumaway pa ito sa akin at ganoon din ang ginawa ko

Nang matapos ang trabaho ay kaagad akong nag ayos at kinuha ko na rin ang cellphone ko. As expected, tinadtad na naman ako ni Ethan ng I miss you and I love you text messages.

Ganyan na ang gawain nya mula nang maging official na kami. I love this side of him. Clingy pero hindi naman nakakasakal. Sweet nga eh.

"Hey baby, how's work? Baka mamaya napapabayaan mo na ang sarili mo ha" kinuha nya ang gamit ko saka nilagay sa backseat

"Ayos lang pero syempre nakakapagod pa rin. May projects akong kailangan tapusin at pagkatapos ay may trabaho pa ako"

Pumasok na kami sa loob pero bago nya paandarin ang sasakyan ay hinawakan nya muna ang kamay ko

"Bakit hindi ka na lang tumigil muna sa pagtatrabaho? I'll help you about your finances, baby. Just please stop working" mabilis akong umiling bilang pagtutol

"Hindi naman pwede 'yon. Tsaka baka ano pa ang sabihin ng iba" baka sabihin na naman nila akong gold digger nyan. Hindi lang kasi matanggap ng mga iyon na ako ang naka serious relationship ni Ethan

"Anong mayroon do'n?" nagtataka kong tanong kay Ethan nang papasok na kami sa barangay. May usok kasi at mukhang may nasusunog

"Sht!"

Binilisan ni Ethan ang takbo ng sasakyan at ilang sandali pa ay naaninag na namin kung saan nanggagaling ang malaking usok na 'yon.

"Hindi.." mabilis akong lumabas nang makita ko na bahay namin ang nasusunog

May mga bumbero din na nandoon tapos nakita ko sila mama, papa, at Xander na nakaupo sa gilid. May kaunting gamit na nasa tabi nila at mukhang hindi nila nailabas ang lahat ng gamit namin

"'Ma? 'Pa? Ano po ang nangyari?"

"Anak! Anak mabuti at nakauwi ka na" niyakap ako ni mama ng mahigpit

"Naalimpungatan kasi ako 'nak tapos nakita ko na lang na may nasusunog na sa bandang likuran. Kaunti lang yung gamit na nailabas namin tsaka hindi pa rin namin alam ang pinagmulan ng sunog"

Nanghihina akong napaupo sa tabi ni Xander. Mabuti na lng at yung mga gamit ko ay nasa locker lahat kaya wala akong problema pero syempre yung ibang importanteng gamit sa bahay ay hindi rin nakuha.

Tiningnan ko ulit ang bahay namin na pinagtutulungan ng mga bumbero na mapatay ang apoy. Biglang sumakit ang ulo ko kaya napapikit ako.

Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, may biglang nag flash sa utak ko na katulad ng ganitong pangyayari. May bahay na nasusunog habang ako ay umiiyak lang sa gilid at pagkatapos ay may kumuha sa akin.

Natigil ako sa isipan 'kong iyon nang mahagip ng paningin ko si Ethan pagkadilat ko. Binigyan nya ako ng tingin na 'ok ka lang?' at tumango naman ako. Nakita ko sya na may kausap sa cellphone tapos pamaya-maya ay kinakausap nya yung iilang bumbero

"Ayos lang ho ba kayo? Pwede naman ho kayo makituloy muna sa amin. I'll just talk to my dad" akmang kukunin ni Ethan ang cellphone nya nang umiling sila papa

"Hindi na hijo, salamat na lang, sa perya muna kami mananatili" hindi na nagpumilit pa si Ethan at tumango na lang

Tumayo ako saglit at naglakad papalayo nang nakita ko na may nagtext sa akin. Unknown number lang ang nakalagay pero nakilala ko na agad sya dahil sa laman ng text message nya

From: 0986*******

I already told you, dear, that I can do everything in just a snap. Ano? Lalayuan mo pa ba 'yang sila Ethan at ang anak ko o isusunod ko na ang perya nyo?

<3