webnovel

An Ideal Love

What will happen if those people around you are just pretending? Including you? Yes, you can fool everyone but not yourselves Yes, you can deny it using your mouth with lies but your own actions and body will deny it for you. Will Eliana feel the Ideal love she wished with Ethan or it just stays as a simple Deal love? Their love story started in a deal or bet, but why is she expecting it to be real and an Ideal love? (This story may be cliché but I love cliché) -- ‼️ This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. Please do not distribute, reproduced, or transmitted this story in any form or by any means without the permission of the author. PLAGIARISM IS A CRIME.

cutiesize31 · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
34 Chs

Chapter 25

Eliana's POV

"Huwag mo akong iwan please. Baby, please trust me, gagawin ko ang lahat"

Inalo ko sya saka niyakap pa sya lalo. I finally decided about us.

"Oo na. I'm giving you a second chance, Ethan. I'll trust you, pro—"

He stopped me using his lips. He kissed me gently and hugged me tightly.

Nang mapabitaw kami ay agad nyang hinawakan ang magkabila kong pisngi saka binigyan akong ng matamis na ngiti. Ngayon ko lang ulit nakita 'yang ngiting 'yan.

"Thank you. Thank you so much for giving me another chance. I promise, I'll do everything for you, baby"

Akma pang hahalikan nya ulit ako nang pigilan ko sya

"Hep hep hep"

"Should I say hooray hooray hooray?" inosente nyang tanong kaya natawa ako

"Huwag mo nga akong halikan. Nanliligaw ka pa lang diba?" nakapamewang kong sagot

He groaned "Why? Pwede namang tayo na agad diba?"

"Hmm" umakto ako na parang nag iisip kaya napasimangot sya

"Hmm may point ka. Bakit pa ba natin patatagalin pa 'to diba? Sasagutin ba rin naman kita pero sige, iadvance na natin. Sa tingin mo?"

Nakita ko ang gulat sa mata nya saka napasuntok pa sa hangin

"Fvck! This is so fvcking amazing!"

"Hey huwag ka ngang magmura!" saway ko dito

"Kiss me. Para hindi na ako magmura" alam ko na nang aasar lang sya dahil sa ngisi nya pero tinotoo ko naman. Sa magkabilang pisngi ko lang sya hinalikan at pagkatapos ay tinitigan ko sya ulit

Umiwas sya bigla ng tingin. Teka, namumula ba sya? Hahaha ang cute nya.

"Stop staring at me, baby" tumalikod pa sya kaya lumipat ako ng pwesto sa harapan nya pero tumalikod sya ulit hanggang sa paulit-ulit lang ang ginawa namin

"Nagbblush ka ba?"

"Blush? No! Mainit lang kasi" pagsusungit nya pero halata naman sa tenga nya at mukha na namumula. Kahit gabi na kasi ay kita ko pa rin ang mukha nya dahil sa poste ng ilaw na nasa tabi namin tapos maliwanag pa nag buwan ngayon.

Aasarin ko na sana sya ulit nang tumalikod sya saka naglakad papalapit sa sasakyan nya. Nagtaka ako kung bakit kaya sinundan ko na lang sya pero naglakad ulit sya ng ilan pang hakbang at napansin ko na may tinawagan sya.

Aalis na sana ako dahil nasa isip ko ay importante ang tawag nu'n kaya maglalakad na sana ako ulit papalayo nang aksidente kong marinig ang sinabi nya

"Ate Ella? Hello, Ate Ella. I have good news for you"

"O ate huwag kang mabibigla ah. Baka mamaya manganak ka na lang bigla dyan, lagot ako sa asawa mo" natawa ako nang bahagya sa sinabi nya

"Eto na nga ate, hindi makapaghintay"

"Ayun nga ate. May girlfriend na ako! Sinagot na ako nung nililigawan ko ate!" napapasuntok pa to sa hangin saka nakangiti sya ng malaki pero napalitan iyon ng lungkot. Ngumuso kasi sya saka napatigil sa pagsasaya

"Hindi ka naniniwala?" Kinabahan ako nang lumingon sya sa gawi ko saka lumapit sa akin

"Turn on your cam, ate" at doon ay nakita ko ang ate nya na katabi ang asawa nito

Mas lalo pa akong nagulat nang buksan din ni Ethan ang cam nya at saktong nakatutok sa amin. Inakbayan nya ako saka ngumisi

"Here's my girlfriend, Eliana" pagpapakilala nya sa akin saka ako hinalikan sa sintido ko

Namula naman ako nang humagikgik ang ate nya

"Sigurado ka bang walang diperensya 'yang mata mo, Eliana? Bakit mo pinatulan 'yang kapatid ko? Tamad nga yan sa bahay eh paano pa kaya kapag naging mag asawa na kayo?" mas lalo akong namula dahil doon. Asawa agad? Grabe nakakahiya

"Edi pag-aaralan ate! Tsaka para sa baby ko, kaya kong gawin ang lahat" mas lalo nya akong niyakap saka hinalikan sa pisngi. Grabe ganito ba 'to maglambing?

"Ang sweet! Sige, dahil dyan ay kukunin kong ninang ng anak ko si Eliana! Uuwi naman kami kapag bibinyagan na ang baby namin. O sya, bye na! Kakain muna ako"

"Kakakain mo palang, sweetie ah?"

"Eh sweetie, I'm still hungry pa eh"

Natuwa naman ako nang lambingin ni ate Ella ang asawa nya. Ang cute nilang tingnan. Ilang saglit pa ay namatay na ang tawag.

"Ayan, kilala ka na ni ate, kilala ka na ng pamilya ko"

Hindi ko mapigilang mapangiti dahil doon. Ngayon ay masasabi ko na talaga na kami na. Na may pinanghahawakan na kami para sa isa't isa.

Naupo muna kami sa gilid ng kalsada. Napayuko tuloy ako nang maalala ko ang mga pinagsasasabi ko sa kanya kanina. Nakakaguilty lalo na't alam ko na nasaktan ko talaga sya.

"Hey, is there a problem?" nag aalala nyang tanong

Ihinilig ko ang ulo ko sa balikat nya kaya inakbayan nya ako.

"Sorry, Ethan" panimula ko

"Bakit ka nagsosorry, baby?" nagtataka nyang tanong

"Sorry sa mga nasabi ko kanina. Hindi ko lang talaga kinaya yung nararamdaman ko kaya ko nasabi ang mga 'yon. Namura pa tuloy kita"

"It's fine. Alam 'kong nadala ka lang ng galit kaya mo nasabi iyon. Basta ang tatandaan mo lang ay pinagtagpo tayo at itinadhana, maliwanag ba?" nakatitig sya sa mga mata ko at sunod-sunod naman akong tumango sa sinabi nya. Naguguilty tuloy ako dahil kabaliktaran no'n ang sinabi ko kanina.

Maya maya pa ay nagpasya na syang umuwi nang mahuli nya akong pahikab-hikab na. Ngayon ko naramdaman ang pagod kaya pinagpahinga na nya ako. Pero bukas ay buong araw kaming magkasama dahil may pupuntahan daw kami. Wala akong kaide-idey pero excited na ako sa date namin

Oo date yon. Walang aangal.

Nakasuot ako ngayon ng black high waist jeans at black halter crop top. Ang sabi kasi nya ay magsuot ako ng damit kung saan ako komportable. Basta huwag lang daw dress na maikli.

Nang marinig ko ang busina sa labas ay nagmamadali akong lumabas at naabutan ko syang kausap ni mama. Nangako sya kay mama na hindi nya ako pababayaan sa lakad namin at iuuwi nya ako ng buo.

Napangiti na lang ako dahil sa malapit na sya sa mga magulang ko. At maganda iyon para sa akin. Walang problema.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko habang kinakabit ko ang seatbelt ko

"It's a surprise for you, baby" sagot nya na ikinaexcite ko

Tahimik lang kami buong byahe pero kapag may tugtog sa stereo ay sinasabayan namin. Madalas din ay hawak nya ang kaliwang kamay ko gamit ang kanan nyang kamay.

Nang tumingin ako sa labas ay napansin ko na pamilyar ang tinatahak naming daan. Kung hindi ako nagkakamali ay papunta kami ngayon sa perya!

"Sa perya tayo pupunta?"

Nilingon nya ako saglit saka nginitian "I want to go there with you again like the old times. I miss those days with you, baby"

Napangiti na lang ako saka nagmamadaling bumaba nang makarating kami sa perya. Sakto lang din ang dating namin dahil kakabukas lang nito. Nakakatuwa nga na naiparenovate nila ito noong nakaraang taon pero nag aalala pa rin ako dahil hindi na ganoong malaki ang kita ng perya sa panahon ngayon lalo na at iilan na lang ang mga batang namamasyal dito.

Una kaming pumunta sa mga booths. At hindi naman nasayang ang pera namin dahil lahat ng napuntahan namin ay may napanalunan kami.

"Doon naman tayo, baby ko" pagtawag ko sa pansin nya saka itinuro yung may basketball ring tapos life sized teddy bear ang price

"What did you say?"

"Huh? Ang sabi ko doon tayo"

"Did you just call me 'baby ko'? Fvck! I love that"

"Parang tanga 'to. Kinikilig ka na naman sakin" hinawi ko ang buhok ko saka sya inasar

"Tanga? Tinawag mo akong tanga?"

"Are you deaf, baby ko?" naiinis kong tanong sa kanya. Kanina pa tanong nang tanong eh natinig naman

"Tapos ngayon deaf? Gusto mong mahalikan ng dalawang minuto? Walang hingahan?" pananakot nya sakin pero syempre, papatalo ba ako?

"Kapag nakashoot ka doon" turo ko sa booth na may basketball ring "tapos mapanalunan mo yung life sized teddy bear, ikikiss kita kahit ilan pa 'yan"

"Are you sure? Deal?" paniniguro nya at tumango lang ako

"Deal" sagot ko tapos nauna nang pumunta doon sa booth

Nag abot sya ng pera saka ako nilingon at kinindatan.

"Nakalimutan mo yatang MVP sa basketball 'tong boyfriend mo?"

Ay pota asdfghjkl

Oo nga pala!!!

Lugi ako nito panigurado sa deal!

"Ang daya mo, babe" pagpout ko pero tinawanan nya lang ako

"I'm so excited to kiss you later" he smirked before he shoot the ball he's holding

And as expected, nakakuha sya ng maraming points na ang katumbas ay 'yung life sized teddy bear.

"Here's your teddy bear, baby" akmang kukunin ko na ang teddy bear na hawak nya nang ngumuso sya

"Kiss muna" napairap na lang ako saka sya hinalikan sa pisngi

Pagkatapos ay mabilisan 'kong inagaw ang teddy bear bago tumakbo

"Wala akong sinabi na sa lips lang! Kaya huwag kang magtantrums dyan dahil kiss pa rin iyon kahit sa cheeks mo lang" sigaw ko saka tumakbo papalayo nang makita ko na tumakbo na rin sya papunta sa gawi ko

Tawa lang kami nang tawa hanggang sa napadpad ako sa tent kung saan nagmamagic show si Lolo Cris noon. Wala pang tao dahil may schedule 'yon. Tumingin ako sa likuran ko at hindi ko nakita si Ethan.

Nang lumabas naman ako ay nakita ko na may nagpapapicture sa kanya. Kaya naman pala napansin ko na parang marami agad ang customer nitong perya ay dahil maraming babae ang sumusunod sa kanya. The perks of being handsome and the King of DKG.

"Ehem" nagfake cough ako kaya napunta sa akin ang pansin nilang lahat

"Excuse me, may date pa kami ng baby ko" malakas na loob kong sabi pero tinaasan lang ako ng kilay nung isa

"Boyfriend mo 'to? Hindi kayo bagay"

"Malamang kase tao kami" pabalang kong sagot dun sa babae na may blonde na kulay ang buhok pero hindi bagay sa skin nya.

"Makaangkin ka akala mo sayo si pogi"

"Oo nga! Inggit ka lang kase!"

Magpoprotesta pa sana ang iba nang bigla akong nilapitan ni Ethan saka inakbayan at hinalikan ang pisngi

"She's my girlfriend so stop attacking her with your words. It's annoying" pagkatapos ay umalis na kami doon

"Nakakainis sila" naiirita kong sabi kay Ethan

"Huwag mo na silang pansinin"

"Nakakabadtrip kasi! Tapos para namang tuwang-tuwa ka kase kilala ka nila kahit dito pa. Ni hindi ka nga umalis agad eh" napakrus ako ng braso habang sya ay mas hinigpitan ang pagkakayakap sa akin

"Oh wag ka na magselos" kinuha nya ang cellphone nya sa bulsa nya saka nya itinapat sa amin

"Let's take a picture para hindi ka na magtampo pa"

Natawa na lang ako dahil yung unang picture ay serious face kami pareho tapos nakasmile at ang sumunod pa ay puro wacky na.

"Stop wasting your time to them. Basta ang isipin mo na lang ay ang tungkol sa next surprise ko sayo"

Gulat akong napatingin sa kanya "Meron pa?"

"Of course, baby"

Napanguso ako "Iniispoiled mo talaga ako noh"

Natawa sya saka ako inalalayan papasok ng sasakyan nya

"Of course. Because you're my baby" kinindatan nya ako bago isara ang pinto saka nagtungo sya sa driver seat at nagsimula na kaming umalis

Halos ten to fifteen minutes lang ang byahe namin. Sobra nga akong naexcite nang makuta ko ang dinaraanan namin kanina. Papunta lang naman kasi kami ulit sa overlooking place!

Nagtatatakbo ako papunta sa damuhan habang dala ang teddy bear ko na pinangalanan kong Elthan.

Elthan yon walang aangal. Tsaka Thalia sana kaso gusto ko sa magiging anak namin iyon ipapangalan.

Aish! Ang advance ko mag isip!!!

"Wow! Maganda rin pala ang tanawin kapag maliwanag" mabuti na lang at hindi masyadong mainit ang sikat ng araw sa balat. Mga hapon na rin kasi.

Nilingon ko ulit si Ethan sa bandang likuran at nakita ko sya na may bitbit na malaking tela at basket.

"Magpipicnic tayo?" He smiled and nodded

"Yehey! Nakakatuwa naman! Thank you for this wonderful day, baby" malambing kong sabi saka sya tinulungang mag ayos ng pagkain namin

Pagbukas namin ng mga tupperware ay may sandwich, chicken lollipop, sliced fruits, pizza, at juice. Napangitinaman ako sa pagkakaayos at organize ng mga pagkain. Kahit hindi perfect ang pagkakaluto dahil yung iba ay may isang side na sunog pero sa tingin ko ay makakain naman tapos yung sliced fruits ay iba-iba ang laki ng pagkakahiwa.

"Ikaw ang naghanda nito lahat?"

"Ahmm.. yeah. And humingi lang ako ng tulong kay manang at sa cook namin sa bahay. Alam mo naman, wala akong hilig sa pagluluto pero sure ako na makakain naman yan at hindi nakakalason"

I can't help but to hug him "Thank you for the effort. I really appreciate it" and then I kissed him on his cheeks kaya shmimangot naman sya at natawa ako. I'm just teasing him. And after that, I finally kissed him fully on his lips. I can feel that he's smiling because of what i did.

Agad akong bumitaw sa halik nang mapansin ko na prang wala syang balak kumalas.

"Kainin na natin 'tong mga niluto mo. Proud ako sayo, baby. A for Effort!"

Nginitian nya ako saka sinubuan ng sandwich. Pagkatapos ay ganoon na ang nangyari. Susubuan nya ako tapos ako naman ang magsusubo ng pagkain sa kanya na gusto nya.

At the end, before we leave, we watched the sunset together. It's so beautiful and wonderful day for us.

<3