webnovel

An Ideal Love

What will happen if those people around you are just pretending? Including you? Yes, you can fool everyone but not yourselves Yes, you can deny it using your mouth with lies but your own actions and body will deny it for you. Will Eliana feel the Ideal love she wished with Ethan or it just stays as a simple Deal love? Their love story started in a deal or bet, but why is she expecting it to be real and an Ideal love? (This story may be cliché but I love cliché) -- ‼️ This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. Please do not distribute, reproduced, or transmitted this story in any form or by any means without the permission of the author. PLAGIARISM IS A CRIME.

cutiesize31 · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
34 Chs

Chapter 24

Ethan's POV

I keep on sending text messages to Eliana but she didn't reply. Is there something happened to her?

"Is there a problem? Kanina ko pa kasi napapansin na patingin-tingin ka dyan sa cellphone mo" I can hear in her voice that she's worried but I don't care

"Mind your own business, Veronica" I answered coldly

"But you're my business, Ethan" she wrapped her hands on my arms and I can't remove it because of the people around us

Kapag kasi namahiya ako ng tao, memorable 'yon sa lahat. May respeto pa rin naman akong natitira para sa kanila kaya hindi ko 'muna' sila ipapahiya.

"You look good together, Ms. Dela Franco and Mr. Jimenez"

"Oh thank you, Mr. Lim. And we're also expecting you to our wedding!" natutuwa pang sabi ni Veronica pero ako hindi natutuwa

I just look around and then I saw William, he's going outside.

"Excuse me, may aasikasuhin lang ako saglit" aalis na sana ako nang biglang humigpit ang hawak sa akin ni Veronica

Pinisil ko ang kamay nya saka dahan-dahang inialis ang kamay nyang kapit na kapit sa braso ko.

"Just stay here" tipod kong sabi sa kanya

Nagmamadali akong naglakad nang maialis kaagad ni Veronica ang pagkakahawak nya sakin. Damn it! Para syang linta kung makakapit. Hindi lang ako makaiwas dahil maraming tao sa paligid pero deep inside, nagsosorry na ako kay Eliana.

I'm still finding a way para hindi matuloy ang kasal. And I'm just waiting for Sadie's investigation.

I suddenly stopped walking when I saw a familiar woman, serving foods at the Japanese dish station.

"Ate Lucy?"

I saw her shocked face when she lit up her face

"Is Eliana here too?" I asked nervously

"Ah oo pero nasa labas sya ngayon, nagpapahinga dahil may masakit sa kanya"

"What? What happened? Anong masakit sa kanya?" I blurted

"Puso nya" she murmured and then she continued serving foods to the guests

Her heart? Does she have a heart disease?

I gasped when I'm thinking about what could possibly happen to her if she have a heart disease. Kaya naman nagmamadali akong lumabas para hanapin at kausapin sya

But I felt my breathing stopped when I saw her with William. They're hugging.

"Don't fvckin' touch my girl, Ledesma!"

Napatingin naman sila sa akin peor yung kamay ni William ay nakayakap pa rin kay Eliana. I look at him darkly and I clenched my fist because I really want to punch that sht.

"You don't deserve her, Jimenez"

Nanggigigil naman akong napatingin sa puny*tang nagsalita

"At sino ang mas deserving kay Eliana? Ikaw?!"

William stood up an smirked "I think so. Gusto ko si Eliana kaya gagawin ko ang lahat, huwag lang syang masaktan kagaya ng ginawa mo sa kanya ngayon" nilingon nya si Eliana na humihikbi pa "Look at her you mor*n! Ganyan ba ang ginagawa ng lalaking deserving para sa kanya?!"

I saw how Eliana tried to wipe her tears but It keeps on rolling down on her cheeks. Nanlambot ako nang marealize ko na kagagawan ko kung bakit sya umiiyak at nasasaktan ngayon.

But I'm doing everything I can! Kung sino-sino na ang kinausap ko para tulungan ako. Kung ano-ano na rin ang ginawa ko para matigil 'to pero wala pa ring nangyayari.

I walked towards her. Lumuhod ako sa harapan nya saka pinisil ang kanang kamay nya "Eliana... baby, please trust me. I'm doing everything I can para mapigilan ko ang nakatakdang kasalan na 'to"

Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa nang umiling sya "No, hindi ko na kaya. Hindi na natin kaya pa 'to. Ayoko na. Itigil na natin 'to"

"Hindi... Kaya natin 'to. Please, trust me. Mahal na mahal kita, Eliana" fvck. I think I'm gonna cry

"Baka nga hindi talaga tayo ang para sa isa't isa, Ethan. Hindi---"

I can't hear those words so I imeediately hugged her tightly. Umiling iling ako nang pinipilit nyang makawala sa yakap ko. Ayoko. Ayoko... Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong pagmamahal. I can be selfish when it comes to her.

"Ethan, ano ba!" she shouted

Agad naman ako napakalas sa kanya dahil may humila sa 'kin sa bandang likuran

"P*tangna Jimenez! Sinabi na nga nyang suko na sya diba? Hindi ka ba nakakaintindi?!"

Sa galit ko, sinuntok ko na si William. But I suddenly stopped when Eliana shouted and stopped me from punching this fvcker.

"Ethan! Magtigil ka na nga! Huwag ka nang mandamay, pwede ba?! Ayoko na, ok? Makakasira lang ako sa bubuuin nyong pamilya ni Veronica kung mananatiling tayo. Ayoko na ng ganito.." nanigas ako sa kinatatayuan ko nang umiyak na naman sya "Hindi ko na kaya. Tsaka sa tingin ko ay magiging mabuting asawa sayo si Veronica, kaya sana ay ganun ka rin sa kanya. Pinahihirapan lang kasi natin ang isa't isa kapag nagpatuloy pa tayo. Sa tingin mo ba sasaya ako sa ganito? Maramot ako kapag gusto ko ang isang tao. Gusto ko na sa akin lang sya..."

"Eliana, please trust me on this. May nakausap na ako para matigil ang kasalan. O kaya ay kausapin ko sila para hindi matuloy ang kasal. Kung hindi pumayag ay magtanan na tayo! Ayokong malayo sayo, Eliana, and I love you that's why I'm doing everything I can. Hintay lang.." pagmamakaawa ko sa kanya pero iniwas lang nya ang paningin nya sa akin

Nilapitan ko sya at handa ko na sana syang yakapin ulit pero pinagpapalo nya lang ako saka sya humakbang papalayo

"P*tang*na, tumigil ka na! Tumigil na tayo! Wala na itong patutunguhan pa. Marami pa akong pangarap sa buhay at sa tingin ko ay hindi ko magagawa iyon kung nandyan ka palagi. Puro na lang problema nang magkalapit tayo, kaya parang-awa mo na, palayain na natin ang isa't isa! Tandaan mo, baka nga pinagtagpo tayo pero hindi itinadhana"

Hindi na ako nakagalaw pa sa kinatatayuan ko dahil sa narinig. Ang sakit pala malaman na ikaw ang sinisisi ng taong mahal mo kung bakit puro problema ang nangyayari sa araw-araw. Ang hirap pala na sumuko na sya dahil ayaw na nya, hindi na nya kaya pang manatili sa tabi ko.

Basta ang huli ko na lang na naaalala ay ang paghigit nya kay William at ang pag-alis nila pareho. She choose William over me. Kasi si William, kaya syang hindi bigyan ng ganitong problema.

Fvck this feeling! I want to get drunk now. Baka sakaling hindi ko na maramdaman ang sakit kahit sa maikling oras lang.

But I choose to follow that m*therfvcker's car. And I won't give up on us, Eliana my love.

Eliana's POV

"Ano? Ayos ka na ba? Marami pa akong tissue dyan na nakatabi"

"Thank you, William. Hindi ko talaga na ineexpect na ikaw pa ang tutulong sa akin"

Ilang segundo lang nya ako binigyan ng tingin bago itinuon muli sa daan ang pansin.

"When I saw you crying alone, tinulungan agad kita. I know that you need someone's shoulder to cry on and I was willing to give it to you"

Nang makita kasi nya ako ay halos humagulgol na ako. Nagulat ako noong binigay nya sa akin ang panyo nya. yempre hindi koi yon tatanggapin noong una hanggang sa tumabi sya sa akin at saka ako niyakap. Doon pa lang sa move nya na iyon, nakaramdam ako ng ginhawa at mailabas ang bigat sa pakiramdam ko.

Napangiti ako ng tipid "Akala ko hindi ka mabait, hindi pa lang pala kita nakikilala talaga"

"Yeah. I am known as the master of Dark Demon Gang pero hindi ibig sabihin nu'n na demonyo rin ako. Bwisit kasi sila Julius, ayun pa talaga ang ipinangalan sa gang namin. Mukha raw kasi kaming mga demonyo, ulul sila lang 'yun, nandamay pa mga gag*" pigil ang tawa ko nang mabakas ko sa boses nya ang inis

"Huwag mong pigilin 'yang tawa mo, baka sa ibang parte pa ng katawan mo 'yan lumabas" tuluyan na akong natawa sa nangyari. Ewan ko ba pero gumaan kahit papaano ang nararamdaman ko ngayon

May naisip agad akong kalokohan sa isipan ko kaya agad ko syang nilingon na seryosong nagmamaneho

"May joke ako" naeexcite 'kong sabi

"Matatawa ba ako dyan?" tanong nya pabalik

"Depende kung anong level ang happiness mo" ako kase mababa lang eh. Kahit nga siguro corny-ing joke, pinapatulan ko

Napahagikgik ako nang maalala ko ulit ang joke ko sa kanya habang sya ay napapangiti kahit maliit lang

"Fine. What is it?"

"Ehem ehem.. so ito na nga" Huminga muna ako nang malalim pero natatawa ako

"Tatawa ka na lang ba o ipagpapatuloy mo ang joke mo?" pagsusungit nya kaya sinamaan ko ng tingin

"Eto na nga oh!" huminga muna ako nang malalim bago magsalita

"Ano sa tingin mo ang magiging pangalan mo kung makakabalik ka sa past?" nagpipigil ako ng tawa hanggang sa sumagot sya

"Ano?"

"Edi Wouldiam Ledesma..." Tumawa ako ng malakas tapos napapalakpak pa

William - Wouldiam

Galing ko noh? HAHAHAHA

"Huy tumawa ka naman. Supportahan mo naman yung joke ko" tinusok-tusok ko pa ang pisngi nya pero wala syang kibo

Napanguso naman ako saka ipinagkrus ang braso ko. hmp!

"Saglit tayong manatiling tahimik para sa namayapang joke ni Eliana" yumuko pa ito kaya mas lalo akong napanguso

"Ang bad ha! Hindi na nga ako magjojoke sayo hmp!" he just chuckled

Nanlaki agad ang mata ko nang may maalala ako. May trabaho pa nga pala ako! Ano na ang gagawin ko? Paano suweldo ko nyan? Sayang naman

"Oh bakit natataranta ka dyan?"

"Ang tanga ko! Nakalimutan ko na may trabaho pa nga pala ako kanina!" nagulo ko ang buhok ko kaya tinanggal ko na lang ito sa pagkakapusod. Arghh!!! Pati yung gamit ko doon ay naiwan ko pa

"Gusto mo bang bumalik tayo?"

"Ayos lang ba sayo? Nakakahiya kasi. Tsaka papasok na tayo ng San Nicholas oh" turo ko sa arko na may nakalagay na 'Welcome to San Nicholas'

"It's fine. Tsaka wala naman akong ibang gagawin at pupunatahan pa" sagot nya. Tiningnan ko muna ang orasan at nakita ko na magaalas-diyes na rin. Ang alam ko ay ang tapos ng party ay mga ganitong oras lang din

"Huwag na, siguro nagliligpit na rin sila. Ang alam ko ay hanggang 10pm lang kami tapos may iba nang darating para maglinis ng venue"

Tumango na lang sya saka naman itinuro ko ang daan kung saan na ang bahay namin. At ilang saglit pa ay nakarating na rin kami.

"Salamat ulit, William. Maraming Salamat talaga. Nag abala ka pa"

"Hindi ka abala sa akin, ok?" nginitian ko lang sya bago ko tanggalin ang seatbelt ko, pero bubuksan ko na sana ang pintuan nang pigilan nya ako

"Here" sabay abot nya ng cellphone nya sa akin "Ilagay mo ang number mo dyan para kapag may problem ka, I'm only one call away"

Hindi na ako nag isip pa nang matagal at inilagay ko ang number ko doon. Ngayon ko nakumpirma talaga na may mabuti rin syang puso. Na hindi sya iyong tipo ng tao na inaakala ng lahat.

Kumaway muna ako sa kanya bago sya tuluyang umalis. Bubuksan ko na sana ang gate nang may pumigil sa akin.

"Eliana. Baby, please, let's talk"

Hinawi ko ang kamay nya saka sya tinalikuran pero mapilit talaga sya

"May dapat pa ba tayong pag-usapan?" gamit ang malamig na tinig 'kong sabi

"Please, Eliana, Please. Hindi ko kaya na mawala pati ikaw sa akin. I already lost my mom at ayokong mawalan pa ng isa pang importanteng babae sa buhay ko. Mahal na mahal kita. Please ayusin natin 'to."

Hindi na ako nakagalaw nang hilahin nya ako para yakapin. Mas lalo akong natigilan nang maramdaman ko na may parang basa sa parte kung nasaan nakapatong ang ulo nya. Naririnig ko rin ang mahihinang hikbi

Is he crying?

Dahan-dahan ay iniangat ko ang mga kamay ko para yakapin sya pabalik. Napabuntong hininga na lang ako saka napailing. Nakapagdesisyon na ako. At sana ay kayanin namin ang magiging kahihinatnan nito.

<3