webnovel

An Ideal Love

What will happen if those people around you are just pretending? Including you? Yes, you can fool everyone but not yourselves Yes, you can deny it using your mouth with lies but your own actions and body will deny it for you. Will Eliana feel the Ideal love she wished with Ethan or it just stays as a simple Deal love? Their love story started in a deal or bet, but why is she expecting it to be real and an Ideal love? (This story may be cliché but I love cliché) -- ‼️ This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. Please do not distribute, reproduced, or transmitted this story in any form or by any means without the permission of the author. PLAGIARISM IS A CRIME.

cutiesize31 · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
34 Chs

Chapter 23

Eliana's POV

Araw ng Linggo ngayon at papunta na kami sa sinasabing lugar ni Ate Lucy na paggaganapan ng party.

"Ate Lucy" tawag ko dito

"Hmmm?"

"Bakit ayaw ni Ate Anne na sumama sa catering? Maayos naman ang sahod na ibibigay ah"

Pansin ko na napakagat-labi si Ate Lucy at mukhang nag-aalangang magsalita

"Eliana, ahmm pwede ba kita mapagkatiwalaan?" hindi na ako nagdalawang isip na tumango at saka bigla na lang akong hinilan ni Ate Lucy sa bandang dulo ng van kung saan walang nakaupo

Habang nagkukwento si Ate Lucy ay paunti-unting nanlalaki ang mata ko sa nalalaman. Hindi ako makapaniwala na ganoon pala ang pinagdaanan ni Ate Anne.

"Huwag mong ipagsasabi ang tungkol diyan. Tsaka ayaw na rin kasi minsan pag-usapan ni Anne kaya tumatahimik na lang kapag nababanggit ang Dela Franco. At ang hirap din ng dinanas nya doon, sobrang nagsisisi sya sa ginawa nya" dugtong pa nito

"Eh si Mr. Nathan? May idea ba sya tungkol kay Nate?"

Umiling naman si Ate Lucy "Wala. Gustuhin man namin ni Anne na ipaalam, hindi pwede. Baka mamaya kasi ay gamitin ng magulang ni Anne si Nate laban sa ama nito"

Natigil lang kami sa pagkukwentuhan ni Ate Lucy nang makarating na kami sa DF Estate Place. Pag-aari ito ng Dela Franco at kapag nakapasok ka dio ay talagang malulula ka sa sobrang lawak nito kaya siguro dito nila naisipan na ganapin ang party.

"Ay Ate Lucy, anong party nga pala ang gaganapin dito?" hindi kasi ako nakapagtanong pero ngayon ay nacurious ako dahil sa ganda ng ayos ng lugar

"Engagement party"

"Grabe, napaka engrande naman" namamangha ko pang inilibot ang paningin ko.

Nagmistulang parang isang garden ang buong lugar. Punong-puno ng rosas ang dingding at may mga ilaw din na nakasabit doon sa itaas. May dalawang malaking chandelier na nasa bandang unahan at dulo nakakabit. Tapos ang stage ay may mala-garden din na design at ay sofa sa gitna. Para naman sa table setting, may flower vase sa gitna ng lamesa at ang mga plato at kutsara ay kulay gold na mahahalata mong mamahalin ang mga ito.

Nasa bandang kanan kami nakapuwesto dahil sa bandang kaliwa ay ang wine station at dessert station. Magkatabi kami ni Ate Lucy na naka assign sa Japanese dishes. Oo nga pala, may limang klaseng dish na nakahanda dito; Filipino dish, Japanese dish, Italian dish, American dish, at French dish.

Grabe. Engagement party pa lang 'to pero binonggahan na? Sabagay, ang alam ko ay dalawang makapangyarihan ang mga magulang nung ikakasal.

Pati nga rin kami ay may uniform. Sa mga babae ay white long sleeve at black pencil cut skirt. At sa mga lalaki naman white long sleeve din at black pants.

Bago namin itabi ang mga gamit namin, chineck ko muna kung may text ba si Ethan ngayon. Kahapon kasi ay parang nawala sya sa mood pagkatapos nyang tingnan ang cellphone nya. Dahil ba iyon sa nagtext o wala lang talaga sya mood?

From: Ethan

Where are you? I miss you already

To: Ethan

Work. May nagpacater kasi na kakilala ni ate Lucy. Bakit?

Miss you too po

From: Ethan

Pupuntahan kita bago umuwi. Matatagalan ka ba?

To: Ethan

Siguro. Party kasi at mukhang late magsstart. Saan ka ba pupunta muna?

"Eliana! Tara na daw sabi ni boss. Paparating na yung iilang guests" tawag sa akin ng isa naming kasamahan kaya inilagay ko na sa bag ko ang cellphone ko saka pumwesto na.

"Wow, I can say na ang swerte ni Veronica, right?"

"Yeah right, isa pa sa DKG ang mapapang-asawa nya"

"Her family is so mayaman din. She's so lucky"

Natigilan ako nang matapos ako sa pagseserve ng pagkain sa isang guest nang marinig ko ang pamilyar na mga boses na 'yon. Hindi ako pupwede na magkamali, mga kaibigan ni Veronica 'yon!

Bahagya ako nag-angat ng tingin at nakita ko na nakasuot ng sila ng long gown na nababagay sa theme ng party. Pero kaagad akong yumuko at tumalikod ng bahagya sa gawi nila nang inililibot ni Crystal ang paningin nya.

"There it is! OMG, I'm craving for sushi talaga"

Kaagad 'kong sinenyasan si Ate Lucy at mukhang nakuha nya ang ibig 'kong sabihin dahil sya ang pumalit sa pwesto ko na malapit sa sushi and other side dishes. Lumipat naman ako sa kabilang dulo kung saan malapit ako sa grilling station.

Hindi naman sa ikinakahiya ko na makita nila ako sa ganitong lagay pero kasi baka bigla nila akong ipahiya na magiging cause ng kaguluhan. Ayoko ng gulo kaya ako na mismo ang lalayo.

"Can I have Yakitori and Yakiniku?"

Agad akong kumilos saka kumuha sa grilling station ng grilled beef para sa Yakiniku at grilled chicken naman para sa Yakitori. Nang iabot ko naman ang mga ito ay nagulat ako sa nakita ko.

"Juliana.."

"Eli!" she exclaimed

Pinasadahan nya ng tingin ang suot ko "Nagtatrabaho ka na naman? Hindi ka ba napapagod? Whole week ka yata walang pahinga ah"

Matipid ko syang nginitian "Kailangan eh"

Magsasalita pa sana sya ulit nang may nagsisisigaw patungo sa gawi namin

"Myghad! I can't believe this!"

"Ang OA ng ayos ng venue ah. Ano 'to wedding reception? Baka mamaya may pari na dyan sa tabi-tabi"

"Akilah? Natalie?" tawag ko sakanila at sabay pa silang napahawak sa bibig nila dahil sa gulat

"Anong ginagawa mo dito, Eli?!" naghyhysterical na tanong ni Natalie

"Work" tipid 'kong sagot at ininguso ang suot ko

"May idea ka ba kung anong party 'tong pinasok mo?"

Nagbigay muna ako ng wait signal bago sumagot dahil marami akong guests na inasikaso muna

Pagkatapos ay hinarap ko sila na hindi pa rin umaalis sa pwesto nila "Engagement party daw sabi ni Ate Lucy. Bakit?"

"Akala ko ba nililigawan ka ni Ethan?" taas kilay na tanong ni Juliana

"Ahm oo" nakuwento ko kasi sa kanila kagabi ang nangyari

"But what's happening right now? This is his and Veronica's engagement party! Mayghad, Eli!" nagpapapadyak pa si Natalie na halata sa boses nito ang inis pero natigilan ako nang marealize ko ang sinabi nya

"Engagement party? nila Ethan at Veronica?" nanghihina 'kong tanong at tumango naman sila nang sabay-sabay

"Kung pwede nga lang ay hindi na kami sasama kaso business partners ang parents namin at ang Dela Franco at Jimenez" dagdag pa ni Akilah

"Tsaka kung alam lang namin na engagement party pala 'to nila Ethan at Veronica, sinabihan ka namin kaso nang tinatawagan kita kanina, hindi ka naman sumasagot" ani pa ni Natalie

Kaya ba nandito ang mga kaibigan ni Veronica dahil engagement party pala ito ng kaibigan nila? At saka bakit ba nakalimutan ko na engage sya kay Veronica nang sabihin nyang gusto nya ako liligawan nya ako? Pinaglalaruan nya lang ba ako?

Natigilan ang lahat pati na rin ang ibang guests na magkakausap nang magsalita ang emcee sa stage.

Wala akong maintindihan sa sinasabi nito dahil punong-puno ng katanungan ang utak ko. Nagbalik lang ang atensyon ko nang magsipalakpakan ang lahat at biglang dumilim ang buong paligid saka nakatutok ang spotlight sa stage.

Halos pigil-hininga ako nang lumabas ang isang babae na naka white long gown at katabi naman nito ang isang lalaki na naka black tuxedo. Sila Ethan at Veronica.

"Thank you for coming to our engagement party! Hope to see you all in our wedding this second of August" nakangiti pa si Veronica habang nagsasalita tapos inabutan nya ng mic si Ethan pero umiling lang ito

Ibinalik ko na lang ang pansin ko sa mga dapat gawin. Pinabalik ko na rin yung tatlo sa table nila at sinabing ayos lang ako.

Ayos lang ba talaga? Napailing na lang ako. Balak ko sanang sagutin din sya sa susunod na linggo dahil gusto ko rin naman sya pero sa narinig ko, kasal na nila sa susunod na linggo.

"Eliana.." tawag sa akin ni Ate Lucy at nginuso ang gawi ni Ethan. Alam kasi nila ang tungkol sa amin ni Ethan na nililigawan ako nun. Pero syempre, wala silang alam sa deal namin.

Nanginginig ang labi ko dahil gusto kong pigilan ang luha ko. Naalala ko, hindi nga pala kami pwede.

"Sige na, kami na ang bahala nila Rhed dito. Pahinga ka muna, naiintindihan ko" pumayag na ako dahil baka hindi ko na mapigilan pa ang mga luha ko

Patungo na kami sa van pagkatapos namin magpaalam sa boss namin. Idinahilan lang ni Ate Lucy na nahilo ako at kailangan lang magpahinga saglit. Pumayag si boss pero sinabihan ako na bumalik kaagad.

May nakita akong malaking puno na may bench na katabi ito na nakapwesto lang sa gilid na malapit lang sa venue. Ramdam ko ang katahimikan doon kaya mas maganda kung doon na lang ako magstay kahit saglit lang.

"Dito na lang ako Ate Lucy. Thank you"

"Sigurado ka? Sige, mauna na ako sa loob ha"

Naupo ako saka napayakap ako sa sarili ko. Ganito ba talaga dapat? Kapag nagmahal ka, may nakasunod na sakit at pagsubok.

Inihilig ko ang sarili saka pumikit. Sana matapos na ang sitwasyong 'to. Ang hirap na kasi

"Eliana Ocampo?" mabilis 'kong idinilat ang mga mata ko at bumungad sa akin ang isang babae na mukhang nasa 40s ang edad. Naka long gown din ito at nasisiguro ko na imbitado sya sa party.

"Sino po sila?"

"Elise Dela Franco, the gorgeous mother of Veronica Dela Franco" nanlaki ang mata ko sa gulat dahil sa narinig ko

Dali-dali akong tumayo saka yumuko "Madam, pasensya na po, hindi ko po kayo kaagad namukhaan"

Pinasadahan nya ang suot ko at ramdam ko ang pagka putla ko dahil sa naalala. Baka mapagalitan ako nito!

"I see, you're one of the waitress there at the party. But what are you doing here? Relaxing?"

Napasinghap ako sa narinig at yumuko "Sorry po. Medyo sumama lang ho ang pakiramdam ko. Huwag po kayong mag-alala, babalik na ho ako sa trabaho"

Pero bago pa ako makahakbang ay napigilan nya na ako

"No. I need to talk to you"

"Po?" Kinakabahan tuloy ako. Ramdam ko kasi ang pagkastrikta nitong pananalita. Mukha syang mabait pero mukha rin syang masungit.

Naupo muli ako sa bench at saka naupo rin sya sa tabi ko

"Ano po ang pag-uusapan natin? Tungkol saan po?" sunod-sunod ong tanong para hindi mahalata ang panginginig ko sa kaba

Napahawak ako sa noo ko na namamawis saka iyon pinunasan. Umayos ako ng upo nang tumikhim si Madam Elise.

"Stay away from Ethan" she ordered

Gulat ko syang nilingon at mas ramdam ko ang pamumutla ko nang makita ko na nakatingin sa akin si Madam Elise

"h-ho?"

"Do I need to repeat it?"

"B-bakit ho ninyo iyon nasabi?"

"Hindi mo ba naiintindihan, hija? Ikakasal na ang anak ko sa kanya at bilang ina, gagawin ko ang lahat para lang walang makasagabal sa pagsasama nila" ah edi sagabal pala ako?

"Naiinindihan ko ho ang gusto nyong palabasin, madam.."

"Good. So it's better if you'll broke up with Ethan as soon as possible and you two are not allowed---"

"Kung papayag ho si Ethan" pagputol ko sa sinabi ni Madam

"Pardon?" taas kilay nyang sagot kaya napakagat labi na lang ako bago magsalita

"Lalayuan ko ho si Ethan kung papayag po sya doon"

"Hindi mo ba talaga naiintindihan ang sitwasyon? Kapag ikinasal na sila, hindi ba isang kasalanan na karelasyon mo pa rin sya kahit may asawa na sya? Do you really love to be his mistress?"

Parang sumampal sa pagmumukha ko ang sinabi nya. Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko saka ko ito dali-daling pinunasan

"Hindi ho sa gano'n. Mahal ko po si Ethan, Madam" I answered

"Do you really love him or you're just after his money?"

Sa sinabi nyang iyon ay doon na nagpintig ang tenga ko

"Hindi ho ako ganyang babae, Madam. Kahit hindi kami gano'ng kayaman tulad ninyo, hindi ako ganyang mag isip" pagmamatigas ko. Anong karapatan nyang husgahan ako?

"Let him go, Eliana. Let him to be with my daughter"

Kaagad akong umiling kaya nakita ko ang pagdilim ng aura nito "Hindi ko po hahayaan si Ethan sa isang bagay na hindi nito gustong gawin"

Bigla itong tumayo saka ako tiningnan ng masama "What do you need? Money? Babayaran kita ng milyon, huwag mo lang sirain at saktan sila Ethan at Veronica"

"Hindi ho ako nananakit ng kapwa, pisikalan man"

Tumaas ang gilid ng labi nito "Really? Pero bakit nang umuwi ang anak ko noong isang araw ay puro gasgas at sugat sya? Sinabi nya sa akin na kagagawan mo iyon nang malaman nyang karelasyon mo ang fiancé nya! And how dare you threatened my daughter?!"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya Wala akong naaalalang tinakot ko ang anak nya!

"Shocked huh?"

"Opo. Nagulat po ako dahil iyon po pala ang kwento ni Veronica sa inyo. Wala pong katotohanan iyon dahil sya ho ang unang sumugod sa akin nang papasok ako ng JU. Hindi ko rin ho sya nilabanan at tinakot no'ng mga oras na 'yon"

"So are you saying that my daughter is a liar?!" sigaw nito

At wala namang pag-aalinlangan akong tumango "Opo"

Nanlaki ang mata nito at nagulat ako nang sampalin ako ni Madam. Agad nanikip ang dibdib ko sa naramdaman. Napahawak ako sa pisngi ko saka sya muling nilingon habang nagtutubig muli ang mata ko

"Hindi ho ako nagsisinungaling, Madam"

Pansin ko na natigilan sya pero agad syang nagsalita "I'll do everything para layuan mo na ang anak ko at ang mapapangasawa nya. At kung kinakailangan, pahihirapan din kita" pagkatapos ay taas noo pa rin syang naglakad papaalis kaya naman dahan-dahan akong napaupo sa bench saka napatakip sa mukha

Kaya ko pa ba syang ipaglaban?

Lahat na lang sila, pinipigilan tayong maging masaya, Ethan.

<3