webnovel

An Ideal Love

What will happen if those people around you are just pretending? Including you? Yes, you can fool everyone but not yourselves Yes, you can deny it using your mouth with lies but your own actions and body will deny it for you. Will Eliana feel the Ideal love she wished with Ethan or it just stays as a simple Deal love? Their love story started in a deal or bet, but why is she expecting it to be real and an Ideal love? (This story may be cliché but I love cliché) -- ‼️ This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. Please do not distribute, reproduced, or transmitted this story in any form or by any means without the permission of the author. PLAGIARISM IS A CRIME.

cutiesize31 · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
34 Chs

Chapter 1

CHAPTER 1 - 10 years later

Eliana's POV

Bandang alas-nuebe na ng gabi at heto ako, pauwi palang dahil naghanap ako ng trabaho dahil malapit na ang pasukan. Tsaka dun kasi sa pinagtatrabahuhan ko dati ay medyo may kalayuan din.

Di naman kasi kami ganun kayaman katulad ng iba dyan kaya kailangan ko makahanap ng trabaho ng maganda ang sahod at malapit para di na ko nahihirapan sa pamasahe sa araw-araw, para sa susunod na pasukan ay makapag aral ako ng kolehiyo at para na rin makatulong kila mama at papa.

Habang naglalakad ako ay napansin kong sa isang kalsada ay maraming taong nagkukumpulan at nagsisigawan. Di ko na sana iyon papansinin pero nagulat ako ng biglang may humarurot na mga sasakyan at mukhang madadaanan yata ako kung saan ako nakapwesto.

Tumakbo ako ng mabilis para makalayo na pero naabutan ako ng isang itim na kotse habang papatawid ako kaya naman napapreno sya agad at naihinto nya ng mabilis ang kanyang sasakyan.

"What the f*ck?! Magpapakamatay ka ba?! Ano?! Humihinga ka pa?! Sh*t!"

'Yan agad ang sinigaw nya sakin ng makababa sya sa sasakyan nya. Habang ako, napahinto sa kinatatayuan ko at natulala nalang dahil sa nangyari.

"Ano?! tititigan mo nalang ba ko?!" sigaw nya ulit na nagpabalik sakin sa pag iisip ko tungkol sa nangyayari ngayon

"S-s-sorry p-po" nanginginig kong sabi at pagkatapos nun ay tumakbo na ko papaalis habang nararamdaman ko pa rin ang talim ng titig nya nung magkaharap kami kanina...kahit ngayon din na nakatalikod ako at tumatakbo papalayo sakanya.

Ethan's POV

Bwisit!!!

Napasabunot nalang ako sa buhok ko dahil sa sobrang pagkainis ko dun sa babaeng bigla-bigla nalang sumulpot kanina!

Mananalo na sana ko dun sa William na yun ulit sa race! Edi sana nanalo ako ngayon sa pustahan namin. Panigurado nagpapaparty na yun. William Scott Ledesma is my greatest rival. Hindi 'yan nagpapatalo pero syempre ngayon lang sya nakalamang sakin.

"Bro! What happened? First time mo yatang matalo sa race ngayon?" - Marco

"Oo nga, bro" - Lucas

"Pano ba naman, may babaeng biglang tumawid at buti nalang ay nakapagpreno ako"

"Buti nalang at di mo nasagasaan kundi lagot nanaman tayo sa daddy mo" - Kevin

"Hayaan mo sya, wala akong pakielam don" di kami magkasundo ni Daddy simula ng mamatay ang mommy ko.

Puro trabaho kasi yung inaatupag nya lagi kaya nung nagkasakit si mommy ay di nya alam na masyado na palang malala yung sakit nya kaya di na naagapan. At si daddy ang sinisisi ko sa pagkamatay ng mommy ko dahil pinabayaan nya si mommy, kung hindi sana sya masyadong busy non ay mas naalagaan nya si mommy..pero hindi eh, mas pinili nyang magtrabaho nalang kesa alagaan si mommy at nung araw din na yon ay nagkaroon sila ng away at masyado rin naapektuhan si mommy no'n.

"Bro, tara mag bar nalang tayo" pag aaya ni Marco

"Saang bar? Sainyo?" Meron kasi silang bar na pagmamay ari tsaka kilalang bar yon dito at pati na rin sa ibang bansa.

"Sige! Libre ko na, para naman mawala rin yung init ng ulo mo"

"Talaga?! Baka naman dahil yan sa babae kaya nag aya kang mag bar?" sabat ni Lucas kaya naman nabatukan sya ni Marco.

"Edi wag ka nalang kaya sumama?" -Marco

"Bro! Napaka supportive mo namang kaibigan! Biruin mo inaaya mo kaming mag bar para lang maalis ang init ng ulo at makalimutan ni Ethan yung nangyari kanina! Syempre di naman babae rason non diba, Kevin?"

"Loko! Idadamay mo pa ko!" -Kevin

"Tara na nga!" Aya ko sakanila at sumakay na kami sa kanya kanya naming sasakyan.

Eliana's POV

Hingal na hingal akong dumating sa bahay kaya buti nalang at wala sila mama dito pagpasok ko dahil pag nakita nila yung itsura ko ay baka tadtarin ako ng mga katanungan.

"Oh anak? Nandyan ka na pala, may pagkain sa lamesa kaya kumain ka na" sabi ni mama na kakagaling lang sa kwarto nila ni papa.

"Kayo po? Tapos na po ba kayong kumain?"

"Ah oo...kamusta na nga pala ang paghahanap mo ng bagong trabaho?" tanong sakin ni mama.

"Ayos naman po, ma. Dun po sa cafe na pinagtatrabahuhan ni ate Anne ako natanggap tsaka buti nalang po ay tumatanggap sila ng working student kung sakali mang magstart na yung pasukan" at pumunta ako sa kusina para na rin kumain habang si mama ay sinamahan ako

Si ate Anne ay yung naging kaibigan ko simula nung lumipat kami dito sa Barangay kung san kami nakatira ngayon, mabait kasi yon tsaka madaling pakisamahan, at saka magkapatid na rin yung turing namin sa isa't isa.

"Ah..nga pala anak, nakakuha ako ng panibagong pwesto dyan sa palengke malapit satin. Balak ko rin kasi magtinda ng mga gulay"

"Talaga po? Buti naman, ma. Sige po magpapalit na po muna ko dahil inaantok na rin po ako" sabay tayo ko pagkatapos kong kumain

"Sige, Goodnight, anak"

"Goodnight din po, ma"

Hindi pa yata nakakauwi si papa dahil siguro ay marami syang pasahero ngayon. Jeepney driver kasi sya. May kapatid din ako na 8 years old at nasa grade 3 palang, nag aaral sya sa isang public school dito sa barangay at malapit din sa bahay namin. Sya ay si Xander Luis Ocampo.

Nang matapos na akong maghilamos at magpalit ng damit pantulog ay pumunta na ko sa kwarto ko at tsaka nahiga na sa kama. Pinilit kong matulog dahil alam kong napagod ako sa paghahanap ng trabaho kanina.

Pero kahit anong gawin ko ay di pa rin ako makatulog dahil biglang sumagi sa isip ko ang nangyari kanina. Kinabahan at natakot din kasi talaga ako dun sa lalaki dahil ramdam ko ang talim ng titig nya sakin kanina.

Tsaka idagdag mo pa yung galit nya dahil sa tono ng pananalita nya, pero napansin ko rin kanina habang tulala ako sa nangyari na gwapo din pala yung lalaki na yon.

Wait...

Ano ba naman yan Eliana Veronica Ocampo! Imbis na matakot ka ay binigyan ko pa yata ng compliment yung lalaki kanina eh! Imbis na kabahan at matakot sakanya ay sinabihan ko pa ng gwapo ngayon!

Grabe!!!

Napasabunot nalang ako sa sarili ko dahil sa mga pinag iisip ko.

At pinilit kong matulog dahil magsisimula na ako bukas magtrabaho dun sa Queen's Cafe.

Nagpaalam na rin ako na medyo malelate siguro ako ng dating dahil maghahanap pa ko ng university para sa scholarship. Buti nalang at mabait yung manager namin.

Kinabukasan ay maaga akong umalis. Alas-siyete na rin ng umaga nang makarating ako dito sa Clandestine University, dito muna ako magtatanong tungkol sa pagkuha ko ng scholarship.

"Ay kuya, saan po pwede kumuha ng scholarship? Mag aapply po sana ako" tanong ko dun kay kuya guard

"Ay maam, pasensya na po kasi hindi na po tumatanggap ngayon ng scholarship kasi kakatapos lang po last week nung scholarship exam"

"Ah ganun ba, kuya? Saan pa bang University ang alam nyo pong tumatanggap pa?"

"Ang alam ko ay dyan sa Jimenez University ay tumatanggap pa hanggang ngayong week nalang yata"

"Ah sige kuya, salamat!"

Pumara ulit ako ng tricycle at tsaka sinabi kay manong driver na sa Jimenez University ako ibaba

'Di naman masyado kalayuan itong university kaya naman mas maganda kung dito ako makakuha ng scholarship.

Pagkarating sa University ay nagbayad na ko at bumabaAgad akong dumiretso sa gate kung saan may guard na pupwedeng pagtanungan.

"Pagpasok mo, sa bandang kaliwa may makikita kang 3 storey building, nandun yung registrar tapos magtanong ka na lang dun"

Nagpasalamat nalang ako kay kuya guard bago pumasok sa Jimenez University. Grabe! Ang laki naman pala ng university na to! Nang makita ko ang office sa tabi ng registrar ay nagtanong na rin ako tungkol sa pagkuha ko ng scholarship.

"Kailangan mo munang kumuha ng scholarship exam, pwede ka rin kumuha ng scholarship if you're interested in arts, dance and sports"

"Arts po, mahilig po kasi ako mag paint kaya yun nalang po kukunin ko" sagot ko kay Miss Lyka

"Oh sige ipapatawag nalang kita kung kelan ka magppaint or gagawa at manonood din ang dean kasama ko kaya once na maapprove namin ang proposal mo...congratualations Miss Ocampo" sabay ngiti nya sakin kaya ganun din ang ginawa ko

Pagkatapos namin mag usap ni Miss Lyka De Vera ay nagstart na rin akong mag take ng scholarship exam. Halos isang oras or isa't kalahating oras din yata akong nag exam kaya ng matapos ako ay agad kong pinasa ang exam kay Miss Lyka.

"We'll just inform you if you'll pass the scholarship exam, Ms. Ocampo" nakangiti nyang sabi saakin habang inaayos yung paper na sinagutan ko kanina.

May pinasagutan din ulit sakin si Ms. Lyka para daw madali akong ma contact at kasama na rin doon yung iba pang important details or personal details ko. Nagpaalam na rin ako sakanya pagkatapos. Wala naman masyadong tao kaya naglibot muna ko kasi nagandahan ako sa university.

Pero dito sa building na tinuro sakin ni kuya guard kanina ay hanggang 3 storey building lang pero yung ibang building kung nasaan ang mga classrooms ay nasa mga 5 storey building tapos marami pang building, para sa mga iba't ibang course din siguro yon.

Naupo muna ko sa isang bench na nakita ko sa malapit at nag check ng messages dahil baka nagtext na si ate Anne.

From: Ate Anne

Eliana, nandito na ko sa cafe. Anong oras ka ba pupunta dito? Tapos ka na ba dyan?

To: Ate Anne

Opo ate, tapos na ko kaya pupunta na ko dyan.

Naisipan ko munang mag cr bago pumunta sa cafe kaya naman umakyat ako sa 2nd floor kaso nga lang may tao kaya naisipan kong sa 3rd floor nalang ang chance ko.

Walang tao sa cr pagdating ko dito kaya naman pumasok na ko sa girls washroom. Pagkatapos kong mag cr ay nag polbo at konting lip tint muna ko bago lumabas.

Pagkalabas ko ay nakita kong isang malaking room lang ang sakop nitong 3rd floor tapos sa pinto ay may sign na nakalagay na "Dark Knights Room"

Ethan's POV

Nandito kaming magbabarkada sa Jimenez University na pag aari ng mga Jimenez. Si Lolo ang nagpatayo ng University na 'to pero ngayon ay ipinaubaya nya na ito kay Dad.

Buti nga at hindi kami masyado naglasing kahapon dahil panigurado ay may hangover pa kami hanggang ngayong umaga. Madalas kaming tumambay dito pero may iba pa kaming hideout na pinupuntahan.

Nandito kami nila Kevin, Lucas, at Marco sa pinagawang room ng parents ko. At pangalan ng grupo namin ang nilagay ko sa pinto para makita nilang bawal silang pumasok ng basta basta. Ito ay "Dark Knights Room"

"Pre, may kape pa ba dyan sa kitchen?" sigaw ni Lucas kay Marco na nasa kitchen.

"Wala na! Naghahanap nga rin ako eh" sagot ni Marco habang pabalik sya dito sa pwesto namin sa sala.

"Pumunta nalang tayo sa Café ng ate mo, King" suggest ni Kevin at pumayag naman sila kaya pumayag na rin ako kahit gusto kong tumambay nalang dito.

Queen's Café ang tinayong business ni ate at may sariling pamilya na rin sya kaya yung Café lang ang kaya nyang i-handle muna. Yung napangasawa nya kasi ay isang anak ng ka business partner pala ni Dad kaya may company ring hawak yon. Mabait naman si Kuya Dominique kaya ayos sakin na sya ang napangasawa ni ate Ella.

Kinuha ko na rin ang susi ng sasakyan ko sa table at nauna na akong lumabas. Pero paglabas ko ay may nakita akong babae na mukhang nagmamadaling bumaba ng hagdan.

Sino kaya yon? Hindi nya ba alam na para samin lang na Dark Knights ang buong 3rd floor na to? Hindi mo rin yata alam na kung sino man ang lumabag sa rule namin ay may parusa na haharapin?

<3