webnovel

An Ideal Love

What will happen if those people around you are just pretending? Including you? Yes, you can fool everyone but not yourselves Yes, you can deny it using your mouth with lies but your own actions and body will deny it for you. Will Eliana feel the Ideal love she wished with Ethan or it just stays as a simple Deal love? Their love story started in a deal or bet, but why is she expecting it to be real and an Ideal love? (This story may be cliché but I love cliché) -- ‼️ This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. Please do not distribute, reproduced, or transmitted this story in any form or by any means without the permission of the author. PLAGIARISM IS A CRIME.

cutiesize31 · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
34 Chs

Chapter 17

Eliana's POV

Walang gana akong nagtungo sa cafe. Okyupado ang isipan ko tungkol sa tanong ni Veronica lalo na sa huli nyang sinabi bago sya umalis. Paano kung malaman nya na ako ang tinutukoy na 'someone' n 'yun?

"Oh hello Eliana!"

"Hi Eliana!"

"Hello po Ate Anne and Ate Lucy" silang dalawa ang tumatayong ate ko. Matagal na talaga kaming magkakakilalaat noong una naming pagkikita ay magkakasama pa kaming mag apply noon. Pahirapan sa trabaho at sakto pa na kaming tatlo ang hindi natanggap doon sa isang sikat na fast food chain. Kaya magkakasama na lang kaming naghanap. Buntis pa nga si Ate Anne nang mga panahong iyon kaya tulungan talaga kami.

"May raket ako sa susunod na linggo, Eliana, g ka ba?" tanong ni Ate Lucy

"Saan po ba? Tsaka anong raket?"

"Catering sa DF Estate. May party kasi doon"

Pandagdag rin sa gastusin sa bahay 'to "Sige po! Payag ako"

Napansin ko na parang natigilan si ate Anne. Anong meron?

"Huy, trabaho na tayo. Tulala ka pa sis?" ani ate Lucy

Napakurap-kurap pa si Ate Anne saka hinarap si ate Lucy

"Saan gaganapin yung catering?"

"Sa DF Estate" kunot noong sagot naman nito

"Sino ang may party?"

"Di ako sure kung yung mismong may ari ng DF Estate kasi buong Events place na yun ay pinasara. Ang lawak kaya non!"

"m-may ari ng DF E-Estate? Ang Dela Franco ba?" nauutal pang tanong ni ate Anne na siyang ipinagtaka ko

"Ahmm oo? Bakit ba?" sagot ni Ate Lucy na nakapamewang pa

"Nakalimutan mo na ba? Dela Franco yun, Lucy! DELA FRANCO!" pinagdiinan pa nito ang sinabi hanggang sa napansin ko na nanlaki ang mata ni Ate Lucy. Hindi ko maintindihan ang nangyayari kaya napayuko na lang ako nagpasyang umalis na. Nakakahiya naman kung makichismis pa ako.

Buong shift ko ay naging busy ako. Maraming tao ngayon kaya ganoon. Kaya naman nawala na sa isipan ko ang nangyari kanina.

"Mga Ate, Kuya.. una na po ako" paalam ko sa kanila

"Ingat ka" tumango ako saka papalabas na sana ako nang makasalubong ko ang isang waiter dito sa cafe

"Uuwi ka na?" tanong ni Ate Lida. Sya ang naka assign sa kusina para sa pagluluto ng iba't ibang putahe dito sa cafe.

"Kanina pa naghihintay ang sundo mo. Boyfriend mo? Infairness gwapo!!" nagtataka ko syang tiningnan at unti unti namang nag sink in sa utak ko ang sinabi nya

Hindi kaya...

Nagmamadali akong lumabas at naabutan ko si Ethan na nakasandal sa hood ng sasakyan nya

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko

Tumuwid naman ito sa pagkakatayo saka binuksan ang passenger seat

"Sinusundo ka. Sakay na"

"Hindi na kailangan, Jimenez" mariin kong sabi

"Woah.. 'Jimenez'? Seriously? I'm still your boyfriend, babe"

"Ano ba sa salitang 'ayoko na' ang hindi mo maintindihan?" taas kilay kong tanong dito

"At ano rin ba sa salitang 'hindi pwede' ang hindi mo maintindihan?"

Napairap na lang ako sa kawalan dahil sa sobrang inis ko dito

"Magtigil ka nga! Bakit ba ayaw mo pa akong pakawalan? May Veornica ka na nga!"

Napataas naman ang dalawa nitong kamay "Oh chill babe. Tsaka hindi ko sya gustong pakasalan kaya sa ayaw at sa gusto mo, tuloy pa rin ang deal"

Ipinagkrus ko na lang ang braso ko saka maglalakad na sana papalayo nang higitin nya ako sa bandang bewang

"Ihahatid na kita pauwi"

"Hindi na kailangan" malamig kong sabi at saka inalis ang mga braso nyang nakahawak sa akin

"Galit ka ba?" mahina nyang tanong

"Ano sa tingin mo?" taas kilay kong tanong. Hmpp hindi ba halata?!

"Fine. I'll let you go home alone..." agad ko syang tinalikuran at didiretso na sana pauwi nang sumigaw na naman sya

"BUT! You need to go to the address i'll send to you later. Bawal ang late, babe. See you!"

Nagpatuloy na lang muli ako sa paglalakad hanggang sa makasakay ako at makauwi sa bahay.

Kinabukasan ay bumungad agad sa akin ang text message ni Ethan.

From: Ethan

Jimenez Village. Basketball Court, 3pm. Don't be late. See you there, babe. I need your support ;)

Hindi ko talaga maintindihan kung ano pinaplano nito. May fiance na't lahat pero ayaw pa rin ako bitawan pati na ang deal. Ano ba talagang pinaplano nito?

Ethan's POV

"Magandang Umaga po, Sir. Pinapatawag ho kayo ng Daddy mo na nasa library na ho" tinanguan ko na lang ito saka dumiretso sa library

"What now, dad?"

He sighed first "We have a big and serious problem, son. Hindi ko alam kung masosolusyunan pa ba ito" napapailing pa si dad

"What? What happened?"

"Some important files of our company is missing. At yung pinaka importante pa talaga ang nawala"

Wtf.

Bigla naman akong tiningnan ni dad ng diretso. He looks so serious now.

"I'm so sorry to tell you this but you need to marry Veronica as soon as possible. Babagsak na tayo at kailangan na natin ang Dela Franco. And i'm so sorry to your girlfriend also"

"Ano?!"

"I don't know what to fo anymore, son. Iyan na lang ang tanging paraan para makaahon tayo"

Napakuyom na lang ang kamao ko sa narinig. Who's the fvckin' thief?! Pinapahirapan mo lang ang buhay ko

"Broke up with her, son. I'm so sorry to ruin your relationship with her" and after that, he stood up and left

Is this the right time to end the fvckin' deal? Hindi ko na magagawa ang plano na ipamukha sa Dela Franco na may girlfriend ako kung ito ang sitwasyon namin. Yeah.. i'm just using her again for the last time but it's not working now.

And i've decided now. I'll stop this fvckin' deal before it's too late.

Eliana's POV

Hindi pa man ako masyado nakakalapit sa basketball court nang makarinig ako ng mga sigawan. Marami ring tao. Ano ba talaga ang meron dito?

Halos lahat ng taong nandito ay mga babae na parang familar dahil taga JU siguro. At ang iba ay taga kabilang university, ang kalaban ng Jimenez University na Ledesma University.

"DDG!!"

"DKG!!"

"DARK KNIGHT GANG FOR THE WIN!!!"

"GO GO GO DARK DEMON GANG!!"

"KING ETHAN FELIX!"

"MASTER WILLIAM SCOTT!"

Bandang dulo na lang ang may bakante pero kita naman ang nasa baba na naglalaro. Nakita ko na naka black na jersey ang DKG habang ang DDG ay naka red jersey. May iba rin itong mga kasama na nsa bleachers sa baba na kateam nila.

Basketball game ba to ng dalawang university? Ang alam ko wala namang event na ganun ngayon ah

"Woah Eliana!"

"Eli, you're here!"

"Hi Eli!"

Napalingon ako sa bandang gilid ko at nakita ko sila Juliana, Akilah, at Natalie. Nasa tabi kasi ako ng railing na malapit sa pasukan ng gym.

Kinawayan ko naman sila saka bumaba dahil inaya nila ako.

"Haynako. Ang init naman dito" pagpapaypay pa ni Natalie gamit ang panyo

"Kaya nga! Bwisit na Kevin kasi yon, suportahan ko daw sya bilang gwapo kong kapatid" napapairap pang sabi ni Juliana

"Sinabihan lang din ako ni Ethan eh. Tuloy pa rin ang deal kaya pumayag na ko. Tsaka last naman na 'to"

Sabay-sabay naman kaming napalingon kay Akilah na wala pa ring imik.

"Ahh kase ano.. tinawagan kasi ako kanina ni Kevin, manood daw ako ng game nila"

"Here comes the marupok girl" napapalakpak pa nga si Natalie

"Bakit di mo pa sinasagot? Pabebe ka ah!"

Napanguso naman si Akilah "Muntik na nga eh! Tsaka gusto kong siguraduhin kung seryoso ba sya. Pero syempre, dalagang pilipina tayo mga sissy"

Natawa naman kami nang mag pose pa itong si Akilah. Natigil lang kami nang may pumito at isa-isang nagsidatingan ang players sa gitna. Nasa bleachers kami sa harap malapit sa mga players ng DKG dahil pinagreserve na pala kami ni Kevin sabi ni Juliana.

Ang first five sa DKG team ay sila Ethan, Kevin, Marco, Lucas, at Paolo. Hindi ko kilala yung Paolo. Mukhang member sa gang nila at katulad rin nila na madilim ang aura.

Sa kabilang banda naman ay sila William, Julius, Joshua, and Kurt. First name kasi ang mga nakalagay sa jersey nila imbis na surname. Pero sa harap naman ng jersey nila ay ang logo ng gang nila.

Hindi naman ako mahilig sa sports kaya naman hindi ako nakikisigaw or cheer dito. Takot kasi ako sa bola kaya tahimik lang ako dito. Matamaan pa ako nyan eh.

"Mayghad Kevin! Kapatid ba kita?! Aba anong ginagawa mo dyan sa gitna?! Props?!" Sigaw ni Juliana nang hindi maishoot ni Kevin ng dalawang beses ang bola for free throw. Nagtawanan naman ang lahat habang si Kevin ay napakamot na lang sa ulo

Patuloy lang ang laro at hindi ko alam kung anong quarter na. Basta pinapakinggan ko lang ang speaker.

Nagpaalam muna ako saglit dahil kailangan ko mag cr. Nauuhaw na rin ako dahil sa init doon. Ang crowded kasi.

Mabuti na lang at may maliit na restroom sa likod nitong gym. Nagmadali lang ako saka nag ayos ng sarili. Inayos ko ang buhok ko saka naglagay ng polbos. Pagkatapos ay napatingin naman ako sa tumbler na dala ko. Bakit ba kasi nagdala pa ako nito? Hindi ko alam kung bakit naisip ko na kakailanganin 'to ni Ethan.

Lumabas na lang ako pero agad naman akong natigilan nang maabutan ko si Ethan na nakasandal sa pader.

"You came..."

"Ahh oo sabi mo kasi diba"

Lumapit naman sya pero napalayo ako nang makita kong pawis na pawis sya. Pero bakit ang bango pa rin nya? Hindi sya amoy pawis gaya ng ibang nakikita ko. Inilabas ko naman ang towel na nasa sling bag ko saka sya sinimulang punasan. Hindi ko na naisip na may makakita sa amin since tago naman ito. Tsaka naririnig ko na tuloy pa ang game.

"Do you really want to stop this, Eliana?"

Natigilan ako sa pagpupunas sa kanya "Ang alin?"

"This.. this fvckin' deal"

Marahan naman akong tumango "ahmm oo"

"Fine. Let's stop this" at pagkatapos no'n ay agad syang tumalikod saka naglakad papalayo habang ako ay naiwang nagtataka sa ginawa nya.

Bumalik na lang agad ako sa gym. Nakita ko na malapit na pala matapos ang last quarter nang tingin ko ang time.

Pero bago mag end ang last quarter at binibilangan na sila, na kay Lucas ngayon ang bola. Si Ethan ay malapit sa ring habang hinaharangan naman ni William na nasa harapan nito. Para silang naguusap at nagtititigan ng masama.

Nakaharap sa gawi ko si William at nakita ko na kinawayan nya ako habang nakangisi na sya namang ikinalingon rin ni Ethan sa gawi ko saka ako sinamaan ng tingin. Hala, anong kinalaman ko doon?

Natigil ako sa pag iisip nang sumigaw na naman itong si Juliana

"Hoy Lucas! Napakayabang mo tapos magpapasa ka na lang, sa kalaban pa?! Ano ka dyan isa ring malaking props?!"

"Hey Juliana, manahimik ka nga" bulong ni Natalie sa kanya

"Ang harsh mo naman kay Lucas at Kev" sambit pa ni Akilah

Napairap na lang si Juliana habang yung dalawa ay todo cheer sa DKG team.

Pero nang nag countdown na sila for the end of last quarter ay todo cheer ang lahat. Halo-halo ang mga boses na nagsisigawan. DDG supporters sa kabila at DKG supporters naman sa gawi namin.

Nakuha ngayon ni Marco ang bola saka ipinasa kay Kevin. Maraming humaharang kay Kevin kya naman ipinasa nya ito kay Ethan. Tumakbo si Ethan pero magaling mangharang si William. Kakayanin ba ishoot ni Ethan iyon? Nasa 3-point line kasi sya tapos 98-100 pa ang score in favor of DDG.

Limang segundo na lang ang natitira at ang lahat ay nakatutok doon.

Napatingin naman sa gawi ko si Ethan habang hawak ang bola. Hindi ko alam kung bakit ako tumango.

"Go Ethan! You can do it!" nabaling ang tingin namin sa babae na nangibabaw ang sigaw at nakita ko doon si Veronica.

Wow. What a supportive fiancé

Tatlong segundo...

Nagsimula nang ishoot ni Ethan at lahat kami ay nakatutok sa pagpasok ng bola sa ring.

Dalawa...

At bago matapos ang bilang ay nahulog na ang bola at saka nagsigawan ang lahat bilang pagkapanalo ng DKG. Nagsilapitan ang lahat at nakisaya sa gitna. Hindi na muna ako tumayo dahil nagkakagulo pa. Pero ilang minuto rin at unti-unti naman nang nagsialisan ang karamihan.

Iilan na lang kaming natira pagkatapos. Nakita ko rin sila Veronica kasama ang tatlo nyang kaibigan. Nakahawak sa braso ni Ethan si Veronica habang nagpapapicture sila. Kaya siguro itinigil na ni Ethan ang deal ay dahil pumayag na siyang maikasal kay Veronica.

At sa isiping iyon ay nakaramdam ako ng sakit. Hindi ko alam pero nalungkot ako. Siguro naaawa lang ako kay Ethan dahil hindi manlang sya nakapag decide para sa sarili nya.

"Hey, beautiful. You're Eliana, right?" Napalingon naman ako sa taong nagsalita na iyon.

"Ahmm oo. Bakit?"

"I'm William Scott Ledesma. Nice to meet you" inilahad nya ang kamay nya at napaisip tuloy ako kung tatanggapin ko

"Come on. Hindi naman ako nangangagat hahaha" napangiti naman ako ng tipid saka tinanggap ang kamay nya. Akala ko shake hands lang pero hinalikan nya ang kamay ko kaya pagkababang-pagkababa ay agad 'kong kinuha ang kamay ko sa hawak nya.

"Nice game, KING" biglang sabi nito na syang ipinagtaka ko

"Yeah. It was a nice game kaya makakaalis ka na"

"Why? I'm not yet done talking to this beautiful lady" hahawakan na sana ni William ang kamay ko nang magsalita si Ethan

"Don't touch her" mariing sambit nito habang nakasalubong rin ang kilay

"Why? Kaano-ano ka ba nya para pagbawalan ako?" nakangisi pa nitong tanong at nang lingunin ko si Ethan ay napansin ko na napakuyom ang kamo nya

"Babe! Hey.." bigla namang dumating si Veronica pero hindi naman nawala ang masamang tingin ni Ethan kay William

"Oh.. new girl huh?"

Ngumiti naman si Veronica sa sinabi ni William "I'm his fiancé. Veronica nga pala. Nice to meet you"

"It's so nice to meet you too, King Ethan's fiancé" agad naman akong inakbayan ni William. Hindi ko ineexpect kaya hindi agad ako nakagalaw. Saka inilahad naman ang isa pang kamay para makipag shake hands kay Veronica

"No touching, Ledesma" mariing sambit muli ni Ethan. Nakita ko pa ang pagtagis ng bagang nito. Binigyan nya ng matalim na tingin si William pero hindi lang sya pinansin nito at mukhang natutuwa pa sa pang aasar.

Para kay Veronica ba iyon ...o sakin?

Ang assuming mo talaga, Eliana. Tapos na ang deal diba?

Pero bakit hindi ako masaya gaya noong una na minamadali ko ang deal?

Sa nakikita ko kasi ngayon na nakahawak sa braso ni Ethan si Veronica na may malaking ngiti ay tila naging blangko ang emosyon sa mukha ko.

<3