webnovel

An Ideal Love

What will happen if those people around you are just pretending? Including you? Yes, you can fool everyone but not yourselves Yes, you can deny it using your mouth with lies but your own actions and body will deny it for you. Will Eliana feel the Ideal love she wished with Ethan or it just stays as a simple Deal love? Their love story started in a deal or bet, but why is she expecting it to be real and an Ideal love? (This story may be cliché but I love cliché) -- ‼️ This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. Please do not distribute, reproduced, or transmitted this story in any form or by any means without the permission of the author. PLAGIARISM IS A CRIME.

cutiesize31 · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
34 Chs

Chapter 12

Eliana's POV

Mahabang paliwanagan pa ang nangyari nang makauwi ako.

Sobra kasi ang inis ni papa kay Ethan nang makita nya kami. Tapos kinuwestiyon pa ang suot 'kong damit. Mahaba habang paliwanagan pa tuloy ang nangyari bago makauwi si Ethan.

Nahiya naman ako bigla nang maalala ko ang nangyari kanina. Parang nahihiya na ako humarap sa barkada ni Ethan.

Wrong timing naman kasi.

Tapos itong si Kevin, talagang sinigaw pa. Nakakahiya tuloy.

Arghhh!!! Hindi ko makalimutan talaga!

———

"Magandang morning mga kababayan!"

"Nasaan si King?"

"Putang*na p*rn!"

Sabay kaming napatingin ni Ethan sa taong sumigaw.

Mabilis namang tumayo si Ethan saka ako knalaayan rin papatayo.

"Anong ginagawa nyo?" - Lucas

"Hindi na inabot, King?" - Marco

"Masyadong atat?" at mapanuksong tingin naman ang binigay ni Kevin sa amin

"What are you three doing here?"

May inilapag na paper bag sa lamesa si Lucas "Foodtrip, King. Tatambay lang sana kami kaso nandito pala si Eliana"

"Nakakaistorbo tayo mga pre. Nandyan ang GIRLFRIEND eh" pabulong na sabi ni Kevin pero narinig ko pa rin

"Mukha tayong mga nambitin sa kanila! Shete alis na lang kaya tayo"

"Tss.." hinawakan ni Ethan ang kamay ko saka kinuha ang isang brown paper bag na naglalaman ng gamit ko "let's go, babe. Ihahatid na kita pauwi. Baka maitak pa ako ni Tito kapag hindi pa kita inuwi"

Naiwan ang tatlo sa condo ni Ethan nang umalis kami. At sa loob naman ng sasakyan kanina ay wala kaming kibuan ni Ethan.

Mabuti na nga lang at ambon na lang ang mayroon kaya nakauwi kami agad. Mahirap kasi diba na magdrive na malakas ang ulan.

———

Gumayak na lang ako pamaya-maya. Yung klase ko na lang sa hapon ang mapapasukan ko dahil nga sa condo ako ni Ethan natulog.

Ala una ng hapon ang klase ko kay Prof. Montes kaya nang makita ko na 12:34 na ay nagmadali na akong lumabas ng bahay, bitbit ang bag ko.

"Let's go. Baka malate ka pa sa klase mo kay Prof. Montes"

Napatingin naman ako sa taong nagsalita. Then I saw Ethan. Nakasandal sya sa hood ng sasakyan nya at mukhang hinintay nga ako.

"Paano mo nalaman na si Prof. Montes ang prof ko ng ala una ng hapon?"

"I need to know my girlfriend's schedule para kapag may pupuntahan tayo ay wala kang takas sa akin"

Tinaasan ko sya ng kilay "at bakit naman, boyfriend ba talaga kita?"

"I just want to know about that, babe. Come on, malelate ka na"

Mabuti na lang at wala si papa dito sa bahay kundi pinaitak ko na 'yan.

Pagkasakay ko sa sasakyan ay agad na nyang pinaandar papaalis ang kotse. Naalala ko tuloy ang sinabi nila Juliana sa akin noong nakaraang araw. Na ako lang ang pinayagan ni Ethan na maisakay nya sa sasakyan nya.

"I have a racing tonight" kunot noo ko naman syang nilingon nang magsalita sya

"Hey, talk."

"Ano naman ang sasabihin ko?"

"Nagpapaalam ako. Papayagan mo ba ako o hindi?"

Nagulat naman ako sa sinagot nya "b-bakit? Ikaw bahala"

We're just pretending to be a couple tapos may paganito sya?

"Baka mamaya hanapin mo ako o kaya hintayin mo ang text ko sayo mamayang gabi"

"Assuming ka"

I saw that he smirked "Baka naman sa susunod, hindi ka masanay na wala na ako sa tabi mo? Baka mabalitaan ko na lang na baliw ka na sa akin"

"Demonstrate ka muna ng canonbolt, Ben 10. Baka sakaling mamiss kita" pang aasar ko sa kanya hahahha

Napaka assuming masyado ni Ben 10 eh. Nakakairita. Akala mo sya na ang buhay ko kung makapagsalita ng ganun.

"Shut up" oh kitams? Sya pa ang inis ngayon

Hindi ko na lang sya ulit pinansin hanggang sa makarating ng JU. As usual, ang mga chismoso't chismosa ay nasa paligid lang kaya todo acting kami ni Ethan na naghaharutan sa hallway pwe!

Magkakaroon talaga ako ng basher dahil sa kanya eh. Pumasok ako sa JU ng tahimik tapos wala pa sa kalagitnaan ng school year ay nagulo na nya ang mundo ko.

Hindi ko man naritinig, pero nakikita ko naman kung paano mga matatalim tumitig ang ibang kababaihan sa akin kapag kasama ko itong si Ethan. Minsan nga ay nakikita ko pang may pinaparinggan sila sa twitter, at alam ko naman na ako iyon.

"Hoy Eliana. Nakita kita sa party na kasama si Ethan papauwi ah? Inuwi ka naman ba nya sainyo?" - Juliana

"OMG! Really? So pretty kasi kaya sinolo agad" - Natalie

"Don't tell me, you two did 'it'?" - Akilah

Nagulat naman ako sa huling nagsalitang si Akilah. Anong akala nya sa akin? Easy to get? Ganun ganun na lang?

"Grabe ka akilah! Hindi ah! Natulog kami ng magkahiwalay, ok?"

"So hindi ka nga nya inuwi?"

Tumango ako sa tanong ni Natalie

"Eh saan ka nya dinala?"

"Sa condo nya lang kami nagstay, Juliana"

"I see. He'll not let you to sleep in their mansion since hindi na doon nasstay si Ethan dahil sa dad nya"

"Pero wala talagang nangyari sa inyo?" nang aasar na tanong ni Akilah

"Akilah! Wala nga sabi. Sa sofa ako natulog, sya sa kama"

"Ay hindi gentleman. Hinayaan ka doon?"

"Ako naman ang nagdecide" at bigla ko namang naalala yung nangyari paggising ko kanina. Yung may nakapatong na kumot na sa akin.

Tapos yung...

"Namumula ka, Eli. Why?"

Nag aalangan akong sumagot at buti na lang ay bago pa bumuka ang bibig ko ay sya namang pagdating ni Prof. Montes.

Nagpatuloy lang ang normal na senaryo kapag sa tuwing may pasok. At pagdating naman ng alas kwatro ay sinundo ako ni Ethan sa last sub ko saka ako hinatid sa cafe.

"I'll just text you before the racing starts. Take care, my love"

Hinalikan nya ang noo ko saka nagpaalam nang umalis.

Pagkapasok ko sa cafe ay nakita ko agad si ate Anne na nakatingin sa akin

"Boyfriend mo?"

Tumango ako saka nag ayos na ng gamit bago mag asikaso ng mga customers

"Kamusta naman ang party na dinaluhan mo kahapon?"

"Ayos lang ate Anne. Hindi ako sanay lalo na at bigatin ang mga nandoon"

"Mga business partners ba ng Jimenez?"

"Opo"

Napansin ko na natigilan sya saglit "ah.. k-kasama ba ang mga d-dela Franco?"

"Hmm" pagtango ko "Nandoon sila lahat"

"Pati si Nathan?"

"Opo. Bakit?"

Nag iwas naman sya ng tingin sa akin "Ah. Wala..wala"

Napakibit balikat na lang ako saka hinayaan na lang si ate Anne. Matagal ko nang napapansin na parang matagal na nyang kilala si sir Nathan. Noong una kaming magkakilala ay naaabutan ko pa na tutok na tutok sya sa pinapanood kapag si sir Nathan ang laman ng balita. Kung minsan din ay napapansin ko na may tinitingnan sya sa cellphone nya at kapag napapadaan ako ay nakikita ko na litrato iyon ni Sir Nathan.

May nakaraan kaya sila?

Hindi ako makapagtanong dahil sa tingin ko ay privacy nya iyon.

"Ay Eliana, punta ka sa apatment ha. May handaan sa susunod na linggo"

"Anong meron ate?"

"Ipaghahanda ko lang si Nate Kristoff para sa Third birthday nya"

Naalala ko na naikwento nya nga sa akin na isa syang single mom. Pero tanging picture lang ang nakita ko dahil ang anak nya ay nasa malayo raw. At sa tuwing nagcecelebrate kami ay lagi syang umiiyak dahil nga hindi nya raw makuha ang anak nya. Hindi ko maintindihan kung nasaan basta ang alam ko ay magkalayo silang mag ina.

"Sige, ate. Dadalo ako"

"Sana nga kasama ko na si Nate. Namimiss ko na sya"

"Bakit hindi mo puntahan, ate?" curious 'kong tanong

"Hindi pwede. Bawal pa" ramdam ko ang panginginig sa kanyang boses kaya naman niyakap ko na lang sya

"Huwag kang mag alala, magkakasama rin kayo ni Nate"

Pagkatapos ng shift ay nagpaalam kaaagd si ate Anne habang ako ay nag aabang ng masasakyan papauwi. May karera nga pala kasi si Ethan ngayon.

Sa waiting shed muna ako nag abang habang may dalawang babae na tumabi sa akin. Yung pareho silang nagcecellphone at sa ayos ng pananmit nila ay mukhang pupunta sila sa party o galing na sila sa party?

"Girl! Look at Riva's post! Is this true?"

"OMG! No! Kawawa naman si King" pagsigaw nung isang babae kaya napalingon ako sa kanila

"He's great when it comes to racing so bakit sya naaksidente? Is this because kalaban nya sa racing tonight si William?"

William? Don't tell me...

"Yeah. He's Ethan Jimenez after all"

And when I heard it, mabilis 'kong kinuha ang cellphone at saka dinial ang number ni Ethan.

"Sagutin mo please.." bulong ko at napatayo pa ako dahil sa pagpapanic. Ramdam ko ang panginginig ng kamay ko. Kinakabahan ako.

Ilang segundo pa nang sagutin nito ang tawag kaya nakahinga ako ng maluwag

"Nasaan ka na? Ayos ka lang ba?"

Tiningnan ko ang cellphone ko nang walang sumagot "Ahmm Hello?"

"Hello po, ma'am. I'm Nurse Mitch po. The owner of this phone is at the ER po. Are you related to Ethan Jimenez? Pumunta na lang po kayo dito sa ***** hospital"

<3