webnovel

ABY - 3

Nagising ako mula sa pag beauty rest

ko mga bandang alas sais na, kaya

minabuti ko munang maligo,

aba kailangan kong alud-odin ng bongga

ang aking katawan, nakinis naman ako, walang pelegis katawan.

Pero ang sikreto kong malupit bakit ako makinis?.

Isisiwalat ko na dahil ito sa

mahiwagang Perla papaya, walang echingan mga bebehan.

"Only Perla Papaya touches my skin"

tang'na self puro tayo kabulastugan,

piping bulong ko sa isip.

Magpakaayos ka self dapat mamaya,

misteryosa, maalindog at katakam

takam tayo hindi tayo mala Tuesday

Vargas naariba sa comedy bar, Lamaz

club yun ang laswa ng pangalan, ano

kayang pumasok sa kukote ng

manunulat nito. Naku ituloy ang ritwal

sige hudhud dito hudhud duon,

" Oh my Giee!, Don't forget the singit

ito ang panlaban natin,..." tawang tawa

ako habang naliligo.

Enough self iwan mo ang personality

nato dito sa banyo paglabas natin dapat

ibang babae na yung mala dyosa ng

Apoy, tingin palang nakakatupok na

agad, napatili ako sa isiping iyon.Award

self yan ang peg natin for tonight.

Nang masiguro na ayos na ang pagka

kaligo, at hulas lahat ng alat sa katawan,

mabilis akong umibis palabas at

pumasok sa walk in closet, charing lang

kabinet lang ang meron ako, mini

apartment lang to,mag pakatino ka self,

agad din naman akong namili ng

susuotin na damit, isang black sexy silk

dress ang pinili ko, mahuhulma ditong

mabuti ang aking pangupo na panlaban

sa pag twerk, ganun din naman ang

aking dibdib diman ito kagaya ng papaya

ni Em em aba masasabi kong cup B

naman to, walang dinaanang

enhancement.

Matapos makapili ng damit, hinarap

ko naman ang medyo malaking salamin,

agad din naglagay ng make up, yung pak

na pak, pero hindi mukhang sinapak.

Para naman sa huling pampabuhay

ng Awrahan isang bloody red liptint

ayoko ng lipstick nakakaitim ng nguso at

labi, itong liptint ko mura lang pero pak

kabog na kabog pa, gusto n'yo malaman

simple lang, I Pm nyo si Siobe Pareñas,

pwede din mag reseller, o diba

gumaganda kana kikita kapa. Ito ang isa

ko pang sikreto pero dina na ngayon alam n'yo.

Agad kong kinuha ang aking damit at

sinuot na ito, syempre naglagay din ako

ng accessories, at para mas maka agaw

atensyon, nag spray ako ng aking

mapang akit na pabango, mura lang ito

afford n'yo.

Cologne ng mga dalaga. Lewis and

Pearl color pink, sa totoo lang marami

akong pera pero tintipid ko itong ispray,

pero dahil big night tonight, kahit maubos ayos lang.

Sa tagal kong naligo kanina, plus

ang ayos ko dahil ako ang bibida ngayon

ako ang pang finale, hinagip ko muna

ang phone ko may text si Cris at Misha,

paalis na pala sila sa mga place nila

kaya agad din aking tumipa ng mensahe

na handa na rin ako at mauna sila dahil

grand entrance ako, alam naman nila ang rason, k'ya swak ang lahat.

Nakakatawa si Cris excited di naman pwede rumampa ang beauty, n'ya

isama pa si Em em the papaya lady, oh don't get me wrong wala akong issue sa kan'ya,

anong magagawa ko papaya niya kaya unang mapapansin bago mukha,

hoy alam ko iniisip nin'yo maganda s'ya kaya,

sadyang oversize ang bubelyas ng gaga,

mabalik tayo sasama pero mga

panaguan taguan ba naman si Daddy D, oh di ngayon parang merlat na atat.

Pero nagulat ako kasama pala ni misha si Vani at Weng himala lumabas ng yungib ang dalawa,

may pagka gunaw kaya, Oh no Lord

wag ngayon ayoko mawala sa earth na

hindi na papasok ng lubos ang ibang langit.

Dyosko naman Sharina Ada Abejuela palayasin mo ang sanib na si

Tuesday Vargas at pasanibin mo muna sa katauhan mo si Maja Salvador..

Nakatanggap ako ng mensahe mula kay misha, andon na agad sila so

susunod ako malapit lang naman ang Lamaz club so keri boom boom ko ito,

lumayas ka Tuesday pasok Maja, bulong ko sa isip ko.

May kotse ako halos kaming lahat

naman sa grupo maayus na ang buhay

pwedeng sumabay sa mga yaman ng mga lalaking misyon namin,

pero dahil Maja Salvador ako tonight

mag taxi ako para naman may pahatid later, say n'yo ang brainy ko diba..

Twenty minutes that's it nasa labas na ako ng club,

kinakabahan ako first time ko tong gagawin,

In my twenty six years of existence ngayon lang ako mag lalandi ng bongga.

Nasa ganun akong pag iisip ng lapitan ako ng isang hunky na yummy pa na lalaki,

pero not my type mukhang pussy wrecker lang ito.

Malapit na sana ang lalaki biglang

sulpot ng dalawa kong kaibigan si Em em at Cris save by the bubelyas ni Em em.

Binati ko agad ang dalawa para di na tuluyang lumapit ang lalaki,

ang gaganda ng ayos ng dalawa pero mga sambakol ang mukha.

"Anong ganap sa inyong dalawa at mag Biyernes Santo ang mga peg? tanong ko sa dalawa.

" Matutuwa ka ba kung kasama ka sa

club pero di ka makapag enjoy kasi

panaguan ka aber?, si Em em.

"I agree, Mommy E, mabuti pa yung isa awrang awra.." si Cris.

"E di lumarga kayo sa loob para

makaparty, ikaw Em em para makita ka

ni Darius at ikulong kana sa loob ng brief,

n'ya, ikaw namn Cris magpakita ka kay

logan para matapos na ang paglasap mo

sa alembong n'yang dila at dancing

finger, ano hala pasok na, daming

hanash ano?," pabargas ko namang tira

sa dalawa, lihim akong napangiti ng natigilan sila.

" Oh bat natigalan kayo?, Ano tarana?

sabay naman umiling ang dalawa kaya

ngiting tagumpay team shanang..

"Sha sorry kanina sa picture ni dok light

papalitan ko na lang please!, saka

pwedeng paki bantay si Logan baka may

babaeng haharutin sige na sha, payag

kana.." paawa at palambing pa na sabi ni Cris.

"Hoy babaeng hindi tigang papayag

akong palitan mo yun basta pa pirmahan

mo kay author siobelicious, at

babantayan ko din ang magsasaka mo,

Ano deal or no deal?" panggagaya ko pa kay kris A..

"Deal bukas may picture kana with

autograph ni author, I lab yah Sha.." malanding sabi nito.

Ngayon si Em em naman ang binalingan ko, at tinanong,

"Oh ikaw anong ibibilin mo bilis kating

kati na ang paa ko rumampa sa loob.." pa excite kong sabi.

"Wala naman paki tingnan na lang si D

baka mapaaway sa loob, yun lang,"

malumay na sabi niti very unusual to.

"Ok pasok nako noted na lahat mga

frenny, wish me luck," napa sign of the

cross pako pagtalikod ko sa dalawa.

Pusang gala mga mare kabado ko Wampayb,

buti sana kung pwede itong maging pera hindi naman,

tinanguan ako ng guard kaya pumormal na ang mukha ko.

I wear a very seductive smile yung tipong lahat maging kapwa babae maapektuhan,

by the way I'm Sharina at forte ko ang pagbabago bago ng katauhan, take notes for that.

Sumalubong sa akin ang pinaghalong amoy ng alak, sigarilyo at pabango ng mga tao sa loob.

Bahagya akong luminga at hinanap ang pwesto ng mga kaibigan kita ko naman agad,

kaya lumakad ako papunta roon na para

bang rumarampa sa catwalk pero ang

mata ay naka focus sa isang direksyon yun ay ang pwesto ni double H,

muntik pakong natapilok pero like miriam ngumiti lang ako,

epektibo naman, ng makalpit kina Vani, Weng at Misha binati ko agad sila same

naman ng ginawa nila sa akin nagkwentuhan nga konti,

sinenyasan kami ni misha using her eyes so yung dalawa sa bar counter ako sa dance floor.

"It's showtime baby," bulong ko habang hindi winawaglit ang tingin kay Double.

Kapit next chapter na Igiling mo ng husto sharina....