"A wine please," Sambit ko sa waiter at nilagyan naman ako nito ng nakangiti. "Thank you."
Tinignan ko ang wine na hawak ko at inamoy ito ng kaunti. Napangisi akong lumingon sa dalawa nang makitang alam na nila agad ang reaksyon ko.
"Throw it." Sinunod ko ang sinabi ni Hans at tumayo upang itapon ang wine sa basurahan gamit ang tissue upang hindi dumikit ang finger print ko.
"Such a disappointment," Bulong ani ko at bumalik sa upuan.
"How did you know, by the way?" Humarap ang dalawa sa akin na nagtatanong ang mga mata.
"I just saw it, because of their faces are always smiling. Not a normal smile, a dangerous smile that can kill you if you are innocent." Ngisi ko sa kanila at tumayo upang mag restroom.
Sinamahan naman ako ni France at sinamaan ka agad ng tingin si Hans kung kaya naman hinila ko na siya papalapit sa akin para hindi nya na awayin ito.
"Don't glare at him." Sambit ko at hinarap siya.
"Bakit kasi ganoon siya tumingin sayo?" Tanong nya at ngumuso at parang may binubulong sa sarili.
"Anong tingin?" Napakunot ang noo ko.
"Tingin na para bang may gusto sayo." Ani nya at hinawakan ang kamay ko.
"I have no time for that, tara na." Hinila ko na siya nang makapunta na kami ng restroom.
Pagkapasok ko ay ako lamang mag isa at takong ko lamang ang naririnig ko kapag naglalakad. Nag retouch ako at naghugas ng kamay habang nakaharap sa salamin ng may napansin akong dumaan sa likod ko na ikinanuot ng noo ko.
Kumuha ako ng tissue upang ipang punas sa kamay ko at sinundan kung saan dumaan ang babae.
"Hello?" Halos um-echo ang boses ko sa laki ng restroom ngunit wala akong narinig na boses.
'Imposible naman na guni-guni ko lang iyon?'
Napailing na lamang ako at kinuha ang shoulder bag ko bago lumabas nang restroom.
"Ang tagal mo, ano paba ginawa mo?" Inip na sabi nya sa akin ng makalabas ako.
"May nakita ka bang pumasok dito?" Turo ko na ikina nuot ng noo nya.
"Wala bakit?" Ako naman ang nagtaka sa sinabi nya.
"Sigurado ka bang hindi mo ako niloloko, baka ikaw 'yon?" Natawa naman siya ng sarkastiko.
"Tanga, bakit ko naman gagawin yon?"
Sinabunutan ko siya ng murahin nya ako, angal naman sya ng angal at nagmamakaawa na tanggalin ang kamay ko sa buhok niya.
"Mas tanga ka, tara na at hinihintay na tayo ni Hans." Hinila ko na siya habang hawak hawak ng isang kamay nya ang buhok niya at naka nguso.
"Ayusin mo nga yang itsura mo." Sambit ko at bigla naman itong nag seryoso at hinawakan ang bewang ko papalapit sa kanya.
"Sure." Bulong nya sa tenga ko kaya nangilabot ako at binatukan siya.
"Umayos ka nga!" Pasigaw kong bulong nang matanaw na kami ni Hans na nakataas ang dalawang kilay.
"Care to share?" Singit nya ngunit umiling na lamang kami bago maupo.
"Anong oras tayo uuwi?" Sabay kaming napalingon kay France na mukhang naiinip na.
"Mauna kana, ihahatid ko na lamang si Chloe sa condo mamaya." Tinapik ni Hans ang balikat nito na agad namang iniwas ni France.
"Oo na, nakakahiya naman at ako pa yata ang nang i-istorbo. Ingatan mo yan ha, kapag may nakita lang ako na may gasgas yan lagot ka sakin." Sabi nya at tinapik din nito ang balikat ni Hans.
Nanakot pa nga, pero umalis na rin naman. Hindi pa rin namin alam kung paano nakapasok yung tukmol na iyon dito. Wala naman akong nakita na may hawak syang invitation card at makapal pa ang mukha dahil nakikain lang matapos noon ay nakipag kwentuhan pa muna sa kasama ko bago uminip at naunang umuwi ng Pilipinas.
"He's impossible," Sambit nya habang tinatanaw ang palayo na si France at humarap sa akin. "How can a man follow you in the middle of our mission?"
"Hindi ba ay sinabi na rin nya sa atin?"
"Oo nga, pero wala naman dito yung pinanghihinalaan nya-"
"Si Lucas," Sagot ko na ikinatigil nya. "Siya ang pinanghihinalaan nya. Nandito ang kaibigan nya na magaling mag hack at humanap ng paraan para malaman ang background ng new member sa atin. Kaya siya nandito upang iutos ng personalan niyon sa kanya."
"Pero bakit sya nagpunta dito?" Nanliit ang mata nya at tinitigan ako. Nilabanan ko naman iyon at nakipagtitigan sa kanya.
"To check on me if I'm safe or not." Simpleng sambit ko at tumayo nang matanaw na ang dalawang magkapatid.
"I'm surprised that you two are still here, did you enjoy our food and drinks?" Sambit ni Lawrence habang may hawak na tubig sa kanyang kaliwang kamay.
"Of course, thanks for inviting us here." Ngiting sambit ko at tinanggap ang kamay nya.
"Always welcome Ms. Beautiful, come again soon." Hindi ko inaasahan na kikindatan niya ako at tinapik lamang nya ang balikat ng kasama ko.
Nakangisi ang dalawang mag kapatid nang kawayan kami kaya naman ngumisi din ako pabalik sa kanila bago lumabas ng Hotel.
****
Pabagsak akong humiga sa kama at pumikit. Doon ko lamang naramdaman ang pagod ko at napabuntong hininga nang magmulat.
Nag vibrate ang cellphone ko kung kaya naman tinignan ko kung sino ang tumatawag.
𝓛𝓾𝓬𝓪𝓼 𝓒𝓪𝓵𝓵𝓲𝓷𝓰...
[I'm on my way there by tomorrow]
"So?" Kunot noong sagot ko.
[Be ready by tomorrow, don't forget our plan. We need to discuss it again tomorrow. So your brain would function.]
"Okay whatever, I didn't forget what we talked." Pagod na sabi ko at humiga nalang ulit sa kama nang wala pang bihis.
[Are you alright? Hey Ianna-"
"Chloe." Pagputol ko sa sasabihin nya. "And yes, thanks for the concern."
[Alright, meet me at the airport at 12 pm by tomorrow. Have a good night sleep.]