webnovel

All The Love in the World (TAGLISH)

Ano nga ba ang Love? May pagmamahal sa magulang, pagmamahal sa kaibigan, pagmamahal sa alagang hayop at maski sa mga personal na bagay ay nagagawa nating mahalin. Pero para kay Laurah, isang babaeng naibibigay ang lahat ng luho ay wala ni isang pagmamahal na nakuha. Mukhang impossible pero possible. Lumaki siyang walang ina at malayo naman ang loob sakanyang ama. Uhaw man sa pagmamahal ay nagawa niyang mabuhay mag isa. Hanggang sa makilala niya ang mga taong nagpabago ng kanyang buhay pero lahat ng magagandang bagay ay mayroon ring katapusan, nagkaroon ng hindi inaasahang trahedya at naiwan na naman siyang mag isa. Ang akala niyang mga kaibigang pang habang buhay ay pansamantala lang pala. Dahil sa utos ng kanyang ama ay napilitan siyang mag-aral sa isang sikat na paaralan sa loob at labas ng bansa. Labag man sa loob pero tinanggap niya ito.Pero lingid sa kanyang kaalaman ay doon muli magbabago ang takbo ng kanyang buhay. Lahat ng mga akala niyang tama ay mali pala. Ang akala niyang pamilyang tapat sakanya ay may nililihim pala sakanya? Ang mga hindi niya inakalang magiging kaibigan ay pamilya pa ang turing sakanya. But how will love reach her cold heart when she is trying hard to avoid it. Kahit man lamang ang maging masaya ay ipinagkakait niya sa kanyang sarili? NOTE: Original story of ko po ito. (MAESTRAC). Hope you enjoy. Cherish those who around you no matter they are families or your friends. Don’t leave any regrets behind.

THEODDGIRL · Général
Pas assez d’évaluations
8 Chs

KABANATA 3:

CL //

Ng wala na akong marinig na ingay ay napagpasyahan kong lumabas ng kwarto. Nasa loob na rin ang mga maleta pero wala parin akong ganang mag ayos ng mga gamit. Nakakatamad.

Hays, ang bigat ng katawan ko at ang sakit pa ng batok ko. Hindi kasi ako masyadong nakatulog sa sasakyan kanina.

Bumaba ako sa salas at naghanap ng makakakain. At mukhang hindi naman ako magugutom sa lugar na ito dahil sagana naman sa pagkain ang loob ng ref. Puno rin ng pagkain ang mga cabinet.

Kumuha lang ako ng isang apple at isang yakult tapos lumabas na ako ng room namin.

Maglalakad lakad nalang muna ako.

Pagkaliko ko sa kanto ay nakasalubong ko si Rica, yung sumundo sa akin at may kasama pa siyang dalawang babae. Sa likod nila ay may tatlong guards na may bitbit na mga maleta.

"Aalis ka?" Tanong sa akin ni Rica. Binabaan ko siya ng tingin.

"Halata ba?" walang emosyon kong tugon ng ngumiwi siya.

"Ay ang taray mo mamsh. Fluer nga pala. Nice to meet you!" inabot ng babaeng puno ng make up ang mukha ang kamay niya pero tinignan ko lang ito. Saglit niyang itinaas ang shades niya at tumambad ang kulay green niyang mata. Tch contact lense.

"Ah"

"Uy girl Claire nga pala ahi--

"Yeah yeah watever" Napipilitan kong tugon at nilampasan sila. Isinisiksik ko sa bulsa ng jacket ko ang mga kamay ko at naglakad papalayo.

"She seems nice, I like her" narinig ko pang bulong ni Fluer pero mukhang hindi bulong. Ang lakas lakas ng boses niya.

"Love your perfume by the way!" sumigaw pa siya.

Tch.

Hindi na ba siya nahiya?

Babaeng babae ang itsura niya pero ang lakas ng boses. Ang lakas pa ng pabango niya. Hindi ko gusto, masyadong matamis sa pang amoy.

I can say this school is definitely jaw dropping. Magkano naman kaya ang binabayad nilang tuition dito? Hindi ito basta bastang boarding school lang. Kilala ito maski sa labas ng bansa ay may ilang mga nag-aaral na mga banyaga.

Nang makalabas ako ng dorm ay marami na akong nakakasalubong na mga estudyante. May mga americano at instsik din akong nakikita, sabi ko na nga ba.

Oo nga pala, may klase na sila.

Ang ilan sakanila ay grabe kung makatingin. Akala mo kung isa akong dukha na nakatapak sa sosyal na paaralang ito.

"Omg! Look at her style girls? So cheap and so pang mahirap!"

"Jacket and jeans? Really? What a lame combination"

"I bet she bought it in what you call that? Ukay ukay?"

" HAHAHAHAHAHAHAHA"

Halos lumuwa ang mga mata nila sa kakairap at yung mga bulungan nilang rinig na rinig ko naman. Ano bang pinaglalaban ng mga to?

Tch.

Hindi ko nalang sila pinansin at nagpatuloy sa paglalakad lakad.

At ng tuluyan akong makalayo ay saka ko tinanaw ang girls dormitory. Wow! Ang laki nga talaga niya.

Malahotel ang katumabas ng laki. Ay mali, katulad niya ang tirahan ni Charles Xavier sa X-men. Alam niyo yun? Okay hindi niyo alam? I pity you.

Sa katabi nito ay may kulay dirty brown na kasing laki rin nitong building at tingin ko ito ang boys dormitory.

Paano ko nasabi? Puro lalaki ang naglalabasan sa building nila duh?

Siguro kulang ang araw na ito para malibot ko ang lugar na ito.

May ilang nakasakay sa golf cart at may ilan namang naglalakad.

Puro lakad lang ang ginagawa ko at maya maya ay uupo ako sa mga bench para magpahinga tapos maglalakad ulit.

Hanggang sa makarating ako sa oval.

Ramdam ko ang malakas na simoy ng hangin. Presko lang at hindi ganoon kainit. Maraming puno sa buong paligid at ang ganda nga naman pagmasdan ng buong oval.

Mayroong mga naglalaro ng soccer at may mga cheerleaders sa gilid ng hindi katangkaran na bakal na bleachers.

Hindi maiwasang mapataas ang kilay ko. Really? Cheerleaders?! Sa Pilipinas? So lame, akala ko sa America lang uso yan pati pala dito?

Pero dahil maganda ang view ay hindi ko napigilang kunin ang cellphone ko at kuhanan ito ng letrato.

*click

*click

*click

*cli---

dO.ob

Tingin sa gilid.

"Hoy!! Teka nga!"

Nagulat ako sa lalaking bigla na lang hinablot ang cellphone ko at nagpipindot doon.

"Hey what do you think you're doing?!" Tumataas na ang boses ko pero wala siyang narinig. Bingi bingihan?!

Patuloy lang siya sa pagpindot doon.

Ng akmang kukunin ko naman ang cellphone ko ay bigla niyang itataas sa ere.

Fuck shit ka! matangkad ka lang!

"Hoi bungol?! Aki----uk!" Bigla niyang isinubsob sa mukha ko yung cellphone ko saka siya naglakad palayo.

Agad ko naman siyang hinabol.

"Hoy! Ano yun? Ganon lang?! Bastos ka ah!" singhal ko habang patuloy parin siyang hinahabol. Bwisit ang lalaki ng hakbang niya.

"Hoy! punyeta n--ouch!" Agad siyang tumigil sa paglalakad kaya naman naumpog ako sa likod niya.

Mali, doon pala sa bag niyang parang may bakal sa loob dahil ang tigas.

"Shit!" Ungol ko habang hinihimas himas yung ilong ko.

Ng tignan ko siya.

(+_+)- siya

Ok? anong problema nito? Siya pa talaga ang may ganang magbigay ng masamang tingin? Aba iba din.

Bumuntong hininga pa siya saka tumingin sa akin.

"Cellular phones are prohibited in the campus. Taking of pictures or any evidences that can bring down the academy is prohibited. First offense is community service for 2 days with a penalty of 3500 pesos, second off-----

"Wait wait! Anong pinagsasabi mo? Anong first offense?!"

"Tch bawal ang cellphone sa campus gets mo na? O slow ka tala--

"Oo gets ko na pero bakit kailangan mo pang gawin sa akin yun? Pwede naman pakiusapan ako o sabihan mo akong bawal ang cel---

"I dont have time for this" Nauubusang pasensya niyang tugon.

Then he left me.

=_____________=

What a moron.

Pwede namang sabihing bawal ang cellphone may paagaw agaw pang nalalaman. Ano yun para may maganda siyang entrance? Tch idiot.

Pinanood ko lang siyang maglakad hanggang sa makalayo na siya sa akin.

Nakauniform na rin siya at yung mga babae sa gilid niya tuwang tuwa sa pagdaan niya. Tss korni.

Lalandi, hindi nalang mag aral.

Muli kong kinuha ang cellphone ko saka tinignan ang gallery.

Wala na nga yung mga kinuhanan kong letrato pero nanlaki ang mata ko ng pati ba naman yung ibang pictures doon nabura rin niya?!

Shit! Patay ka sa akin ngayon! Mali talaga ang ginawa mo! Alam ko may mali ako pero mas mali ang ginawa ng lalaking iyon.

Kapag ikaw ang nahanap ko basag talaga ang bungo mo mamaya.

*brzzzkk

*brzzzk

May tumatawag at unknown number ito.

09......

"Sino to?" - ako

"W-what? Ako to si Rica!"

:-| Teka lang akala ko ba bawal cellphone? Bakit yung babaeng yun meron?!

"Oh tapos?"

"Anong oh tapos? Pumunta ka rito sa harap ng dorm may pupuntahan tayo!"

"Ayoko may pupuntah---

"Tch uniform to at ID niyo ni Fluer para bukas makaumpisa na kayo"

"Tinatamad ako kayo nalang muna"

Ibababa ko na sana yung tawag ng magsalita pa siya.

"Sige na mamsh. Halika na, para bonding bonding ahahh!"

Teka? sino naman tong may malanding boses?!

"Wait who's this?"

"Awwwww ako to si Fluer! Si pretty Fluer! Hintayin ka namin sa harap ng do---

*tooot toot tooot tooot

Binabaan ko siya ng tawag at naglakad lakad na. Akala ko ba bawal ang cellphone eh yung blondinang yun nakakagamit ng cellphone?!

Mabigat ang loob kong naglakad pabalik ng dorm at hindi mapakali.

Wala pa man ding back up ang mga files ko dito sa cellphone. Parang gusto ko tuloy basagin yung ulo ng lalaking yun!

Malayo pa lang ay tanaw ko na sila.

Nakaupo sa hagdan si Rica samantalang yung dalawa ay busy sa pagpipicture.

Tch naalala ko na naman yung nangyari kanina. Hindi ko maiwasang umiyak.

Ang daming lamang pictures nun! mababa man rason ko pero walang papalit sa mga letratong nandoon.

Bagsak ang balikat kong lumapit sakanila pero hindi ko pinahalata.

"Oh mabuti hindi ka nawala? Sana man lang tinawag mo kami para naitour ka namin nila Claire" Ani Rica

"Oo nga naman friendship! Sayang yung outfit ko hihi except sayo sorry not sorry" Maarte namang anas ni Fluer na naglalagay ng lipgloss sa labi niya. Nag pout pa siya saka kumindat sa akin. Atsaka ano daw? Sayang ang outfit niya? Outfit niyang parang aattend ng party sa bar?!

Pumasok lang ata to dito para magpaganda.

d=_=b

Hindi ko nalang siya pinansin sa kaartehan niya at baka masungalngal ko sa bibig niya ang lipgloss niya. Badtrip ako ngayon.

"Ahehe tara na guys tapos itotour ko na rin kayo hihi" Tawag ni Claire sa amin kaya naman nauna na akong sumakay sa golf cart.

Sumiksik ako sa likod ng tumabi sa akin si Fluer at nalanghap ko pa yung sobrang tamis niyang pabango.

Shit! Halos hikain na ako sa amoy.

Naupo naman yung dalawa sa harap at si Rica yung nag drive.

"Medyo malayo tayo kasi sa Northwest yun." sabi ni Rica habang nagdadrive parin.

Sa gitna kami at syempre tinginan ang mga tao. Tch wala bang magawa yang mga mata niyo?!

Dahil hindi ko kaya ang amoy ni Fluer ay nagtakip ako ng panyo sa ilong. Sana pala dinala ko ang face mask ko.

"Since matatagalan pa tayo itour ko na rin kayo haha. Yung building natin kanina ay yung girls dormitory. All levels ay doon nakatira. From Freshmen to Seniors. Same with the boys dormitory which is yung kulay dirty brown na gusaling iyon. 300 meter ang layo natin sakanila and of course bawal tayong pumasok doon which is thesame din sakanila sa ating dorm. Magagalit si Dean pag nagkataon" Satsat niya saka pinagtuturo ang dalawang building na nalampasan na namin.

"Omo! Madami bang oppa doon? marami ba friendship? Yung kamukha ni Lee Minho o ni Park Hyun Sik kyaahh!"

Tsk Tsk Tsk.

Ang likot likot talaga ng babaeng to. Kung pwede ko lang siyang itulak eh tinulak ko na.

"Haha oo friendship marami doon! Malalaglag ang panti mo kapag nakita mo sila!" Kinikilig namang tugon ni Claire na nakaharap sa amin.

Bakit hindi nalang sila manahimik tulad ni Rica. Hindi ba nila ramdam na nakakairita ang boses nila?

"Kyaaàhhh!! Omo Otoke! Gusto ko yan!"

(OTOKE: Korean Term for What to do)

"Tama! Lalo na sa section namin ang daming papa doon'"

"Omg girl dont say that. There are two types of boys. First one is papa and the second one is fafa"

Ano na naman tong pinagsasabi ng babaeng to. Puro kabalbalan ang lumalabas sa bibig.

d=_=b

"Ha? Ano naman iyon?" Ayon! Nagtanong na yong isa. Kilala niyo na yung tinutukoy ko. Yung driver na tahimik na ngayon ay nakikisali na sa usapan.

Yung pagmumukha naman ni Claire puno ng pagtataka. Mukhang interesado siya sa walang kwentang sinasabi ni Fluer.

"Ganito kasi yan, actually narinig ko lang yan sa yaya ko noong nasawi siya sa gwardyang manliligaw niya. Grabe ang iyak niya kasi tinakasan daw siya ng jowa niya sa bayad ng coop. Ayun ubos ang sahod niya ay anyway going back una daw ay fafa alam niyo kung ano yon?"

"Ano?/ What is it?" Tanong ng dalawa. Ako walang interes. Pinapanuod ko lang yung mga nalalampasan naming daan.

Bakit kasi ambagal ng takbo ng pesteng golf cart na to. At kung pwede lang bumaba kanina pa ako bumaba. Nagsisisi akong sumama pa ako dito.

"Fafa is for pogi! Yummy! Hulog ng langit! Tulo laway guy. Mga diyos ng kagwapuhan. Tapos yung papa alam niyo kung ano yun?" nag papaintense pa ang gaga. Akala mo naman kung nakakatulong sa bayan ang sinasabi niya.

"Uhm pangit?" Hindi siguradong sagot ni Claire habang nakatingala sa langit na akala mo pinag isipan ng todo.

"Waaaahh! Tumpak! Galing mo talaga friendship! Apir tayo diyan!" Natatawa niyang sambit saka tumayo sa inuupuan niya at kumapit sa harap.

At nag apir pa silang dalawa.

Tch napairap ako sa katangahan nilang dalawa. Yung driver namin daig pa ang matanda magmaneho sobrang bagal at nakitawq pa.

Tch ang kokorni.

"Grabe Fluer ang dami mo palang nalalaman no? Teach me sensei"

"Hahahahahahaha oo naman! Tama ka ng nilapitan!"

"Hahahahahahahaha"

At nagtawanan pa sila sa hindi nakakatawang dahilan.

Mga baliw.

"Girls look! Ayan yung oval natin. Actually dito lagi nagaganap ang Regionals at Nationals dahil malawak ang academy. Kaya ang daming dumadayong mga gwapo dito hihi. Especially sa swimming! Ay oo pala sa likod ng oval ung building ng swimming department. Hindi na natin madadaanan yon"

"Doon naman sa bandang iyon ang office ng Chairman, katabi niya ang mga cabin tuwing may camping na mangyayari kaso mukhang mabubukok na ang mga cabin pero walang camping na nangyari, yung last President kasi ng council hindi man lang maisip na may cabin pala tayo. Kaya naman Rica please ipagamit niyo naman ang cabin para masata!"

Tinuro niya yung malaking building sa di kalayuan. Nakapaligid naman doon ang mga maliliit na cabin houses.

Seriously? What the heck is this academy. It's out of this world. Yung mga design ng buildings dito ay katulad na katulad sa London. May touch of Spain na hinaluan ng disenyo ng mga Pinoy. Pero kung titignan mong maigi para kang nasa ibang bansa.

"Hindi ko na matuturo yung building kung nasaan yung classroom natin kasi hindi naman natin yun madadaanan kasi nasa likod din yun ng oval. Pagdating mo kasi doon mostly andoon ang iba pang department.. Kumbaga mala probinsya ang labas natin dito. Kaya naman everytime may pasok dapat maaga kang gigising kasi ang layo talaga ng building natin"

Tch, aksaya pa.

No wonder may golf cart. Kasi naman malayo pa ang lalakarin.

Habang patuloy ang pag andar ng sasakyan ay patuloy rin ang kita ko sa mga puno na walang katapusang nakatanim. Gubat ata to hindi paaralan.

Ang raming mga bulaklak at puno sa paligid kaya ang rami ring nagkalat na mga tuyong dahon sa daan.

"Wow! Ang romantic naman pala dito. Yung nagbibike kayong mag jowa dito habang nagbabagsakan sainyo ng dahan dahan ang mga tuyong dahon. Ahihihi Stairway to Heaven ang peg" Kinikilig na namang tugon ni Fluer na walang sawang nagseselfie.

Ipapasa niya kay Claire yung cp niya tapos sila naman yung magseselfie.

This is bullshit!

Akala ko ba bawal ang cellphone dit0?!

Hindi ko nalang sila pinansin kahit pa na gusto kong hablutin ang cp niya at itapon sa daan.

Maya maya lang ay nakarating na kami sa admin.

Nakakamangha naman itong tignan.

Nakshape ang building ng parang rubics cube at all glass ang dingding kaya naman nakikita ang loob.

Isa isa kaming bumaba at saka lang ako nakahinga ng maluwag.

Malalim akong humugot ng hininga at nagstretch.

Ayos! Nakalanghap rin ako ng preskong hangin!

"Let's go guys dito tayo!"

Pumasok kami sa loob at sobrang lawak ng espasyo. Ang sosyal ng admin na ito. Malahotel ang interior design at napakalawak ng Information desk. Maliwanag rin sa loob dahil sa liwanag na nanggagaling sa labas. All glass nga pala ito maski ang bubong.

Pumasok kami sa isang kwarto at nagpakuha ng letrato para sa ID na agad rin naming nakuha. Ganito sana lagi, hindi katulad sa huli kong pinag-aralan inabot na ng dalawang buwan wala pa ang ID ko.

Pagkatapos ay umakyat kami sa ikatlong palapag kung nasaan ang Registration Office para kunin yung schedule namin.

Matapos naming kunin yung ID at Schedule ay bumalik na kami sa dorm. Mabilis lang pala iyon matapos, kung alam ko lang ay sana bukas na ako pumunta.

Atsaka nakaupo lang naman ako sa golf cart pero parang pagod na pagod ako.

Nang makarating kami sa dorm ay mabilis akong umupo sa bilog na sofa ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang isang babaeng ang sama ng tingin. Nakasuot siya ng itim na daster.

May dala siyang uniform na sa tingin ko ay pag mamay-ari namin ni Fluer.

"Ladies here's your uniform." Tumayo ako at akmang kukunin yung damit ng binawi niya ito at pinagmasdan ako. Ang napakasama niyang tingin ay inisa isa ang kabuuan ko.

"Why?" Kunot noo kong tanong.

"Cellphone is not allowed in here. Surrender your phone now" Masungit niyang tugon habang nanlilisik ang matang nakatitig sa akin.

Napahigpit ang hawak ko sa gamit kong nasa bulsa ko lang ng bigla niyang hilain ang kamay ko at marahas na hinablot ang cellphone ko.

"Hey! That's mine!" atungal ko at pilit na inaagaw ang cellphone ko pero mabilis niya itong naitago.

"Ohh anong meron? Omg! Andiyan na pala yung unifo---oi! Bakit mo kinuha yan?! Hey madam!"

Pati si Fluer na kakalabas lang ng cr ay nahablutan ng cellphone na sakto namang hawak hawak lamang niya.

Nilapag naman ng matandang babae ang mga uniform namin tapos dire diretsong lumabas ng room namin.

Naiwan kaming nakanganga.

"Oh what happened here?" Dumating si Rica na nagpupunas ng kamay.

"Ay andiyan na pala uniform niyo. Yehey! Magsasab---yay! Dont tell dumaan dito si Matilda?" Ani Claire.

Nagkasalubong ang kilay ko. So Matilda ang pangalan ng babaeng yon?

"Dumaan nga siya" Sagot ni RIca na mukhang alam na ang sagot.

"Pwede ba siyang mapalayas dito?" Wala sa mood kong sagot.

"Wait! Who's that bitch?! She took my phone!!" Nagmamaktol na yong isa. Napapadyak pa siya sa inis.

Ako naman kinuha nalang yung nakabalot na uniform saka dumireto sa taas.

Pagod ako at badtrip pa. Sirang sira na ang araw ko.

"Cyst bawal ang cellphone dito" Mahinang tugon ni Claire. Nakatingin sa sahig.

"And nobody even bothered to tell me?! Ang daming laman nun! Paano kung burahin nang bruhildang yon?! Waaah!"

"Relax Fluer. Makukuha natin yon kapag bakasyon so relax. Tsaka hindi niya ugaling mangialam ng mga kinuha niyang gadgets. Mukha lang talaga siyang masungit" Ani Rica

"Tch watever! Mga wala man lang pasabi! Ang daming laman nun! They're memories for pete's sake!" "

Hindi ko na sila pinansin at pumasok ng kwarto.

Hinagis ko sa sofa ang uniform saka ibinagsak sa higaan ang katawan ko.

Parang gusto kong umiyak.

Ang natatanging alaalang mayroon ako sakanya nawala pa

Beginner's thought thanks the silent readers.

THEODDGIRLcreators' thoughts