Miyerkoles.
Bakas sa mukha ko ang saya habang binabagtas namin ni Lovi ang canteen. Hindi mawala-wala sa aking mukha ang ngiting kanina pa nakasilay sa aking mga labi.
"Ang swerte mo, bakla!" Pati si Lovi ay nakangiti rin.
"Hindi ko akalain na gano'n ang mangyayari. Ahihihi!"
1 hour earlier...
"Good morning, section Hummingbird!" Pagbati ni Ma'am Ava Albino sa amin.
"Good morning, ma'am!"
"Simula na naman ng bagong yugto ng buhay ng mga estudyante. Nais kong i-congratulate ang mga narito dahil sa wakas kayo ay nasa panghuling taon na ng high school."
Umugong ang mga sipol at palakpakan. Halata sa mga mukha nila ang saya at tila ako lang yung nalungkot. Paano ko na ulit makikita si Nate? For sure, sa isang pribadong unibersidad siya magko-kolehiyo habang ako sa isang state college lamang.
Sumulyap ako kay Nate na matamang nakikinig sa teacher namin.
Nagpatuloy si Ma'am. "I will group you into two. Gagawa kayo ng libro tungkol sa mga pangyayari ng iyong high school life na kasama ang iyong mga ka-partner. Kung gusto niyong maganda ang mga isusulat ninyo, gagawa kayo ng mga magandang alaala."
"Ano pong ibig ninyong sabihin?"
"Halimbawa, kapag hindi niyo pa ka-close ang mga kaklase ninyo at wala kayong maisusulat sa inyong report, it's either mamasyal kayo or kahit anong gawain basta kasama mo siya. At ang mga nangyari noong kayo ay namasyal ay iyon ang inyong isusulat."
Napa-ahh kaming lahat. Napatingin ulit ako kay Nate. Ang swerte siguro ng maka-partner niya. Tila naramdaman niya na may nakatitig sa kaniya kaya lumingon siya sa gawi ko. Awtomatiko akong napatingin kay ma'am.
"Ipasa ninyo sa akin ang inyong mga output sa ikalawang lunes ng buwan ng Marso."
"Ang tagal naman niyan ma'am! Agosto pa tayo ngayon at bago pa lang nagsimula ang klase," angal ni Lovi.
"Iyon ay para mabigyan kayo ng mahabang panahon para makagawa ng mga pangyayaring hindi niyo malilimutan. Short bondpaper ang inyong lalagyan pagkatapos i-bind niyo ito. Sa cover ng libro, ito ang isusulat niyo."
Tumalikod si ma'am, kumuha ng chalk at nagsulat sa board.
Senior High School Chronicles
______________________
______________________
"Ang dalawang blangkong linya ay diyan niyo isusulat ang pangalan niyo," wika ni ma'am.
Kinuha ni ma'am ang kaniyang fish bowl na may lamang nilukot na papel. "Dalawang magkapares na numero ang aking isinulat rito. Kung sino man ang makabunot ng parehas na numero ay siya na ang makaka-partner ninyo."
Isa-isa kaming lumapit sa table niya. Nang ako na ang huhugot, bigla ako napatingin kay Nate. Sana, siya ang makakapartner ko! Pinikit ko ang aking mga mata at kinuha ang papel na siyang unang nahagip ng aking mga kamay.
"Okay, lahat ay nakakuha na ng kaniya-kaniyang numero. Maaari na ninyo itong tingnan."
Unti-unti kong binuksan ang akin. Wooh! Nakakakaba naman ito. Huminga ako ng malalim bago binuksan ang nakalukot na papel.
8? Infinity lang ang peg? Tiningnan ko si Nate na binubuksan ang papel. Ano kayang ang number na nabunot niya?
"Hoy, bakla! Anong sayo?" Bulong sa akin ni Lovi. Magkatabi kami ng upuan simula pa noong grade 7 pa lamang kami.
"8."
Napasimangot siya. "31 sa akin, eh."
"Sayang! Kung tayong dalawa sana ang magka-partner, hindi na tayo mahihirapan. Ang dami na nating memories together."
"Oo nga! Away, asaran, happy moments."
Napatawa na lang ako habang inaalala ang mga iyon.
"Sino ang nakabunot ng number 1? Tumayo kayo!"
Hindi ko alam kung bakit ako pinagpawisan. Kinakabahan ako! Tinawag pa ni ma'am hanggang sa 7.
Napapikit ako nang nagsalita na si ma'am. "Sa number 8?"
Pumikit ako at tumayo. Hindi ko gustong malaman kung sino ang makaka-partner.
"Kyaaah!"
Napatingin ako kay Lovi ng bigla siyang tumili.
"Bakit?"
Gamit ang nguso, tinuro niya ang nasa unahan ng klase. Sinundan ko naman iyon at nakitang nakatayo rin si Nate at nakatingin sa akin.
Nilibot ko nang tingin ang buong classroom para masiguro na wala ng ibang nakatayo.
Wala na nga!
Kami lang dalawa. Totoo ba ito? Anong nangyayari? Pilit kong itago ang saya sa aking mukha.
"Maari na kayong umupo dahil nailista ko na kayo," wika ni ma'am.
Umiwas ako ng tingin kay Nate. Tumikhim ako at kalmado akong naupo sa aking silya.
Siniko ko ng palihim si Lovi nang maramdaman kong kinurot niya ako sa gilid.
⚫⚫⚫
Nagtaka ako nang bigla siyang huminto kaya napahinto na rin ako. Kinumpas niya ang mga kamay na tila mas pinapalapit pa ako sa kaniya.
"Ano?"
"Lapit pa," wika niya.
Mas inilapit ko pa ang aking tenga sa kaniyang bibig. Rinig ko ang paghinga niya ng malalim.
"Sa tingin ko, kailangan mo talagang palitan ang paraan ng pagtawa mo."
Napakunot ang noo ko at tiningnan siya ng may pagtataka. "Bakit?"
"Nakaka-turn off kasi."
Kaya ba siguro hindi ako magustuhan ni Nate ay dahil sa tawa ko? Gaga! Eh kung napapangitan siya sa iyo, palitan mo rin ba ang mukha mo?
"Oh, bakit natameme ka?"
Lumabi na lang ako at itinuloy ang paglalakad. Sumunod na rin si Lovi.
"Ano kayang feeling ng maging maganda?" Malungkot na tanong ko sa aking sarili.
"Well, okay naman siya. Minsan, nakakasawa na."
Tiningnan ko siya ng parang paa na tinubuan ng mukha. "Ang kapal mo ha?"
Napahagikgik siya at natawa na rin ako.
Ano kayang gagawin namin? Kakain ng fishball at mamasyal sa parke? Parang date naman yata iyon.
Ipapakilala niya ako sa mga magulang niya? Parang sa magsyota lang naman iyon.
Papasyal kami sa mall kaso wala akong pambili at ang resulta ako ang taga-bitbit ng mga mabibili niya? Alalay ako, ganoon?
Hay! Ano kayang ang gagawin namin ni Nate? Hindi ko mawaglit sa aking isipan ang tanong na iyon hanggang sa makarating kami ng canteen.
Biyernes.
Kanina pa ako yamot na yamot habang nakatitig sa assignment na binigay ni Mr. Saliente, ang aming Math teacher.
Kahit kailan hindi ko maintindihan kung bakit may mga taong gusto ang Math. Ako, ang tanging gusto ko lang ay si Nate. Ahihihi!
Napangiti ako sa naisip at muli na namang sinulyapan si Nate. Busy ito sa pagbabasa ng libro.
Mga dalawang oras na rin kaming naglalagi sa library. Alas kwatro ay tapos na ang aming klase kaya naman sinundan ko siya.
Nang makitang kong sa library ang pasok niya, napakamot na lang ako ng ulo. No choice kung hindi hugutin mula sa bag ang assignment sa Math para kunwari may gagawin ako dito.
Limang mesa ang pagitan namin pero dahil wala masyadong tao ay kitang-kita ko pa rin siya.
Hindi ba siya nagsasawa sa pagbabasa?
Akala ko pa naman pansinin niya ako para i-approach tungkol sa SHS Chronicles namin. Nakakalungkot tuloy isipin na tila hindi siya interesado at hindi siya natutuwa na ako ang ka-partner niya.
Huminga na lang ako ng malalim. Isinara ko na lang ang aking notebook dahil wala naman akong maisusulat at maisagot. Puro drawing lang ng mga bulaklak at puso ang nakasulat.
At saka mukhang hindi yata siya aalis hanggang hindi niya pa tapos ang libro. Mabuting umuwi na lang. Sana nakisabay na lang ako sa sasakyan nila Lovi dahil tuwing uwian kasi ay kinukuha siya ng kaniyang ama.
Tumayo ako at nagligpit na. Naglakad ako habang nakayuko dahil ayokong mapansin ni Nate. Palihim ko pa naman siyang sinundan rito. Kinabahan ako ng matapat ako sa pwesto niya.
"Jane!"
Napalingon ako sa direksiyon ng boses. Nanlaki ang mga mata ko nang malaman kung sino ang tumawag sa akin. Si Nate! Tinawag ako ni Nate.
Sinenyasan niya ako na maupo sa katabing silya na inupuan niya. Atubili naman akong lumapit at maupo.
"Bakit?" Tanong ko gamit ang mahinang boses.
Isinara niya ang librong binabasa at nagtanggal ng eyeglasses.
"Tapos ka na sa Math?"
Ano? Hindi ko napaghandaan ang sagot na iyan, ah. Tumikhim ako at umiwas ng tingin.
"A-Ah... Oo, tapos na."
Inilahad niya ang mga kamay.
Napataas naman ang kilay ko sa kaniyang ginawa.
"Akin na. Titingnan ko," wika niya.
'Nak ng! Kailan pa siya may pakialam sa akin?
"H-Huwag na. A-Alam ko namang mali ito, eh."
"That is why I need to look at it. To correct it! You spent almost two hours for that damn 5 problems tapos sasabihin mo mali!?"
Bahagyang lumakas ang kaniyang boses kaya napalingon ako sa paligid. Wala namang umangal pero ang mga mata ng librarian nakapukos sa amin. Meaning, first warning!
Dinilatan ko siya ng mga mata at bahagyang pinalo sa braso. "Ano ka ba?"
Pero hindi pa rin siya nagpatinag. Wala na lang akong nagawa at kinuha ang aking notebook sa bag. Nakasimangot kong binigay sa kaniya iyon.
Napailing na lamang siya habang binubuklat isa-isa ang nga pahina ng aking notebook. Hindi kasi nakaka-abot ng passing grade ang aking score.
"You didn't even tried to solve a single one," wika niya nang makarating siya sa pahina na sinulatan ko ng mga given.
"Kaya nga, sabi ko 'di ba? Mali lahat!"
"You and your nonsense reasons!" Tumayo siya at binigay na ulit ang notebook sa akin. Madali ko namang inilagay iyon sa aking bag.
Hinawakan niya ang aking kanang kamay. Wait! What? Bahagya ko itong pinisil. Oo nga! Totoo ngang hawak-hawak niya ang kamay ko. Nahiya naman ako sa kamay niyang ang lambot.
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Tila ba kami lang dalawa ang tao dito sa library at nakarinig ako ng nagkakalimpangang kampana. Wedding bells! Ahihihi!
Nauna siya ng bahagya kaysa sa akin kaya tanaw ko ang kaniyang likod. Nagpapasalamat na rin ako dahil hindi niya nakikita ang reaksiyon ko. Sigurado akong mas mapula pa sa kamatis ang aking mukha.
Para akong timang na nangingiti pero pinipigilan ang sarili. "S-Saan tayo pupunta?"
"Uuwi na."
Hindi na ako nagkomento pa at nagpahila na lang. Nang makarating na kami sa gate ng eskwelahan ay saka pa niya binitawan ang aking kamay.
Madilim na rin ang paligid at wala na masyadong estudyante ang nasa loob. Nagsimula na ring ini-on ang mga lampposts para magbigay liwanag sa madilim na paaralan.
Tiningnan ko ang aking kasama na panay ang kalikot ng cellphone. Ang ilaw nito ay mas lalong dumagdag sa kagwapuhan ng kaniyang mukha.
"Stop staring!" Asik niya kaya awtomatikong napatingala ako sa kalangitan.
"Waah! Ang ganda ng mga stars!" Nakangiti kong wika habang itinaas ang isang kamay. Pinikit ko ang isa kong mata para matingnan ko ang anggulo kung saan para akong nakahawak sa tala.
Nabigla ako dahil sa isang iglap lang ay nakita kong ang tala na kanina nasa dulo ng aking hintuturo ay biglang nahulog.
"Nate, mag-wish tayo. Dali!" Bulalas ko at hindi na hinintay ang kaniyang sagot.
Kusa akong pumikit at pinagsalikop ang aking mga palad. 'Sana mapansin na ako ni Nate. Hindi bilang isang kaklase, hindi bilang isang ka-partner at hindi rin bilang isang kapwa tao kundi mapansin niya ako bilang isang babae'.
"Sana maging maayos ang lahat! Maraming salamat!"
Napatingin ako sa aking katabi nang marinig ko siyang tumawa ng bahagya.
"Bakit?" Tanong ko.
"Why did you say your wish out loud?"
Napangiti ako. "Ah, iyon ba? Uhm," sandali akong nag-isip, "kasi sigurado akong marami din ang nagwi-wish ngayon. Para kapag nakarinig si Tala, uunahin niyang tuparin ang wish ko dahil mas malakas ang boses ko kaysa sa iba. Ahihihi!"
"Napaka-isip bata mo talaga! We're already grade 12 kaya tigilan mo na iyan. You can wish in all forces of Earth but you will also work on it to make it come true."
Napatango ako sa kaniyang sinabi pero bahagya ring nasaktan. May kurot sa aking puso ang kaniyang sinabi. Tiningnan ko siya ng mataman at ngumiti ng matamis.
"Kaya ko nga ito ginagawa dahil grade 12 pa lang tayo. Gusto kong sulitin ang natitirang taon kung saan may konsiderasyon pa ang pagiging isip-bata. Dahil kapag nagkolehiyo na tayo, hindi na natin ito magagawa dahil ang nasa utak na lang natin, kailangan nating mag-aral ng mabuti para sa magandang trabaho. Dahil kapag maganda ang ating mga trabaho, gaganda rin ang buhay."
Hindi siya kaagad nakasagot. Tiningnan niya ako ng ilan pang segundo. Huminga siya ng malalim.
"I'm so–" natigil siya sa pagsalita ng may bumusinang sasakyan at huminto sa aming tapat.
Wah! Ito pala ang pinagkakaabalahan niya kanina sa kaniyang cellphone! Magpapasundo pala siya. Siguro, maghihintay na lang ako ng jeep o 'di kaya ng tricycle dito.
Luminga-linga ako sa magkabilang panig ng kalsada pero wala pa rin akong makita kahit na anino ng mga sasakyang binanggit ko.
"Halika na, ihatid na kita sa inyo." Wika niya habang binuksan ang pintuan ng kotse.
Napakurap ako sa kaniyang sinabi. Ihahatid ba talaga niya ako? Huwag na lang kaya? Umiling ako sa kaniya.
"Huwag na, Nate. Out of the way pa iyong amin, eh."
Initsa niya ang bag niya sa loob ng kotse at muli akong hinarap.
"Jane," sabi niya sa boses na tila hari ay hindi makakabali.
Kumabog na naman ang dibdib ko. Napahawak sa aking puso at bahagyang tinapik-tapik iyon.
Kalma ka, heart! Kalma!
"Are you okay?"
"H-Huh?" Parang nagising naman ako mula sa malalim na pagkakatulog. "O-Oo. Okay lang."
"Halika na!" Umatras siya para bigyan ako ng daan upang makapasok sa kotse.
Huminga muna ako ng malalim bago pumasok sa kotse. Umusog ako para siya naman ang makaupo.
"Kuya Jo, ihatid muna natin siya sa kanila," wika niya sa driver nila.
Tumango naman ito bilang pagsang-ayon.
Bumaling si Nate sa akin. "Ano bang address niyo?"
"A-Ah! Sa barangay Medyo Masagana, kalye Walang Pera," wika ko. Ang tinitirhan namin ay isang two-storey house na pamana pa sa amin ng lolo ng lolo kong may lahing espanyol. Pero pinapinturahan iyon ni Mama tuwing dalawang taon kaya hindi naman siya nagmumukhang luma.
Ini-start na ni Kuya Jo ang kotse. Tiningnan ko ang loob ng sasakyan. Wah! Mas komportable pa ito kaysa sa kwarto ko. Ang lambot ng mga upuan.
Nilingon ko si Nate at napangiti ng makitang nakapikit ito. Ang tangos ng ilong niya, mahaba ba ang pilik-mata, 'yung labi na mas mapula pa kaysa sa akin. Parang anghel na ibinaba ng Diyos para sa akin. Ahihihi!
"Jane!" sabi niya habang nakapikit pa rin.
"Oops!" Rinig niya siguro ang tawa ko. Hindi na nga lang ako titingin sa kaniya. Mabuti pang dito sa labas.