webnovel

Alice In The Mafia World

Alice Natasha Baltazar, an orphaned girl, seeking for justice for the death of her parents. Was force to join the Douglas Mafia who promise to help her to hunt those people who killed her parents. But then, slowly, a box of secret was revealed. And she never thought that her life since then was a lie. From the people who killed her parents who she thought that her biological, her sister, and her real identity. What will happened if she finally know the truth about all the lies? Will she able to handle it? Or will she runaway and forget everything?

jeclover · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
45 Chs

Chapter 36

Sorry for the typos and grammatical errors. Enjoy reading!

••••••

Chapter 36

Agad namamilibis ang mga luha ko nang makita si Yanna. Kagaya ko ay umiiyak din siya. Umaapaw ang iba't-ibang emosyong nararamdaman ko sa oras na iyon. Pangungulila at saya.

"Y-yanna," mahina kong tawag. My voice cracked. "B-bakit? P-paano? A-nong nangyari?" naguguluhan kong tanong sa gitna ng aking pag-iyak.

Tinawid niya ang aming distansya at puno ng pag-iingat niya akong niyakap. Humagulhol siya sa balikat ko.

"A-ate, I-i'm sorry. I'm sorry. Hindi na ako aalis, Ate. Miss na miss kita." paulit-ulit niyang sabi.

I gently caressed her back.

"I miss you too. Where have you been?" kumalas ako pagkakayakap para pagmasdan siya.

Her appearance change a lot. Her long hair is now short. Hanggang leeg na iyon kaya mas lalong dumepina ang kanyang maliit na mukha. Tumangkad din siya at naging matured ang hitsura.

"I'll tell you later." tipid niyang sagot.

Nilingon ko si Sion na kanina pa nanonood sa amin. I smiled at him. "Salamat sa paghatid. Ingat ka." aabi ko.

Tumango siya at nilipat ang mga mata sa tatlo kong pinsan. Nagtanguan ang apat. Nagpaalam si Sion. Hinatid ko pa siya ng tanaw hanggang sa makasakay siya sa elevator bago ako tuluyang pumasok sa unit ko.

Nginitian ako ni Yanna na naghihintay pala malapit sa pintuan. Ang tatlo kung pinsan ay nakaupo na sa mahabang sofa sa sala. Hinawakan ni Yanna ang kamay ko at inalalayang maglakad patungo sa sala hanggang sa maupo sa pang-isahang sofa.

And then an awkward atmosphere invade the room. Palipat-lipat ang tingin ko sa apat na nakaupo sa tapat ko.

I cleared my throat. "Bakit kasama niyo ang kapatid ko?" panimula kong tanong.

Sabay lumingon si Stevan at Flavian kay Faustus na nagpakunot ng noo ko kaya napatingin din ako kay Faustus na pinagigitnaan ni Flavian at Yanna.

"Siya tanungin mo." sabay sabi ng dalawa.

"Bakit?" nagtataka kong tanong.

Tiningnan ko si Yanna na tahimik lang.

Si Flavian ang sumangot. "Aba malay ko! Bigla niya lang dinala ang kapatid mo sa bahay nila sa Greece na walang malay!" natigilan si Flavian sa sinabi na tila nadulas ang kanyang dila.

"Ano?!" hindi makapaniwala kong sabi na halos magpatayo sa akin. "Bakit dinala mo ang kapatid ko sa Greece?! Bakit itinago mo siya?! Bakit hindi mo sinabi sa akin, Faustus?! Nakita mo kung paano ako nag-alala sa kapatid ko! Nakita mo halos mabaliw ako kakahanap sa kanya, Fautus!" sigaw ko. Pakiramdam ko pulang-pula na mukha ko dahil sa galit.

Habol ang aking hininga ay pumikit ako saglit para pakalmahin ang sarili.

Pagmulat ko nataranta na ang apat nang makitang napahawak ako sa aking tiyan. Sunud-sunod ang pamumura ng tatlong lalaki at tila hindi alam ang gagawin.

Nilapitan ako ni Yanna at marahang hinaplos ang aking likod. Inutusan niya si Estevan na kumuha ng isang basong tubig habang si Flavian ay inutusan niyang kumuha ng pamaypay.

"Ate, walang kasalanan si Faustus. Ako ang magsabi sa kanya na kung may mangyari man sa akin ay itago niya ako." biglang nagsalita si Yanna.

Tiningala ko siya. "Bakit? Bakit gusto mong magtago, Yanna? At isa pa bakit magkakilala kayo ng pinsan ko?" saglit kong sinulyapan si Faustus na halos hindi mapakali sa kanyang kinauupuan habang ang dalawang katabi niya ay tiya siyang-siya kay Faustus.

"Matagal na kaming magkakilala. I met him in the gangsters underground. Doon kami nagkakilala dahil palagi siya doon. Remember, nung palagi akong hindi uwi ate at minsan kung uuwi man ay sobrang late na? Magkasama kami. Lagi kaming nagkikita. Ang dahilan kung bakit ginawa ko iyon, ang magtago sa inyo ay dahil ayoko nang masali sa gulo. Alam ni Kuya L iyon na ayoko na. Pero mahirap lumabas sa mundong ito, ate. Kaya ko pinakiusapan si Faustus dahil kahit paano ay malasap ko naman ang kapayapaan kahit pansamantala man lang. Pagod na pagod na ako ate. Bawat pasa at sugat na pilit kong itinatago sayo sa tuwing uuwi ako. Bawat pagbabanta mula sayo, buhay ang kinukuha ko. Ate nakakapagod nang mangpanggap. Simula nang sumali ako ay ako na ang pomoprotekta sayo ng palihim. Ate sana maintindihan mo ako." paliwanag niya at puno ng pagmanakaawa ang boses sa huling sinabi.

Hindi agad ako nagsalita. I stayed silent at pilit pinoproseso sa utak ang mga sinabi niya. And for the nth time, I blame myself again. Kasalanan ko kung bakit nahihirapan na naman ang kapatid ko.

Tahimik akong tumayo. Gusto ko munang magpahinga. Gustong humiga at matulog na lamang. Nilampasan ko si Yanna. Alam kong pinapanood nila ang bawat kilos ko. I know they saw how my eyes were so cold.

Nang nasa tapat na ako sa pintuan ng kwarto ko ay nagsalita si Yanna na nagpatigil ng tibok ng puso ko.

"Ate may relasyon kami ni Faustus."

Napakuyom ang kamay ko at mariing napapikit. You need to calm, Alice. I need to stay calm dahil pag hindi masasaktan ko ang kapatid ko sa mga sasabihin ko. Sa mga oras na iyon ay parang isa akong bomba na gusto ng sumabog.

I opened my eyes look at them over my shoulder. Faustus is already standing beside my sister. Ang isang braso nito ay nakayakap sa beywangng kapatid ko. Habang ang natitirang dalawa kong pinsan ay nanatili sa kinauupuan at nagpipigil ng hininga.

Nailing ako at nagsalita.

"You're too young for him." kita ko ang pagdaan ng sakit at lungkot sa mga mata ng dalawa at bumagsak naman ang balikat ng dalawang lalaki tila nadismaya sa aking sinabi.

Nagsalita si Faustus. His serious eyes bore into mine.

"I thought you'll understand, Alice. Because you're my cousin. But I was wrong. And we don't need your opinion about our relationship. We just want you to know. At kung hahadlang ka man sa aming dalawa. Lalabanan kita kahit pinsan pa kita at ipapakita ko sayo na seryoso ako sa kapatid mo."  puno ng kaseryosohang saad ni Faustus.

Wrong move, cousin.

"Akala ko din maiintidihan niyo kung bakit ganito ang naging reaksyon ko. You've been together without my knowing! Sana maintindihan niyo din ako kung bakit ako galit! Sana maintindihan niyo kung bakitganito ang nararamdanan ako! Sana bago kayo manghingi ng pag-intindi sa akin, intindihin niyo muna ako!" umalingawngaw ang galit kong boses sa buong unit.

Tumayo ako ng maayos at hinarap sila. I saw how they got scared. But i don't care.

"A-Ate Alice," nag-aalalang tawag ni Yanna sa akin. Itinaas ko ang isang kamay ko para pigilan siyang lumapit sa akin.

"I was very worried! Halos mamamatay ako sa pag-alala ng malamang hindi natagpuan ang katawan mo, Yanna! Hindi mo alam kung gaano ako nag-alala sayo!" turo ko sa kapatid ko bago tumingin sa mga pinsan ko. "At kayo naman, fuck! Fuck! Fuck! Lagi taong magkasama no'n! Hindi niyo man lang naisip na sabihin sa akin?! Lahat nalang ba? Maski mga kadugo ko pinaglilihiman ako? Fuck you! Fuck you! Fuck you!" halos sabunutan ko na ang buhok ko sa frustration, galit at iritasyon na nararamdaman.

"Kaya ito ang tatandaan niyo, huwag kayong manghingi ng pag-intindi sa akin kung hindi niyo naman din ako maiintindihan. Umalis kayo! I want to be alone!" sabay turo sa pintuan ng unit.

Umiling si Yanna habang umiiyak.

"A-ate please. Sorry Ate. Ako ang nagsabi sa kanila na huwag sabihin sayo. I was in coma for two months that time kaya nang magising ako I was still under recovery. Hindi ko pinaalam sa'yo kasi alam kong may mabigat ka ding dinadala at ayaw ko ng dumagdag pa. Ate, please patawarin mo si Yanna. Ate mahal na mahal ka ni Yanna. Ate hindi sinadya ni Yanna. Please ate. Ate please, ayaw ni Yanna na magalit ka sa kanya. Please, Ate Alice. Iintindihin kita, Ate. Iintindhin ka ni Yanna, huwag ka lang magalit." nakasiklop ang kanyang mga kamay at nakatingin sa akin habang umiiyak.

Walang niisang salita ang pumasok sa isip ko sa mga pinagsasabi niya. My mind was already close to understand her words.

Nag-iwas ako ng tingin. I don't want to see her begging. Lalo na sa akin. Nasasaktan ako.

Hindi na muli ako nag-komento. Tuluyan na akong pumasok sa aking kwarto at umiyak. I know they can hear my cries but i don't care. Gusto ko lang ilabas lahat ng nararamdaman ko.

"Saber," sambit ko sa kanya. Nagbabakasakaling biglang bubukas ang pinto ng kwarto at papasok siya para patahanin ako. "Baby, i need you right now." iyak ko.

"We need you right now, baby."

Dahan-dahan akong nahiga sa kama. Inabot ko ang unan at niyakap at tinuloy ang pag-iyak hanggang sa makatulugan ko.

Nagising lang ako dahil sa marahang pagkatok. Nakadilat ang mga mata ko pero nanatili akong hindi gumagalaw. Napatingin ako sa pintuan ng kwarto ko na unti-unting bumukas. Sumilip doon ang pinsan kong si Estevan.

Nginitian niya ako pero hindi ko magawang ngumiti ng pabalik.

"I brought your dinner." sabi niya at tuluyang pumasok. May dala siyang tray ng pagkain. At inilapag niya iyon sa night stand.

Napatingin ako sa bintana. Nakahawi ang kurtina kaya nakikita ko ang kadiliman sa labas. Ang haba pala ng naitulog ko.

Rinig ko ang pagtikhim ni Estevan kaya muli akong napatingin sa kanyan.

"I just want to apologize. It was also our fault." sabi niya at napabuntong hininga dahil nakikita niyang wala akong planong mag-salita. "Kumain ka, Alice. And here," may napansin kong may inilapag siya sa tani ng tray ng pagkain. "your phone. Naka-save lahat ng number namin diyan, including your parents and Sion." dagdag niyang sabi bago lumabas ng kwarto.

I sighed bago bumangon at inabot ang cellphone. I need someone to talk to.

I scroll the contacts to find the person's name. Nang makita ko ang pangalan niya ay kaagad kong pinindot ang call button.

Itinapat ko ang cellphone at tenga ko at naghintay na sagutin niya. And after five rings he answered.

"Uh sino 'to?" boses ng babae ang sumagot sa kabilang linya. She must be Lucky.

"Ahm good evening, this is Alice. Can I speak to Sion?" mahina kong sabi sa kanya.

Hindi agad siya nagsalita but I know she's still on the line. Dahil rinig ko ang paghinga niya.

"A-Alice? A-ah sige. Wait lang tatawagin ko lang siya. Nasa kusina kasi siya at naiwan dito sala ang kanyang cellphone." kumunot ang noo. I can sense that she's in cold mode or iritation. Nahihimigan ko kasi sa boses niya.

"Okay, thanks." rinig ko ang pagbagsak niya sa cellphone.

Maya-maya pa ay narinig ko na ang boses ni Sion.

"Hello, Alice?" he's deep voice welcome my ears.

"S-sion. C-can you come here? I just need someone to talk to. Galit ako sa apat, Sion. And I think I can't handle my emotion right now. Sorry sa pag-abala. I really just need someone to talk." sabi ko sa kanya habang pinigilag pumiyok ang aking boses.

He sighed. "Okay. Pupuntahan kita.

"S-salamat, Sion."

"Kumain ka na ba?" bigla niyang tanong.

"Wala akong gana."

"You have to eat, Alice. Baka nakalimutan mong buntis ka? Kailangan mong kumain dahil kung hindi alam mong maapektuhan ang mga bata sa sinapupunan mo." sermon niya sa akin.

Mariin akong napapikit. Sunud-sunod na nagsilandasan ang mga luha ko.

"Okay."

"Okay. I'll just eat my dinner first baka kasi masandok ako ni Lucky. Pagkatapos ay magpapaalam ako sa kanya na aalis. Bye." hindi ko mapigilang mapangiti. Mukhang under ang si Sion sa kanya.

"Take your time, bye."

Pinatay ko ang tawag at kinuha ang tray na may lamang pagkain. Kahit walang gana ay pinilit ko paring kumain para sa mga anak ko.

I'm sorry, babies. Nadamay pa kayo. I'm trying my best, babies. Mommy is trying her best. But I can't I need you Daddy beside me right now. Hindi ko alam ang gagawin ko. I'm sorry. Dapat hindi ako ma-stress. Malapit na kayong lumabas kaya dapat todo ingat ako sa inyo.

Ibinalik ko ang tray sa night stand matapos kumain. Hindi ko namalayang naubos ko lahat. Bumaba ako sa kama para maligo at makapagbihis. Ngayon ko lang naramdaman na sobrang lagkit na ng katawan ko.

Sakto namang pagkatapos kung maligo at magbihis ay may kumatok sa pintuan ng kwarto ko. I think it's Sion.

Pinagbuksan ko siya at sinalubong ng ngiti.

"Hey." he greeted.

I looked at his back. I saw my cousins looking at us curious. Nakatayo sila sa sala. Hinanap ng mga mata ko si Yanna. Napansin siguro iyon ni Flavian at itinuro ang kwarto nito.

I sighed before turning my attention to Sion.

"Sa veranda ng sala nalang tayo mag-usap. I want to see the city lights and feel the cold breeze."

Tumango siya. Nauna akong naglakad, nadaan namin ang mga pinsan ko na tahimil lang na nanonood sa amin. Binuksan ko ang sliding door ng veranda. Agad akong sinalubong ng malamig na hangin.

"Upo ko." inilahad ko ang upuan na nakalagay malapit sa barandilya. May pabilog ding lamesa sa gitna ng dalawang upuan.

Nang makitang nakaupo na siya ay sinigurado kong nakalockang sliding door para hindi nila marinig ang pag-uusap namin. Naupo ako sa tapat niya at nagpakawala ng malalim na buntong hininga.

Itinuon ko ang atensyon ko sa kaliwa kung makikita halos ang buong syudad. Ang mga ilaw ng kabahahan, gusali at street lights na akala mo ay mga butuin na bumaba sa langit dahil sa sobrang ningning at liwanag.

Inayos ko ng suot kong cardigan dahil biglang umihip ang malamig na hangin.

"I have a short talk with your cousins. Ikinuwento nila sa akin ang nangyari." basag ni Sion sa katahimikan.

Tumingala ako sa madilim na kalangitaan. Mukhang magbabadyang uulan.

"Mahirap ba akong intindihin?" tanong ko kay Sion at nagbabang tingin sa kanya.

"Hindi. Para sa akin madali ka lang intindihin. I'm not bias here, I'm not on your side nor to Faustus and Yanna. I'm in the middle."

"Kung madali lang pala akong intindihin bakit hindi nila ako maintindihan?" mahinahon kong sabi.

"They understand you, Alice. They do. They understand why you were angry. It's your sister and I know you love her that's why you was dead worry when she was missing. They understand that part. But about their relationship?" nailing siya. "I think they're not. Kaya lang naman nasabi iyon ni Faustus dahil nainis siya sa sinabi mo na masyado pang bata si Yanna para sa kanya."

"I was just stating the fact!"

Napatango si Sion.

"I know. Pero iba ang pagkakaitindi nila sa sinabi mo, Alice. Ang naiisip nila ay hadlang ka sa kanilang dalawa. Kahit ako ganun din ang iisipin ko. Ang gusto lang nila ay malaman at matanggap mo ang relasyon nila. I know Yanna is too young but trust her, Alice. Alam niya kung ano ang ipinasok niya." I can feel that Sion was trying to convince me about the two.

"Walang alam si Yanna sa ganyan, Sion. At isa pa babaero yang pinsan kong si Faustus! Paano pag sa huli masasaktan lang si Yanna? Ayoko makita ang kapatid ko na umiiyak dahil sa kanya! Concern lang ako sa kanilang dalawa lalo na sa kapatid ko."

"Ikaw na ang nagsabi, Alice. Na pag nagmahal ma may kaakibat na sakit."

"Pero hindi sila nagmamahalan!"

"You're wrong. Mahal nila ang isa't-isa hindi lang nila kayang ipakita sa ibang tao dahil pareho silang nahihirapan. Sayo pa lang nahihirapan na sila. They need your support, Alice. Ilang taon ng mag-on ang dalawang yan, maawa ka naman." I know he was trying to lighten up the mood sa huling sinabi pero hindi talaga ako makasabay dahil sa nararamdaman ko ngayon.

"Maawa? Naawa ba sila nung halos mabaliw ako kakahanap kay Yanna? Ha? Sion, naawa ba sila? Hindi ba hindi? Dahil kung naawa man sila sa akin dapat in the first place pinaalam nila na buhay ang kapatid lo! Lalo na si Faustus, sana pinaalam niya sa akin!"

He sighed heavily.

"I know. But can you atleast accept their relationship slowly?" akala ko ba hindi siya bias. Pero bakit pakiramdam ko kakampi siya ng dalawa?

Pinanliitan ko siya ng mata. "Why are you forcing me to accept it? Hindi pa nga ako nakamove-on sa ginawa nila tapos gusto mong tanggapin ko ang relasyon nila? Seriously, Sion?" hindi makapaniwala kong saad.

"Fine. I respect your decision but talk to them. Gusto ni Faustus na mag-usap kayong tatlo ni Yanna. They'll gonna explain you what really happened to Yanna."

Wala akong magawa kung hindi sumang-ayon. Mas mabuti na rin siguro iyon para maliwanagan ako sa nangyari.

"Fine. Kakausapin ko sila bukas."

Namayami ang katahimikan naming dalawa. Until I spoke.

"About Saber—"

Sion cut me.

"We're still working on it. So don't worry." he said.

"I want to help, too. I badly want to him, Sion. I'm worried!"

"You want to help? In that state? Sa tingin mo ba matutuwa si Saber pag malaman niyang tumulong ka sa pagligtas sa kanya? Buntis ka, Alice." he said factly.

Hindi agad ako nakaimik. Tama siya. Hindi matutuwa si Saber.

"What should I do then? Uupo nalang at hayaan ang sariling mag-alala?"

Nailing siya at napabuntong hininga. "Alice, saving Sion is so fucking hard. The Godreys were moving places to another. Sa tuwing nararamdaman nila na alam namin kung nasaan sila ay lumilipat sila ng lugar. My father, he keep sending his men to other countries to find some trace of Godreys. Mahirap silang mahuli dahil sa dami ng mga koneksyon sila sa iba't-ibang bansa." puno ng frustation na sabi ni Sion sa akin.

Napayuko ako. Godrey. Ngayon ko lang naalala. Sila yung pumatay sa babaeng Douglas.

"The Godrey was the reason why my father and your father were fighting. Sila ang puno't dulo ng lahat. Ilang beses kong tinanong ang sarili kung sinadya ba talaga nilang barilin ang ina mo o hindi. Or it was a plan?"

Nagsalubong ang kanyang kilay at ang kanyang mukha ay napalitan ng pagtataka.

"You don't know, didn't you?" I asked him.

"Na ano?"

"About your mother. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa'yo ito. Your father should be the one telling this."

I saw longing and sadness in his when I mentioned the word 'mother'.

"T-tell me. I want to know. Ayoko nang hintayin ang ama ko para magsabi dahil alam kong wala siyang balak sabihin kung ano man ang tungkol kay mama." nang bigkain niya ang 'mama' ay sobrang mahina. Sa haba ng panahon mukhang ngayon niya lang muling binigkas ang salitang iyon.

"The reason kung bakit magkaibigan ang ina mo at ina ko ay dahil magkatrabaho sila noon. My mother told me that before she worked for his father, naging isa siyang reaper ng Godrey. Doon niya makilala si Herra Velan, your mother."

Nanlaki ang kanyang mga mata sa gulat dahil sa sinabi ko. He even stiff on his seat.

"W-what? Fuck!" he hissed with disbelief. I nodded.

"Magkakilala na ang ama mo at ina mo noon bago makilala ng ina ko ang ina mo. Naging partner sila. And then my mother found out something from your mother, she's stealing on Godrey's. Drugs, money, guns and everything that illegal. The reason was, they want to build their own Mafia. Naging kasabwat nila ang ina ko. Ang ginawgawa lang ng ina ko ay taga takip ng kasalanan ng ina mo. Habang nagtatrabaho si Hera sa Godrey ay palihim din sila ng ama mong nagtayo ng sarili mafia. Ang lahat ng iyon ay galing sa Godrey na ninakaw ng ina mo. Pero hindi lang iyon,"

"Ano?"

"The reason why the Godrey chasing the Douglas was they wanted you down. Gusto nilang mabawi lahat ng ninakaw ng ina mo. But you're father was evil as always, we the Iakovou entered the picture. Your father manipulate everything-"

He raised his hand to stop me from talking. I think he knew now.

"He blame the Iakovou for my mom's death. At dahil kaibigan ni mama ang ina mo, madali lang sa ina mong magtiwala ng kaonti sa ama ko. That was when he invited your parents together with you when you were infant for a meeting but the truth was, it's a strap. My father was planning to get you. Ikaw at ang pamilya mo ang gagamitin niya laban sa Godrey. Pina-ibig niya kayo ni Saber. Dahil gagamitin ka ng Godrey laban sa Douglas pag nagkatong makuha ka nila. At lalaban ang pamilya mo. At dahil si Saber ang nakuha nila, alam ng ama ko na gagawa ka ng paraan upang mabawi siya sa tulong ng pamilya mo. Damn that fucking old man. Kaya pala masyado siyang kalmado at kampante sa nangyari kay Saber! Dahil gusto niyang iba ang magbabayad sa kasalanan nila ni mama! Fuck! Pati kami, anak niya. Ginamit niya. Bakit ngayon ko lang naisiip?! Fuck! Fuck!" tulala niyang sabi pero kalaunan ay naging mapanganib ang kanyang mukha.

Mahina niyang hinampas ang mesa at mariing kumuyom ang kamao. Kung hindi siya nagpipigil ng galit baka sira na yung mesa.

Mabibigat ang kanyang paghingat. Biglang siyang tumayo kaya napatayo din ako. His eyes were dark. Nagbabaga sa galit ang kanyang mga mata.

"I have to go. I need to see my father." he said while gritting his teeth.

Tumango ako. "Take care." iyon nalang ang nasabj ko at hinayaan siyang umalis.

I sighed heavily before getting in. At least may ideya na siya. Alam kong sa kanilang tatlo si Sion ang may malawak na pag-unawa minsan. I think I'm doing the right thing.