webnovel

Albularyo: The Filipino Shamans

KingNato · Fantaisie
Pas assez d’évaluations
16 Chs

Chapter 15: The Strongest Attack

Nagulat si Iskwag dahil bigla na lang naglaho si Victor at bigla nalang may sumuntok sa tiyan n'ya. Di pala n'ya namalayan na nasa harapan na pala n'ya si Victor. Sa lakas ng suntok ni Victor tumilapon paitaas si Iskwag at doon sa ere s'ya pinaglaruan ni Victor. Kung nung una si Victor ang pinagalalaruan ngayon si Iskwag naman ang pinaglalaruan.

Pag mulat ng mga mata ni Antonio at nina Andrew namangha sila sa nakita nila.

Antonio: Kamagha-mangha si Victor ba talaga 'yan?

Andrew: Mukang may bago nanaman s'yang nabuksang kapangyarihan.

Victor: Ginoong Antonio ako na ang bahala kay Iskwag, gawan n'yo nalang ng paraan upang maisara na ang portal na iyan.

Kumuha ng maraming asin sina Antonio at gumawa sila ng bilog sa pamamagitan nito. May mga sinabi rin s'yang orasyon upang maisara ang portal. Sinusubukan s'yang pigilan ni Iskwag ngunit hindi ito umuubra dahil pinipigilan s'ya ni Victor. Pati ang nga tiktik ay sinusubukang atakihin si Antonio ngunit prinuprotektahan s'ya nila Andrew. Matapos ang ilang sandali nagsara ang portal at hinigop nito pabalik ang mga aswang na nanggaling dito. Mga aswang na ginawa nalang ng Dugong Itim ang natira kaya naman nagawa na ng pwersa nina Victor na ubusin silla. Tanging si Iskwag nalang ang natira.

Iskwag: Hindi ito maaari!!!

Victor: Ngayon tapusin na natin 'to. Ngayon ikaw ang unang makakatikim ng pinakamalakas kong atake. "Liwanag ng pitong bituwin bumagsak ka"!!!

Nagliwanag ang langit at bumagsak mula sa kalangitan ang pitong liwanag ng bituwin na dumurog sa katawan ni Iskwag. Tanging ang ulo, dibdib at kanang kamay nalang ni Iskwag ang natira sa pagatake ni Victor.

Iskwag: Akala mo tapos na 'to?

Victor: Oo tapos na.

Iskwag: Hindi pa kung mamatay ako isasama ko kayo!!!

Gumawa si Iskwag ng bola ng enerhiya mula sa kan'yang bibig na kayang gumawa ng pagsabog sa layo ng isang milya.

Iskwag: Maglalaho tayong lahat!

Antonio: Victor, plano n'yang idamay tayo sa pagsabog na yan.