webnovel

Albularyo: The Filipino Shamans

KingNato · Fantaisie
Pas assez d’évaluations
16 Chs

Chapter 13: Return of Darkness

Dahil sa pagkamatay ni Janelle tumindi na ang puot na nasa puso ni Victor kaya naman nanahimil lang ito at hindi umimik. Sinubukan s'yang kausapin nila Antonio ngunit hindi ito sumasagot tila ba wala itong naririnig Hanggang sa lapitan s'ya ni Natalia at sampalin s'ya nito upang matauhan.

Natalia: (umiiyak) Ano ba Victor! Alam kong masakit para sayo ang nangyari sa kaibigan mo pero kailangan ka namin Victor. Hindi pa ito ang wakas Victor. Pakiusap Victor bumalik ka na( Sabay yakap kay Victor). Victor alam kong marami ng mga taong mahahalaga sayo ang nawala pero sana naman isipin mo nandito pa kami. Kami na ang bago mong pamilya ngayon at kaylangan ka namin. Hindi namin mapapalitan ang mga tao sa nakaraan mo pero pangako hindi ka namin iiwanan.

Dahil sa sinabi ni Natalia natauhan si Victor.

Victor: Natalia tahan na pangako hindi ko rin kayo iiwan.

Antonio: Victor nararamdaman ko ang kapangyarihan ni Iskwag malapit lang dito.

Victor: Hindi na tayo pwede pang umatras nagyon dahil pag ginawa pa natin yon baka mas marami pang mamatay kaya naman susugod tayo sa kan'ya.

Melvin: Pero matatalo lang tayo kung susugof tayo sa kanila ngayon.

Andrew: Sigurado ako marami pang mga alagad ang Dugong Itim kung nasan man sila ngayon.

Sa gitna ng kanilang pag-uusap dumating ang iba't-ibang grupong handang tumulong sa kanila. Dumating si Diego, prinsipe ng mga enkantado ng kagubatan. Dala rin ni Angelita, Reyna ng mga diwata ang kan'yang mga kapwa diwata. Nandiyan rin si Hasmir hari ng mga puting duwende. Lahat sila dala ang kanilang mga alagad upang lumaban laban sa mga masasamang aswang.

Antonio: Nandito kayo. Ibig ba nitong sabihin handa kayong tumulong samin.

Hasmir: Naniniwala kami na lahat ng mga taong nabubuhay dito sa mundo ay may karapatan paring mabuhay sa kabila ng kanilang mga pagkakamali.

Diego: Isa pa alam rin naming isusunod ni Iskwa ang aming kaharian matapos n'yang masakop itong mundong ibabaw kaya naman hayaan n'yo kaming tumulong.

Dumating rin ang grupo ng mga albularyo na nagtago nung mga panahong pinapatay ang mga albularyo ng Dugong Itim at sa pagkakataong ito handa na silang lumaban para sa kabutihan. Dumating din ang Marine, Army at mga pulis upang lumaban sa mga aswang. Nakausap ni Victor si Gen. Valdez at ikwenento ni Victor at Antonio ang buong pangyayari. Nung una hindi pa makapaniwala si Gen. Valdez ngunit nakumbinsi s'ya ng nakita n'ya sina Hasmir.

Ngayon pati ang gobyerno ay kasama naring lalaban nina Victor. Habang sila ay naghahanda sa pagsugod naghahanda narin ang Dugong Itim sa pag hahasik nila ng lagim.

Ngayon magsisimula na ang ikalawang digmaan sa pagitan ng mga tao at mga aswang.