webnovel

Chapter 1 Sugatan

Nasa grocery si Aicka ng biglang may pumukaw sa kanyang atensyon.

Aicka! Aicka! tawag ng isang pamilyar na boses.

Oh, Eunice anong ginagawa mo dito.

Papauwi na sana ako ng makita kita. Kaya naisipan kong lapitan ka. Oo nga pala nabalitaan ko yung tungkol sa inyo ni Lloyd. Okay ka lang ba?

Magsisinungaling ako kung sasabihin kong oo.

So, gusto mo bang pag-usapan natin yun. Tara sa restobar ni Abby.

Sige. Bayaran ko lang muna to, tapos alis na tayo.

"Pare balita ko may pinaiyak ka nanaman", ang sabi Ar-ar na parang nanunukso.

Ar-ar pwede ba! Di ko kasalanan yun nagpapakatotoo lang ako. I'm doing them a favor. Kung ipagpapatuloy pa namin ito mas lalo lang akong magiging unfair.

Jhaypee pare alam ko naman na gusto mo lang magpakatotoo pero sana di mo na lang pinasok para wala kang nasasaktan.

Pare si mama lang naman mapilit, kaya ko sila nililigawan. Paliwanag nya.

"Kaso makalipas ng isang buwan o dalawang buwan iniiwan mo na", sabi nya ng seryoso.

Sinusubukan ko naman kaso wala akong nararamdaman kaya nakikipag hiwalay ako kesa patuloy kong lokohin ang sarili ko pati sila. Mababatid ang lungkot sa kanyang mga mata.

Oh, mga bes anong ginagawa nyo dito? Sabi ni Abby na halatang nagulat.

Kasi itong kaibigan natin may problema.

Bakit anong problema? Pero bago tayo magkwentuhan umorder muna kayo ng pagkain tapos mamaya inuman tayo ng mapag-usapan natin yan.

Yun, maboteng usapan. Masayang sabi ni Eunice.

Hay naku basta alak tuwang tuwa ka.

"Hindi naman, ganyan ba tingin mo sakin. Natatawang sabi nito.

Hala sya, kumain muna kayo. Lalo ka na Aicka hindi porket nasugatan yang puso mo ay pababayaan mo na ang sarili mo.

"Opo nanay", pabirong sagot nya.

Yan ganyan, ngumiti ka. Tawanan mo ang problema. Iwan ko muna kayo ha may aasikasuhin lang ako, pero babalik din ako mamaya. Kain muna kayo dyan.

Pare ano palang sabi ng mama mo?

Di pa nya alam. Saka kapag nalaman na nun siguradong ipapatawag ako nun. Lagi naman ganon pagkatapos kong makipaghiwalay sa mga babaeng nireto nya.

Ihanda mo na ang sarili mo sa sermon.

Sige pare uuwi na ko at maya maya magsusumbong na yun kay mama.

I'm back. Simulan na natin. Ano ngang nangyari sa inyo ng boyfriend mo? Tanong ni Abby.

Habang umiinom sinimulan na nyang ikwento.

Pumunta ako sa bahay nya para supresahin sya. Pagkapasok ko sa bahay nya may narinig ako sa kwarto nya kaya dali-dali akong pumunta. Pagkabukas ko nang pinto nagulat ako sa aking nakita. Si Lucy at Lloyd naghahalikan at walang mga saplot. Sabi nya habang patuloy na umiiyak.

Loko pala yung boyfriend mo. Akalain mo pinagsabay kayo ni Lucy. Tapos itong malanding Lucy na to mang-aagaw ng boyfriend. Galit na sabi ni Abby.

Kasalanan ko din naman siguro may pagkukulang ako kaya sya nagloko.

Aicka, hindi excuse yun para lokohin ka nya. Kung hindi ka na nya gusto dapat sinabi nya. Hindi yung pinagsabay nya kayo at kaibigan pa natin. Naiinis na sabi ni Abby.

Tama. Sobrang bait mo kasi kaya ka niloloko. Pagsang-ayon ni Eunice. Alam mo ang mabuti pa iiyak mo ng iiyak tapos kalimutan mo na sya. Alam kong mahirap pero kailangan. Nandito naman kami ni Eunice, tutulungan ka namin.

Salamat sa inyong dalawa. Kahit papano medyo gumaan ang loob ko nung nailabas ko lahat.

Sus parang yun lang. Alam mo ang sugat hindi bine-baby dapat ginagamot kahit masakit. Pagkatapos ng kirot ok na ulit. Sabi ni Abby na parang nangangaral na Ate. Sya kasi ang pinakamatanda sa grupo.

Korak! So ok lang na masaktan kasi dun tayo mas tumatatag.

Salamat sa inyong dalawa.

Tama na yang drama mag-inuman na lang tayo.

Pagdating ni Jhaypee dahan dahan syang pumasok ng bahay nila.

Jhaypee! Tawag ng kanyang mama.

Yes mama?

Ano tong sinumbong ni Karla! Nakipagbreak ka raw sa kanya!

Ma alam mo namang hindi ko talaga gusto si Karla.

Pero anak mabait na bata si Karla at loyal sya sayo.

Yun na nga Ma. Masyado syang mabait para lokohin. Saka ikaw lang naman ang may gusto na maging kami. So please Ma, try to understand hindi ko talaga sya mahal.

Hay naku! Suko na ko sayong bata ka. Sige di na ko makikialam pero anak humanap ka na ng mapapangasawa dahil hindi ka na bumata. Saka gusto ko man lang makita ang apo ko sayo bago ako mawala.

Mama wag ka pong magsalita ng ganyan. Of course makikita mo po ang magiging anak ko. Kaso wala pa talaga.

Tama na nga to. Gabi na. Matulog ka na.

Good night Ma.

Good night anak.

Salamat sa paghatid ha. Ingat kayong dalawa. See you tomorrow.

Good night na din. Pahinga ka na. Sabi ni Abby.

Good night. Pahabol na sabi ni Eunice bago umalis ang kotse.

Makalipas ang isang buwan. Medyo ok na ang pakiramdam nya at narealize nya na hindi deserve ng ex nya ang kagaya nya. Nakita na rin nya kung gano ka walang kwentang lalaki ang ex nya.

Habang patawid si Aicka ay nahagip sya ng isang sasakyan.

Aray ko. Ang sakit ng tuhod at binti ko. Bakas ang sakit sa kanyang mukha.

Miss ok ka lang ba? Sabi nito na halatang nag-aalala.

Mukha ba kong ok! Ang sakit kaya. Pagtataray nito.

Naku pasensya na. Di ko napansin na stop na pala nagmamadali kasi ako. Teka tatawag ako ng ambulansya at wag ka muna gagalaw dyan baka mapasama pa lalo. Sabi nya ng mahinahon.

Okay. Pagsang-ayon nya.

Habang may kausap ito sa cp tinititigan nya ang itsura nito. "Aba yummy si Kuya", sabi nya sa isip.

Paparating na daw ang ambulansya.

Maya maya dumating na ang ambulansya at sinakay sya.

Susunod ako sa Ospital. Promise di ako tatakas.

Ok. Yun lang nasabi nya kasi ramdam naman nya ang sinseridad nito.

Aicka! Tawag ng isang pamilyar na boses.

The nerve na tawagin pa ko ng lalaking ito! Sabi nya sa isip.

Anong kailangan mo? Sabi nya ng mahinahon para ipakita na nakamove on na sya at di sya apektado sa presensya nito.

Anong nangyari sayo? Pwede ba tayong mag-usap.

Wala ka na dun. Saka para ano pa! Tapos na ang lahat sa atin.

Please Aicka! I'm begging you. Please give me another chance.

Chance! Ilang beses na kitang pinagbigyan pero paulit ulit ka lang.

Sige na. I promise di ko na uulitin. Sabay hawak sa mga kamay nya.

I'm sorry pero di na ko magpapauto ulit sayo. Kaya bitiwan mo ko.

Hindi. Hindi kita bibitawan hanggang hindi mo ko binibigyan ng isa pang pagkakataon.

Bitaw sabi. Di na ko papaloko pa ulit sayo. Galit na sabi nya.

May problema ba dito? Sabi ng isang lalaki. Matangkad, maputi, makisig at gwapo lahat ng katangian pinapantasya ng karamihan.

Ito kasi! Ayaw akong bitawan.

Sino ka ba? Wag kang makialam dito pare.

Di mo ba sya narinig. Sabi nya bitiwan mo daw sya. Sabi nito na halatang nagtitimpi.

Biglang syang sinuntok ni Lloyd.

Bakit ka ba nakikialam? Boyfriend ka ba nya? Pagalit na sabi nya.

Gumanti ito ng suntok. Sabay sabi ng "oo". Ako ang boyfriend nya. Kaya tigilan mo na sya. Sabi nya ng may diin. Sabay tawag ng "security".

Totoo ba ang sinasabi ng lalaking ito? Tanong nya kay Aicka.

Nagulat sya sa sinabi ng lalaki at takang taka sya bakit nito sinabi na boyfriend nya ito.

Sabihin mo na honey na boyfriend mo ako. Sabay kindat ng pasimple.

Oo boyfriend ko sya kaya tantanan mo na ko. Sabi nya kahit naguguluhan sya.

Narinig mo. Kaya umalis ka na. Seryosong sabi nito.

Oo aalis ako. Di pa tayo tapos. Yabang nito. Bitiwan nyo ko. Kaya kong maglakad ng mag-isa. Umalis ang kanyang ex na halatang inis.

Salamat nga pala. Pero bakit mo sinabi na boyfriend kita.

Walang anuman. Tungkol naman sa tanong mo. Sinabi ko yun para tigilan ka na nya.