webnovel

After You Fall Asleep

Vampire

xiarls · Fantaisie
Pas assez d’évaluations
22 Chs

Chapter 9

MARGARETTE'S POV

Lumipas ang mga araw, magaling na din ako kaya ngayon na ako babalik sa bahay ko. Gusto ko mang dun tumira kina Kuya Mike eh hindi pwede. Walang tao sa bahay at hindi naman ako papayag na walang tao dun.

"So paano, next time ulit." Sabi ni Kuya sa akin. Hinatid niya ako kasama si Ate Hannah.

"Sige Kuya salamat ulit. Sigurado ba kayong hindi na kayo tutuloy?" Tanong ko sa kanila. Binaba ni Kuya ang mga gamit ko.

"Huwag na, malayo pa ang byahe." Sabi ni Ate Hannah sa akin at hinalikan ako sa pisngi.

"Oh paano, mauna na kami." - Kuya

"Sige, mag-ingat kayo sa daan."

Pumasok na ulit sila sa sasakyan at umalis na. Nang malayo na sila sa paningin ko pumasok na din ako sa bahay, bukas iyon. At halos malaglag ang puso ko nang may nagsalita sa likod ko.

"You're back." It's Jason.

Bigla akong kinabahan sa kanya. Lumunok muna ako bago ko siya hinarap.

"Yeah, I'm home." Hindi ko pinahalata sa kanya na alam ko na kung ano ba talaga siya.

"Kumusta ka?" Tanong niya.

Nag-iwas ako ng tingin.

"Ayos lang ako." Sagot ko at tumungo na sana sa hagdan pero pinigilan niya ako.

Hindi ko siya nilingon.

"Ano ba? Pagod ako." Nanghihina ang tuhod ko dahil sa paghawak niya sa akin. Alam kong mapanganib siya kaya ganito na ngayon maka-react ang katawan ko.

"Galit ka ba?"

"Paano ako magagalit kung wala ka namang ginawa?" Kahit na meron.

"Come on Marj, alam ko kung galit o hindi ang isang tao."

Malakas kasi ang pang-amoy at pandinig mo kasi bampira ka.

"Wala nga. Bitawan mo na ako. Gusto kong magpahinga." Malamig na sabi ko sa kanya. Binitawan niya naman ako kaya dumiretso na ako sa pag-akyat.

Kung alam mo lang, oo galit ako sayo. Nagsinungaling ka, niloko mo ako. At kailanman hindi kita patatawarin kung hindi mo sasabihin sa akin ng totoo at harap-harapan.

Pagkapasok ko sa kwarto ko bigla na naman tumulo ang luha ko. Ano ba naman 'to? Lagi na lang ba ako iiyak sa isang lalaking may malaking kasalanan sa akin? Hindi ko na kaya. Masakit na ang mga mata ko sa kakaiyak araw-araw. Oo araw-araw na ako umiiyak. Bwesit lang kahit anong gawin ko para huwag na tumulo ang mga luha ko ayaw pa din tumigil. Ano ba 'tong nangyayari sa akin?

"Pwede bang maging masaya ako kahit andyan ka? Kasi sobrang sakit na ang naidulot mo sa buhay ko! Hindi ko na kayang umiyak!" Bumubulong na sabi ko sa sarili ko.

Naramdaman kong medyo bumubukas ang pinto. Alam kong siya 'yon.

"Marj please mag-usap tayo." Mahina niyang sabi sa labas. Hindi ko siya pinansin. Binuksan niya na lang ang pinto at niyakap ako. Lalong bumuhos ang luha ko sa dibdib niya.

"Ano ba ang ginawa ko ba't lagi ka umiiyak?" Tanong niya.

"Hi-hindi ko alam." Sagot ko. Nanlalambot ang tuhod ko kaya napahawak ako sa braso niya. Inalalayan niya naman akong umupo sa kama ko.

"Come on, tell me. Hindi naman ako magagalit."

Umiling-iling ako. Kapag sinabi ko ba maibabalik ba ang mga luhang nasayang ko? Hindi diba?

"Sorry kung nagsinungaling ako. Sorry kung niloko kita. Alam kong galit ka kasi halata sa mukha mo. Pero sana mapatawad mo ako." Hinaplos-haplos niya ang buhok ko. Magkayakap pa rin kami. Galit ako sa kanya pero bakit niyayakap ko rin siya?

Napahiwalay ako.

"Umalis ka na. 'Di kita kailangan."

"Okay. Sorry ulit. Mag-usap na lang tayo kapag maayos na ang pakiramdam mo."

Hinalikan niya ako ng matagal sa noo saka umalis sa kwarto ko. Nawala ang pagtulo ng luha ko sa ginawa niya. Ano ba ang mga kayang gawin ng mga bampira mapatahan lang ang isang tao? Katulad ko, kanina umiiyak tapos ngayong hinalikan lang sa noo parang sasabog na ang puso ko.

ANO BA TALAGA ANG MERON SA KANYA?

JASON'S POV

Lumabas ako ng kwarto niya ng may magandang ngiti sa labi ko. Hinalikan ko siya sa noo.

"Anong ibig sabihin ng ngiting 'yan ha, anak?" Bungad sa akin ni Mama.

Dito sila ni Papa sa bahay ni Marj pero sinabihan ko silang huwag magpakita sa kanya kundi mabibisto kami.

"Wala 'to, Ma." Mabilis akong umiwas ng tingin kay Mama.

"Dahil ba yan sa nagmamay-ari ng bahay na 'to?" Pag-uusisa niya.

"Hindi ah!" Mabilis kong sagot.

Ang totoo niyan, alam niyo na. Sino ba naman ang hindi magmamahal ng katulad niya? Pero lagi na lang siyang umiiyak simula nung tumira ako dito sa bahay niya. Ano ba ang ginawa ko? Oo nga't nagsinungaling at niloko ko siya pero hindi naman ito ang tamang oras na sabihin ko sa kanya ang lahat. Pero napaisip din ako, alam na kaya niya?

Gabi na at hindi pa rin siya lumalabas sa kwarto niya, kaya heto dinalhan ko siya ng pagkain.

Kinatok ko ang pinto at kahit hindi pa rin siya sumasagot binuksan ko na iyon pero natigilan ako nang makita kong wala siya sa kama niya.

"Marj..." Tawag ko. Nilagay ko muna sa mesa ang pagkain na nakalagay sa tray at hinanap siya sa kung saang sulok ng kwarto niya pero wala siya.

Nagmadali akong lumabas ng bahay at dun nakita ko siya kasama si Lennard. Masaya silang nag-uusap at nagtatawanan. Napakuyom ako ng kamao ko. Tumalikod agad ako at nakaharap ko sila Kris, Gio, at Neil. Nakangisi silang nakakaloko sa akin.

"Anong ginagawa niyo dito?" Kunot noong tanong ko sa kanila. Inakbayan ako ni Kris at nilakad palayo kina Marj.

"Wala lang. Binabantayan lang namin si pareng Lennard kasama si Margarette." Sagot niya sa akin.

Pinaupo niya ako sa upuan sa may park, hindi ko namalayan na dito nila ako dinala.

"Bakit kasama ni Marj si Lennard?" Usisa ko.

"Hindi mo ba alam? Nan--"

Napanganga ako sa sinabi niya at parang gusto kong manakit at pumatay!