webnovel

AFTER ALL (Tagalog Novel)(Book 1)

Ang pagkawala ng lahat ng kanyang alaala ang naging dahilan ng pagbabago sa kanyang buhay. Hindi man ito sadya at lalong kailanman hindi n'ya ito inasahan. Subalit kailangang yakapin ni Angela ang kasalukuyan. Dahil dito na umiikot ngayon ang kanyang mundo. Simula ng magising siya bilang si Angeline Alquiza. Pero sino nga ba siya talaga? Hanggang kailan ba s'ya mananatili sa katauhan nito? Kung pwede nga lang sana gagawin n'ya ang lahat, h'wag lang mawala ang lahat ng ito sa kanya. Lalo na ang mga taong napamahal na nang husto sa kanya. Subalit alam n'yang ang lahat ay may hangganan. Pero paano kung patuloy siyang habulin ng kanyang nakaraan? May mga panaginip na patuloy na gumugulo sa kanyang isip, alam niya at ramdam niyang maaaring may kaugnayan sa nakaraan n'yang buhay. Hanggang sa makilala niya ang isang babaing sa una pa lamang misteryosa na ang naging dating nito sa kanya. Pero sino nga ba ang babaing ito? Na tila gusto pa yatang agawin ang lahat sa kanya, maging ang kanyang kaligayahan. Ang nakapagtataka pa tila ba may lihim itong galit sa kanya. Gayu'ng hindi naman n'ya ito kilala. Pero hindi nga ba niya ito kilala? Bakit unang narinig pa lang n'ya ang pangalan nito iba na ang pakiramdam n'ya. May nagawa ba s'yang pagkakamali sa babaing ito o sa kanyang nakaraan? Kaya ba walang naghahanap sa kanya. Dahil ba, isa s'yang masamang tao? Until one day she just found out that someone was suffering greatly because of her. After all that happened to her and after forgetting the past. Including the promise not being fulfilled. But how can she fulfill it? If she doesn't remember it, after all. * * * Author's Note: Ano man sa istoryang ito ang may pagkakahawig o pagkakatulad sa iba. Kagaya ng pangalan, karakter, lugar, mga salita man o mga pangyayari at iba pa ay hindi po sinasadya. Ang lahat ng nilalaman ng istoryang ito ay pawang kathang isip lamang. Bunga ng malikot na imahinasyon ng may akda. Hindi rin po ito maaaring gayahin ng sinuman ng walang pahintulot. Ito po ay orihinal na akda ng inyong lingkod. MARAMING SALAMAT!? _____ BY: MG GEMINI @LadyGem25

LadyGem25 · Urbain
Pas assez d’évaluations
131 Chs

TO EASE THE PAIN

"What... What did you say?"

"I said, I'm not your puppet, Dad! Tao ako at may pakiramdam kaya h'wag mo akong basta pasunurin sa gusto mo, hindi mo ako laruan!"

Malakas niyang sigaw sa harap ng kanyang ama nang hindi na naisip pa ang kahulugan ng mga salitang lumabas sa kanyang bibig. Basta na lang niya nasabi dahil na rin sa galit at matagal nang kinikimkim na sama ng loob dito.

"Walanghiya ka talagang bata ka, wala ka nang respeto talagang mapapatay kita!"

Lalapitan sana siya nito ulit para muling saktan. Pero maagap itong sinangga ng kanyang kuya Darren. Niyakap siya nito kaya ito ang sumalo ng lahat ng galit ng kanilang ama.

Bakit ba ang bait ng kuya Darren niya Kayang kaya nitong tiisin ang ugali ng Daddy nila. Palagi na lang itong sunod sunuran sa kanilang ama. Kung minsan iniisip niya kung masaya pa rin ba ito sa ginagawa nito?

Habang tumatagal nagiging toxic na ito sa kanya, kabaligtaran kasi ito ng ugali niya. Nagsisimula na rin kasi siyang makaramdam ng pagkainis sa kanyang kuya.

However they have only one thing in common... Their love each other! After all, he realized how lucky he is to have a big brother like Dr. Darren Ramirez.

"Lumayo ka Darren, umalis ka d'yan!"

"Daddy tama na, nasasaktan na si Darryl!"

"Talagang masasaktan siya sa akin kapag hindi siya tumino!"

"Dad bata pa si Darryl kaya marami pa siyang hindi naiintindihan, unawain n'yo na lang siya please Daddy ako na ang kakausap sa kanya!"

"Sige kausapin mo 'yan, siguraduhin mo lang na makakasama siya sa akin pagbalik ko ng Europe..."

"Ayoko nga! Hindi ako sasama hindi n'yo ba ako naiintindihan?"

"Darryl makinig ka muna kay Daddy okay, para din ito sa kabutihan mo. Please sumama ka na kay Daddy sa Europe."

"Ha! Akala ko ba kakampi kita, ang akala ko naiintindihan mo ko hindi rin pala. Dahil sa huli si Daddy pa rin ang gusto mong sundin ko."

"This is for your own good, Darryl..."

"For my own good?" Sarkastiko pa  siyang tumawa bago nagpatuloy "Ano ba ang alam ni Daddy sa ikabubuti natin, hindi ba lagi naman siyang wala dito? Doctor siya pero hindi nga niya alam kung kailan tayo may sakit. At hindi ba kaya nga namatay si Mommy dahil rin sa kapabayaan niya!" Malakas at walang preno niyang bigkas sa harap mismo ng kanyang ama.

"Stop it Darryl hindi mo alam ang sinasabi mo!" Pigil naman sa kanya ng kanyang kuya Darren.

"Gusto mo talagang malaman kung bakit ko napabayaan ang Mommy mo ha?"

Hindi na nakapagpigil na tanong nito sa kanya sa malakas at marahas na tono. Sabay daklot nito sa kuwelyo ng kanyang damit.

Halos maglabasan na ang mga ugat nito sa galit, habang pigil pa rin ito ng kanyang kuya. Pero labis na ang galit nito sa kanya.

"Daddy!"

"Dahil sa'yo napabayaan ko ang Mommy mo! Dahil mas pinili kita... Pero alam mo ba kung ga'no ko pinagsisihan 'yun ngayon, ha? Sana nanatili na lang ako sa tabi ng Mommy mo at sana hindi na lang kita pinuntahan. Dahil kung hindi lang dahil sa kapritso mo at pagiging spoiled brat mo! Maaaring buhay pa sana ang Mommy mo ngayon, naiintindihan mo ba, ha?" 

"Hindi totoo 'yan!"

Saglit siyang tumingin sa kanyang kuya Darren. Habang umiiling at nagtatanong ang mga mata. Pero yumuko lang ito at umiwas ng tingin. Bata pa siya noon at hindi niya alam kung ano ang kanyang nagawa, pero bakit ngayon niya lang nalaman?

"Hindi mo alam kung ano pa ang mga sinakripisyo ko para sa'yo, Darryl! Ngayon gusto mo akong pagmalakihan ha? Sige tutal naman mayabang ka na hindi ba? Gusto mong magrebelde sige magrebelde ka! Patunayan mo sa'kin na magaling ka. Dahil hindi na kita pakikialaman. Kung ayaw mo rin lang sumunod sa akin, hindi baleng umalis ka na lang sa pamamahay ko! Sige hahayaan na kita sa gusto mo. Kapag may ipagmamalaki ka na, saka mo ipamukha sa akin na nagkamali nga ako... Lumayas ka na!"

Mabigat ang loob na saad ni Dr. Amadeo Ramirez sa kanyang bunsong anak. Dahil kailangan niyang tikisin ito at ipakita ang kanyang katatagan. 

"I'm sorry, Dad..."

"Umalis ka na, ayaw na kitang makita sa pamamahay ko!"

"Dad?" Protesta pa ng kanyang kuya.

"Bakit gusto mo ring sumama? Sige magsama kayong dalawa, iwan n'yo na ako!"

Nang tingnan niya ang kanyang kuya Darren alam na niyang hindi nito kayang iwan ang kanilang ama. Kaya napilitan siyang umalis na mag-isa.

Mula ng gabing iyon ipinangako niya sa sarili na babalik lang siya sa bahay nila kapag may  patutunayan na siya.

Dahil patutunayan niyang kaya niyang magtagumpay kahit wala ito sa tabi niya. Hinding-hindi siya babalik sa bahay nila hangga't wala siyang diploma at hanggang hindi siya nagiging isang ganap na Arkitekto.

Subalit hindi naging ganu'n kadali ang lahat...

Kahit pa pinipilit niya sa kahit anong paraan. Trabaho sa umaga aral sa gabi o trabaho sa gabi aral sa umaga. Kahit ang paextra-extra sa pagkanta sa mga Club at Bar pinasok niya kumita lang ng pera. Mabuti na lang kahit paano biniyayaan siya ng magandang boses na nagsilbing puhunan niya.

Pero kahit anong pagsisikap niya hindi pa rin naging sapat. Hindi naman siya pinababayaan ng kanyang kuya Darren. Dahil kahit palihim tinutulungan pa rin siya at ibinibigay nito ang kanyang pangangailangan.

Subalit isang araw nabatid niya na nalaman na lang ito ng kanyang ama. Dahil sa pride kinapitan siya ng hiya. Para ano pa at nagmatigas siya kung hindi rin pala niya kakayanin na mag-isa. 

Kaya sinikap niyang h'wag na ring umasa pa kay Darren. At dahil isang semester na lang naman malapit na siyang makapagtapos. Kaya hindi na siya gaanong nag-aalala. Umaasa siyang makakatapos pa rin siya sa mga susunod na pagkakataon.

Subalit sadyang sinusubukan yata siya ng tadhana...

Dahil isang araw kinailangan niyang sundan si Annabelle sa probinsya nito sa Iloilo. Dahil sa pag-aalala kung bakit hindi na ito nakabalik pa nang Maynila?

Dahil sa hindi inaasahang pangyayari. Nagdesisyon siya na sundan ito sa Sta. Barbara.

Pagdating niya ng Sta. Barbara nalaman niya ang kahayupang ginawa ng kuya Anselmo nito kay Annabelle at sa Lola nito.

Gustong gusto niyang patayin si Anselmo pagkakita niya dito sa kulungan, subalit...

"Hayup ka, napakawalanghiya mo! Sarili mong kapatid sinira mo gago ka!"

"Hindi ko siya kapatid, mahal ko siya! Kaya sa akin lang si Annabelle sa'kin lang..."

Dahil sa sinabi nito hindi na siya nakapagpigil pa...¹à

Isang malakas na suntok at sipa ang ibinigay niya sa lalaki. Kung hindi lang sana siya napigilan ng mga pulis at ng ama ni Annabelle.

Gustong-gusto niya itong bugbugin hanggang sa malagutan ito ng hininga. Dahil sa matinding galit niyang nararamdaman nang mga oras na iyon. 

"Tama na Iho, h'wag mo nang sayangin ang oras mo sa taong 'yan! Wala siyang kwentang tao, h'wag mo nang dungisan pa nang dugo niya ang mga kamay mo. Dahil hindi siya nararapat, isa lang siyang basura na dapat itapon na!"

Dahil sa sinabi nito isang nanlilisik na tingin ang ipinukol ni Anselmo sa ama ni Annabelle.

Kasunod ang pagbabanta nito...

"Humanda kayo sa'kin, pagsisisihan n'yo ang lahat ng ginawa n'yo sa akin..."

"Hindi ka na makakalabas dito, sisiguraduhin kong mabubulok ka sa kulungan. Dahil sa ginawa mo sa anak ko, hayup ka!"

"HAHAHAHa"

Malakas na pagtawa lang ang naging sagot nito na para na itong nababaliw...

Ang buong akala nila sapat nang naipakulong nila ito. Dahil hihintayin na lang nila ang pag-usad ng kaso.

Ngunit napagtanto nila na  nagsilbing kanlungan pa ni Anselmo ang piitan upang hindi ito masaktan.

Dahil isang nakagugulat at nakalulungkot na pangyayari ang sumunod na naganap...

Ang pagbaligtad ng katotohanan!

Nagawa ni Anselmo na baligtarin ang lahat. Pinalabas nitong aksidente at self defense ang nangyari. Nagawa rin nitong palabasin na matagal nang may lihim na relasyon si Anselmo kay Annabelle at walang pilitang naganap.

Pinalabas pa nito na matagal na itong binubusabos at inaalipin ng pamilya Ga-an na kunwari'y daw ay kumupkop dito.

Napakahusay nitong magsalita sa harap ng korte, wala kahit anong pag-aalinlangan. Hindi mo iisipin na ito ay nagsisinungaling lang...

Simula rin ng araw na iyon una siyang nag-aalinlangan sa batas. Bigla niyang naisip wala bang puwang ang katotohanan sa mundong ito?

Bigla na lang na-dismissed ang kaso at napawalang sala si Anselmo.

Hindi na nabigyang katarungan ang lahat ng nangyari. At ang taong may kagagawan ng lahat ay bigla na lang parang bulang nawala sa bayan ng Sta. Barbara matapos itong makalaya.

Hindi matanggap ni Annabelle ang mga nangyari. Dahil sa depresyon at kahihiyan. Naisip nitong wakasan na lang ang lahat...

"H'waggg! Anong gagawin mo, nasisiraan ka na ba?"

Mabilis na binuhat ni Darius si Annabelle at inilayo sa silyang tinutungtungan nito. Sabay tingin sa lubid na nakasabit sa kisame.

Bigla man siyang kinabahan, subalit mas malaki ang pasasalamat niya na dumating siya sa tamang oras.

"Bitiwan mo ako, h'wag mo akong pakialaman! Sino ka ba? Bitiwan mo nga ako, lumayo ka sa'kin!" Nagwawala nitong saad.

"Belle ako ito si Darius! Ano bang nangyayari sa'yo?" Nag-aalala na niyang tanong.

"Hindi! Layuan mo ako ayoko, ayoko sa'yo lumayo ka, ahhh!" Umiiyak nitong sigaw habang pilit ring umiiwas sa kanya.

Pero naglakas loob pa rin siyang yakapin ito. Kahit pa patuloy ang pagwawala nito at pilit na kumakawala sa kanya.

Dahil ito lang ang kaya niyang gawin sa mga oras na ito. Hanggang sa unti-unti naramdaman niyang ito ay kumalma.

As he see it... For the first time in his life he wish, he is a doctor.

Because he don't know what to do by that time? If how to relieve her and how to ease her pain?

He was remembered what his Dad discuss about Psychological Doctor's do?

Bakit ba naiisip niya ngayon ang Daddy niya sa sitwasyong ito? Naitanong pa niya sa kanyang sarili.

"H'wag ka nang umiyak, nandito lang ako sa tabi mo. Kahit anong mangyari hindi kita iiwan, kahit ipagtabuyan mo pa ako."

Natagpuan na lang niya ang sarili na nagbibitaw na siya nang mga pangako kay Annabelle.

Dahil simula ng araw na iyon hindi na niya ito nagawang iwan pa...

Bigla na lang naramdaman niyang may responsibilidad na siya sa dalaga at hindi na niya magagawa itong iwan pa sa ganitong sitwasyon...

Patuloy silang nagsama sa iisang bubong. Hindi na rin siya nakabalik pa ng Maynila at hindi na rin nakapag-enroll ng huling semester.

Noong una hindi niya ito inaalala dahil sa pag-asa na pwede pa rin naman siyang makabalik sa klase pero habang tumatagal lumalabo ang pag-asang pinanghahawakan niya.

Patuloy rin niyang inalagaan si Annabelle at isinangguni rin nila ito sa isang Psychologist. Dahil na rin sa payo ng isa pang Doctor.

Noong una tumanggi ito at nagwala. Sino ba naman ang normal na tao ang kusang loob na magpapagamot sa isang Psychiatrist. Kung alam mo sa sarili mo na wala ka naman talagang sakit?

But the fact is...

May mga bagay sa buhay natin na hindi natin kontrolado at aminin man natin o hindi. Kailangan na talaga natin ng tulong ng iba.

We need the right person to handle this situation. Yung may sapat na kakayahan at kaalaman sa ganitong sitwasyon.

And that is a Doctor, only Doctor can do on sick...

He's almost about thinking his Dad's discussion for counseling and talk therapy... But he always ignore it that time!

Paglipas ng mga araw unti-unti bumabalik na rin sa normal ang dalaga at sa dati nitong sigla.

Magmula noon masaya silang nagsama na tila walang naging problema at walang ano mang nangyari. Sinikap rin nilang kalimutan na lang ang lahat.

Hanggang sa tuluyan na itong maka-recover kaya naisipan nilang muling bumalik na nang Maynila upang humabol sa huling enrollment. Kasalukuyan na silang nasa Airport pasakay nang Domestic flight papuntang Manila ng bigla na lang mawalan ng malay si Annabelle.

Kung kaya muli na naman nila itong dinala ng ospital. Dito nabatid nila ang tunay na kalagayan nito. Kaya hindi na rin sila nakabalik ng Manila ng araw na iyon.

Kahit pa ipinagtabuyan na siya ni Annabelle nagpilit pa rin siya na manatili. Pakiramdam kasi niya siya ang responsable sa lahat kaya kung hindi rin lang niya makakasama ang dalaga, pabalik ng Manila hindi na lang din siya aalis.

Aaminin niya may isang bahagi sa isip niya ang gustong-gustong makabalik ng Manila. Dahil gusto niyang makahabol sa enrollment, gusto niyang makapag-aral at higit sa lahat konti na lang sana makakatapos na rin siya, kaya lang...

Bigla na naman niyang naalala ang Daddy niya. Ang sabi nito dahil sa kanya iniwan nito ang Mommy nila. At hinding-hindi niya gagayahin ito, hindi niya iiwan si Annabelle sa ganitong sitwasyon. Makapaghihintay pa naman ang pag-aaral niya o kaya pwede naman siyang mag-aral na lang sa Iloilo. Basta hindi niya ito iiwan kahit anong mangyari?

Lalo na ngayong alam niyang malapit na siyang maging isang ama. Yes! He entitled as one.

If ever he can't be an Architect or can't be a Doctor, someday. But still promised to himself, he will be a good father to his children until his last breath...

Alam niyang hindi ito isang propesyon na pwedeng makakuha ng diploma. Pero ang manindigan bilang ama ay antas ng dignidad na hindi kayang tawaran.

Maaaring hindi siya ang maging Suma cum laude o kahit pa ang bigyan ng special mentioned.

Pero sigurado siya sa isang bagay na posible niyang makamit bilang isang ama.

And that is... LOVE!

Isang bagay na sisiguraduhin niyang hindi makukuha ni Anselmo...

HINDI KAHIT KAILAN!

*****

By: LadyGem25

Hello guys,

I'm here again to say... Thank you all!

Dahil nariyan pa rin kayo na laging sumusuporta sa story na ito. Again sana nagustuhan n'yo ulit itong Update.

Medyo humahaba ang past natin, kasi medyo ginaganahan ako at nadadala sa buhay at kapalaran ni Darius!hahaha...

Sana matapos ko na ito next chapter para makabalik na tayo sa Kasalukuyan.

Hayz!! Until next chapters na ulit...

SALAMUCH!!❤️❤️❤️

LadyGem25creators' thoughts