webnovel

AFTER ALL (Tagalog Novel)(Book 1)

Ang pagkawala ng lahat ng kanyang alaala ang naging dahilan ng pagbabago sa kanyang buhay. Hindi man ito sadya at lalong kailanman hindi n'ya ito inasahan. Subalit kailangang yakapin ni Angela ang kasalukuyan. Dahil dito na umiikot ngayon ang kanyang mundo. Simula ng magising siya bilang si Angeline Alquiza. Pero sino nga ba siya talaga? Hanggang kailan ba s'ya mananatili sa katauhan nito? Kung pwede nga lang sana gagawin n'ya ang lahat, h'wag lang mawala ang lahat ng ito sa kanya. Lalo na ang mga taong napamahal na nang husto sa kanya. Subalit alam n'yang ang lahat ay may hangganan. Pero paano kung patuloy siyang habulin ng kanyang nakaraan? May mga panaginip na patuloy na gumugulo sa kanyang isip, alam niya at ramdam niyang maaaring may kaugnayan sa nakaraan n'yang buhay. Hanggang sa makilala niya ang isang babaing sa una pa lamang misteryosa na ang naging dating nito sa kanya. Pero sino nga ba ang babaing ito? Na tila gusto pa yatang agawin ang lahat sa kanya, maging ang kanyang kaligayahan. Ang nakapagtataka pa tila ba may lihim itong galit sa kanya. Gayu'ng hindi naman n'ya ito kilala. Pero hindi nga ba niya ito kilala? Bakit unang narinig pa lang n'ya ang pangalan nito iba na ang pakiramdam n'ya. May nagawa ba s'yang pagkakamali sa babaing ito o sa kanyang nakaraan? Kaya ba walang naghahanap sa kanya. Dahil ba, isa s'yang masamang tao? Until one day she just found out that someone was suffering greatly because of her. After all that happened to her and after forgetting the past. Including the promise not being fulfilled. But how can she fulfill it? If she doesn't remember it, after all. * * * Author's Note: Ano man sa istoryang ito ang may pagkakahawig o pagkakatulad sa iba. Kagaya ng pangalan, karakter, lugar, mga salita man o mga pangyayari at iba pa ay hindi po sinasadya. Ang lahat ng nilalaman ng istoryang ito ay pawang kathang isip lamang. Bunga ng malikot na imahinasyon ng may akda. Hindi rin po ito maaaring gayahin ng sinuman ng walang pahintulot. Ito po ay orihinal na akda ng inyong lingkod. MARAMING SALAMAT!? _____ BY: MG GEMINI @LadyGem25

LadyGem25 · Urbain
Pas assez d’évaluations
131 Chs

THE SCENTS OF LOVE

Napaka-bilis ng mga pangyayari, wala s'yang kamalay-malay ng dahil sa sama ng loob at kaabalahan ng isip.

Nakarating na pala s'ya sa driveway, kung saan dumadaan ang mga sasakyan ng papasok at palabas ng parking area. 

Ang pagtama ng headlights ng sasakyan sa kanyang mukha at ang malakas at nakabibinging  busina nito. Ang nagpatigil at gumising sa abala n'yang isip at patuloy na paglakad.

Subalit ng sandaling iyon, wala s'yang nagawa. Dahil sa gulat at pagkalito ng kanyang isip, hindi n'ya nagawang i-angat man lang ang kanyang mga paa.

Mariin na lang s'yang napapikit at hinintay na lamang ang mga susunod na mangyayari.

Hanggang sa..

Tunog na lang ng sumirit na gulong ng isang sasakyan ang sumunod n'yang narinig..

Dahil sa malakas at bigla nitong pagpreno.

Pagmulat n'ya ng mga mata, nakasalampak na s'ya sa sahig at yakap ng kung sino? Bahagya pa s'yang nakaramdam ng pananakit ng tuhod at balakang. Marahil dahil sa kanilang pagbagsak. Pero sigurado s'yang wala s'yang malalang injuries.

Paglingon n'ya sa taong nakayakap sa kanya kanina lang na ngayon ay wala na palang malay. Bigla ang pag-usbong ng kaba sa kanyang dibdib, lalo na ng makilala n'ya ito.

"Jeremy?" For the first time, nagawa n'ya itong tawagin sa pangalan. Hindi Sir, hindi Mr. Dawson at lalong hindi Sir J.

Pero ano ba ang halaga nito kung hindi naman nito naririnig? Wala itong malay ngayon at 'yun ay dahil sa kanya. Anong gagawin ko? Bulong pa n'ya sa sarili.

Muli nanaman s'yang nataranta. Lalo na nang hawakan n'ya at makitang may dugo ang ulo nito, natulala na lang s'yang bigla.

Nagulat pa s'ya ng may biglang magsalita sa kanyang likuran.

"Hey! What happened?" Tanong ng isang lalaki at nang makita nito ang kalagayan ni Joaquin.

"Oh my God.. I call the ambulance!" Nataranta na rin ito, ito rin ang driver ng sasakyan na muntik ng makasagasa sa kanila. Kung hindi lang s'ya maagap na nakabig ni Joaquin na naging dahilan naman ng pagtama ng ulo nito sa railing na bakal sa gilid ng driveway.

Kahit nakapagpreno naman ito muntik pa rin silang abutan.

After a minutes, isang babae at si Russel naman ang dumating, halatang humihingal pa ito na tila galing sa pagtakbo.

"Boss, ano bang nangyari sayo?" Lulugo-lugo ito habang  pinagmamasdan ang amo. Nang lumapit ang babaing kasama nito na sa pagkaalala n'ya ito yung babae kanina. Bigla tuloy s'yang napalayo upang bigyang daan ang paglapit nito. Naitsa-pwera s'yang bigla.

"Sweetheart" tawag nito. "Anong nangyari, bakit wala s'yang malay?" Tanong pa nito. Nang bigla itong lumingon sa kanya. "Ikaw, ikaw ang may kasalanan nito!" Paninisi sa kanya ng babae na isa rin palang Pilipina.

Napailing na lang s'ya at muling napa-iyak. Nakaramdam siya ng hiya. Noon naman dumating ang ambulansya, agad na umalalay si Russel na labis ang pag-aalala sa amo. Sumunod dito ang babae, kaya nawala na s'ya sa eksena.

Gusto man n'yang sumama subalit hindi na pwede, dahil hindi na s'ya binigyan ng pagkakataon ng babae.

Naiwan s'yang natitigilan, wala s'yang nagawa kun'di ang umiyak na lamang. Besides wala naman talaga s'yang  karapatan.

Hindi n'ya alam kung paano nangyari, kung paano ito biglang napunta sa tabi n'ya. Basta ang alam n'ya, napahamak nanaman ito dahil sa kanya at dahil sa pagliligtas sa kanya. Pero bakit ba n'ya ito ginawa? Naiwang tanong sa kanyang isip, 'yun ang gusto n'yang malaman sa mga susunod na araw.

Dahil wala na s'yang nagawa kun'di tanawin lang ang paglayo ng mga ito. Naisip n'yang umuwi na lang, kaya kahit masama ang kanyang loob at pakiramdam. Pinilit n'yang makauwi ng mag-isa. Pagdating n'ya ng apartment du'n s'ya umiyak ng umiyak. Hanggang sa kusa s'yang mapagod at makatulog.

_______

Samantala pagdating sa ospital, agad namang inasikaso ng mga Doctor si Joaquin.

Ayon sa Doctor wala naman itong tinamong malalang pinsala sa katawan. Maliban lang sa sugat nito sa ulo na marahil tumama sa matigas na bagay. Nawalan lang ito ng malay dahil sa malakas na impact at alcohol content sa katawan.

Pero para makasiguro dumaan din s'ya sa ibat-ibang series of test at x-ray. Kaya sa ospital na rin sila nagpalipas ng magdamag.

Kinaumagahan..

Naalimpungatan pa si Joaquin ng magising, awtomatikong lumibot ang paningin n'ya sa paligid. Nakita n'ya si Russel na nakahiga sa isang couch malapit sa kanyang kinahihigaan.

Base sa nakikita n'ya sa paligid marahil nasa loob sila ng ospital. Pero bakit s'ya ang nasa ospital? Bigla ang pagdaloy ng mga tanong sa kanyang isip.

Napahawak s'ya sa kanyang ulo at pilit binabalikan sa isip ang mga nangyari. Kahit pa medyo kumikirot ang kanyang sugat. Kahit hindi rin n'ya alam kung bakit s'ya nagkasugat? Hanggang sa mag-flashback sa kanyang alaala ang mga nangyari.

Napasobra yata ang inom n'ya kagabi, alam n'yang si Cloe ang kasama n'ya pero dahil nami-miss n'ya si Angela. Daig pa n'ya ang nagpapantasya, ito lang naman ang naiisip n'yang hinahalikan n'ya. Pagkakataon na nasaksihan ng babaing tanging laman ng puso at isip n'ya ng mga oras na iyon.

Kagabi ng makita n'ya itong nakatayo malapit sa kanilang kinatatayuan. Lubha s'yang nag-alala sa iisipin nito. Kahit naman wala pa silang relasyon, hindi n'ya gustong isipin nito, na isa s'yang salawahan.

Tinangka pa n'ya itong habulin pero nakatalikod na ito at mabilis na naglakad palayo. Mahahabol pa sana n'ya si Angela kung hindi lang s'ya pinigilan ni Cloe.

Flashback..

"Angela, wait!" Tawag n'ya dito kasabay ng pagbaklas n'ya sa yakap ni Cloe. Subalit hindi man lang s'ya nakalayo.

Dahil humarang si Cloe sa kanyang daraanan. Marahil dahil marami na rin itong nainom, kaya wala na rin itong kontrol sa sarili. Bigla tuloy s'yang nainis sa babae.

"Sino ba ang babaing yun ha, bakit ipagpapalit mo ako sa kanya? Ako ang kasama mo kaya sa'kin lang dapat ang atensyon mo!" Reklamo pa nito.

"Hindi mo naiintindihan." Pinilit pa rin n'yang maging sibil dito.

"Ano bang hindi ko naiintindihan du'n? Bakit girlfriend mo ba s'ya ha?" Tanong pa nito.

Hindi n'ya sana gustong maging bastos pero wala na rin s'yang panahong makipag-diskusyunan pa ng matagal. Kailangan n'yang mahabol si Angela at yun lang ang tanging mahalaga sa isip n'ya sa mga oras na iyon.

"Yes! She's my girlfriend and I don't want to lose her." Sagot n'ya dito na biglang natigilan.

Pagkakataon na sinamantala n'ya para makawala dito. Tumakbo s'ya habang palinga-linga sa paligid sa pag-asang makikita at maaabutan pa n'ya si Angela.

Pero halos nalibot na n'ya ang paligid pati na ang locker room pero hindi n'ya ito nakita.

Hanggang sa naisipan n'yang baka nakalabas na ito at tuluyan ng umalis.

Papunta s'ya ng parking upang kunin ang sasakyan at sundan sana ito sa apartment.

Tamang naabutan pa n'ya ito sa parking lane.. Subalit nakita n'ya itong patawid sa driveway na parang wala sa sarili.

Nang sandaling iyon, hindi na s'ya nag-isip, patakbo n'ya itong dinaluhan. Kahit ano pa mang mangyari? Makalapit lang s'ya dito, kahit sabay pa silang mamatay nito wala na s'yang pakialam.

Nang mahawakan n'ya ito, wala s'yang sinayang na sandali. Pakabig n'ya itong hinatak sa gilid ng driveway. Pero hindi nila naiwasan ang nakaharang na railings sa gilid nito.

Naramdaman na lang n'ya na may tumama sa ulo n'ya bago pa sila bumagsak. Kung kailan naman naramdaman sumayad ang katawan n'ya sa lupa, saka naman s'ya nakaramdam ng pagkahilo. Hanggang sa tuluyan na s'yang mawalan ng malay.

Pagkatapos ng lahat, hindi na n'ya nalaman ang sumunod na pangyayari.

Ngayong narito na s'ya sa ospital. Ano na ba ang nangyari, si Angela nasaan na si Angela? Narito rin ba s'ya sa ospital? Mga tanong sa kanyang isip.

"Russel, gising! Gumising ka na.." Tawag n'ya dito, bahagya pa n'ya itong niyugyug na mukhang tulog na tulog. Nang magmulat ito ng mata, nagulat pa ng makita s'yang nakatayo.

"Boss, bakit tumayo ka na okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong nito.

"Okay na ako, si Angela narito rin ba s'ya? Okay lang ba s'ya, nasaktan ba s'ya? Ano bang nangyari?" Sunod-sunod n'yang tanong kay Russel. Napakamot na lang ito sa ulo na parang nangangapa pa ng sasabihin.

Ngayon lang din kasi nito naisip si Angela dahil sa pag-aalala at kalituhan kagabi. Nawala na sa loob n'ya na isipin pa ito.

"Eh, boss sa palagay ko okay naman s'ya. Iyak lang kasi s'ya ng iyak kagabi hindi naman s'ya nagsasalita." Paliwanag ni Russel, ngayon lang nito naisip ang pagkakamaling nagawa. Bakit nga ba hindi na n'ya naalala ang babae. Napapikit na lang ito sa isiping, siguradong gigisahin s'ya ng amo. Dahil sa kanyang naging kapabayaan.

"Anong okay, nandito rin ba s'ya sa ospital. Halika puntahan natin s'ya." Tanong n'ya, na sobrang nag-aalala para kay Angela.

Naisip n'yang mag-isa lang ito at walang ibang mag-aalaga. Kung sakaling may mangyari dito.

"Eh, Boss hindi ko na alam ang nangyari. Nalito na'ko nag-alala na kasi ako sa'yo. Si Miss Cloe ang kausap n'ya." Paliwanag nito.

"Hindi n'yo ba s'ya nakasama dito sa ospital?" Aniya.

"Eh Boss, si Miss Cloe kasi ang sumama sa'kin sa ospital."

"Pambihira! Puro ka Cloe, Cloe! Ano bang pakialam ko sa babaing 'yun? Besides, s'ya ang may kasalanan ng lahat ng ito. Hindi aalis si Angela kung hindi dahil sa kanya. Isipin mo na lang papunta sana s'ya sa akin at maaaring hinahanap din n'ya ako. Kung hindi lang nangyari ito, nakakainis." Aniya, na hindi maipinta ang mukha. Dahil sa labis na inis at pag-aalala.

"Pasensya na talaga, Boss mas nag-alala kasi ako sa kalagayan mo. Dahil ikaw ang nakabulagta" Sabi nito, na nakayuko at hindi makatingin sa kanya.

"Dapat hindi mo pa rin s'ya pinabayaan. Kapag may masamang nangyari sa kanya, humanda ka. Hindi kita mapapatawad!" Banta niya.

"Boss, naman sorry na.."

"Sa tingin mo ba may magagawa 'yang sorry mo, ano pang magagawa n'yan ngayon. Paano kung galit din s'ya sa akin, may magagawa ka ba ha? Dapat hindi n'ya nakita 'yun, kasalanan mo ito!" Tanong at paninisi n'ya.

"Teka Boss! Hindi ba ikaw ang nahuli n'yang nakikipaghalikan sa iba?" Sabi pa nito sabay hakbang palayo.

"Ano?" Bull's-eye! Napaisip s'yang bigla.

Naumid ang kanyang dila, saglit s'yang natahimik dahil sa sinabi nito. Bakit nga ba ito ang kanyang sisihin?

Samantalang s'ya itong gago na saglit na nakalimot. Pero hindi ganu'n 'yun! Kontra ng utak n'ya, hindi ako nakalimot. Actually s'ya nga nasa isip ko that time. Bakit ba kasi ganu'n?

"Ka-kahit na! Hindi mo pa rin s'ya dapat pinabayaan. Sige na, ayusin mo na 'yun bill natin dito sa ospital. Gusto ko ng lumabas." Utos na lang niya.

"Pero Boss." Hirit pa nito

"Aangal ka pa?" Tanong n'ya.

"Wa-wala Boss, aayusin ko na."

Wala na nga itong nagawa kun'di mabilisang ayusin ang paglabas nila ng ospital, matapos bayaran ang bill. Pagbalik nito ulit ng kwarto nakahanda na si Joaquin na tila naiinip na.

"Ano okay na ba, pwede na tayong lumabas?" Tanong n'ya.

"Okay na Boss."

"Okay let's go, puntahan na natin ang ma'm Angela mo." Aniya. Nagkibit na lang ng balikat si Russel. Inaasahan na rin nitong ito ang unang gagawin ng amo.

______

Sadyang bumangon ng maaga si Angela ng araw na iyon. Kahit medyo mabigat pa ang kanyang katawan at hindi pa husto ang kanyang tulog. Hindi na s'ya makapaghihintay na malaman ang nangyari. Hindi n'ya mapapatawad ang sarili kapag may masamang nangyari kay Joaquin.

Daglian n'yang inayos ang sarili. Maaga s'yang papasok kahit wala pa sa oras. Makikibalita s'ya sa Hotel, siguro naman may nakakaalam ng nangyari kagabi.

Samantala..

Nagmamadali sila Joaquin na bumalik ng Hotel. Kagagaling lang nila ng apartment nila Angela. Pero wala na ito doon, pumasok daw ito ng maaga.

Nag-aalala ito ng sobra para kay Angela..

"Bakit s'ya pumasok ng maaga, hindi ba s'ya napagod kahapon? Tapos nangyari pa ang insidente kagabi, wala ba s'yang balak magpahinga man lang?" Sabi n'ya kay Russel.

"Boss, baka naman ganu'n talaga s'ya ka-dedikasyon sa trabaho n'ya?" Sagot nito, habang tuloy lang sa pagdadrive.

"Pambihira, hindi naman s'ya obligadong magtrabaho ah. Dapat nga nagti-train lang s'ya dito. Hindi naman n'ya kailangan kumita ng pera. Dapat nga nagpapahinga pa s'ya ngayon. Irerequest ko nga sana na magpahinga muna s'ya." Aniya.

"Boss, siguro mas mabuti kung kausapin mo na lang muna s'ya. Paalala lang, hindi ba last time na pinangunahan mo s'ya nagalit s'ya sa'yo?" Suhestyon nito.

"Yun na nga, sumasakit na talaga ang ulo ko sa babaing 'yun! Bakit kasi ang tigas ng ulo n'ya?" Sabi n'ya habang hinahagud ng kamay ang mukha. Si Russel na napapangiti na lang sa ikinikilos n'ya.

Pagdating nila sa Hotel nagpatiuna na s'ya sa pagbaba. Napailing na lang si Russel at hinayaan na s'yang mauna sa pagpasok ng Hotel.

Mabilisan s'yang naglakad na tiyak ang direksyon. Hanggang sa makarating s'ya sa hallway papuntang kitchen..

Nang bigla s'yang napahinto, here again..

The same Miss Rush hour.. But this time, I will do the same rush.

Napahinto rin ito ng makita s'ya, one meter's away if where he standing. Parang pakiramdam n'ya biglang tumigil ang ikot ng mundo.

Sapat para mapagmasdan n'ya itong mabuti. Bakit ba sa bawat araw na lumilipas, sa paningin n'ya lalo itong gumaganda? Kahit pa sa tingin n'ya nangangalumata ito at mugto ang mata.

Halos kabisado na nga n'ya ang tatlong klase ng uniporme nitong palaging sinusuot sa bawat araw. At ang nag-iisang style ng pagtali nito ng buhok. Kaya nga hindi n'ya malilimutan ang itsura nito ng nagdaang gabi. Ang kakaibang ganda nito na namemorya agad ng kanyang utak. Lalo na ang mahaba at alon-alon nitong buhok, kahit pa saglit lang n'ya itong napagmasdan kagabi.

Kakatwa naman.. I don't expect that a man like me, feel this way and this kind of love.

Nagulat pa s'ya ng matapos ang ilang saglit na tinginan. Bigla na lang s'ya nitong sinugod ng yakap..

Grabe bigla yatang lumundag ang puso n'ya!

Her scent I want to keep in my embrace, in my life until I die. Just the same scent of cologne he used since childhood. The French essence cologne made in Paris.

Until, I realized one thing this day..

Masarap din pala ang mauntog paminsan-minsan.

* * *

By: LadyGem25