webnovel

AFTER ALL (Tagalog Novel)(Book 1)

Ang pagkawala ng lahat ng kanyang alaala ang naging dahilan ng pagbabago sa kanyang buhay. Hindi man ito sadya at lalong kailanman hindi n'ya ito inasahan. Subalit kailangang yakapin ni Angela ang kasalukuyan. Dahil dito na umiikot ngayon ang kanyang mundo. Simula ng magising siya bilang si Angeline Alquiza. Pero sino nga ba siya talaga? Hanggang kailan ba s'ya mananatili sa katauhan nito? Kung pwede nga lang sana gagawin n'ya ang lahat, h'wag lang mawala ang lahat ng ito sa kanya. Lalo na ang mga taong napamahal na nang husto sa kanya. Subalit alam n'yang ang lahat ay may hangganan. Pero paano kung patuloy siyang habulin ng kanyang nakaraan? May mga panaginip na patuloy na gumugulo sa kanyang isip, alam niya at ramdam niyang maaaring may kaugnayan sa nakaraan n'yang buhay. Hanggang sa makilala niya ang isang babaing sa una pa lamang misteryosa na ang naging dating nito sa kanya. Pero sino nga ba ang babaing ito? Na tila gusto pa yatang agawin ang lahat sa kanya, maging ang kanyang kaligayahan. Ang nakapagtataka pa tila ba may lihim itong galit sa kanya. Gayu'ng hindi naman n'ya ito kilala. Pero hindi nga ba niya ito kilala? Bakit unang narinig pa lang n'ya ang pangalan nito iba na ang pakiramdam n'ya. May nagawa ba s'yang pagkakamali sa babaing ito o sa kanyang nakaraan? Kaya ba walang naghahanap sa kanya. Dahil ba, isa s'yang masamang tao? Until one day she just found out that someone was suffering greatly because of her. After all that happened to her and after forgetting the past. Including the promise not being fulfilled. But how can she fulfill it? If she doesn't remember it, after all. * * * Author's Note: Ano man sa istoryang ito ang may pagkakahawig o pagkakatulad sa iba. Kagaya ng pangalan, karakter, lugar, mga salita man o mga pangyayari at iba pa ay hindi po sinasadya. Ang lahat ng nilalaman ng istoryang ito ay pawang kathang isip lamang. Bunga ng malikot na imahinasyon ng may akda. Hindi rin po ito maaaring gayahin ng sinuman ng walang pahintulot. Ito po ay orihinal na akda ng inyong lingkod. MARAMING SALAMAT!? _____ BY: MG GEMINI @LadyGem25

LadyGem25 · Urbain
Pas assez d’évaluations
131 Chs

THE EXPECTATIONS

THE DEBUTANTE BALL

Isang masayang pagdiriwang para sa mga kabataang idad 16 hanggang 21. In Philippine Culture ipinagdiriwang ito ng mga kababaihang idad labing walo. Isang pagtitipon na hindi malilimutan ng mga kabataan sa kanilang buhay.

Nangangahulugan kasi ito ng paglagpas nila sa kanilang kabataan. Para humarap sa mas seryosong yugto ng kanilang buhay. Ang ganap nilang pagdadalaga at pagkabinata.

Ito ang ipagdiriwang ngayon ng anak na dalaga ng isang Prime Minister na si Flavio Lorenzo. Ang kanyang bunsong anak na si Giovanna Lorenzo na ngayong araw, magdiriwang ng ika-18 taong gulang nito.

Hindi birong pagdiriwang ang magaganap, mga kilala at nabibilang sa alta sosyedad ang mga magiging pangunahing bisita.

Ang lahat ay naka-formal attire, modern white gown para sa mga kababaihan at black tuxedo naman para sa mga kalalakihan. Lalo na sa mga kasali sa cotillion.

Ang Hotel Grande and Restaurant ang napili ng pamilya upang pagdausan ng isang mahalagang pagdiriwang na ito para sa kanilang anak. Dahil kilala sa magandang serbisyo at masarap na pagkain na maipagmamalaki ang Hotel Grande. Dahil din sa maayos at magandang proposal ng manager at founder ng Hotel. Kaya sila ang napiling Hotel na mag-accommodate ng naturang okasyon.

Kilala din kasi ang buong Italia pagdating sa masarap at kakaibang pagkain sa lahat. Kaya karaniwan sa buong Europa dito nagdaraus ng ganitong okasyon.

Para sa HGR ito rin ang araw na hinihintay ng lahat at talagang pinaghandaan.

Maaga pa pero sobrang abala na ang lahat sa buong Hotel sa okasyong magaganap sa araw na ito. Exactly 3:00 pm, magsisimula na ang pagtitipon.

Halos nakahanda na ang lahat ng kailangan para sa okasyong ito. Subalit may konti paring pressure ang lahat ng staff at opisyal ng Hotel.

Partikular sa kitchen, ang pinaka abala sa lahat sa araw na ito. Alas 9:00 pa lang ng umaga pero napre-pressure na s'ya. Maaga s'yang pumasok kanina halos wala pang alas 6:00 ng umaga. Pero pakiramdam n'ya kailangan pa n'ya ng maraming oras.

Aahhh!

Kailangan n'ya itong magawa ng maayos at maganda ayon sa mga planong naiisip n'ya. Bago pa sumapit ang takdang oras.

"VJ, anak ipag-pray mo si mama ha?" Bulong n'ya sa isip, biglang sumagi sa isip n'ya ang kanyang anak kagabi nang kausap n'ya ito. Palagi na silang nagkakausap nito pag-uwi n'ya galing sa Hotel. Gamit ang cellphone na binili ni Joaquin sa kanya, isinauli na rin kasi n'ya ang cellphone nito.

Simula ng gabing biglang iniwan s'ya nito sa apartment hindi na ulit sila nagkausap pa. Pero mula noon lagi na itong nagpapadala ng bulaklak sa kanya na may kalakip na maikling mensahe. Sa tuwing umaga paggising n'ya ito na agad ang bumubungad sa kanya sa mismong apartment nila.

Parang nasasanay na nga tuloy s'ya, hinahanap-hanap na n'ya ito. Tulad na lang kanina, umasa s'ya na may padala ito ulit. Kahit halos mapuno na ng bulaklak ang buong apartment nila.

Umasa pa naman s'ya lalo na sa espesyal na araw na ito.

"Nakakainis kung kailan naman kailangan ko ng moral support saka naman s'ya wala." Bulong n'ya sa sarili.

My love,

I will always protect you, wether you like it or not.

My love,

Just remember, I'll always near besides you, even if you can't see me.

My love,

I'm always be there for you, if you need me.

Sinungaling!! Bulong niya..

Ilan lang ito sa mga mensahe ni Joaquin sa kanya. Pero ngayon ni Ha? Ni Ho? Wala itong sinabi wala rin ang mabangong bulaklak na nakaka-recharged sa kanya tuwing umaga. Kaya bad trip s'ya ngayun.

Kasalukuyan na n'yang inaayos ang mga palamuti ng cake na gagawin niya. Halos matatapos na rin s'ya, ide-design na lang niya ito. Mahaba pa naman ang oras pero kinakabahan s'ya at wala s'ya sa kondisyon. Sobrang nami-miss tuloy n'ya ang kanyang pamilya at ang..

Saglit s'yang napapikit bago n'ya naamin sa sarili na nami-miss din n'ya ang lalaking iyon. Ang pangungulit nito sa kanya, ang biglang pagsulpot nito kung kailan nagmamadali s'ya. Ang mga ngiti nito, ang swabeng amoy nito kapag alam n'yang  nasa likuran n'ya lang ito. Lalo na iyong pakiramdam na nasa paligid lang ito kahit hindi pa n'ya nakikita. Pero ngayon hindi n'ya maramdaman ang presensya nito sa buong Hotel.

Nasaan kaya ang kapreng 'yun? Ang tagal na nga nilang hindi nag-uusap, pero kahit paano nakikita naman n'ya ito palagi. Nakakamiss din pala ang lokong yun! Bulong n'ya sa sarili. Nahihiya naman s'yang magtanong. Lalo na sa nangyaring issue sa kanila nitong huli.

Bigla n'yang naalala ang nangyari, hindi man s'ya ang pinalad na manalo sa kompitisyon. Masaya pa rin s'ya kahit na na-disqualified pa s'ya sa grupo. Bukod du'n masaya s'yang si Allegra ang naging kapalit n'ya deserved naman nito ang manalo.

Kinabukasan kasi pagpasok n'ya, nagkaroon ng konting kaguluhan dahil sa nangyari nang nagdaang araw. Nalaman ng committee ang alitan sa pagitan nila ng tatlong babae.

Para sa ikatatahimik ng lahat, napagdesisyunan na tanggalin na lang silang apat sa kompitisyon.

Pero dahil ang sample ng cake na ginawa n'ya nu'ng unang araw ng kompitisyon ang napili ng celebrant at ng ina nito. Idagdag pa ang request ng kanilang mga chefs sa pastry section.

Napagdesisyunan ng committee na s'ya pa rin ang gagawa ng cake para sa okasyong ito. Kaya kahit hindi man s'ya nanalo sa kompitisyon. Para na rin n'yang nakuha ang reward. Naalala n'ya ang tatlong pinay na naka-alitan n'ya. Humingi rin ito ng dispensa sa kanya nu'ng araw ding iyon. Hindi n'ya alam kung anong nangyari? Pero may hinala s'ya na kinausap ito ni Joaquin.

Nagbago rin kasi ang pakitungo ng mga ito sa kanya mula ng araw na iyon. Simula no'n sa t'wing makaka-salubong n'ya ang mga ito. Napansin n'yang may pag-galang na ito sa kanya.

Pero bakit nga ba ito wala ngayon? Baka nand'yan lang s'ya sa tabi tabi. Baka takot lang yun na sungitan ko ulit kapag nagpakita sa'kin. Pangongonsula na lang niya sa sarili.

Matapos ko lang ito ng maayos, ako na mismo ang lalapit sa kanya. Pwede naman siguro kaming maging mag-kaibigan? Habang narito ako sa Venice para na rin sa ikabubuti naming dalawa.

Kapag nakauwi na ako ng Pilipinas, siguro naman makakalimutan ko na rin s'ya. Lalo na kapag hindi na kami nagkikita. Bahala na!

Kailangan ko munang ayusin ito, kapag naging maayos na ang lahat at nagtagumpay ako dito. Ibig sabihin magiging maayos din kaming dalawa. Kapag nabigo ako dito uwian na, kailangan ko na sigurong kalimutan ang lahat dito sa Hotel. Aalis na ako ng Venice at uuwi na ako ng Pilipinas.

Sasabihin ko na lang sa pamilya ko ang lahat-lahat ng nangyari sa akin dito. Ipapaliwanag ko sa kanila mula sa simula hanggang sa huli, wala akong itatago.

Saglit s'yang napabuntong hininga dahil sa itinatakbo ng kanyang isip. Pero gagawin n'ya 'yun talaga, kapag wala na s'yang pagpipilian pa..

Kaya kailangang magawa n'ya ito ng tama, hindi lang dahil sa tungkulin at ikagaganda ng okasyon. Para din ito sa pansarili n'yang kadahilanan. Gusto rin n'yang patunayan sa lahat ng narito na deserving s'ya sa posisyong ito. Hindi dahil sa ano pa man, kun'di dahil karapat-dapat lang na s'ya ang napili.

Ilang araw din kaya nila itong pinaghandaan. Malaki rin kasi ang kikitain ng Hotel sa mga ganitong okasyon, kaya isang karangalan na mapili ang Hotel.

Nakasalalay din dito ang reputasyon at karangalan ng Hotel sa maganda at maayos na serbisyo nito. Kaya dapat lang talagang maging maayos ang lahat.

Ang totoo malaking bagay ang natutunan niya sa Hotel na ito. Kahit pa maraming nangyari, sa sandaling panahon na narito s'ya. Masasabi n'yang wala s'yang pinagsisihan. Dito nagkaroon s'ya ng maraming pagkakataon na patunayan ang kanyang sarili.

Ito ang kagandahan sa Hotel na ito. Dahil binibigyan nila ng pagkakataon ang lahat, walang discrimination. Maging lahi o uri ng pagkatao basta may potential at dedikasyon sa trabaho. Handa nilang alalayan at suportahan ito.

Tinuturuan nila ang lahat ng handa at gustong matuto. Basta may pagsisikap, sa tulong ng mga mahuhusay na Chefs. Binibigyan nila ng pagkakataon na matuto ang lahat. Maging dati o baguhan pa lamang na mas higit pang madagdagan ang kaalaman.

Kaya ang mapasama at mabigyan ng pagkakataon na tulad nito ay isang karangalan talaga para sa kanya na nagsisimula pa lamang.

Kahit pa hindi s'ya ganu'n kagaling? Ang patunayang kaya n'ya itong gawin ay sapat na!

Tama! Kaya n'ya ito, kakayanin n'ya. Bigla s'yang nakaramdam ng sigla at magaan ang pakiramdam na lalo n'yang pinagbuti ang ginagawa ng may ngiti sa kanyang labi. Hanggang sa hindi na n'ya namalayan ang mabilis na paglipas ng mga oras.

________

"Ano nakabili ka na ba ng ticket na tin?" Tanong ni Joaquin.

Kasalukuyan silang nasa France, dahil sa isang business trip na kinailangan nilang puntahan. Halos dalawang araw din silang nanatili dito.

"Oo naman boss, ako pa?" Pagmamalaki pa nito.

"Kung ganu'n ayusin muna ang mga gamit natin at baka mahuli pa tayo sa flight?" Aniya. Habang lalo pa n'yang binilisan ang pagbibihis.

"Boss, relax ka lang okay? Maaga pa naman, makakarating din tayo dun. Kahit magtagal pa tayo ng isang oras dito." Sabi nito, na natatawa sa pagiging tensyonado niya.

"Anong isang oras, hindi ba sabi ko sa'yo kunin mo ang pinaka mabilis na flight?" Aniya na biglang nanlumo at bakas sa mukha ang pagkainis.

"Yun nga ang ginawa ko boss, kaya lang 'yun pinaka-mabilis mamaya pang 2:00 pm. Past 12:00 pa lang kaya maaga pa." Paliwanag nito.

"Pambihira naman, ilang oras pa tayong maghihintay." Nakakaramdam na s'ya ng  pagkabagot.

"Boss, bakit ka ba kasi nagmamadali. Makakabalik naman tayo ng Venice kahit anong oras tayo umalis dito." Sabi pa nito.

"Sira ka ba? Alam mong may mahalagang pagtitipon sa Hotel ngayon. Gusto kong makarating tayo du'n bago pa matapos ang event." Aniya.

"Siguradong makakahabol pa rin tayo du'n boss." Biglang naalala nga nito ang naturang okasyon.

"Gusto kong abutan natin ang buong event. Dahil gusto kong makita na magiging masaya s'ya sa event na iyon. Alam kong mahalaga sa kan'ya ang araw na ito. Matagal na n'yang hangaring makagawa ng isang magandang bagay mula sa sarili n'yang pagsisikap. Lalo na sa mga nagyari nitong nakaraan. Marahil may gusto s'yang patunayan sa kanyang sarili. Marahil 'yun din ang dahilan kung bakit hinayaan ng Papa na mag-isa lang s'ya dito sa Venice." Paliwanag n'ya.

"Okay boss, aayusin ko na 'yung mga gamit natin. Para makaalis na tayo agad sa Airport na lang tayo maghintay." Sabi na lang nito ng maunawaan ang gusto n'yang mangyari.

After a few hours, nasa Venice na sila. Mag-aalas kwatro na nang hapon ng makarating sila sa Hotel.

Kasalukuyang nagsisimula na ang programa. Dahil may sarili naman s'yang imbitasyon, hindi s'ya nahirapang makapasok kahit late na silang dumating.

Lumipas pa ang ilang oras, sa loob at labas ng kitchen abala na ang lahat sa pagseserve ng pagkain at inumin sa lahat ng guests.

Habang si Angela at Allegra na nakatayo sa isang sulok, na puno pa rin ng tensyon ng mga oras na iyon. Magkahawak kamay silang naghihintay sa susunod na mangyayari. Malapit na kasing matapos ang programa at ang cotillion, cake presentation and cutting na ang kasunod.

Hanggang sa i-announce  na nga ng emcee ang cake blowing and cutting ceremony. Nahigit n'ya ang paghinga at napahigpit ang hawak n'ya sa kamay ni Allegra. Saglit pa s'yang napapikit at  masusing naghintay sa ano mang mangyayari..

* * *

By: LadyGem25