Bahagya munang ginalaw ni Joaquin ang cellphone na hawak niya. Para malinaw niya itong makita.
Saktong pagharap niya sa screen, nakita niyang nakangiti ang isang batang lalaki. Marahil nasa apat o limang taong gulang na.. Hindi!
Nakaramdam s'ya nang kakaibang pagsikdo ng dibdib, kasabay nang pagkapatda. Bahagya niyang ibinuka ang bibig para kumuha ng hangin. Dahil sa biglang pagbigat ng kanyang paghinga..
There's so many questions came into his mind. What is it? I looked like myself, in a mirror when I was young.
after all those past years, that I've run to refused. Now, no need to confirm.
Should I have to regret?
Hindi niya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman. Dahan-dahan s'yang nagtaas ng mukha upang harapin si Angela. Subalit nanatiling tikom ang kanyang bibig at nakatingin lang dito.
Habang sa kanyang isip naroon ang mga tanong..
Ibang klase ka talaga Pa.. Bakit kailangang ang babaing ito pa? Ang magpamukha sa akin kung ano 'yun tinalikuran ko noon. Sinadya mo ba ito? Alam mo bang ni hindi ko s'ya magawang tanungin ngayon? Gaya nang kung ano ba ginagawa n'ya sa buhay natin?
Pambihira ibinagsak mo naman ako agad. Ano kayang iisipin n'ya kung malaman n'ya ang totoo? Sasabihin din ba n'yang mas higit kang lalaki kaysa sa'kin? Ngayon alam ko na kung bakit mas gusto ka n'ya?
"Because you're the man, a better than me."
Naputol ang kanyang pag-aanalisa nang muling magsalita si Angela.
"Ano naniniwala ka na ba sa akin?" Muling tanong nito.
"Hindi! At wala rin akong pakialam kung ikaw ang nanay ng batang 'yan! Magpapanggap ka lang naman at hindi kita magiging totoong nobya.." Tungayaw niya sa mariin na salita. Habang ibinubulong ng isip niya..
Bakit ba parang ayaw n'yang magkasala sa'yo kahit kunwari lang Papa? Maaaring kung ibang babae lang ang kaharap ko ngayon tinanggap na ang alok ko.
Nang hindi pa rin ito magsalita at tumingin lang sa kanya, marahil hindi pa ito handa sa mga sinasabi niya. Muli s'yang nagpatuloy at sadyang itinutok pa niya ang mukha kay Angela. Upang malinaw na marinig at maiintindin nito ang nais n'yang sabihin.
"Now kung hindi mo kayang gawin? Umalis ka na lang dito sa Hotel. Dahil ayoko nang makitang pakalat-kalat ka dito, maliwanag?"
Minsan pala kailangang talagang takpan ng galit ang tunay na nararamdaman.
Like they said, a defense mechanism is the only way out to escape, after all.
To intact his dignity and pride as a man.
Tumayo na s'ya at handa na sanang umalis ng hindi pa rin ito nagsalita. Pero saglit lang..
"Sir! H'wag n'yo naman sana akong paalisin sa ganitong paraan, nakikiusap po ako! Bigyan n'yo pa ako ng isa pang pagkakataon." Mariing pakiusap nito na halos maiyak na. Saglit na natigilan si Joaquin at muli itong nagsalita.
"Alam mo kung anong gusto ko at hindi na iyon magbabago pa!" May katigasang saad nito at tuloy-tuloy na itong tumalikod.
Habang si Russel ay napatayo na rin, bahagya pa itong yumukod kay Angela at humingi ng pasenya. Tuloy-tuloy na rin itong umalis at sumunod sa amo.
Naiwan si Angela na natitigilan pa rin ar naguguluhan sa mga pangyayari, saglit siyang nag-isip kung hahabulin ba ang mga ito? Pero naisip niya tapos na ang kanyang breaktime at hindi pa niya nagawang kumain sa huli mas pinili na lang niyang bumalik sa kitchen at tapusin ang oras ng trabaho niya ngayong araw.
Beside marami pa namang oras para makausap niya ulit si Joaquin at para muling makiusap dito.
Samantala sa loob ng Hotel tuloy-tuloy lang si Joaquin sa paglalakad, hanggang sa makarating ito sa tapat ng elevator. Saglit muna siyang tumayo doon at nag-isip, habang pasuklay na hinagod niya ng dalawang kamay ang buhok papunta sa batok na tila naguguluhan sa gagawin. Habang si Russel na kasunod niya ay hindi malaman ang gagawin, kung lalapitan o kakausapin ba ang kanyang boss?
Mas pinili ni Russel na kausapin na si Joaquin ng matagal na itong nakatayo lang sa harap ng elevator. Mabuti na lang wala pang tao ng sandaling iyon. Kun'di tulad niya magtataka din ito sa ikinikilos ng amo. "Boss okay ka lang ba?" Hindi ito sumagot pero saglit itong nagbuntong-hininga at pinindot ang buton pataas ng elevator, sa isip ni Russel marahil gusto na nitong magpahinga at magkulong ng kwarto nito sa 8th floor. Kaya nakahinga na rin siya nang maluwag at prenteng sumunod dito.
Nang bumukas ang elevator deretso itong pumasok sa loob, kaya agad na ring pumasok si Russel kasunod nito. Muling pinindot ni Joaquin ang buton pataas. "Boss, nalimutan mong pindutin 'yun 8th floor." Paala ni Russel dito, awtomatikong gumalaw ang kamay nito para sana pindutin ang 8th floor. Pero mabilis itong napigilan ni Joaquin.
"Sa rooptop tayo!" Anito. "Boss?" Si Russel na puno ng pagtataka? After 5 years ngayon lang ulit ito nagyayà sa rooptop o penthouse ng Hotel.
Mula kasi ng mahiwalay siya sa dating nobya, hindi na siya muling pumanhik pa sa Penthouse. Ito kasi ang paborito nilang hangout ni Liscel noon. Narito rin ang lahat ng alaala niya kay Liscel.
Kaya mula noon iniwasan na niyang pumanhik sa Penthouse, naging madalang na rin ang pananatili nila dito sa Venice. Kadalasan tumatagal lang sila dito ng dalawa hanggang tatlong araw. Pero ngayon halos mag-iisang buwan na sila dito, at 'yon ay dahil kay Angela. Lalo na nang malaman niya ang relasyon nito kay Liandro.
Nasa tapat na sila ng Penthouse nang matigilan si Joaquin, napasabunot ito sa ulo ng may naalala. Lumingon ito kay Russel at hinintay itong makalapit. Nang nasa harap na niya ito inilahad niya ang kanyang kamay.
"Nasaan ang susi? Ibigay mo sa'kin." Sabi niya na may pagmamadali.
"Ano Boss?" Tanong ni Russel sa nalilitong tono.
"I said give me the key!" Ulit n'ya sa malakas na boses. Napakamot na lang si Russel sa ulo, alam niyang galit na ang amo. May pagmamadaling inilabas niya ang susi sa kanyang bulsa at iniabot dito. Agad itong inabot ni Joaquin at deretsong sinusian ang pinto papasok sa Penthouse.
Limang taon ang matuling lumipas, bakit nga ba ngayon lang ulit niya naisipang pumanhik dito? Dahil ba nasasaktan pa rin siya hanggang ngayon? Hindi! Ang sagot niya sa tanong sa kanyang isip, ayoko lang maalala pa ang mga katangahan sa buhay ko. Ang mga alaala ng kasinungalingan sa lugar na ito. Lalo na ang alaala ni Liscel.
"Russel"
"Yes, Boss?"
"Gusto kong ipaayos mo ang lugar na ito ipalinis mo, kung maaari gamitan mo ng disinfectant. Alisin mo lahat ng dumi at kalat dito, papinturahan mo ng bago o bilhan mo ng mga bagong gamit bahala ka na! Basta baguhin mo ang lahat-lahat dito. Ayoko ng makakita ng bakas ng nakaraan dito, maliwanag?" Utos niya kay Russel sa tonong kalmado na.
"Yes Boss!" Sagot ni Russel, sa tono ngayon ng kanyang boss alam niyang wala na siyang dapat ipag-alala. Mukhang tapos na rin ang kalbaryo nito.
"Halika na bumaba na tayo, magpabook ka na rin pala ng flight. Babalik na tayo ng Australia bukas."
"Bukas na boss?" Gulat na tanong ni Russel.
"Hindi mo ba ako narinig?" Aniya. Bahagyang napataas ang kanyang boses, ayaw niya kasi ng maraming tanong lalo kung nakapagdesisyon na siya.
"Ok po boss, naiintindihan ko na po." Mabilis na sagot na lang ni Russel dito. Ayaw na niyang magalit pa ulit ang kanyang boss.
_____//__
Nakahiga na si Angela sa loob ng kanyang kwarto upang sana ay magpahinga na, pero hindi pa rin siya dalawin ng antok. Kanina lang kausap niya ang maglolo, pero maaga niyang pinutol ang kanilang pag-uusap. May pasok pa kasi si VJ bukas pumapasok na kasi ito sa kinder school, bukod doon ayaw niyang mahalata ni Liandro na problemado siya. Kaya kinailangan niyang putulin agad ang kanilang pag-uusap, kahit gusto pa niyang makipagkwentuhan sa mga ito.
Gusto niya kapag nagkukwento si VJ ng tungkol sa pag-aaral nito. Bata pa lang makikita na ang katalinuhan ng kanyang anak, mahusay ito pagdating sa numero. Madalas sabihin ng lolo nito na manang mana ito sa ama.
Pero nasaan ba ang ama nito? Pareho lang din ito ng ina ni VJ na walang pakialam sa kanyang anak. Minsan naiisip niya sana siya na lang ang totoong naging ina nito. Dahil hindi niya ipagpapalit si VJ sa kahit anuman sa mundo, lalo na ang iwanan ito. Kung alam lang nila ang mga panahong sinayang nila para makasama ang bata. Napabuntong hininga na lang siya sa isiping 'yon at napailing.
But in a contrary, it's good for her anyway. Dahil nagkaroon siya ng pagkakataon na maging ina ni VJ. "As long as they cannot exist to pursue their responsibility, mas mabuti para sa kanya. Kung maaari nga lang sana, mas gugustuhin niyang manatili na lang sa ganito ang lahat." Bulong niya sa sarili.
Dahil hindi pa rin siya makaramdam ng antok kaya naisipan niyang tawagan muna si Joseph, upang kumustahin na rin ito. Agad naman itong sumagot sa kabilang linya matapos niyang idial ang number nito.
"Hello Gelay napatawag ka may problema ba?" Sagot agad nito sa kabilang linya.
"Hala! Problema agad hindi ba pwedeng nangungumusta lang hindi kasi ako makatulog e?" Aniya.
"So, problema nga 'yan hindi ka makatulog e?" Anito.
"Ganu'n na ba ako ka-transparent sayo halata agad?" Muli kunwa'y tanong niya.
"Hmmm, oh' com'on tell me what's the problem?" Muling tanong nito.
"Nope, wala naman talaga akong problema. I'm okay na-miss lang talaga kita, ikaw kumusta ka na?" Aniya.
"Sure?" Paniniguro pa nito, nakalimutan niya mas matunog nga pala ito kumpara kay Liandro. Bukod pa sa kabisado nito ang galaw niya.
Dumaan ang ilang saglit na hindi pa rin ito nagsasalita. Alam niyang nag-iisip ito. Hanggang sa may narinig siyang nagsalita na kausap nito, kung saan ito naroroon ngayon.
Si Joseph habang nasa loob ng opisina nito kausap si Angela sa telepono, nang may marahang kumatok sa pintuan.
"Tok, tok." Sandaling nagpalingon kay Joseph ng makarinig siya ng bahagyang katok sa pinto, na tila ingat na ingat. Ngunit nakuha na nito ang kanyang atensyon. Saglit siyang napahinto sa sana'y pagsagot niya sa kabilang linya. "Sino 'yan?" Pasigaw na tanong niya dito.
"Ako po ito sir!" Sagot nito sa kabila ng sarado pang pinto.
"Tumuloy ka na bukas 'yan!" Sagot ni Joseph dito na tila kilala na ito.
"Nandito na po ang kape n'yo sir." Sagot nito matapos tuloy-tuloy na pumasok sa loob ng kanyang opisina. Para ibaba nito ang mainit na kape sa kanyang mesa. Agad naman niyang nalanghap ang aroma ng mabangong kape na ginawa nito, nakatulong para lalong mabuhay ang kanyang diwa ng umagang iyon. Maaga kasi s'yang nagising nang tingnan n'ya ang oras 6:30 ng umaga.
"Meron ka pa bang kailangan sir, gusto mo bang igawa kita ng sandwich?" Muling tanong pa nito ng nakangiti.
"Nope! Okay na itong kape salamat, sige na lumabas ka na may kausap ako." Sabi nito, na tila ba gusto nang itaboy ang kausap? Sabay paikot nito ng swivel chair na kinauupuan patalikod sa kaharap.
Kung kaya hindi na niya nakita ang biglang paglungkot ng mukha nito. Dahil tila napahiya at parang maiiyak pa, narinig pa nito ang muli niyang pagsasalita bago ito tumalikod.
"Hello, Angela nandiyan ka pa ba?" Aniya.
"Angela na naman, nakakainis!" Bulong pa nito sa isip at tuloy-tuloy nang lumakad palabas. Nang hindi sinasadyang napalakas ang pagsara nito ng pinto. Bahagyang nagulat man si Joseph sa ginawa nito, hindi na lang n'ya ito pinansin.
Sa kabilang linya..
"Sino 'yun kausap mo?" Tanong ni Angela.
"Ah, wala 'yun isa sa mga tao ko dito sa site." Aniya.
"Babae?" Tanong ni Angela.
"Ha? Hindi ah!hahaha, anong babae ka d'yan? Paano mo naisip na babae 'yun? Lalaki 'yun si Maru'. Kung makikita mo lang s'ya lalaking lalaki ang dating n'ya, palibhasa kabataan pa kaya sunod sa uso maski gupit ng kanyang buhok. Kahit pawisan 'yun sa pagbubuhat ng semento at bakal, lutang pa rin ang kagwapuhan ng loko kaya madaming nagkakagusto. Dalawa nga lang kaming gwapo dito e'. Pero kahit masarap din siyang magtimpla ng kape, s'yempre hindi naman kita ipagpapalit du'n." Mahabang paliwanag ni Joseph kay Angela.
"Grabe s'ya! Tanong ko lang naman kung babae, ang haba ng paliwanag n'ya?" Si Angela na natatawa.
"Naikwento ko na rin, ang totoo magaan ang loob ko sa batang 'yun! Gusto ko s'yang tulungan ulila na kasi s'ya at walang ibang matutuluyan. Baka isama ko siya sa Manila kapag tapos ng project namin dito" Paliwanag pa ni Joseph.
"Ganu'n ba? Bakit hindi mo na lang siya isama sa Batangas? Para pag-uwi ko diyan, matutulungan kita sa pagsubaybay sa kanya." Sabi naman ni Angela.
"Hayaan mo sasabihin ko sa kanya, mabuti pa matulog ka na gabing-gabi na d'yan. Uminom ka ng gatas at pilitin mong makatulog. Maaga pa ang pasok mo bukAs 'di ba?" Putol na paalala niya sa kanilang pag-uusap.
"Sige na nga, medyo inaantok na rin naman ako. Ok good morning d'yan! Mag-almusal ka h'wag puro kape ha?" Paalala din ni Angela dito.
Pagkatapos ni Angela magpaalam pinatay na nito ang tawag. Habang si Joseph hindi pa rin mawala ang ngiti sa labi, sa isip ang ganda naman ng umaga ngayong araw.
Kinabukasan..
Kahit gabi nang nakatulog si Angela maaga pa rin siyang pumunta sa Hotel. Nais kasi niyang muling makausap muna si Mr. Dawson. Bago ang duty n'ya sa Hotel. Deretso na siyang pumanhik sa 8th floor sa suite nito.
Kakatok na sana siya sa pinto nang kusang bumukas ito. Isang chamber maid ang lumabas mula dito. "Excuse me, can I ask if Mr Dawson's inside?" Tanong niya dito.
"Sorry Madam but they are no longer here."
"But where is he?" Tanong niya.
"They had left about an hour ago."
"But, where did they go?" Tanong pa niya.
"Sorry madam, but I don't know. As far as I know, they brought all their stuff here. And maybe they'll never come back again." Sabi nito
"What?"
* * *
#LadyGem25